Galileo Galilei
Galileo Galilei | |
---|---|
Kapanganakan | 15 Pebrero 1564[1] |
Kamatayan | 8 Enero 1642[1] | (edad 77)
Nasyonalidad | Italyano (Tuskano) |
Nagtapos | Pamantasan ng Pisa |
Kilala sa | Kinematics Dynamics Astronomiyang naoobserbahan sa pamamagitan ng teleskopyo Heliosentrismo |
Karera sa agham | |
Larangan | Astronomiya, pisika at matematika |
Institusyon | Pamantasan ng Pisa Pamantasan ng Padua |
Academic advisors | Ostilio Ricci[2] |
Bantog na estudyante | Benedetto Castelli Mario Guiducci Vincenzo Viviani[3] |
Pirma | |
Talababa | |
Ang kaniyang ama ay ang musikerong si Vincenzo Galilei. Ang kinakasamang babae ni Galileo Galilei na si Marina Gamba (1570 – 21 Agosto 1612?) ay nakapagbigay sa kaniya ng dalawang mga anak na babae, na sina Maria Celeste (Virginia, 1600–1634) at Livia (1601–1659), na kapwa naging mga madre, at nabigyan din siya ng anak na lalaking si Vincenzo (1606–1649), isang lutenista. |
Si Galileo Galilei[4] (15 Pebrero 1564 – 8 Enero 1642) ay isang Italyanong pisiko, astronomo, pilosopo at siyentipiko[5] na malapit na inuugnay sa rebolusyong maka-agham. Kabilang sa mga nagawa niya ang pagbuti ng teleskopyo, iba't ibang mga astronomikal na pagmamasid, ang una at ikalawang mga batas ng paggalaw (motion), at epektibong pagsuporta para sa paniniwala ni Nicolaus Copernicus. Madalas na tinutukoy siya bilang "ama ng makabagong astronomiya", bilang ang "ama ng makabagong pisika", at bilang "ama ng agham". Tinuturing ang kanyang gawang eksperimental bilang komplementaryo sa mga sulat ni Francis Bacon sa pagtatag ng makabagong kaparaanang maka-agham. Sumabay ang karera ni Galileo kay Johannes Kepler. Sa mga gawain din ni Galileo nagsimula ang mga gawi sa makabagong pananaliksik.[4]
Si Galileo ang unang makabago o modernong siyentipiko at ang unang dakilang siyentipiko nagpa-usad sa agham pagkaraan muling matuklasan ang dating nawalang mga mahahalagang pagkakatuklas na nagawa sa sinaunang Greyigo (nawala ang mga ito noong Mga Panahong Madilim at Gitnang mga Kapanahunan).[5] Tinuturing na isang mahalagang pagkakataon ang mga gawa ni Galileo mula ng kay Aristotle. Karagdagan pa nito, tinatanggap ang kanyang pagsalungat sa Simbahang Katoliko Romano bilang isang pangunahing unang halimbawa ng pagsalungat sa awtoridad at kalayaan ng pag-iisip, partikular sa agham, sa Kanlurang Lipunan.
Si Galileo ang unang taong gumamit ng teleskopyo sa larangan ng astronomiya. Siya ang unang nakatuklas sa apat na mga buwang umiikot sa planetang Jupiter.[5] Ang obserbasyong ito ang nagtulak kay Galileo na baliin ang halos 1,800 taong paniniwalang ang mundo ang sentro o gitna ng Kalawakan. Pinagbawalan si Galileo ng sinaunang Simbahang Katoliko na isa-publiko ang kanyang natuklasan.
Si Galileo man ang nakatagpo kung paano gumagalaw ang mga bagay kapag bumabagsak ang mga ito, sa pamamagitan ng pagsukat ng panahon ng pagkilos ng mga bolang gumugulong mula sa isang dalisdis o gulod. Si Galileo ang naglaan ng mga prinsipyo ng metodong eksperimental o pamamaraan ng pagsubok na ginagamit ng makabagong mga siyentipiko sa pagtuklas.[5]
Inkisisyon kay Galileo dahil sa pagtatanggol sa heliosentrismo
Bago sa paglilimbag ng De Revolutionibus orbium coelestium noong 1543 ni Nicolaus Copernicus, ang malawakang paniniwala tungkol sa araw na tinatanggap ng mga tao ay ang geosentrismo ni Ptolomeo na ang mundo(earth) ang gitna ang uniberso at lahat ng mga katawang pangkalawakan ay umiinog dito. Isa sa mga astronomong tutol sa heliosentrismo ni Copernicus si Tycho Brahe na nagbigay ng alternatibo sa geocentrismo kung saan ang araw at buwan ay umiinog sa mundo, ang Mercury at Venus at umiinog sa araw sa loob ng orbito ng araw ng mundo at, Mars, Hupiter at ang Saturn ay umiinog sa araw sa labas ng orbito ng araw sa mundo. Si Brahe ay tutol kay Copernicus dahil sa kadahilanang pang-relihiyon. Si Giordano Bruno ang tanging mamamayan noong panahong ito na nagtanggol sa heliosentrismo ni Copernicus.
Sa kanyang 1615 "Liham sa Dakilang Dukesang Cristina", ipinagtanggol ni Galileo ang heliosentrismo at iginiit na ito ay hindi salungat sa Bibliya. Tinanggap ni Galileo ang posisyon ni Agustin ng Hipona na hindi dapat pakahulugang literal] ang Bibliya. Ang prayleng Dominicano na si Tommaso Caccini ang unang umatake kay Galileo. Sa sermon ni Caccini noong 1614, kanyang hinayag na mali si Galileo at ginamit sa kanyang sermon ang Aklat ni Josue 10:13 kung saan pinahinto ng Diyos ang araw. Ipinagtanggol kalaunan ang kanyang mga pananaw sa kanyang pinakakilalang gawa, Dialogue Concerning the Two Chief World Systems, na nilabas noong 1632, nilitis sya ng Inquisition, nahatulang "masidhing pinaghihinalaan ng erehiya", napilitang bawiin ang mga sinulat nito, at ibinilanggo sa bahay sa kanyang natitirang mga taon.[6][7]Si Galileo ay humarap sa inkisisyong Romano Katoliko noong 1633 at pumayag na umaming may sala sa pagtatanggol ng heliosentrismo kapalit ng mas magaan na kaparusahan. Si Galileo ay ipinakulong sa bahay ni Papa Urbano III hanggang sa kamatayan ni Galileo sa Florence, Italya noong Enero 8, 1642.
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 O'Connor, J. J.; Robertson, E. F. "Galileo Galilei". The MacTutor History of Mathematics archive. Pamantasan ng San Andres, Eskosya. Nakuha noong 2007-07-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ F. Vinci, Ostilio Ricci da Fermo, Maestro di Galileo Galilei, Fermo, 1929.
- ↑ NODAK.edu[patay na link]
- ↑ 4.0 4.1 "Galileo, at artikulo tungkol sa pananaliksik o "research" sa pahina 182". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was the First Modern Scientist?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 45. - ↑ Finocchiaro (1997), p. 47.
- ↑ Hilliam (2005), p. 96.