Pumunta sa nilalaman

Moro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Moor)

Ang mga Moro (Ingles: Moor, Moorish) ay ang katawagang sa mga Muslim na naninirahan sa Morocco, kanlurang Alherya, Kanlurang Sahara, Mauritania, Tangway ng Iberia, Septimania, Sicilia at Malta noong Gitnang Kapanahunan (Panahong Midyebal). Tinawag ng mga Moro ang kanilang teritoryong Iberiano bilang Al-Andalus, isang pook na binubuo ng Gibraltar, ang karamihan sa mga pook na ngayon ay pangkasalukuyang Espanya, Portugal, at bahagi ng Pransiya. Mayroon ding mga Moro sa pangkasalukuyang katimugang bahagi ng Italya pagkaraang saklawin nila ang Mazara noong 827[1] hanggang sa panghuli nilang pamayanan sa Lucera ay nawasak noong 1300. Ang kaibahan sa relihiyon ng mga Muslim na Moro ay humantong sa isang hidwaang nagtagal nang mga daantaon laban sa mga mga kahariang Kristiyano sa Europa, isang hidwaang tinawag bilang Rekongkista (Reconquista). Ang Pagbagsak ng Granada noong 1492 ang nakamalas sa pagwawakas ng pagkakaroon ng mga Muslim sa Iberia.

Ang katagang "Moro" ay ginamit sa Europa, sa malawakang diwa upang tukuyin ang sinumang may pinagmulang ninuong mga Arabo o Aprikano na nabubuhay sa Espanya o sa Hilagang Aprika. Ang mga Moro ay hindi isang mga tao na namumukod-tangi o naglalarawan ng sarili. Ang pangalan ay inilapat ng mga Europeo noong Gitnang Kapanahunan o ng mga Europeo ng maagang panahong moderno sa mga Berber, sa mga Arabo ng Hilagang Aprika, sa mga Muladi (mga Iberyanong Muslim)[2] and West Africans from Mali and Niger who had been absorbed into the Almoravid dynasty.[3] Noong 1911, naobserbahan ng pangunahing mga paham na ang katagang Moor o "Moro" ay walang tunay na halagang pang-etnolohiya.[4]

Ang mga Morong Andalusiano (ng Andalusia) noong hulihan Panahong Midyebal ay nanirahan sa Tangway na Iberiano (Peninsulang Iberyo) pagkaraan ng Pananakop ng Umayyad sa Hispania noong kaagahan ng ika-8 daantaon. Ang pamumuno ng mga Moro ay umabot, sa ilang mga pagkakataon, hanggang sa pangmakabagong panahon na Mauritania, mga bansa sa Kanlurang Aprika, at sa Ilog ng Senegal.

Sa mas maaga pang kapanahunan, nakipag-ugnayan (at pagdaka ay nasakop) ng mga Romanong Klasikal ang mga bahagi ng Mauretania, isang estado na tumatakip sa hilagang mga bahagi ng modernong Morocco at sa karamihan ng hilaga-kanluran at gitnang Alherya noong panahong klasiko. Ang mga tao ng rehiyon ay naitala sa panitikang Klasiko bilang Mauri. Sa kasalukuyan, ang ganiyang mga pangkat ay nakatira sa Mauritania at mga bahagi ng Alherya, Gitnang Sahara, Morocco, Niger, at Mali.[5] Sa mga wika ng Europa, mayroong isang bilang ng kaugnay ng mga pangkat na etniko ang pangkasaysayang itinalaga bilang mga "Moro". Sa makabagong Iberia, ang kataga ay inilapat para sa mga tao na mayroong etnisidad na Moroccano. Ang "Moor" ay paminsan-minsang inilalapat para sa anumang tao na nagmula sa Hilagang Aprika, subalit itinuturing ng ilang mga tao na ang paggamit ng kataga ay nakakainsulto, natatangi na ang bersiyong Kastila na "Moro".

Sa Pilipinas, ang salitang "Moro" ay ginagamit pa rin magpahanggang sa kasalukuyan bilang pantukoy sa mga katutubong tao na naninirahan sa Mindanao. Umiiral ang salita sa pangalan ng isang pangkat ng mga Muslim sa Pilipinas na nakikilala bilang Moro Islamic Liberation Front (MILF). Bilang kaugnay ng pakikipagkasundong pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas, na nasa ilalim ng administrasyon ng Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino, Jr., lilikhain ang Bangsamoro (literal na "lupain ng mga Moro"), isang bago at namamahala sa sarili na entidad na pampolitika at pangheograpiya ng mga Muslim sa Pilipinas.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Assessment of the status, development and diversification of fisheries-dependent communities: Mazara del Vallo Case study report" (PDF). Komisyong Europeo. 2010. p. 2. Nakuha noong 28 Setyembre 2012. In the year 827, Mazara was occupied by the Arabs, who made the city an important commercial harbour. That period was probably the most prosperous in the history of Mazara.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ross Brann, "The Moors?", Naka-arkibo 2009-03-24 sa Wayback Machine. Andalusia, New York University. Quote: "Andalusi Arabic sources, as opposed to later Mudéjar and Morisco sources in Aljamiado and medieval Spanish texts, neither refer to individuals as Moors nor recognize any such group, community or culture."
  3. Ivan Van Sertima, Golden Age of the Moor, Volume 11[pahina kailangan]
  4. "Moors", Britannica Encyclopedia (1911), p. 811.
  5. Online Etymology Dictionary.
  6. Tisdall, Simon. Philippines moves close to historic peace deal with Islamist rebels: "(...) After 40 years of conflict and 120,000 deaths, a self-governing Muslim entity could be a reality within weeks after an accord inspired by Good Friday agreement (...)", The Guardian, 13 Pebrero 2013