Sa ekonomika, ang batas ni Okun ay isang empirikal na kaugnayan ng kawalang-trabaho at pagkalugi sa produksyon ng isang bansa. Ipinangalanan ito kay Arthur Melvin Okun, ang unang nagmungkahi ng kaugnayan noong 1962.[1] Binabanggit ng "bersyong paagwat" (gap version) na sa bawat 1% pagsulong sa antas ng kawalang-trabaho, ang GDP ng isang bansa ay magiging mas mababa nang halos 2% kumpara sa potensyal na GDP nito. Inilalarawan ng bersyong pakaibhan (difference version)[2] ang kaugnayan ng pagbabago ng kawalang-trabaho kada tatlong buwan at pagbabago sa GDP real kada tatlong buwan. Pinagtatalunan ang katatagan at kapakinabangan ng batas na ito.[3]

Tinatantya na talangguhit ng tatluhang buwan na datos ng US (di-isinataon) mula 1948 hanggang 2016 ang isang anyo ng bersyong pakaibhan ng batas ni Okun: % Pagbabago ng GDP = 3.2 - 1.8*(Pagbabago ng Antas ng Kawalang-Trabaho). R^2 of .463. Ang mga pagkakaiba mula sa mga ibang resulta ay bahagyang dahil sa paggamit ng tatluhang buwan na datos.

Di-perpektong kaugnayan

baguhin

Maaaring mas tumpak tawaging "alituntunin ni Okun" ang batas ni Okun dahil isa itong pagtatantya batay sa empirikal na obserbasyon sa halip ng resultang hango sa teorya. Aproksimado ang batas ni Okun dahil nakaaapekto sa awtput ang mga ibang salik sa halip ng kawalang-trabaho, tulad ng produktibidad. Sa orihinal na pahayag ni Okun ukol sa kanyang batas, ang 2% pagsulong sa awtput ay naaayon sa 1% pagbaba sa antas ng siklikal na kawalang-trabaho; 0.5% pagtaas sa pakikilahok ng lakas-paggawa; 0.5% pagtaas sa pinagtrabahuang oras ng bawat empleyado; at 1% pagsulong sa awtput sa bawat pinagtrabahuang oras (produktibidad ng paggawa).[4]

Binabanggit ng batas ni Okun na ang isang puntong pagtaas sa antas ng siklikal na kawalang-trabaho ay may kaugnayan sa dalawang bahagdang puntos ng negatibong paglago sa GDP real. Nag-iiba-iba ang kaugnayan depende sa bansa at panahon na ikinukunsidera.

Sinubok na ang kaugnayan sa pagregreso ng pagsulong ng GDP o GDP sa pagbabago sa antas ng kawalang-trabaho. Tinaya ni Martin Parchowny ang 3% pagbaba sa awtput sa bawat 1% pagtaas sa antas ng kawalang-trabaho.[5] Gayunman, ikinatuwiran niya na karamihan ng pagbabago sa awtput ay talagang dahil sa mga pagbabago ng mga salik maliban sa kawalang-trabaho, tulad ng paggamit ng kapasidad at pinagtrabahuang oras. Kapag pinanatiling konstante ang mga ganitong salik, humihina ang kaugnayan ng kawalang-trabaho at GDP nang halos 0.7% sa bawat 1% pagbabago sa antas ng kawalang-trabaho. Ang kalakhan ng pagbaba ay waring nababawasan sa paglipas ng panahon sa Estados Unidos. Ayon kina Andrew Abel at Ben Bernanke, ang mga taya batay sa datos nitong mga nakaraang taon ay nagbibigay ng halos 2% pagbaba sa awtput sa bawat 1% pagtaas sa kawalang-trabaho.[6]

May ilang dahilan kung bakit maaaring tumaas o bumaba nang mas mabilis ang GDP kaysa sa pagbaba o pagtaas ng kawalang-trabaho:

Habang tumataas ang kawalang-trabaho,

  • pagbawas sa epekto ng pagpaparami na inilikha ng pag-iikot ng pera mula sa mga empleyado
  • maaaring umalis ang mga taong walang trabaho sa lakas-paggawa (huminto sa paghahanap ng trabaho), pagkatapos nito ay hindi na sila binibilang sa mga estadistika ng kawalang-trabaho
  • maaaring magtrabaho ng mas maiikling oras ang mga manggagawa
  • maaaring bumaba ang produktibidad ng paggawa, marahil dahil pinananatili ng mga maypagawa ang mas maraming mga manggagawa kaysa sa kailangan nila

Isang pahiwatig ng batas ni Okun ay ang pagtaas sa produktibidad ng paggawa o paglaki ng lakas-paggawa ay maaaring mangahulugan na lumalaki ang real na netong awtput na hindi bumababa ang netong antas ng kawalang-trabaho (ang kababalaghan ng "paglago na walang trabaho").

Napagkakamalan minsan ang batas ni Okun sa kalso ni Lucas.

Mga pahayag sa matematika

baguhin

Maaaring isulat ang bersyong paagwat ng batas ni Okun (Abel & Bernanke 2005) bilang:

 , kung saan
  •   ang totoong awtput
  •   ang potensyal na GDP
  •   ang totoong antas ng kawalang-trabaho
  •   ang likas na antas ng kawalang-trabaho
  •   ang salik na nag-uugnay ng mga pagbabago sa kawalang-trabaho sa mga pagbabago sa awtput

Noong Estados mula 1955 o higit pa, ang halaga ng c ay karaniwang naging mga 2 o 3, gaya ng ipinaliwanag sa itaas.

Mahirap mapakinabangan ang bersyon ng agwat ng batas ni Okun na ipinapakita sa itaas, dahil maitatantya lang ang  at  , hindi maisusukat. Isa pang mas ginagamit na anyo ng batas ni Okun, kilala bilang anyong pakaibhan o paantas ng paglago (difference/growth rate form) ng batas ni Okun, ay nag-uugnay ng mga pagbabago sa awtput sa mga pagbabago sa kawalang-trabaho:

 , kung saan:
  •   at   ay tulad sa tinukoy sa itaas
  •   ang pagbabago sa totoong awtput mula isang taon hanggang sa susunod
  •   ang pagbabago sa totoong kawalang-trabaho mula isang taon hanggang sa susunod
  •   ang balasak na taunang antas ng paglago ng buong-empleo na awtput

Sa kasalukuyang panahon sa Estados Unidos, halos 3% ang k at halos 2 ang c, kaya maaaring isulat ang ekwasyong

 

Inilalarawan ng talangguhit sa itaas nitong artikulo ang anyong paantas ng paglago ng batas ni Okun, na may pagsusukat na tatluhang-buwan sa halip na taunan.

Deribasyon ng anyong paantas ng paglago

baguhin

Nagsisimula tayo sa unang anyo ng batas ni Okun:

 
 

Sa pagkuha ng taunang kaibhan sa magkabilang panig, nakukuha natin ang

 

Sa paglagay ng parehong mga numerador sa ibabaw ng iisang denominador, nakukuha natin ang

 

Sa pagpaparami ng kaliwang panig ng  , na halos katumbas ng 1, nakukuha natin ang

 
 

Ipinapalagay natin na ang  , ang pagbabago sa likas na antas ng kawalang-trabaho, ay halos katumbas ng 0. Ipinapalgay rin natin na ang  , ang antas ng paglago ng awtput ng buong empleo, ay halos katumbas ng balasak na halaga nito o  . Kaya't sa wakas ay nakukuha natin ang

 

Kapakinabangan

baguhin

Sa paghahambing ng tunay na datos at ng pagtatayang teoretikal, napapatunayang kapaki-pakinabang[kailangang linawin] ang batas ni Okun sa paghuhula ng mga kalakaran sa pagitan ng kawalang-trabaho at GDP real. Gayunman, karaniwang di-tumpak ang kawastuhan ng datos na ibinibigay ng batas ni Okun kumpara sa mga numero sa totoong buhay. Ito ay dahil sa mga bariansa sa koepisyente ni Okun. Ipinapalagay ng marami, kabilang dito ang Reserve Bank of Australia, na katanggap-tanggap naman ang impormasyon na ibinibigay ng Batas ni Okun.[7] Gayundin, nahinuha rin ng ilan na ang batas ni Okun ay waring mas tumpak sa mga panandaliang hula kaysa sa mga pangmatagalang hula. Ipinalagay ng mga tagapaghula[sinong nagsabi?] na totoo ito dahil sa mga di-inaasahang kondisyon sa merkado na makaaapekto sa koepisyente ni Okun.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Okun, Arthur M. "Potential GNP: Its Measurement and Significance [Potensyal na GNP: Pagsusukat at Kahalagahan Nito] (sa wikang Ingles)," American Statistical Association, Proceedings of the Business and Economics Statistics Section 1962. Reprinted with slight changes in Arthur M. Okun, The Political Economy of Prosperity (Washington, D.C.: Brookings Institution, 1970)
  2. Knotek, 75
  3. Knotek, 93
  4. Okun, 1962
  5. Prachowny, Martin F. J. (1993). "Okun's Law: Theoretical Foundations and Revised Estimates" [Batas ni Okun: Mga Pundasyong Teoretikal at mga Binagong Tantya]. The Review of Economics and Statistics (sa wikang Ingles). 75 (2): 331–336. doi:10.2307/2109440. ISSN 0034-6535.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Abel, Andrew; Bernanke, Ben (2005). Macroeconomics [Makroekonomiko] (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) edisyon). Boston: Pearson/Addison Wesley. ISBN 0-321-16212-9. OCLC 52943097.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Lancaster, David; Tulip, Peter (2014–2015). "Okun's Law and Potential Output" [Batas ni Okun at Potensyal na Awtput] (PDF).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)