Ang American Girl ay isang linya ng mga laruang manika na inilabas noong 1986 ng Pleasant Company. Ang mga manika ay pumapapel sa mga siyam hanggang labing-isang taong gulang na batang babae sa Amerika na naggaling sa ibat-ibang mga lahi. Sila ay ibinibenta na may kasamang libro na sumusentro sa kanilang mga buhay.

Logo ng American Girl.

Noong una ang mga manika ng kompanya ay sumusentro sa ibat-ibang yugto ng kasaysayan ng Estados Unidos, pero noong 1995 ay naglabas sila ng mga karakter at kuwento mula sa makabagong panahon.

Ang Pleasant Company ay ititatag noong 1986 ni Pleasant Rowland, isang dating guro at negosyante. Ibinenta niya ang kompanya noong 1998 sa Mattel, na kilala sa kanilang Barbie at Hot Wheels na linya ng mga laruan.

Inanunsiyo ng Mattel noong Oktubre 2013 na sa pakikipagtulungan ng Indigo Books and Music[1] ay magtatayo sila ng mga bagong sangay ng American Girl Place sa Toronto at Vancouver, Canada.[2][3] Sinabi din nila na meron din silang balak na ilabas ang kanilang mga manika at iba pang laruan sa ibang lugar tuald ng Europa at Latin America.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Strauss, Marina (29 Oktubre 2013). "American Girl dolls coming to Canada's Indigo stores". The Globe and Mail. Nakuha noong 30 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Step aside, Barbie. American Girl dolls coming to Canada". Toronto Star. Nakuha noong 30 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "American Girl debuts in Canada with boutiques in two Indigo stores". Financial Post. Nakuha noong 30 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Mattel sends American Girl abroad - Behind the Storefront". MarketWatch. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-31. Nakuha noong 30 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan, Kalinangan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.