Miguel de la Mora
Si San Miguel de la Mora (19 Hunyo i874[1]/1878 - 1927) ay isang santo, pari, at martir. Ipinanganak mula sa Tecalitlan, Jalisco, Mehiko sa Diyosesis ng Colima[2] naordinahan siya bilang pari noong 1906.[1] Naglingkod siya bilang kapelan ng Katedral ng Colima sa Mehiko. Noong 1926 napilitan siyang lumisan mula sa Lungsod ng Colima nang pinipilit na si Padre Miguel ng isang Mehikanong heneral na makiisa sa paglulunsad ng isang maka-isikismo o makasektang humihiwalay na simbahang patatakbuhin at pamumunuan ng pamahalaan. Sa kanyang paglalakbay, huminto siyang panandalian upang makapiling ang kanyang kapatid na lalaki sa pagkain ng agahan. Sa almusal na iyon, hiniling ng isang babae na si Padre Miguel ang maging pari para sa magdiwang ng kasal para sa anak na babae ng babaeng humihiling. Ang pag-uusap ay narinig ng mga ahente o espiyang sekularista, kaya't humantong ang pangyayari sa pagkakaaresto ni Padre Miguel, pati na ng kanyang kapatid na lalaki. Nasintensiyahan si Padre Mora ng parusang kamatayan noong Agosto 7, 1927. Nang malaman ang hatol sa kanya, inilabas ni Padre Miguel ang kanyang rosaryo at nagdasal. Ipinahayag niya ang pagmamahal niya sa Pinagpalang Birheng Maria, at nagpatuloy sa pagrorosaryo hanggang sa barilin siya ng eskuwadra ng mga sundalo, habang nasa isang silungan ng mga kabayo.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Jones, Terry H. Saint Miguel de la Mora, Saints.SQPN.com
- ↑ Miguel De La Mora, vatican.va
- ↑ Magnificat, Tomo 11, Blg. 6, Agosto 2009, pahina 37.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.