Hololive Production
Industriya | |
---|---|
Tatak |
|
Website |
|
Uri | Kabushiki-gaisha |
---|---|
Industriya |
|
Itinatag | 13 Hunyo 2016 |
Nagtatag | Motoaki Tanigo |
Punong-tanggapan | , |
Pangunahing tauhan | |
Website | cover-corp.com |
Ang Hololive Production[a] (naka-estilo sa maliliit na titik bilang hololive production) ay isang ahensiyang pantalento para sa mga virtual YouTuber (VTuber) na nakabase sa bansang Hapon. Pagmamay-ari ng kumpanyang panteknolohiya at pang-aliw na Cover Corporation o Cover Corp., nabuo ang naturang produksiyon noong Disyembre 2019 matapos pagsamahin ang ahensiyang pambabae ng Cover Corp. na Hololive sa panlalaking bersyon nitong Holostars at sa tatak pangmusika na INoNaka (INNK) Music. Bukod sa pagkilos bilang isang multi-channel network, pinangangasiwaan din ng Hololive Production ang pagbebenta ng mga merchandise, produksyon ng musika, at organisasyon ng mga konsiyerto.
Ang katagang "Hololive" ay unang tumutukoy sa app ng Cover para sa pag-stream ng mga birtwal na karakter gamit ang augmented reality (AR), at kalaunan sa ahensiya nito para sa mga babaeng VTuber. Pagsapit ng 2020, may apat itong sangay para sa apat na rehiyong panwika: Hololive o Hololive Japan (JP; ang pangunahing sangay ng Hololive Production), Hololive China (CN), Hololive Indonesia (ID), at Hololive English (EN).
Noong Setyembre 2020, ang mga tsanel na nasa ilalim nito ay nakakuha na ng kabuuang 10 milyong subskripsyon sa YouTube at sa katumbas nito sa Tsina na Bilibili.[1] Binuwag ang Hololive China noong Nobyembre 2020.
Pagsapit ng Agosto 2024, namamahala ang ahensya ng 90 na mga VTuber (67 sa Hololive at 23 sa Holostars) mula sa tatlong rehiyong panwika (Hapones, Indones, at Ingles), na may kabuuang lagpas 83 milyong subskripsyon. Kabilang rito ang ilan sa mga VTuber na may pinakamaraming subskripsyon sa YouTube tulad nina Inugami Korone, Shirakami Fubuki, Usada Pekora, Minato Aqua, at Gawr Gura. Di tulad ng mga naunang mga VTuber, nagdaraos ang mga Vtuber nito ng mga livestream imbes na mga nakarekord na klip. Madalas sumesentro sa paglalaro o gaming ang mga bidyo ng mga talento nito, bagamat nagla-livestream rin sila ng pagkanta (karaoke streams) at pakikipag-usap (chatting streams).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]2016–18: Simula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag noong ika-13 ng Hunyo 2016 ni Motoaki "Yagoo" Tanigo[b] ang kumpanyang Cover Corporation.[c] Bago ito, gumawa si Tanigo ng mga karakter para sa mga larong nakabidyo (video games) bilang kolaborasyon sa kumpanyang Sanrio ng kumpanyang Imagineer at nagtatag ng iba't ibang mga panimulang kompanya o mga startup company.[1][2] Noong una, nakapokus ang Cover sa paggawa ng mga software na pang-augmented reality (AR) at virtual reality (VR),[1] at nakakuha ng panimulang pondo mula sa mga incubator firm na Tokyo VR Startups[3] at Recruit.[4]
Noong Pebrero 2017, naglabas ang Cover ng isang VR na larong table tennis para sa headset na HTC Vive sa Steam. Pagsapit ng dulo ng Marso, nagpakita ang Cover ng isang demong panteknolohiya para sa isang programang ginagawang posible ang pagkuha ng galaw ng isang tao at paglapat nito sa isang karakter o avatar nang totoong oras (real-time avatar motion capture) at interaktibong magkabilaang[d] pagla-livestream.[5] Ayon kay Tanigo, nakuha nila ang konsepto ng isang ahensiyang para sa mga "birtwal na idolo" o mga virtual idol mula sa mga birtwal na karakter tulad ni Hatsune Miku.[1] Si Kizuna AI, ang nagsimula ng pagka-uso ng mga virtual YouTuber noong 2016, ay malamang isa pang inspirasyon.[6]
Pinag-debut ng Cover si Tokino Sora (ときのそら), ang kauna-unahang VTuber na gumamit ng avatar capture software ng kumpanya, noong ika-7 ng Setyembre 2017.[7] Noong ika-21 ng Disyembre ng taong iyon, inilabas ng Cover ang hololive, isang aplikasyong pang-smartphone para sa iOS at Android na nagpahintulot sa mga tagagamit nito na makita ang mga livestream ng mga birtwal na karakter gamit ang teknolohiya ng mga kamerang AR o AR camera technology.[8] Kinabukasan, inanunsyo ng Cover na magdaraos sila ng isang odisyon para sa pangalawa nilang karakter sa Hololive, si Roboco, na magde-debut sa ika-4 ng Marso 2018.[9]
Noong ika-5 ng Abril 2018, naglabas ng update ang Cover, kung saan tinanggal nila ang mga tampok nitong AR,[10] at ginawa itong kagamitan para sa paglapat ng galaw ng mukha ng tagagamit sa isa sa apat na mga avatar nang toong oras. Pinayagan nito ang mga odisyong mula lamang sa mga bahay gamit ang iPhone X. Noong ding araw na iyon, sinabi ng Cover na magkakaroon muli ng isang odisyon para sa isang bagong talento.[11][12]
Binuksan ang odisyon para sa limang bagong karakter bilang unang henerasyon ng Hololive simula noong ika-2 ng Mayo 2018 sa mismong app ng Hololive. Ang limang ito ay sina Aki Rosenthal, Hitomi Chris, Shirakami Fubuki, Akai Haato, at Natsuiro Matsuri.[11] Noong ika-13 ng Mayo, pinag-debut ng Cover si Yozora Mel,[13] habang pinag-debut naman nila ang iba pang mga unang henerasyong talento nila mula ika-1 hanggang ika-3 ng Hunyo. Noong ika-26 ng Hunyo, kinansela ng Cover ang trabaho at tsanel ni Hitomi Chris dahil sa paglabag sa kontrata.[14]
Nagsimulang magsipag-debut ang mga ikalawang henerasyong talento mula Agosto, kung saan nag-debut sina Minato Aqua noong ika-8 ng Agosto[15] at Murasaki Shion noong ika-18 ng Agosto.[16] Sinundan sila nina Nakiri Ayame noong ika-3 ng Setyembre,[17] Yuzuki Choco noong ika-4 ng Setyembre,[17] at Oozora Subaru noong ika-16 ng Setyembre.[18] Pinag-debut ng Cover si AZKi, isang VTuber na hiwalay sa Hololive at nakapokus sa paggawa ng musika, noong ika-15 ng Nobyembre.[19]
Noong ika-6 ng Disyembre, inilunsad ng Cover ang Hololive Gamers, isang grupo ng mga VTubers na partikular na gumagawa ng mga bidyong "let's play" at pinangungunahan ni Shirakami Fubuki ng unang henerasyon.[20] Kinabukasan, sumali rin si Ookami Mio,[21] at magkasamang silang lumabas ni Fubuki sa isang bidyong in-upload sa pangunahing tsanel sa YouTube ng Cover noong ika-19 ng Disyembre para mapakita ang bagong update sa Hololive na nagpapahintulot ng mga kolaborasyon.[22] Noong Pasko, ika-25 ng Disyembre, pinag-debut ng Cover si Sakura Miko, na bibida sa isang pang-araw-araw na serye ng mga anime short na pinamagatang Miko no Tsutome![e] sa ilalim ng bagong nilang tatak na Holo Anime (ホロアニメ).[23][24]
2019: Paglago at muling pag-organisa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Enero 8, 2019, inanunsyo ng Hololive na pumirma sila ng kontrata sa Tsinong platapormang-bidyo Bilibili at sa naturang pook-sapot na iyon, nagbukas ng mga 15 na tsanel, at magkasabay ito mag-stream doon at sa YouTube. Kasali na dito ang pagkikipagtulungan sa mga boluntaryo nagsasalita ng wikang Tsino upang isalin ang mga content ng Hololive, at gumawa ng orihinal na content sa Bilibili.[25][26] Nagsali ang dalawang bagong kasapi sa Hololive Gamers noong Abril: si Nekomata Okayu sa Abril 6[27], at si Inugami Korone sa Abril 13[28]. Sa Mayo 17, nagbukas ng mga permanenteng audisyon sa Tsina at Hapon ang Hololive.
Ginawa ang INoNaKa (INNK) Music, isang tatak musikang in-house ng Cover, noong Mayo 19. Nagmula ito kay AZKi at ang dating independienteng VTuber na si Hoshimachi Suisei..[29] Sinimulan ang lalaking ahensiyang VTuber na pinangalanang Holostars[30] at sinundan nito ang ika-1 henerasyong miyembrong nito: sina Hanasaki Miyabi at Kagami Kira noong Hunyo 8 at 9,[31] si Kanade Izuru noong Hunyo 22,[32] sina Yakushiji Suzaku at Arurandeisu noong Setyembre 7 at 8,[33] at si Rikka noong Oktubre 20.[34] Kinamamayaan, inanunsyo ng Cover ang ika-2 henerasyon ng Holostars noong Disyembre 4. Nag-debut si Astel Leda noong Disyembre 7,[35] Kishido Temma noong Disyembre 14,[36] at si Yukoku Roberu noong Disyembre 24.[37]
Noong Hunyo 13 hanggang 23, naganap ang mga audisyon para sa ika-3 henerasyon ng Hololive na pinangalanang "Hololive Fantasy".[38] Nag-debut sina Usada Pekora at Uruha Rushia noong Hulyo 17 at 18,[39] samantala si Shiranui Flare, Shirogane Noel, at Houshou Marine (na nag-audition sa kanilang parte noong Hunyo) nag-debut noong Agosto 7, 8, at 11, ayon sa pagkakabanggit.[40]
Nag-debut ang ika-1 henerasyon ng Hololive China (CN) sa Bilibili, isang sangay ng VTuber na nagsasalita ng wikang Tsino.[41] Nagsimula ito kay Yogiri.[41]
Pinagsama ng Cover ang ahensiyang Hololive, INNK Music, at Holostars sa ilalim ng bagong tatak na Hololive Production noong Disyembre 2; hiwalay parin ang pagtakbo sa tatlong ahensya sa ilalim ng kani-kanilang mga pamamahalang pangkat (management teams).[42] Sa parehong araw, naglipat si Suisei sa Hololive galing sa INNK Music at si AZKi ang nag-iisang miyembro sa tatak musikang na iyon.[43] Noong Disyembren 25, isinimula ang ika-4 na henerasyon ng Hololive. Mga kasapi dito ay sina Amane Kanata, Kiryu Coco, Tsunomaki Watame, Tokoyami Towa, at Himemori Luna. Nag-debut si Kanata noong Disyembre 27, Coco noong Disyembre 28, at si Watame noong Disyembre 29. Nag-debut sina Towa at Luna noong ika-3 at ika-4 ng Enero 2020, ayon sa pagkakabanggit.[44]
2020–kasalukuyan: Paglawak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagkaroon ng live na konsyerto ng Cover na pinangalanang "hololive 1st fes. Nonstop Story" na ginanap sa Toyosu Pit sa Kōtō, Tokyo. Nakasali dito ang lahat ng mga kasalukuyang 22 miyembro sa oras na iyon, pati si AZKi.[45] Inanunsyo ito noong Nobyembre 4, 2019.[46] Iniulat ng PANORA noong Disyembre 17, 2019, isang ahensyang balita nakabase sa Tokyo, na naubos lahat ang mga tiket sa konsyertong nito at mag-host ang Cover ng live stream pay-per-view nito sa Niconico.[45] Iniulat rin ni PANORA noong recap nito sa Enero 24, 2020 na ang nabangit na konsyerto ay mayroong pinakamalaking cast sa lahat ng kaganapan sa petsang iyon sa industriya ng VTuber.[47]
Inihayag ang ika-2 henerasyon ng Hololive China noong Marso 6. Nag-debut ang mga kasapi nito sa katapusan ng buwan sina Doris, Artia at Rosalyn.[48]
Inihayag ni Cover ang bagong sangay nito, Hololive Indonesia (ID) at ang ika-1 henerasyon nito, noong Abril 6,[49] pagkatapos ng panahon ng pakikipag-audisyon sa mga talentong nagsasalita ng wikang Indones noong Disyembre 27, 2019.[50] Mga kasapi nito ay sina Ayunda Risu, Moona Hoshinova, at Airani Iofifteen, na nag-debut mula noong Abril 10 hanggang 12, ayon sa pagkakabanggit.[49] Nagkaroon ng mga audisyon noong Hulyo 3 hanggang 19 para sa ika-2 henerasyon ng talentong Indonesiyo.[51]
Sinimulan noong Abril 27 ang ika-3 henerasyon ng Holostars na tinawagang "TriNero". Mga kasapi nito ay sina Tsukishita Kaoru, Kageyama Shien, at Aragami Oga, na nag-debut noong Abril 29, 30, at Mayo 1, ayon sa pagkakabanggit.[52]
Noong Agosto 6, inanunsyo ng Hololive sa pag-debut ng ika-5 henerasyon. Mga kasapi nito ay sina Yukihana Lamy, Momosuzu Nene, Shishiro Botan, Mano Aloe, at Omaru Polka, na nag-debut mula noong Agoso 12 hanggang 16, ayon sa pagkakabanggit.[53][54] Nagbuaks ang mga audisyon sa mga VTuber na nagsasalita ng wikang Ingles noong Abril 23.[55] Noong Setyembre 9, inihayag ang pag-debut sa ika-1 henerasyon ng Hololive English (EN), isang sangay ng VTuber na nagsasalita ng wikang Ingles. Pinangalanang "hololive English -myth-", mga kasapi ng henerayson nito ay sina Mori Calliope, Takanashi Kiara, Ninomae Ina'nis, Gawr Gura, at Watson Amelia, na nag-debut noong Setyembre 12-13.[56]
Si Gawr Gura ay naging kauna-unahang talentong Hololive na nakaaabot ng isang milyong naka-subscribe sa kanya noong Oktubre 22.[57] Sa susunod na araw, inanunsyo ng Cover ang follow-up sa Nonstop Story na tumatagal ng dalawang araw, "hololive 2nd fes. Beyond the Stage", at ang kolaborasyon ng isang kumpanya ng libangan na si Bushiroad. Nakaiskedyul ito noong Disyembre 21-22 bilang isang pay-per-view na livestream.[58]
Magmula noong Agosto 2020, tinatayang kinita ng 85 milyong yen ($810,000 USD) si Coco sa Super Chat ng YouTube; siya ay may pinakamataas na kinita ng walang katulad sa Super Chat, ayon sa pook-sapot na nangongolekta ng datos na si Playboard. Kasali sa nangungunang na may pinakamataas na kinita sa Super Chat ay sina Rushia, Aqua, Pekora, at Marine.[59] Pagsapit ng Setyembre 2020, umabot na ng mahigit 10 milyon ang kabuuang nag-subscribe sa tsanel ng mga talento ng Hololive ay mayroong higit pa sa 10 milyong mga tagapagsubskribi sa YouTube, pati na rin ang mga 10 milyong followers sa Bilibili.[kailangan ng sanggunian]
On 12 November 2020, opisyal na inaunsyo ni Cover ang pagretiro ng Hololive China sa kanilang pook-sapot at sa kanilang subreddit.[kailangan ng sanggunian]
Insidente ng paglabas ng bidyo ni Mano Aloe
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilang sandali lamang pagkatapos sa debut ni Aloe noong Agosto 15, 2020, natuklasan at isinapubliko ng isang hindi kilalang indibidwal ang nakarekord na stream na nai-host ni Aloe sa TwitCasting , isang platapormang pangpakikipagstream mga buwan bago. Ipinakita doon ang pagsasaayos ng kanyang Live2D na modelo, at kasali sa leak na iyon ang kangyang personal na impormasyon at pagkakakilanlan ng kakilala na lalaki. Noong Agosto 17, ipinaliwanag ni Aloe sa isang bidyo na dating naaprubahan ng kanyang tagapamahala yung na-leak na bidyo at napabayaan niyang tanggalin ito. Nagkaroon ng pansamantalang susupensyon sa lahat ng aktibidad bunga sa pangyayari na iyon, at sinabi niya sa mga tagahanga na huwag kontakin ang kanyang kakilala at itigil ang pagtawag sa kanyang telepono sa bahay. Sa parehong araw, humihingi ng tawad sa insidenteng nangyari si Cover sa isang pahayag sa Twitter, at binigyan ng dalawang linggong suspensyon si Aloe.[kailangan ng sanggunian]
Sa halip ng kanyang itinakdang pagbalik noong Agosto 31, inanunsyo ni Cover na umalis si Aloe sa Hololive dahil sa stress sa isip at sa pisikal.[kailangan ng sanggunian] Naglabas ng pahayag si Cover na magsasagawa ng ligal na aksyon sa mga nanggugulo at gumawa ng sistema na mai-ulat ang mga ganitong insidente, para maiprotektahan sa mga hinaharap na panliligalig sa mga talento.[kailangan ng sanggunian] Ang pahayag na ito ay ipinalabas pagkatapos itinatag ni Ichikara, isang kompanyang namamahala sa ahensiyang VTuber Nijisanji , ang kanilang koponan sa pagtutol sa panliligalig (harassment countermeasure team).[kailangan ng sanggunian]
Kontrobersiya tungkol sa Taiwan at suspensyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa bandang huli ng Setyembre 2020, binanggit ang bansang Taiwan sa stream ni Coco at Haato habang tumatalakay sa kanilang analitikang tsanel pang-YouTube (YouTube channel analytics), na nakahiwalay ang istatistika ng lugar na ito mula sa Kalupaan ng Tsina sa listahang ito.[kailangan ng sanggunian] Galit na galit ang mga Tsinong manonood sa pangyayari na iyon at sinundan ito ng pahayag ni Cover na nailathala sa wikang Ingles, Hapon, at Tsino noong Setyembre 27.[kailangan ng sanggunian] Sa pahayag na ito, humingi ng tawad ang kompanya sa "hindi nababagay na mga sinabi" na ginawa ng dalawa, at kasalanan nila ang "pakikipagsisiwalat ng mga kanilang kumpidensyal na datos ng analitikang tsanel pang-YouTube". Naisuspende sa lahat ng aktibidad ng tatlong linggo sina Coco at Haato. Sa isang pahayag naman na nailathala kanina sa wikang Tsino doon sa Bilibill, hindi sumasalamin ang patakaran nila sa Tsina ang mga puna ni Coco o Haato,[kailangan ng sanggunian] at pinagtibay muli ang kanilang suporta sa patakarang Iisang-Tsina at ang kanilang panata sa pagnenegosyo sa Tsina.[kailangan ng sanggunian] Naglabas si Cover ng isa namang pahayag na tinugunan ang pagkakasalungatan sa mga mensahe nito, sinabing na ang pahayag ng Bilibili ay dahil sa "pagnanais na nai-akma sa mga pangangailangan ng mga madla".[kailangan ng sanggunian] Humingi rin ng tawad si Cover sa kaguluhan na ito, at naganunsyo ng mga pagbabago sa kanilang pamamaraan sa pakikipaglabas ng mga rehiyunal na pahayag at ang pagbuo ng komite para maiwasan ang mga ganitong insidente[kailangan ng sanggunian] Kahit bumalik sina Coco at Haato noong Oktubre 19,[kailangan ng sanggunian] hindi parin humina ang galit ng komunidad ng Tsino, at karamihan ng mga kanilang opisyal na pangkat ng pagsasalin ay naganunsyong magbuwag sa Bilibili at itinanggal ang lahat ng mga uploads sa kanilang tsanel kasunod sa kanilang pagbabalik. Noong Nobyembre 12, inihayag ni Cover na magtatapos sina Yogiri, Civia, Doris, Artia at Rosalyn - 5 sa 6 na kasapi ng CN, sa iba't ibang mga petsa sa loob ng 2020.[60]
Talento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hapon
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Hololive[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
DEV_IS[baguhin | baguhin ang wikitext]
Holostars[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
Sa ibang bansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Hololive China (retirado)[baguhin | baguhin ang wikitext]Inihayag ni Cover na pagretiro ng lahat ng mga miyembro ng Hololive China noong ika-12 ng Nobyembre 2020.
Hololive Indonesia[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
Hololive English[baguhin | baguhin ang wikitext]
Holostars English[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
Midya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Holo no Graffiti (2019–kasalukuyan)
Piling diskograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Hololive[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
INNK Music[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
Mga konsyerto at kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]2019
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bilibili World 2019
- Guangzhou (Agosto 14–16) – Minato Aqua[kailangan ng sanggunian]
- Shanghai (Oktubre 4–6) – Nakiri Ayame, Shirakami Fubuki, Minato Aqua, Ookami Mio, at Natsuiro Matsuri[kailangan ng sanggunian]
- Chengdu (Disyembre 21–22) – Natsuiro Matsuri[kailangan ng sanggunian]
- VtuberLand2019 (Oktubre 4–10) – lahat ng kasalukuyang miyembro ng Hololive sa oras na iyon; ginanap sa Yomiuriland[kailangan ng sanggunian]
- V-RIZIN 2019 (Disyembre 29)[kailangan ng sanggunian] – Murasaki Shion, Tokino Sora, Natsuiro Matsuri, Akai Haato, Shirakami Fubuki, at Nekomata Okayu;[kailangan ng sanggunian] ginanap sa Saitama Super Arena
2020
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hololive 1st fes. Nonstop Story (Enero 24) – lahat ng mga miyembro sa Hololive bago ang Gen 4, kasali rito si AZKi; ginanap sa Toyosu Pit sa Kōtō, Tokyo
- "VILLS" Virtual Unit Festival (Marso 21; kinansela)[kailangan ng sanggunian] – Hoshimachi Suisei at Sakura Miko; kinansela ng walang katiyakan on sa Pebrero 27 dahil sa pandemikong COVID-19 sa Hapon[kailangan ng sanggunian]
- Bilibili Spring V Festival (Marso 22) – Shirakami Fubuki at Natsuiro Matsuri; kaganapang birtwal na-live stream sa Bilibili at Niconico[kailangan ng sanggunian]
- Niconico Net Chokaigai 2020 (Abril 18–19) – ika-1 henerasyong Hololive noong ikaunang araw, at sina Tokino Sora, Minato Aqua at Shirakami Fubuki noong ikalawang araw; kaganapang birtwal[kailangan ng sanggunian]
- Minato Aqua Anniversary Live 2020 "Aqua Color Super☆Dream♪" (Agosto 21) – Minato Aqua; pay-per-view na live stream sa Niconico[kailangan ng sanggunian]
- Bilibili World 2020
- Shanghai (Agosto 7–9) – Hoshimachi Suisei, Shirakami Fubuki, Akai Haato, at Civia[kailangan ng sanggunian]
- AFA STATION Festival Online (Setyembre 6) – Kiryu Coco; kaganapang birtwal[kailangan ng sanggunian]
- Hololive 2nd fes. Beyond the Stage (Disyembre 21–22) – AZKi at ang lahat ng mga miyembro ng Hololive Japan bago ang ika-5 henerasyon; pay-per-view na live stream sa Niconico, ini-sponsoran ni Bushiroad[kailangan ng sanggunian]
Kolaborasyon sa mga laro
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Dawn of the Breakers – nagpakita sa isang kolaborasyon.[kailangan ng sanggunian]
- Azur Lane – nagpakita sa isang kolaborasyon.[kailangan ng sanggunian]
- Neptunia Virtual Stars/VVVtunia – nagpakita bilang mga panauhing karakter.[kailangan ng sanggunian]
- World of Warships – nagpakita bilang mga binabayarang pakete ng mga karakter.[kailangan ng sanggunian]
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ ホロライブプロダクション, Hororaibu Purodakushon
- ↑ 谷郷元昭, Tanigō Motoaki
- ↑ カバー株式会社, Kabā Kabushiki-gaisha
- ↑ two-way, may tagatanggap at tagapagdala.
- ↑ みこのつとめっ!, lit. na 'Ang Misyon ni Miko!'
- ↑ Tokino Sora, Roboco, Sakura Miko, Generation 1 (Yozora Mel, Shirakami Fubuki, Natsuiro Matsuri, Aki Rosenthal, Akai Haato), Generation 2 (Minato Aqua, Murasaki Shion, Nakiri Ayame, Yuzuki Choco, Oozora Subaru), Gamers (Ookami Mio, Nekomata Okayu, Inugami Korone)
- ↑ Generation 1 (Yozora Mel, Shirakami Fubuki, Natsuiro Matsuri, Aki Rosenthal, Akai Haato)
- ↑ Tokino Sora, Roboco, Shirakami Fubuki, Minato Aqua, Shirogane Noel
- ↑ Yozora Mel, Murasaki Shion, Yuzuki Choco, Uruha Rushia
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Tanigo, Motoaki (2 Setyembre 2020). "Meet Cover Corp CEO Motoaki "Yagoo" Tanigo, The Man Behind Hololive's Virtual YouTubers" [Salubungin ang CEO ng Cover Corp [na si] Motoaki "Yagoo" Tanigo, Ang Tao sa Likod ng mga Birtwal na YouTuber ng Hololive]. Anime News Network (Panayam) (sa wikang Ingles). Panayam ni/ng Dennis Banda. Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
{{cite interview}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Hororaibu" no bijon to korekara ―― Tokyo XR Startups shusshin kigyōka intabyū (daiichikai: Kabā kabushikigaisha CEO Tanigō Motoaki-shi)" 「ホロライブ」のビジョンとこれから――Tokyo XR Startups出身起業家インタビュー(第一回:カバー株式会社CEO 谷郷 元昭氏) [Ang bisyon at hinaharap ng "hololive" ―― Panayam sa isang negosyante mula sa Tokyo XR Startups (Parte 1: G. Motoaki Tanigo, CEO ng COVER Corp.)]. MoguLive (Panayam) (sa wikang Hapones). Agosto 23, 2019. Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
{{cite interview}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "TVS 2nd Batch Participants" [Ikalawang Batch ng mga Kalahok sa TVS] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-29. Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ikeda, Masuru (9 Abril 2017). "Japan's Recruit holds Tech Lab Paak Demo Day, teams from 7th batch present results" [Ang Recruit ng Bansang Hapon ay nagdaraos ng Tech Lab Paak Demo Day, mga pangkat mula sa ika-7 batch ay nagprepresenta ng mga resulta]. The Bridge (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hirota, Minoru (19 Mayo 2017). "'Dare de mo bishōjo' no mirai ni mata ippo VR de enjite, sumaho de etsuran, o sawari mo!? na demo ga wadai" 「誰でも美少女」の未来にまた一歩 VRで演じて、スマホで閲覧、おさわりも!? なデモが話題 ['Kahit sino maaring maging magandang babae' na hinaharap, isang hakbang nalang. Pagpe-perform sa VR, panonood sa smartphone, pati pag-hipo?! na demo ang paksa.]. PANORA (sa wikang Hapones). Nakuha noong 20 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Colp, Tyler; Deyo, Nico (22 Disyembre 2020). "The Vtuber Industry: Corporatization, Labor, and Kawaii" [Ang Industriya ng Mga Vtuber: Korporatisasyon, Paggawa, at Kawaii]. Vice (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Hunyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 "Sono hōyō-ryoku, masani "seibo" mesukōsei bācharu YouTuber "Tokino sora" kurō to doryoku no kiseki" その包容力、まさに"聖母" 女子高生バーチャルYouTuber「ときのそら」 苦労と努力の軌跡 [Sa kanyang pagpaparaya, mala-Birheng Maria siya! Ang mga paghihirap at tinatahak na pagsisikap ng Birtwal na YouTuber na si Tokino Sora]. MoguLive (sa wikang Hapones). Abril 1, 2018. Nakuha noong Nobyembre 30, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kyarakutā ni aeru raibu shichō apuri "hololive (hororaibu)" teikyō kaishi no oshirase" キャラクターに会えるライブ視聴アプリ「hololive(ホロライブ)」提供開始のお知らせ [Inaanunsyo ang paglunsad ng "hololive", isang app na nagpapahintulot sa inyo na makipagkita sa mga karakter] (sa wikang Hapones). Cover Corp. Disyembre 21, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-06. Nakuha noong Nobyembre 30, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 ""Roboko-san" katsudō yokoku dōga o tōkō eiga no yōna 3DCG eizō kōkai" 「ロボ子さん」活動予告動画を投稿 映画のような3DCG映像公開 [Nilabas ang pasilip na bidyo ng gawain ni "Roboco-san." Mukhang isang 3DCG na pelikula ang [naturang] bidyo]. PANORA (sa wikang Hapones). Marso 5, 2018. Nakuha noong Nobyembre 29, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cover Corp. "Hororaibu (hololive)" ホロライブ(hololive). App Store (sa wikang Hapones). Apple. Nakuha noong Nobyembre 30, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 COVER (Abril 5, 2018). "Sumātofon de bācharu YouTuber ni! Aifon, andoroido taiō kyarakutānari kiri apuri "hororaibu" rirīsu no oshirase" スマートフォンでバーチャルYouTuberに!iPhone、Android対応キャラクターなりきりアプリ「ホロライブ」リリースのお知らせ [Maging isang birtwal na YouTuber gamit ng iyong smartphone! Ang pag-anunsyo sa paglabas ng "Hololive," isang app pang-karakter sa iPhone at Android]. PR TIMES (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Nakuha noong Nobyembre 30, 2020.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Takahashi, Yuji (Abril 5, 2018). "Sumahoapuri `hororaibu' ga VTuber haishin apuri ni shinka senzoku VTuber no ōdishon mo" スマホアプリ「ホロライブ」がVTuber配信アプリに進化 専属VTuberのオーディションも [Naging isang app na pang-odisyon sa mga VTuber ang app sa smartphone na "Hololive"]. PANORA (sa wikang Hapones). Nakuha noong Nobyembre 30, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 "Hororaibu senzoku, vanpaia no "Yozora Mel" ga debyū konban 22-ji kara yūchūbu de hatsu haishin!" ホロライブ専属、ヴァンパイアの「夜空メル」がデビュー 今晩22時からYouTubeで初配信! [Magde-debut ang eksklusibong bampira ng Hololive na si "Yozora Mel" sa YouTube ngayong 22:00 [10:00] ng gabi!]. PANORA (sa wikang Hapones). Mayo 13, 2018. Nakuha noong Nobyembre 30, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ COVER (Hunyo 26, 2018). "Hitomi Kurisu tantō kyasuto to no keiyaku kaijo ni tsuite" 人見クリス担当キャストとの契約解除について [Patungkol sa pagkakansela sa kontrata ng sangkot na cast na si Hitomi Chris]. Hololive (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 27, 2018. Nakuha noong Nobyembre 30, 2020.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 15.0 15.1 Takahashi, Yuji (Agosto 8, 2018). "Hororaibu 2-kisei ga shidō! Honjitsu 20: 00 Kara Minato Aqua-chan no hatsu namahōsō" ホロライブ2期生が始動! 本日20:00から「湊あくあ」ちゃんの初生放送 [Nagsimula na ang ikalawang henerasyon ng Hololive! Maglalive sa unang pagkakataon si "Minato Aqua"-chan ngayong 20:00 [8:00] ng gabi!]. PANORA (sa wikang Hapones). Nakuha noong Nobyembre 26, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 16.0 16.1 Takahashi, Yuji (Agosto 17, 2018). "Hororaibu 2-kisei "Chisaki Shion" ga honjitsu 20-ji kara hatsu raibu! Shin menbā happyō mo" ホロライブ2期生「紫咲シオン」が本日20時から初ライブ! 新メンバー発表も [Magla-live sa unang pagkakataon ang miyembro ng ikalawang henerasyon ng Hololive na si "Murasaki Shion" ngayong 20:00 [8:00] ng gabi! Mag-aanunsyo rin ng mga bagong miyembro!]. PANORA (sa wikang Hapones). Nakuha noong Nobyembre 26, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 17.2 17.3 Takahashi, Yuji (Setyembre 3, 2018). "Hororaibu 2-kisei "Nakiri Ayame" "Yuzuki Choco" ga hatsu raibu! Honjitsu to ashita no 22-ji" ホロライブ2期生「百鬼あやめ」「癒月ちょこ」が初ライブ! 本日と明日の22時 [Magla-live sa unang pagkakataon ang mga miyembro ng ikalawang henerasyon ng Hololive na sina "Nakiri Ayame" at "Yuzuki Choco"! Ngayon at bukas ng 22:00 [8:00] ng gabi]. PANORA (sa wikang Hapones). Nakuha noong Nobyembre 26, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 18.0 18.1 Takahashi, Yuji (Setyembre 18, 2020). "Hororaibu 2-kisei kara 5 hitome, bōisshu kawaii `Ōzora Subaru' ga yūchūbu debyū!" ホロライブ2期生から5人目、ボーイッシュ可愛い「大空スバル」がYouTubeデビュー! [Magde-debut sa unang pagkakataon ang ikalimang miyembro ng ikalawang henerasyon ng Hololive, ang cute na mala-tomboy na si Oozora Subaru" sa YouTube!]. PANORA (sa wikang Hapones). Nakuha noong Nobyembre 26, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 19.0 19.1 "Kabā kabushikigaisha ga purodyūsu suru shin ongaku purojekuto yori,"Virtual Diva AZKi" debyū" カバー株式会社がプロデュースする新音楽プロジェクトより、「Virtual Diva AZKi」デビュー [Nag-debut si "Virtual Diva AZKi" sa bagong proyektong pang-musika na prinodyus ng Cover Corp.] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. Nobyembre 15, 2018. Nakuha noong Nobyembre 30, 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "VTuber gēmu jikkyō chīmu "Hororaibu Gēmāzu" shidō,"Ōgami Mio" debyū no oshirase" VTuberゲーム実況チーム「ホロライブゲーマーズ」始動、「大神ミオ」デビューのお知らせ [Nagsimula ang VTuber game live team na "Hololive Gamers;" Debut ni "Ookami Mio," inanunsyo] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. Disyembre 6, 2018. Nakuha noong Nobyembre 30, 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 21.0 21.1 "Shirakami Fubuki ga rīdā o tsutomeru "Hororaibu Gēmāzu" shidō! Shin menbā "Ookami Mio" mo sanka" 白上フブキがリーダーを務める「ホロライブゲーマーズ」始動! 新メンバー「大神ミオ」も参加 [Nagsimula na ang "Hololive Gamers" na pinangungunahan ni Shirakami Fubuki! Sasali rin ang bagong miyembrong si "Ookami Mio"]. PANORA (sa wikang Hapones). Disyembre 6, 2018. Nakuha noong Nobyembre 30, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Hororaibu haishin apuri" ni sumaho dake de VTuber no korabo haishin ga kanōna "korabo kinō" o rirīsu!" 「ホロライブ配信アプリ」にスマホだけでVTuberのコラボ配信が可能な「コラボ機能」をリリース! [Nilabas na ang "Kolaborasyon" na nagpapahintulot na makipag-kolab ang mga VTuber gamit lamang ng app ng Hololive!] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. Disyembre 19, 2018. Nakuha noong Nobyembre 30, 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Yūchūbu nichijō-kei shōtoanime bangumi burando "Horo Anime" shidō,"Sakura Miko" hororaibu kanyū no oshirase" YouTube日常系ショートアニメ番組ブランド「ホロアニメ」始動、「さくらみこ」ホロライブ加入のお知らせ [Paglulunsad sa pang-araw-araw na programang anime short sa ilalim ng tatak na "Holo Anime" sa YouTube, pagsali sa Hololive si Sakura Miko] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. Disyembre 25, 2018. Nakuha noong Nobyembre 30, 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kabā, anime burando "Hororaibu" shidō Sakura Miko no Hororaibu kanyū mo happyō" カバー、アニメブランド「ホロライブ」始動 さくらみこのホロライブ加入も発表 [Inanunsyo ng Cover, Hololive, ang pagsali ni Sakura Miko sa Hololive]. PANORA (sa wikang Hapones). Disyembre 25, 2018. Nakuha noong Nobyembre 30, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ホロライブ、bilibiliとVTuber事務所として初めて正式に契約し、中国展開を開始" [Pumirma ng kontrata ang Hololive kay Bilibili at mag-eexpand ito sa Tsina] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 8 Enero 2019. Nakuha noong 24 Setyembre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Takahashi, Yuji (8 Enero 2019). "ホロライブが中国動画サイト「bilibili」と正式契約 中国展開を本格スタート" [Pormal na pumirma ng kontrata ang Hololive kay Bilibili]. PANORA (sa wikang Hapones). Nakuha noong 21 Setyembre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 27.0 27.1 "ホロライブ新人Vtuber「猫又おかゆ」デビュー日時決定のお知らせ" [Magkakarooon ng bagong miyembro sa Hololive GAMERS, si Nekomata Okayu]. PANORA (sa wikang Hapones). 3 Abril 2020. Nakuha noong 24 Setyembre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 28.0 28.1 "ホロライブ新人Vtuber「戌神ころね」4月13日21時デビュー配信実施のお知らせ" [Bagong dating sa Hololive, "Inugami Korone", magde-debut pagsapit ng Abril 13 sa 9:00 ng gabi] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 17 Mayo 2020. Nakuha noong 18 Setyembre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "VTuber事務所"ホロライブ"に星街すいせい&AZKiが加入、音楽レーベル始動も発表" [Sumali sina Hoshimachi Suisei at AZKi sa ahensiyang VTuber "Hololive", inanunsyo ang pagkakaroon ng tatak pang-musika]. Billboard Japan (sa wikang Hapones). 19 Mayo 2019. Nakuha noong 5 Agosto 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "カバー株式会社、男性VTuber事務所「ホロスターズ」設立のお知らせ" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 27 Mayo 2019. Nakuha noong 14 Setyembre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 31.0 31.1 31.2 "男性VTuber事務所「ホロスターズ」花咲みやび、鏡見キラのデビュー配信日決定のお知らせ" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 6 Hunyo 2019. Nakuha noong 14 Setyembre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 32.0 32.1 "男性VTuber事務所「ホロスターズ」弾き語り系VTuber奏手イヅル6月22日デビュー配信決定のお知らせ" [Holostars VTuber Kanade Izuru mag-debut sa June 22] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 21 Hunyo 2019. Nakuha noong 4 Oktubre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 33.0 33.1 33.2 "VTuber事務所ホロスターズ1期生「薬師寺朱雀」「アルランディス」デビュー配信日決定のお知らせ" [Sina Yakushiji Suzaku at Arurandeisu, inihayag ang mga petsa ng pagdebut nila] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 6 Setyembre 2019. Nakuha noong 4 Oktubre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 34.0 34.1 "VTuber事務所ホロスターズ1期生「律可」デビュー配信日決定のお知らせ" [Ika-1 henerasyong miyembrong Holostars na si Rikka, inihayag ang petsa ng pagdebut niya] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 18 Oktubre 2019. Nakuha noong 4 Oktubre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 35.0 35.1 "男性VTuberグループ「ホロスターズ」 2期生3名が新たにデビュー" [3 bagong lalaking VTubers, ika-2 henerasyong Holostars, mag-debut]. MoguLive (sa wikang Hapones). 4 Disyembre 2019. Nakuha noong 26 Oktubre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 36.0 36.1 "ホロスターズ2期生の岸堂天真がデビュー 初配信の日時が決定" [Ika-2 henerasyong miyembrong Holostars na si Kishido Temma, inanunsyo ang petsa ng pagdebut]. MoguLive (sa wikang Hapones). 12 Disyembre 2019. Nakuha noong 26 Oktubre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 37.0 37.1 "男性VTuberグループ「ホロスターズ」2期生「夕刻ロベル」のデビュー日が決定!" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 23 Disyembre 2019. Nakuha noong 15 Oktubre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ホロライブ3期生の募集開始 小悪魔系の海賊少女、サバサバ系の姉御肌エルフ、ゆるふわ脳筋女騎士の3名" [Naghahanap ang Hololive ng tatlong tao para sa ikatlong henerasyon]. PANORA (sa wikang Hapones). 13 Hunyo 2019. Nakuha noong 24 Setyembre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 39.0 39.1 39.2 "VTuber事務所ホロライブ3期生「兎田ぺこら」「潤羽るしあ」デビュー配信日決定のお知らせ" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 12 Hulyo 2019. Nakuha noong 27 Oktubre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 40.0 40.1 40.2 40.3 "ホロライブ3期生「不知火フレア」「白銀ノエル」「宝鐘マリン」デビュー配信日決定のお知らせ" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 6 Agosto 2019. Nakuha noong 27 Oktubre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 41.0 41.1 41.2 "VTuber事務所「ホロライブ」中国1期生「夜霧」デビュー配信日決定のお知らせ" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 27 Setyembre 2019. Nakuha noong 18 Setyembre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "カバー、ホロライブ・ホロスターズ・イノナカミュージックの総称を「ホロライブプロダクション」に統一" [Pinagsama ni Cover ang 'Hololive', 'Holostars' at 'Inonaka Music' bilang 'Hololive Production']. PANORA (sa wikang Hapones). 2 Disyembre 2019. Nakuha noong 3 Oktubre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 43.0 43.1 "ホロライブ所属VTuber「星街すいせい」新Live2Dモデルお披露目放送と転籍のお知らせ|カバー株式会社のプレスリリース" [Inanunsyo ang bagong modelong Live2D para kay Hoshimachi Suisei at ang kanyang paglipat sa Hololive] (sa wikang Hapones). 29 Nobyembre 2019. Nakuha noong 5 Agosto 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 44.0 44.1 44.2 44.3 44.4 44.5 "ホロライブ4期生「天音かなた」「角巻わため」「桐生ココ」「常闇トワ」「姫森ルーナ」デビュー決定のお知らせ" [Inanunsyo ang ika-4 na henerasyon ng Hololive]. PANORA (sa wikang Hapones). Cover. 25 Disyembre 2019. Nakuha noong 28 Oktubre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 45.0 45.1 "23名がアイドル衣装に 1/24豊洲PIT・hololive 1st fes.、メインビジュアル解禁". PANORA (sa wikang Hapones). 27 Disyembre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Agosto 2020. Nakuha noong 10 Setyembre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2020年1月24日@豊洲PIT。VTuber事務所「ホロライブ」初の全体ライブ「hololive 1st fes.『ノンストップ・ストーリー』」開催決定!" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 4 Nobyembre 2019. Nakuha noong 16 Setyembre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "hololive 1st Fes.「ノンストップ・ストーリー」超満員の豊洲PITで開催 初の全体ライブ" [Masyaong punung-puno nang mga tao sa Toyosu PIT habang ipinagdiriwang ang hololive 1st fes. sa unang live event nito]. PANORA (sa wikang Hapones). 28 Enero 2020. Nakuha noong 16 Setyembre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ホロライブ中国2期生「Doris」「Artia」「Rosalyn」デビュー決定のお知らせ" [Mga petsa ng pagdebut para sa ika-2 henerasyon ng Hololive China] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 6 Marso 2020. Nakuha noong 18 Oktubre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 49.0 49.1 49.2 49.3 49.4 "VTuberグループ「ホロライブインドネシア」、「Risu」「Moona」「Iofi」デビュー決定!" [Mga petsa ng pagdebut nila Risu, Moona, at Iofi ng Hololive Indonesia] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 6 Abril 2020. Nakuha noong 14 Setyembre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ホロライブプロダクション、インドネシアでオーディション開催のお知らせ" [Nagbukas ng mga audisyon ang Hololive para sa mga talentong nagsasalita ng Indones] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 27 Disyembre 2019. Nakuha noong 14 Setyembre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wahyu Soetisna (27 Agosto 2020). "Usai Audisi Generasi Ke-2, Hololive Indonesia Buka Audisi Permanen". Media Formasi (sa wikang Indones). Nakuha noong 13 Setyembre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ホロライブプロダクションから「TriNero(トライネロ)」デビュー決定のお知らせ" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 27 Abril 2020. Nakuha noong 18 Oktubre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 53.0 53.1 53.2 53.3 53.4 53.5 "ホロライブ5期生「獅白ぼたん」「雪花ラミィ」「尾丸ポルカ」「魔乃アロエ」「桃鈴ねね」デビュー決定のお知らせ" [Inihayag ang pagdebut ng Ika-5 Henerasyon ng Hololive] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 6 Agosto 2020. Nakuha noong 6 Agosto 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Morrissy, Kim. "Virtual YouTuber Agency hololive Debuts 5th Generation Talent" [Ahensiyang Birtwal na YouTuber "Hololive", nagde-debut ng mga talentong ika-5 henerasyon]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Oktubre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ホロライブプロダクション、英語圏でオーディション開催のお知らせ" [Cover, nagbukas ng audisyon para sa mga talentong nagsasalita ng Ingles] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 23 Abril 2020. Nakuha noong 18 Oktubre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 56.0 56.1 56.2 56.3 56.4 56.5 "VTuber Group Hololive English is Set to Debut" [Magde-debut ang grupong VTuber na Hololive English]. Anime News Network (sa wikang Ingles). 10 Setyembre 2020. Nakuha noong 5 Oktubre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Thomas, Miles (22 Oktubre 2020). "VTuber Gawr Gura Hits Milestone of 1 Million Subscribers on YouTube" [Nakamit nang VTuber na si Gawr Gura ng 1 milyong naka-subscribe sa kanya] (sa wikang Ingles). Crunchyroll. Nakuha noong 25 Oktubre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "VTuber事務所「ホロライブ」全体ライブ「hololive 2nd fes. Beyond the Stage Supported By Bushiroad」開催決定!" [hololive 2nd fes. Beyond the Stage, inihayag!] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Cover. 23 Oktubre 2020. Nakuha noong 23 Oktubre 2020 – sa pamamagitan ni/ng PR Times.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Morrissy, Kim (23 Agosto 2020). "Playboard: World's Biggest Superchat Earner is Virtual YouTuber Kiryu Coco" [Pinakamalaking Superchat Earner sa Mundo si Kiryu Coco, isang Birtwal na YouTuber]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Agosto 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ @ (Nobyembre 12, 2020). "[Press Release]Notice Regarding the Graduation of Hololive China Members" (Tweet) – sa pamamagitan ni/ng Twitter.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) Missing or empty |user= (help); Missing or empty |number= (help) - ↑ "Hoshimachi Suisei". Hololive Production. Cover Corp. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2020. Nakuha noong 27 Oktubre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sakura Miko". Hololive Production. Cover Corp. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Septiyembre 2020. Nakuha noong 27 October 2020.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "Shirakami Fubuki". Hololive Production. Cover Corp. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Oktubre 2020. Nakuha noong 1 Oktubre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Natsuiro Matsuri". Hololive Production. Cover Corp. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2020. Nakuha noong 1 Oktubre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aki Rosenthal". Hololive Production. Cover Corp. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2020. Nakuha noong 1 Oktubre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Akai Haato". Hololive Production. Cover Corp. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2020. Nakuha noong 1 Oktubre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hololive Production [@hololivetv] (3 Hunyo 2018). 人見クリス@hitomikurisuちゃんの配信始まりました!https://youtube.com/watch?v=dg5xfAHlU7o (Tweet) (sa wikang Hapones). Nakuha noong 6 Oktubre 2020 – sa pamamagitan ni/ng Twitter.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 68.0 68.1 68.2 Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangmafia
); $2 - ↑ 69.0 69.1 69.2 69.3 69.4 Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangHoloCNend1
); $2 - ↑ COVER (12 Setyembre 2020). VTuber事務所「ホロライブ」、半年ぶりの公式曲第2弾「夢見る空へ」第3弾「キラメキライダー☆」リリース決定! [VTuber事務所「ホロライブ」公式曲第1弾「Shiny Smily Story」のデジタル配信を9月16日(月)開始] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). PR TIMES. Nakuha noong 14 Setyembre 2020.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 71.0 71.1 COVER (14 Pebrero 2020). VTuber事務所「ホロライブ」、半年ぶりの公式曲第2弾「夢見る空へ」第3弾「キラメキライダー☆」リリース決定! [VTuber's agency "Hololive" will release their second official songs for the first time in half a year, "Dream Sky" and "Kirameki Rider ☆"!]. PR TIMES (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). Nakuha noong 13 Setyembre 2020.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ COVER (22 Oktubre 2020). VTuberグループ「ホロライブ」、ハロウィンをテーマにした公式曲「今宵はHalloween Night!」を本日発表! [VTuber group "Hololive" releases their official Halloween-themed song "Halloween Night, Tonight!" today!] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). PR TIMES. Nakuha noong 30 Oktubre 2020.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ COVER (12 Nobyembre 2019). 約80名の“開拓者”達からのレビュー到着!VTuber・バーチャルシンガーAZKi、初のフルアルバム「without U」本日発売!#AZKiはwithoutU [Reviews from about 80 "Pioneers" have arrived! VTuber/virtual singer AZKi's first full album "without U" is out today!] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Hapones). PR TIMES. Nakuha noong 13 Nobyembre 2020.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)