Pumunta sa nilalaman

Abenida Kalaw

Mga koordinado: 14°34′53″N 120°58′50″E / 14.58139°N 120.98056°E / 14.58139; 120.98056
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Abenida Kalaw
Kalaw Avenue
Kalye T.M. Kalaw (T.M. Kalaw Street)
Abenida Kalaw pasilangan mula sa sangandaan nito sa Kalye Del Pilar.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan[1]
Haba1.1 km (0.7 mi)
Bahagi ng N155 mula Abenida Taft hanggang Bulebar Roxas
Pangunahing daanan
Dulo sa silangan N181 (Kalye San Marcelino)
  N170 (Abenida Taft)
Abenida Maria Orosa
Kalye Mabini
Kalye Del Pilar
Dulo sa kanluran AH26 / N120 (Bulebar Roxas)
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodMaynila
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Kalaw (Ingles: Kalaw Avenue), na dating tinawag na Kalye T.M. Kalaw (T.M. Kalaw Street), ay isang maiksing daan sa distrito ng Ermita sa Maynila, Pilipinas. Bumubuo ito sa katimugang hangganan ng Liwasang Rizal at dumadaan mula silangan pakanluran, mula Kalye San Marcelino hanggang Bulebar Roxas. Nagsisimula ito bilang isang daang apat ang mga linya sa sangandaan nito sa Kalye San Marcelino. Lalawak ito at magiging apat ang mga linya at hinahatian sa gitna paglampas ng Abenida Taft sa kahabaan nito sa may Liwasang Rizal. Ang haba nito ay 1.1 kilometro (0.7 milya). May maiksing karugtong ito patungo sa tinambak na lugar (reclaimed area) ng Luneta at Quirino Grandstand bilang South Drive. Itinakda ang bahagi ng abenida mula Abenida Taft hanggang Bulebar Roxas bilang isang pambansang lansangan ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas bilang N155.[2]

Pinangalanan ang abenida mula kay Teodoro Kalaw, isang mambabatas, edukador, at mananalaysay noong panahon ng Komonwelt na nangungkulan din bilang tagapamahala ng Pambansang Aklatan na matatagpuan sa abenida. Dati itong tinawag na Kalye San Luis (Ingles: San Luis Street, Kastila: Calle San Luis).[3][4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "South Manila". Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 6, 2020. Nakuha noong Mayo 23, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "South Manila". Nakuha noong Mayo 23, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Remembrances and the streets of Manila". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-07-14. Nakuha noong 8 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  4. [www.nhcp.gov.ph/downloads/lt0022.pdf]

14°34′53″N 120°58′50″E / 14.58139°N 120.98056°E / 14.58139; 120.98056