Pumunta sa nilalaman

Makroekonomiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Makroekonomiks)

Ang makroekonomiks o makroekonomiya (Ingles: macroeconomics, Kastila: macroeconomía; mula sa unlaping "macr(o)-" na may kahulugang "malaki" + "ekonomiya") ay isang sangay ng ekonomiyang humaharap sa galaw o pagsasakatuparan, kayarian o istruktura, at asal o ugali ng isang pambansa o rehiyonal na ekonomiya o kabuhayan bilang isang kabuuan.[1] Kasama ng mikroekonomiya o mikroekonomiks, isa rin ang makroekonomiya sa dalawang pinaka panglahatang mga larangan sa ekonomiya. Ito ang pag-aaral ng gawi o asal at pagpapasya ng kabuoan ng mga ekonomiya.[2]

Pinag-aaralan ng mga makroekonomista ang pinagsama-samang kabuoan ng mga indikador o tanda na katulad ng pangkalahatang produktong domestiko o GDP, antas ng kawalan ng trabaho, at mga talatuntunan ng halaga o presyo upang maunawaan ang kung paano gumaganap o gumagalaw ang buong ekonomiya o kabuhayan. Nagpapaunlad ang mga makroekonomista ng mga modelo o huwarang nagpapaliwanag ng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na katulad ng pambansang kita (national income), kinalabasan (output), pagkonsumo (consumption), kawalan ng trabaho, implasyon (pagtaas ng halaga ng bilihin dahil sa dami ng kumakalat na pera), pag-iimpok (savings), kalakalang pandaigdig (international trade), at pananalaping pandaigdig (international finance). Sa kabaligtaran, nakatuon lamang ang mikroekomiya o mikroekonomiks sa mga galaw o aksiyon ng mga ahenteng indibidwal, katulad ng mga kompanya at mga mamimili o tagakonsumo, at kung paanong napagbabatayan ng kanilang mga kaasalan ang mga presyo o halaga at dami sa mga espesipikong mga merkado o pamilihan.

Bagaman isang malawak na larangan ng pag-aaral ang makroekonomiya, may dalawang lugar ng pananaliksik na sinasagisag o tanda ng disiplina: ang pagsubok na intindihin o unawain ang mga sanhi at mga resulta ng may maiiksing panahong pagtakbong pagbabagu-bago sa pambansang kita (ang "ikot ng negosyo"), at ang pagsubok na maunawaan o maintindihan ang mga may matagalang panahong paglaki ng ekonomiya (mga pagtaas sa kitang pambansa).

Kapwa ginagamit ang mga huwaran o modelong makroekonomiko at ang kanilang mga taya o katayaan ng mga pamahalaan at malalaking mga korporasyon upang makatulong sa pagpapaunlad at pagsusuri ng mga patakarang pangkabuhayan o pang-ekonomiya at mga estratehiyang pangnegosyo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Blaug, Mark (1985). Economic theory in retrospect. Cambridge, UK: Cambridge University Press. ISBN 0-521-31644-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sullivan, Arthur; Steven M. Sheffrin (2003). Economics: Principles in action. Upper Saddle River, New Jersey 07458: Prentice Hall. p. 57. ISBN 0-13-063085-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-20. Nakuha noong 2021-02-26.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link)


Ekonomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.