Si Dra. Christine Darden (ipinanganak noong Setyembre 10, 1942, bilang Christine Mann) ay isang Amerikanang dalubbilang, analista ng data, at eronautikong inhinyera na naglaan ng halos lahat ng kanyang 40-taong karera sa erodinamika sa NASA upang magsaliksik ng supersonikong paglipad at sonikong ugong. Mayroon siyang M.S. sa matematika at nagtuturo dati sa Pampamahalaang Unibersidad ng Virginia bago magsimulang magtrabaho sa Lunduyang Saliksik ng Langley noong 1967. Nagkamit siya ng PhD sa inhinyeriya sa Pamantasang George Washington noong 1983 at naglathala ng maraming artikulo sa kanyang larangan. Siya ang unang Aprikanang Amerikana sa Lunduyang Saliksik ng Langley ng NASA na itinaas sa Senior Executive Service, ang pinakamataas na ranggo sa pederal na serbisyong sibil.

Dra. Christine Darden
Dra. Christine Darden sa Unitary Plan Wind Tunnel ng Langley noong 1975. Kredito: NASA
KapanganakanSetyembre 10, 1942
NagtaposPamantasang Hampton, 1962; Pampamalahaang Unibersidad ng Virginia, 1967; Pamantasang George Washington, 1985
Kilala saTeknikal na Pinuno ng Pangkat Sonikong Ugong ng NASA
ParangalDr. A. T. Weathers Technical Achievement Award, 1985

Senior Executive Career Development Fellowship, 1994

Candace Award for Science and Technology from the National Coalition of 100 Black Women, 1987
Karera sa agham
LaranganEronautikong inhinyeriya

Si Darden ay isa sa mga mananaliksik na itinatampok sa aklat na Hidden Figures: The American Dream and the Untold Story of the Black Women Mathematicians Who Helped Win the Space Race (2016), isang kasaysayan ng ilan sa mga maimpluwensyang Aprikanong Amerikanang dalubbilang at mga inhinyera sa NASA sa kalagitnaan ng ika-20 siglo, ni Margot Lee Shetterly.[1]

Maagang buhay at karera

baguhin

Ipinanganak si Christine Mann noong Setyembre 10, 1942 sa paaaralang guro na si Desma l Cheneyand at ahente ng seguro na si Noah Horace Mann Sr. sa Monroe, Hilagang Carolina. Hinikayat siya ng dalawang magulang na magpatuloy sa edukasyon na may kalidad.[2] Simula mula sa tatlong taong gulang, dinala si Darden ng kanyang ina sa kanyang silid-aralan kung saan siya nagturo, at sa apat na taong gulang, naisama si Darden sa kindergarten. Noong elementarya, nagkaroon ng malaking interes si Darden sa pagbabaklas at muling pagbubuo ng mga mekanikal na bagay tulad ng kanyang bisikleta.[3] Natapos ni Darden ang kanyang huling dalawang taon ng paaralang primarya sa Allen High School, isang paaralan pangaserahan sa Asheville, Hilagang Carolina.

Nagtapos siya bilang class balediktoryan noong 1958, pagkatapos nakakatanggap siya ng iskolarsip para mag-aral sa Pamantasang Hampton, isang makasasayang itim na kolehiyo na kilala dati bilang Suriang Hampton. Noong nag-aaral sa Hampton, nakilahok siya sa ilang mga naunang protesta ng Kilusang Karapatang Sibil.[1] Lumahok siya sa ilang mga sit-in ng mga mag-aaral kasama ng kanyang iba pang mga kaibigang Itim.[3] Nagtapos si Mann mula sa Hampton na may B.S. sa Matematika noong 1962. Nagkamit din siya ng sertipikasyon sa pagtuturo, at nagturo ng matematikang pangmataas na paaralan nang saglit.[2]

Noong 1963, pinakasalan ni Mann si Walter L. Darden Jr., isang guro sa gitnang paaralan. Noong 1965 naging katulong sa pananaliksik siya sa Pampamahalaang Kolehiyo ng Virginia at nag-aral ng pisikang erosol. Sa Kolehiyo ng Virigina, nakuha ni Darden ang M.S. noong 1967 at nagturo ng matematika doon.[4]

Sa parehong taon, tinanggap siya ng NASA bilang analista ng data sa Lunduyang Saliksik ng Langley. Nagsimula sa Darden sa "computer pool", nagsasagawa ng mga kalkulasyon bilang isang kompyuter para sa mga inhinyero. Sinimulan niya ang paggagawang awotomatiko ng proseso sa pamamagitan ng pagsulat ng mga programang pankompyuter.

Pagkatapos siya lumipat sa mas maraming eronautikong saliksilk, sa 1973 itinaas si Darden sa posisyon bilang eroespasyong inhinyera sa pamamagitan ng kanyang superiyor John V. Becker. Muntik na siyang matanggal bago iyon.[1] Nagresulta ang kanyang mga maagang pagkatuklas noong dekada 1960 at 1970 sa isang rebolusyon ng disenyong aerodinamika na makagawa ng mga sonikong epekto na may mahinang ugong.[5][6] Noong 1983 nagkamit si Darden ng Ph.D sa inhinyeriya mula sa Pamantasang George Washington.

Noong 1989, hinirang si Darden bilang pinuno ng Sonic Boom Team, isang surkusal ng High Speed Research (HSR) Program. Sa Sonic Boom Team gumawa siya ng mga disenyo upang bawasan ang mga negatibong epekto ng sonikong ugong, tulad ng polusyon sa ingay at pagkaubos ng osono. Sinubukan ng kanyang pangkat ang mga bagong disenyo ng pakpak at ng nguso para sa supersonikong salipaw. Dinisenyo rin niya ang isang programang kompyuter upang gayahin ang sonikong ugong.[4]

Kinansela ng gobyerno ang programa noong Pebrero 1998, na "walang linggal o anunsyo sa pahayagan."[7] Naglalarawan ang isang abstraktong 1998 na inilathala ni Darden ng programa na nakatuon sa "mga kinakailangang teknolohiya para sa pagpapaunlad ng isang makakalikasan, ekonomikang maisasagawang na High-Speed Civil Transport [HSCT]."[8] Nagsulat si Darden ng higit sa 50 mga artikulo sa pangkalahatang larangan ng disensyong eronautiko, na nagdalubhasa sa supersonikong daloy and disenyo ng palapa, pati na rin ang prediksyon at pagbawas ng mga sonikong ugong.

Ang mga "Taong Kompyuter" ng NASA

baguhin

Noong 1935, tinanggap ang mga unang Aprikanang Amerikana na mga dalubbilang bilang mga taong kompyuter sa NASA (National Aeronautics and Space Administration), na kilala dati bilang NACA (National Advisory Committee for Aeronautics).[9] Dahil nasa ibang bansa na nakikipaglaban ang maraming kalalakihan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mas maraming oportunidad sa trabaho ang ibinigay sa mga puti at Aprikanang Amerikana na kababaihan. Naging kilala ang huling magkasosyo bilang "West Area Computers", na tumutukoy sa kanilang hiwalay na opisina. Nagsagawa ang mga taong kompyuter ng mga kalkulasyong pansuporta ng pananaliksik sa paglipad ng eroplano at, mamaya, mga kwitis.[10] Dahil nagkaroon ng paghihiwalay ng lahi ang estado ng Virginia, kung saan natagpuan ang Lunduyang Saliksik ng Langley, sinundan ang mga batas ni Jim Crow sa pasilidad, na matatagpuan malapit sa Hampton. Nagbago ito pagkatapos ng 1964 Civil Rights Act na nagbabawal sa segregasyon.[11]

Ang kolektibo, na dating nakatalaga sa pagpoproseso ng mga iskor ng nakolektang datos ng pagsubok ng paglipad, noong dekada 1940 ay nagkaroon ng reputasyon bilang "taong kompyuter" na mahalaga sa operasyon ng NASA. Noong dekada 1950 at 1960, mas marami sa kababaihang ito ang nakakuha ng mga pagkakataon na tumaas bilang mga teknika at inhinyera.[12]

Nagsimulang magtrabaho si Darden sa computer pool noong 1967 sa NASA, pagkatapos niyang makumpleto ang M.S. sa matematika sa Pampamahalaang Unibersidad ng Virginia at nagturo doon. Nang oras na iyon, lalong ginagamit ang mga kompyuter para sa kumplikadong kalkulasyon upang suportahan ang ihinyeriya at disenyo. Umalis si Darden sa computer pool noong 1989 para sa posisyon bilang inhinyera, nagtatrabaho sa pagpapababa ng sonikong ugong sa supersonikong paglipad. Nagkamit siya ng kanyang PhD noong 1983 (na may suporta mula sa NASA), at naging kilala sa kanyang pananaliksik bilang "isa sa mga nangungunang eksperto sa NASA sa supersonikong paglipad at sonikong ugong."[12] Itinaas si Darden bilang isang tagapangasiwa, at sumulong siya upang maging unang Aprikanang Amerikana sa Langley na ibinigay ng posisyon sa Senior Executive Service, ang pinakamataas na ranggo sa pederal na serbisyong sibil.

Noong Marso 2007, nagretiro si Darden mula sa NASA bilang direktor ng Opisina ng Madiskarteng Komunikasyon at Edukasyon.[kailangan ng sanggunian]

Mga parangal

baguhin

Noong 1985 natanggap ni Darden ang Dr. AT Weathers Technical Achievement Award mula sa National Technical Association. Nakatanggap siya ng Candace Award mula sa National Coalition ng 100 Black Women noong 1987.[kailangan ng sanggunian] Nakatanggap siya ng tatlong Certificate of Outstanding Performance mula sa Lunduyang Saliksik ng Langley: noong 1989, 1991, at 1992.[4]

Noong Enero 28, 2018, natanggap ni Darden ang Presidential Citizenship Award sa Pamantasang Hampton bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon at paglilingkod".[kailangan ng sanggunian]

Nakatanggap si Darden ng honorary degree mula sa Pamantasang Estatal ng Hilagang Carolina noong Disyembre 19, 2018.[13]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Shetterly, Margot Lee (2016). Hidden Figures: The American Dream and the Untold Story of the Black Women Mathematicians Who Helped Win the Space Race. New York, United States: HarperCollins. pp. 202. ISBN 9780062363596.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "NASA - Standing on the Shoulders of a Computer" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Distinguished African American Scientists of the 20th Century.
  4. 4.0 4.1 4.2 Oakes, Elizabeth (2002). International Encyclopedia of Women Scientists. New York: Facts on File. pp. 81–82. ISBN 0-8160-4381-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Darden, Christine. "Sonic Boom Theory: Its Status in Prediction and Minimization". {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  6. Darden, Christine. "Sonic-Boom Minimization With Nose-Bluntness Relaxation". {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  7. Reynolds, Randolph S. (2004). "An Overview of the Demise of NASA's High Speed Research Program". Journal of Aviation/Aerospace Education & Research. 14 (1). Nakuha noong Setyembre 8, 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Darden, Christine (Setyembre 11, 1998). "An Overview of NASA's HSR Program: Environmental Issues and Economic Concerns" (PDF). European Community on Computational Methods in Applied Sciences. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Enero 5, 2017.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Garber, Todd Messer, Claire Rojstaczer, and Steve. "NACA Overview". Nakuha noong 2018-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  10. ""When Computers Wore Skirts:" Katherine Johnson, Christine Darden, and the "West Computers" | American Institute of Physics". Nakuha noong 2016-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Civil Rights Act of 1964 (U.S. National Park Service)". Nakuha noong 2018-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Atkinson, Joe (2015-08-24). "From Computers to Leaders: Women at NASA Langley". NASA Langley. Nakuha noong 2016-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. [1]