Pumunta sa nilalaman

Sinismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cynisismo)
Isang estatwa ng hindi kilalang pilosopong Siniko mula sa Museong Capitolino sa Roma. Ito ay isang kopya sa panahong Romano ng isang mas maagang estatwang Griyego noong ika-3 siglo BCE.[1] Ang balumbon na nasa kaniyang kanang kamay ay isang restorasyon na pang-ika-18 daantaon.

Ang sinismo (Ingles: cynicism; Griyego: κυνισμός; Espanyol: cinismo, escuela cinica) sa orihinal na anyo nito ay tumutukoy sa mga paniniwala ng sinaunang eskwela ng mga pilosopong Griyego na kilala bilang mga Siniko (Griyego: Κυνικοί, Latin: Cynici). Ang kanilang pilosopiya ang kahulugan ng buhay ay mamuhay sa isang pamumuhay ng birtud na umaayon sa kalikasan. Ito ay nangangahulugang pagtakwil sa lahat ng mga konbensiyonal na pagnanasa para sa kayamanan, kapangyarihan, pakikipagtalik at kasikatan at sa pamamagitan ng pamumuhay isang simpleng buhay na malaya mula sa anumang mga pag-aari. Bilang mga nangangatwirang nilalang, ang mga tao ay makapagkakamit ng kaligayahan sa pamamagitan ng isang striktong pagsasanay at sa pamamagitan ng pamumuhay sa paraang natural para sa mga tao. Ang unang pilosopong bumalangkas ng mga temang ito ay si Antisthenes na naging estudyante ni Socrates noong huli nang ika-5 siglo BCE. Siya ay sinundan ni Diogenes ng Sinope sa isang tub sa mga kalye ng Athens.[2] Dinala ni Diogenes ang Sinismo sa mga kasukdulang lohikal nito at siya ay nakita bilang arketipal na pilosopong Cynikal. Siya ay sinundan ni Crates ng Thebes na nagpamigay ng kanyang malaking kayamanan upang siya ay mamuhay ng buhay ng kahirapan sa Athens. Ang Sinismo ay kumalat sa pag-akyat sa kapangyarihan ng Imperyong Romano noong unang siglo CE. Ang mga Siniko sa panahong ito ay natagpuang namamalimos at nangangaral sa buong mga siyudad ng Imperyo Romano. Ito ay naglaho noong huli nang ika-5 siglo CE bagaman ang ilan ay nag-angkin na kinuha ng Sinaunang Kristiyanismo ang marami sa mga ideyang asetiko at retorikal nito. Noong ika-19 siglo, ang pagbibigay diin sa mga negatibong aspeto ng pilosopiyang Siniko ay humantong sa modernong pagkaunawa ng sinismo upang mangahulugang isang disposisyon ng kawalang pananampalataya sa sinseridad o kabutihan ng mga motibo at aksiyong pantao.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Christopher H. Hallett, (2005), The Roman Nude: Heroic Portrait Statuary 200 BC–AD 300, page 294. Oxford University Press
  2. Laërtius & Hicks 1925, Ⅵ:23 ; Jerome, Adversus Jovinianum, 2.14.