Ang Bellagio (Italian: [belˈlaːdʒo]; Comasco: Belàs [beˈlaːs]) ay isang comune (komuna o munisipalidsad) sa Lalawigan ng Como sa rehiyon Lombardia ng hilagang Italya. Matatagpuan ito sa Lawa Como, na kilala rin sa pangalan nitong Lario na nagmula sa Latin, na ang mga braso ay bumubuo ng isang baligtad na Y. Ang tatsulok na masa ng lupa sa base ng baligtad na Y ay ang Trianggulong Lariano: sa hilagang bahagi nito ay matatagpuan ang Bellagio, na nakatingin sa kabila ang hilagang braso ng lawa at, sa likod nito, ang Alpes. Ito ay palaging sikat sa lokasyon nito.  Ito ay kabilang sa isang bulubunduking pamayanan na pinangalanang Comunità montana del Triangolo lariano (bulubunduking pamayanan ng Trianggulong Lariano), na nakabase sa Canzo.

Bellagio

Belàs (Lombard)
Comune di Bellagio
Lokasyon ng Bellagio
Map
Bellagio is located in Italy
Bellagio
Bellagio
Lokasyon ng Bellagio sa Italya
Bellagio is located in Lombardia
Bellagio
Bellagio
Bellagio (Lombardia)
Mga koordinado: 45°59′N 09°15′E / 45.983°N 9.250°E / 45.983; 9.250
BansaItalya
RehiyonLombardia
LalawiganComo (CO)
Mga frazioneAureggio, Begola, Borgo, Breno, Brogno, Cagnanica, Casate, Cascine Gallasco, Cassinott, Cernobbio, Chevrio, Civenna, Costaprada, Crotto, Guello, Guggiate, Loppia, Makallé, Neer, Oliverio, Paum, Pescallo, Piano Rancio, Prà Filippo, Regatola, Rovenza, San Giovanni, San Primo, San Vito, Scegola, Suira, Taronico, Vergonese, Visgnola
Pamahalaan
 • MayorAngelo Barindelli
Lawak
 • Kabuuan26 km2 (10 milya kuwadrado)
Taas
229 m (751 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[1]
 • Kabuuan3,747
 • Kapal140/km2 (370/milya kuwadrado)
DemonymBellagini (it.); Belagìn (west.lmo.)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
22021
Kodigo sa pagpihit031
Santong PatronSatiago
Saint dayHulyo 25
Websaytcomune.bellagio.co.it

Heograpiya

baguhin
 
Isang tanaw sa ibabaw ng Bellagio na nakatingin sa kahabaan ng dakong Como ng lawa.

Matatagpuan ang Bellagio sa kabo ng kalupaan na naghahati sa Lawa Como sa dalawa. Ang sentro ng lungsod ay sumasakop sa dulo ng promontoryo, habang ang ibang mga distrito ay nakakalat sa mga baybayin ng lawa at pataas sa mga dalisdis ng mga burol. Ang mga dakilang glasyasyon ng Plestoseno kasama ang kanilang mga kahanga-hangang daloy na nagmumula sa Valtellina at Valchiavenna ay nagmodelo sa aktuwal na tanawin ng Lawa Como: hindi bababa sa apat na beses na ang mga glacier ay umabot hanggang sa Brianza sa timog. Mula sa sinaunang glasyal na blanket tanging ang pinakamataas na tuktok ang lumitaw, isa sa mga ito ang Bundok San Primo, na nag-obliga sa mga glasyer na hatiin sa dalawang braso.

Sa ngayon, ang karangyaan ng mga puno at bulaklak ay pinapaboran ng banayad at matamis na klima. Ang katamtamang temperatura sa araw sa panahon ng taglamig ay bihirang mas mababa sa 6 hanggang 7 °C (43 hanggang 45 °F), habang sa tag-araw ay nasa 25 hanggang 28 °C (77 hanggang 82 °F), na pinapawi sa hapon ng katangiang breva, ang banayad na simoy ng Lawa ng Como.

Kakambal na bayan

baguhin

Ang Bellagio ay isang tagapagtatag na kasapi ng Douzelage, isang natatanging samahan ng pagkakambal ng mga bayan ng 24 na bayan sa buong Unyong Europeo. Ang aktibong pagkakambal ng mga bayang ito ay nagsimula noong 1991 at may mga regular na kaganapan, tulad ng isang merkado ng ani mula sa bawat isa sa iba pang mga bansa at pista.[2][3] Ang mga talakayan tungkol sa pagiging miyembro ay nasa kamay din ng tatlong karagdagang bayan (Agros sa Tsipre, Škofja Loka sa Slovenia, at Tryavna sa Bulgarya).

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Douzelage.org: Home". www.douzelage.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-18. Nakuha noong 2009-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Douzelage.org: Member Towns". www.douzelage.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-06. Nakuha noong 2009-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Karagdagang pagbabasa

baguhin
  • Paul the Deacon, tr. W.D. Foulke & ed. Edward Peters (1974). History of the Langobards. University of Pennsylvania. ISBN 9780812210798.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) 
  • Balbiani, Antonio (1877). Como, il suo lago, le sue valle e la sue ville.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) The source of many historical details of Como, its lake and villas; as well as Bellagio.
  • Parry, G. S. (Enero–Hunyo 1907), "Inscriptions at Bellagio [foreigner's cemetery], Italy", Notes and Queries, Tenth, bol. VII, pp. 61–62{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Stendhal (2010). Rome Naples and Florence. London: Calder Books. ISBN 978-0714543444.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) 
baguhin

Padron:Lago di Como