Kabite

lalawigan ng Pilipinas

Ang Kabite o Cavite (Kastila at Ingles: Cavite) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa katimugang baybayin ng Look ng Maynila sa rehiyon ng CALABARZON ng Luzon, 30 kilometro sa timog ng Maynila. Imus at Trece Martires ang kabisera nito at ang nanatiling sentro ng pamahalaang panlalawigan kung saan matatagpuan ang kapitolyo. Pinalilubutan ang Kabite ng mga lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas sa timog. Sa kanluran matatagpuan ang Dagat Timog Tsina.

Kabite
Lalawigan ng Kabite
Watawat ng Kabite
Watawat
Opisyal na sagisag ng Kabite
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Kabite
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Kabite
Map
Mga koordinado: 14°16'N, 120°52'E
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon
KabiseraImus
Pagkakatatag1614
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorJuanito Victor C. Remulla
 • Manghalalal2,302,353 na botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan1,574.17 km2 (607.79 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan4,344,829
 • Kapal2,800/km2 (7,100/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
1,096,120
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan7.10% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod0
 • Lungsod4
 • Bayan19
 • Barangay830
 • Mga distrito7
Sona ng orasUTC+8 (PST)
PSGC
042100000
Kodigong pantawag46
Kodigo ng ISO 3166PH-CAV
Klimatropikal na monsoon na klima
Mga wikaCavite Tagalog
wikang Tagalog
Wikang Chavacano
Websaythttp://www.cavite.gov.ph/
Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Cavite.

Etimolohiya

baguhin

Nagmula ang pangalang "Cavite" sa kinastilang salitang tagalog na kawit na pinaikling kalawit, bilang pantukoy sa kalupaan sa tangway ng Kabite na nakausli sa pook ng Maynila.[3] Orihinal na ginamit lang ito sa tangway (Cavite La Punta, ngayon ay Lungsod ng Cavite) at sa mga kalapit na pook (Cavite Viejo, ngayon ay Kawit). Dating kabisera ng lalawigan ang Lungsod ng Cavite hanggang 1954, at gaya ng iba pang mga lalawigan sa Pilipinas na binuo noong panahon ng mga Kastila, ang pangalan ng kabisera ay pangalan na rin ng buong lalawigan.

Demograpiya

baguhin

Populasyon. Ang lalawigan ng Kabite ay may kabuuang populasyon na 3,090,691 base sa 2010 senso.

Wika. Ang mga pangunahing lenguaheng sinasalita ay ang Tagalog, Chabacano at Ingles

Ekonomiya

baguhin

Ang Kabite ay isa sa mga lalawigan mabilis ang pag-angat ng ekonomiya sa Pilipinas dahil sa kalapitan nito sa Metro Manila. Maraming kompanya katulad ng Intel, ay nagtaguyod ng planta sa mga maraming industrial parks.

Anim na SM Malls at apat na Robinsons malls ang matatagpuan sa lalawigan ng Kabite. Ito ay ang SM City Dasmarinas, SM City Bacoor, SM City Molino (matatagpuan din sa Bacoor), SM City Rosario, SM City Trece Martires, SM Center Imus, Robinsons Place Imus, Robinsons Place Dasmariñas, Robinsons Place Tagaytay at Robinson's Place General Trias.

Ang dating pagsasaka ay nalahukan na ng mga industriya at mga kompanya na gumagawa ng ibat ibang produkto na gamit di lang sa bansa kundi para pangangailangan ng teknolohiya sa ibang panig ng daigdig. Ang CEPZA (Cavite Export Processing Zone) ay isa na dito. Gayon pa man, ang kaitaasang bahagi ng Kabite o upland towns ay nanatiling may taniman ng mga kape, paminta at iba ibang bungang kahoy na nakararating sa pamilihan sa kalakhang Maynila at karatig lalawigan, kaya naman patuloy na magiging kasiyahan ng mga dumadaang mga lokal at dayuhang mga turista ang mga prutas tulad ng pinya, papaya, guyabano, niyog at iba pa sa tuwing sila ay napapagawi sa masaganang lalawigang ito habang dumadaan sa Lungsod ng Tagaytay at patungo sa mga baybay dagat ng karatig lalawigan ng Batangas.

Tradisyon, Paniniwala at Debosyon

baguhin

Ang lalawigan ng Cavite ay isa sa may pinaka mayaman na tradisyon sa ating bansa. Maraming kapistahan ang ipinagdiriwang sa bawAt lalawigan ng Cavite ang isat barrio at bayan nito. Ilan din dito ay ang kapistahan ni San Agustin sa Tanza, Sto Nino sa Ternate, Sta Maria Magdalena ng Kawit, Sto Rosario de Caracol ng Salinas, Birhen ng Candelaria sa Silang at ang Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga na tinatawag din na Reina de Cavite at "La Excelsa y La Celestial Guardiana y Protectora dela Provincia de Cavite".Pinaniniwalaan na ang imaheng ito ay mapaghimala kung kaya't tinawag itong " Birheng may libong Milagro". And debosyon sa Virgen ng Soledad ang pinakamalaking ambag ng mga Kabitenyo sa kasaysayan ng debosyon kay Maria at sa Simbahang Katolika sa Pilipinas. Ayon kay Propesor Genoveva Edroza, ang kapistahan ng San Diego sa Noli Me Tangere ay ibinase sa kapistahan ng Virgen ng Soledad ng Porta Vaga.Noong 17 Nobyembre 1978 iginawad ng Roma ang Koronasyong Kanonikal sa imahen. Ang kanyang kapistahan ay ipinagdididwang tuwing ikalawa at ikatlong linggo ng Nobyembre. Ang imahen ay matatagpuan sa Parokya ng San Roque, Lungsod ng Cavite.

Heograpiya

baguhin

Nahahati ang lalawigan ng Kabite sa 16 mga bayan at 7 lungsod:

Lungsod Uri Distrito Bilang ng
Barangay
Populasyon
(2010)
Sukat
(km²)
Densidad
(bawat km²)
Alkalde
Bacoor Nakapaloob na Lungsod
II
73
520,216
52.40
9,927.786/km²
Lani Mercado-Revilla (Lakas-CMD/Magdalo)
Lungsod ng Cavite Nakapaloob na Lungsod
I
84
101,120
10.89
9,285.583/km²
Bernardo S. Paredes (Nacionalista/Magdalo)
Dasmariñas Nakapaloob na Lungsod
IV
75
575,817
90.10
6,390.866/km²
Jennifer Austria-Barzaga (National Unity Party/Liberal)
General Trias Nakapaloob na Lungsod
VI
33
243,322
81.46
2,987.012/km²
Antonio A. Ferrer (National Unity Party/Magdalo)
Imus Nakapaloob na Lungsod
III
97
301,624
64.70
4,661.886/km²
Manny L. Maliksi (Liberal)
Tagaytay Nakapaloob na Lungsod
VII
34
62,030
66.1
938.427/km²
Agnes T. Tolentino (Liberal)
Trece Martires Nakapaloob na Lungsod
VI
13
104,559
39.10
2,674.143/km²
Gemma Buendia-Lubigan (United Nationalist Alliance/Magdalo)
Bayan Distrito Bilang ng
Barangay
Populasyon
(2010)
Sukat
(km²)
Densidad
(bawat km²)
Alkalde
Alfonso
VII
32
48,567
72.60
668.967/km²
Randy A. Salamat(PDP-LABAN)
Amadeo
VI
26
33,457
46.90
713.369/km²
Redel John B. Dionisio (Magdalo)
Carmona
V
14
74,986
30.92
1,863.469/km²
Roy Loyola (Liberal)
General Emilio Aguinaldo
VII
14
17,507
42.13
415.547/km²
Danilo M. Bencito (Nacionalista/Magdalo)
General Mariano Alvarez
V
27
138,540
11.40
12,152.632/km²
Walter D. Echevarria, Jr. (Liberal)
Indang
VII
36
62,030
74.90
828.171/km²
Perfecto V. Fidel (Nacionalista/Magdalo)
Kawit
I
23
78,209
22.86
3,421.216/km²
Angelo G. Aguinaldo (Liberal)
Magallanes
VII
16
21,231
73.07
290.557/km²
Edwin V. Sisante (Nacionalista/Magdalo)
Maragondon
VII
27
35,289
127.04
277.779/km²
Reynaldo A. Rillo (Liberal)
Mendez
VII
25
28,570
43.27
663.273/km²
Eric Vida (Nacionalista/Magdalo)
Naic
VI
30
88,144
86.00
1,024.930/km²
Junio C. Dualan (Nacionalista/Magdalo)
Noveleta
I
16
41,678
16.43
2,536.701/km²
Dino Carlo R. Chua
Rosario
I
20
92,253
5.67
16,270.370/km²
Jose Voltaire V. Ricafrente
Silang
V
64
213,490
209.4
1,019.532/km²
Socorro Poblete (Lakas-CMD/Magdalo)
Tanza
VI
41
188,755
78.24
2,412.513/km²
Yuri A. Pacumio (PDP-Laban)
Ternate
VII
10
19,297
54.70
352.779/km²
Herminio C. Lindo (Nacionalista/Magdalo)
 
Dambana ni Aguinaldo, ang pook kung saan inihayag ang kasarinlan.

Pisikal

baguhin

Lupa. Ang Kabite ang pinakamaliit na lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON, na may sukat na 1,297.6 km². Ito ay nasa katimugang bahagi ng Look ng Maynila, at kabilang din dito ang iba pang isla tulad ng Corregidor. Ang ibang isla na kabilang sa lalawigan ay ang Isla ng Caballo, Isla ng Carabao, at ang Isla ng El Praile.

Ang kalakhan ng lalawigan ay patag at tumataas lamang patunong katimugan patunong Tagaytay, kung saan ay matatanaw ang Lawa ng Taal sa Batangas. Sa Lungsod ng Tagaytay makikita ang pinakamagandang tanaw ng Bulkan Taal. Ang Lungsod ng Tagaytay ay ang pinakamataas na bahagi ng lalawigan.

Nahahati ang lalawigan ng limang pangunahing ilog: Ang Maragondon, Labac, Cañas, Ilang-Ilang at ang ilog ng Imus, lahat ay patungo sa Lawa ng Bay.

Klima. Ang Kabite ay may dalawang uri ng Klima, ang panahon ng Tag-tuyot, na nagsisimula sa Nobyembre at natatapos sa Abril, at ang panahon ng Tag-ulan, na nagsisimula sa Mayo at natatapos ng Oktubre. Ang pinakamalamig na buwan ay sa pagitan ng Enero at Pebrero at pinakamainit naman sa buwan ng Abril at Mayo.

 

Pamahalaan

baguhin

Mga Gobernador ng Kabite

baguhin
  • Mariano Trias simula noong 15 Hulyo 1898
  • Emilio Riego De Dios simula noong 10 Agosto 1898
  • Ladislao Diwa simula noong 7 Oktubre 1898
  • Mariano Trias 1901 - 1905
  • Louis J. Van Schaick 1905 - 1907
  • Leonardo R. Osorio 1908 - 1909
  • Tomas Domingo 1910 - 1912
  • Antero S. Soriano 1912 - 1919
  • Luis O. Ferrer Sr. 1919 - 1921
  • Raymundo C. Jeciel 1922 - 1925
  • Fabian Pugeda 1925 - 1931
  • Pedro F. Espiritu 1931 - 1934
  • Ramon Samonte 1935 - 1940
  • Emilio F. Virata Humaliling Gubernador
  • Luis Y. Ferrer Jr. 1940 - 1944
  • Mariano N. Castañeda 1944
  • Dominador M. Camerino 1944 - 1945
  • Mariano N. Castañeda Humaliling Gubernador
  • Rafael F. Trias 1945
  • Francisco T. Arca 1945
  • Dominador M. Camerino 1946 - 1954
  • Mariano B. Villanueva Humaliling Gubernador
  • Horacio Rodriguez Humaliling Gubernador
  • Dominador Mangubat Humaliling Gubernador
  • Delfin N. Montano 1956 - 1971
  • Lino D. Bocalan 1972
  • Dominador M. Camerino Humaliling Gubernador
  • Juanito R. Remulla Itinalaga Set. 24, 1979
  • Juanito R. Remulla 01-30-1980 hanggang 02-19-1986
  • Fernando C. Campos 1986 - 1987
  • Juanito R. Remulla 1987 - 1992
  • Juanito R. Remulla 1992 - 1995
  • Epimaco A. Velasco 1995 hanggang 01-1998
  • Ramon "Bong" Revilla Jr. Itinalaga 02-1998 hanggang 06-30-1998
  • Ramon "Bong" Revilla Jr. 1998-2001
  • Erineo S. Maliksi 2001-2010
  • Juanito Victor C. Remulla, Jr. 2010 - 2016
  • Jesus Crispin C. Remulla - 2016 - 2019
  • Juanito Victor C. Remulla Jr. - 2019 - kasalukuyan

Mga Pamantasan at Dalubhasaan

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Province: Cavite". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Official Website of the Provincial Government of Cavite - Cavite City". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-01. Nakuha noong 2012-07-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing Panlabas

baguhin