Republikang Katalan (2017): Pagkakaiba sa mga binago
Darwgon0801 (usapan | ambag) No edit summary |
m Inilipat ni Pare Mo ang pahinang Republika ng Katalunya (2017) papunta sa Republikang Katalan (2017): salin ng República Catalana |
(Walang pagkakaiba)
|
Pagbabago noong 12:03, 28 Oktubre 2017
Kasalukuyan pong nangyayari ang pangyayaring dinodokumento ng artikulong ito. (walang petsa)
Maaaring mabilis pong magbago ang mga impormasyon habang umuusad po ang pangyayari, at maaari rin pong hindi mapagkakatiwalaan ang mga paunang balita (breaking news). Depende sa aktibidad ng pahinang ito, maaari pong hindi updated ang impormasyong nakalagay rito. Malaya po kayong baguhin ang kahit ano sa artikulong ito. Pakatandaan lamang po na maaaring matanggal ang mga pagbabagong hindi totoo o walang kaakibat na sanggunian. Maaari rin pong pag-usapan ang mga pagbabago rito sa pahina ng usapan nito. |
Republika ng Katalunya | |
---|---|
Katayuan | Unrecognized/disputed |
Kabisera | Barcelona |
Pinakamalaking lungsod | capital |
Wikang opisyal | Katalan Kastila Oksitan |
Pangkat-etniko | Mga Katalan, Mga Oksitan, Mga Kastila |
Relihiyon | Predominantly Christianity[1] |
Katawagan | Katalan |
Pamahalaan | Republika sa ilalim ng pansamantalang pamahalaan |
Lehislatura | Parliyamento ng Katalunya |
Kasaysayan | |
Oktubre 1, 2017 | |
• Inihayag ang kasarinlan at paghiwalay mula sa Espanya | Oktubre 27, 2017 |
Populasyon | |
• Senso ng 2016 | 7.523 milyon |
Salapi | Euro (€)a (EUR) |
Sona ng oras | UTC+2 (Oras sa Tag-araw ng Gitnang Europa) |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | +34 93 (Barcelona lamang) +34 97 (buong Katalunya) |
Internet TLD | .cat |
|
Ang Republika ng Katalunya (Katalan: República Catalana) ay isang bagong inihayag na estado sa tangway ng Iberia. Nagpahayag ng kasarinlan ang Parliyamento ng Katalunya mula sa Espanya sa gitna ng isang krisis sa saligang batas sa isyu ng reperendum para sa kasarinlan ng Katalunya, taong 2017.
Nang inihayag ng Parliyamento ng Katalunya ang kasarinlan mula sa Espanya, pinagtibay ng Senado ng Espanya ang Artikulo 155 ng 1978 Saligang Batas ng Espanya, kung saan magpapahintulot sa pamahalaan ng Espanya na magpataw ng tuwirang pamumuno sa Katalunya. Matapos ang ilang sandali, binuwag ng Punong Ministro ng Espanya na si Mariano Rajoy ang Parliyamento ng Katalunya, pati ang Ehekutibong Lupon ng Katalunya, at nagpatawag ng dagliang rehiyonal na halalan na gaganapin sa ika-21 ng Disyembre, 2017.
Sa araw ng pagpapahayag nito ng kasarinlan, wala ni isang bansa ang kumikilala sa republika, sa halip, kinikilala ito bilang bahagi pa rin ng Kaharian ng Espanya.