Baler
Ang Bayan ng Baler (pagbigkas: ba•lér) ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Aurora, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 43,785 sa may 10,197 na kabahayan. Sentro ng politika at ng ekonomiya ng lalawigan ng Aurora ang bayan ng Baler.
Baler Bayan ng Baler | |
---|---|
Mapa ng Aurora na nagpapakita sa lokasyon ng Baler. | |
Mga koordinado: 15°45′30″N 121°33′45″E / 15.75833°N 121.5625°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Gitnang Luzon (Rehiyong III) |
Lalawigan | Aurora |
Distrito | Mag-isang Distrito ng Aurora |
Mga barangay | 13 (alamin) |
Pagkatatag | 19 Agosto 1609 |
Pamahalaan | |
• Manghalalal | 28,138 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 92.55 km2 (35.73 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 43,785 |
• Kapal | 470/km2 (1,200/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 10,197 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-3 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 14.37% (2021)[2] |
• Kita | (2020) |
• Aset | (2020) |
• Pananagutan | (2020) |
• Paggasta | (2020) |
Kodigong Pangsulat | 3200 |
PSGC | 037701000 |
Kodigong pantawag | 42 |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima |
Mga wika | Wikang Hilagang Alta wikang Tagalog Wikang Iloko |
Websayt | baler-aurora.gov.ph |
Sa bayang ito ipinanganak ang unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon.
Kasaysayan
Himagsikang Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano
Noong nagsimula ang Himagsikang Pilipino, noong Septyembre 7, 1897, nagsimula ang pag-aalsa ang mga taga-Baler. Sila ay nagpunitan ng mga cedula sa lungsod.
Noong 4 Oktubre 1897, umatake ang mga nag-aalburutong mga rebeldeng Tagalog na kaalyado ng Katipunan sa isang garison sa Baler. 7 na Kastila at 11 Katipunero ang nasawi sa labanang ito.
Makalipas ang tatlong buwan, ipinadala ng mga Kastila ang ika-2 Batalyong Expedisyunaryo sa Baler ngunit natagpuan nilang nagsi-alisan na ang mga rebeldeng Tagalog sa lugar.
Hindi nagtagal bago umatake nanaman ang ating mga bayani sa Baler noong 30 Hunyo 1898. Kinubkob nila ito noong ika 1-ng Hulyo ngunit dahil sa pagka-ayaw ng mga Kastila na sumuko sa mga Tagalog ay pinagpatuloy nila ang labanan ng mahigit 11 na buwan. Sumuko sila noong 2 Hunyo 1899 habang nagsisimula na ang Digmaang Pilipino-Amerikano.
Panahon ng mga Amerikano
Noong 1901, isinama nila ang Baler at ang kabuuan ng lalawigan ng El Principe sa lalawigan ng Tayabas (Quezon sa kasalukuyan).
Mga Barangay
Ang bayan ng Baler ay nahahati sa 13 mga barangay.
- Barangay I (Pob.)
- Barangay II (Pob.)
- Barangay III (Pob.)
- Barangay IV (Pob.)
- Barangay V (Pob.)
- Buhangin
- Calabuanan
- Obligacion
- Pingit
- Reserva
- Sabang
- Suklayin
- Zabali
Mga larawan
-
Simbahan ng Baler
-
Look ng Baler
-
Museo de Baler
Demograpiko
Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 2,417 | — |
1918 | 3,413 | +2.33% |
1939 | 11,887 | +6.12% |
1948 | 17,182 | +4.18% |
1960 | 10,350 | −4.14% |
1970 | 14,632 | +3.52% |
1975 | 16,046 | +1.87% |
1980 | 18,349 | +2.72% |
1990 | 24,689 | +3.01% |
1995 | 26,919 | +1.63% |
2000 | 29,923 | +2.29% |
2007 | 34,492 | +1.98% |
2010 | 36,010 | +1.58% |
2015 | 39,562 | +1.81% |
2020 | 43,785 | +2.01% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Mga sanggunian
- ↑
"Province: Aurora". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Aurora". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)