Materya
Ang butang o materya[1](mula sa kastila materia) ay kadalasang tumutukoy bilang kalamnan na binubuo ng pisikal na bagay. Sa pisika, ito ang kahit anong bagay na binubuo ng mga elementaryang fermion. Sa pilosopiya, binubuo ng walang anyong substratum ng lahat ng bagay ang materya, na nanatili lamang mula sa realidad na binunga. Mula sa kaisipan ng kanyang nilalaman, ginagamit ang materya na salungat sa anyo.
Materya sa pisika
baguhinSumasakop ng ispasyo at may bigat ang materya. Karamihang binubuo ng mga atomo, na binubuo ng mga proton, neutron at elektron. Hindi kinukunsidera na materya ang lahat ng mga gauge boson (isa na dito ang poton o photon), na namamagitan ang apat na mga pundamental na puwersa, kahit na mayroon sila enerhiya at may bigat ang iba.
Sa gayon, binubuo ng mga quark at lepton ang materya. Mayroong anim na uri ng mga quark (kakaiba, pang-akit, ibabaw, ilalim, sa itaas, sa ibaba), na pinagsasama upang bumuo ng mga hadron, pangunahin ang mga baryon at meson, sa pamamagitan ng matibay na interaksiyon at inaakalang laging may hangganan. Sa mga baryon ay ang proton at neutron, na lalong pinagsasama upang buuin ang mga nukleus ng lahat ng mga elemento sa peryodikong tableta. Kadalasang pinalilibutan ng mga ulap ng mga elektron ang mga nukleus. Tinatawag na atomo ang magkasing dami na ang mga elektron at proton ng isang nukleus. Kung di magkapareho, isang ion ito. Ang kimika ay ang agham na nag-aaral kung paano pinagsasama ang mga nukleus at elektron upang makabuo ng mga kompawnd.
Sa kakapalan, namamalagi ang materya sa maraming iba't ibang mga anyo, sangayon sa densidad ng particle at densidad ng enerhiya o sa ibang katangian ang presyon at temperatura. Kabilang ang mga gas, plasma, likido, pluido, super-pluido, solido at condesadong Bose-Einstein sa mga anyo nito. Habang nagbabago ang pangyayari, maaaring magbagong-anyo ang materya. Tinatawag na mga transisyon ng anyo ang penomena na ito at pinag-aaralan sa termodaynamiks ang pagpapalit ng kanilang enerhiya. Sa maliit na bilang, maaaring magpakita ang materya ng mga katangian na ibang-iba sa makapal na materyal.
Binubuo ng materya ang namamasid na Sansinukob. Maaari itong mapalitan ng enerhiya at sumailalim ng ibang pagbubuo at pagbabago.
Tingnan din
baguhin- Antimaterya
- Mga anyo ng materya
- Pisikang pang-particle, na nagbibigay impormasyon sa kasaysayan