Si Alfredo Siojo Lim (Mandarin: 林雯洛, Lín Wénluò) ay isang politiko at ang dating alkalde sa lungsod ng Maynila. Siya ay ipinanganak noong ika-21 ng Disyembre, 1929[4]. Dati siyang senador ng Pilipinas at binitawan ang pwesto upang kumandidato bilang alkalde ng Maynila. Una siyang nagsilbi bilang alkalde ng Maynila noong 1992 hanggang 1998 kung saan 250,000 tao mula sa Maynila ang bumoto sa kanya. Muli siyang naluklok sa pwesto noong taong 2007.[4]

Alfredo Lim
Si Alfredo Lim sa Mendiola na nakikipanayam sa mga taga-ulat
Kapanganakan21 Disyembre 1929
    • Ospital ng Maynila Medical Center[1]
  • (Malate, Maynila, Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan8 Agosto 2020
MamamayanPilipinas
NagtaposPamantasan ng Silangan[2]
Dalubhasaan ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas[2]
Trabahopolitiko, pulis[2]
OpisinaKalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal (10 Enero 2000–20 Enero 2001)[3]

Si Alfredo Lim ay ipinanganak sa Maynila. Nagtapos siya ng sekondarya sa Pamantasan ng Dulong Silangan noong 1948. Nagtapos siya ng batsilyer sa pangangasiwa sa negosyo noong 1951 at batsilyer sa batas noong 1963, ang mga tungkuling ito ay mula sa Pamantasan ng Silangan.

Buhay Politika

baguhin
Alkalde ng Maynila (1992-1998)

Noong 1992, tinalo niya ang anim na kalaban sa pagka-alkalde ng Maynila.[4] Sa kanyang termino, ipinatupad niya ang mga batas at alituntunin na nagpababa sa tala ng krimen. Dahil dito, tinagurian siyang "Dirty Harry". Nagpatupad din siya ng ilang proyekto upang mapaganda ang imahe ng Maynila. Muli siyang nahalal noong 1995 at pinagpatuloy ang termino hanggang 1998. Naluklok siya muli sa pwesto noong 2007 at matatapos ang kanyang termino ng 2010.

Kandidatura sa pagkapangulo (1998)

Tumakbo siya sa pagkapangulo sa ilalim ng Liberal Party na nakakuha ng 8.7 bahagdan ng lahat ng boto at naging panglima sa labing-isang kandidato. Naging kalihim siya ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa termino ni Pangulong Estrada hanggang magtapos ang termino ni Estrada.

Pagiging senador (2007)

Nanalo siya bilang Senador noong 2004. Ninais niyang maging mandatory ang ROTC subalit hindi siya nakakuha ng mga susuporta sa panukalang ito. Epektibo noong ika-30 ng Hunyo 2007, ang kanyang posisyon sa Senado, na dapat ay pagsisilbihan niya hanggang ika-30 ng Hunyo, 2010. Pero kumandidato siya bilang alkalde ng Maynila at iniwanan ang posisyon.

Sanggunian

baguhin
  1. "Remembering Alfredo Lim, the Manila cop they called 'Dirty Harry'". CNN Philippines. 9 Agosto 2020. Nakuha noong 10 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "The legacy of Mayor Lim". Manila Bulletin. 8 Agosto 2020. Nakuha noong 8 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Ex-Manila Mayor Alfredo Lim dies at 90". CNN Philippines. 8 Agosto 2020. Nakuha noong 8 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 "The first 100 days of Mayor Lim". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-30. Nakuha noong 2009-06-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)