Paano gumamit ng mga subtitle, caption, o pumili ng wika ng audio
Mababago mo ang mga subtitle, caption, at wika ng audio ng maraming TV show at pelikula. Ipinapakita ng Netflix ang 5-7 nauugnay na wika sa sa mga TV at TV-connected na device batay sa lokasyon at settings ng wika mo. Para sa iPhone, iPad, mga Android phone at tablet, at mga web browser, makikita mo ang lahat ng available na wika ng isang title. Para sa mga download, ipinapakita ng Netflix ang 2 pinakanaaangkop na wika.
Paalala:Posibleng makakita ka ng mga subtitle kahit naka-off ang subtitle settings mo habang nanonood ka ng mga TV show at pelikula na may dialogue na iba sa orihinal na wika ng title.
Para gumamit ng mga subtitle, caption, o pumili ng wika ng audio:
Buksan ang Netflix at simulang mag-play ng TV show o pelikula.
Gawin ang aksyong nakalista para sa device mo:
Device | Aksyon |
Mga mobile phone o tablet, computer | I-tap o i-click ang screen |
Smart TV, mga Blu-ray player, cable box, gaming system, streaming media player | Pindutin ang up o down arrow sa remote. |
Apple TV | Mag-swipe up o pindutin ang up arrow sa Apple TV remote mo. |
3. Sa alinman sa itaas o ibaba ng screen, piliin ang Audio at Mga Subtitle. Sa mga TV, posibleng makita ang mga option sa wika sa ibaba nang walang icon. Puwede kang pumili sa mga wika na ipinapakita o piliin ang Iba pa para makita ang lahat ng option sa wika.
4. Palitan ang mga napili mong audio o subtitle.
Tandaan:Hindi nase-save ang mga preference sa subtitle at audio kapag karamihan sa mga Pambatang title ang pinapanood mula sa pangmatandang profile. Nase-save ang mga ito kapag mula sa Pambatang profile nanonood. Kung kailangan mong i-reset ang audio mo tuwing sinusubukan mong manood, mag-play ng title na may maturity rating na Teens o mas mataas sa loob ng 2-3 min para mai-set ang gusto mong wika ng audio. Ise-save nito ang settings mo para sa susunod mong panonood.
Puwede mo ring baguhin ang hitsura ng mga subtitle at closed caption sa mga device mo.
Para sa mga title na may Subtitles para sa mga bingi at hirap sa pandinig (SDH), hanapin ang SDH badge sa page ng mga detalye ng title.
Paalala:May ilang TV show na baka walang SDH para sa lahat ng season o episode.
Kung walang SDH na available ang title, posibleng i-default ka sa mga subtitle na may dialogue lang at walang context tulad ng mga tunog o musika.