Pumunta sa nilalaman

Prosesong pangkrimen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Proseso sa krimen)

Ang mga hakbang na pangkrimen, prosesong pangkrimen, pamamalakad na pangkrimen, pamamaraang pangkrimen, sistemang pangkrimen, patakarang pangkrimen, alituntuning pangkrimen, o tuntuning pangkrimen (Ingles: criminal procedure) ay tumutukoy sa proseso ng adhudikasyon ng batas na pangkrimen. Habang nagkakaiba-iba ang pamamalakad na pangkrimen ayon sa hurisdiksiyon, ang proseso ay panlahatang nagsisimula sa isang pormal na pagsasakdal na pangkrimen at nagreresulta sa paghatol na nagkasala o pagpapawalang-sala (pag-absuwelto) ng nagtatanggol sa sarili magmula sa bintang.

Saligang mga karapatan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kasalukuyan, maraming mga bansa na mayroong isang sistemang demokratiko at patakarang pambatas, inilalagay ng prosesong pangkrimen ang pagpasan ng pagpapatibay ng pagiging nagkasal o hindi nagkasala sa pag-uusig o prosekusyon – iyong nasa sa nag-uusig ang pagpapatotoo na ang nagtatanggol ng sarili ay nagkamali na lampas sa anumang pagdududang makatwiran, na hindi nakaayon sa pagpapatunay na gagawin ng nagtatanggol na siya ay walang kasalanan, at ang anumang pag-aalinlangan ay malulunasan ayon sa kapakanan ng nagtatanggol. Ang probisyon o pagtatadhanang ito, na tinatawag bilang pagpapalagay na inosente o walang kasalanan ay kailangan, halimbawa na, sa 46 mga bansa na mga kasapi sa Konseho ng Europa, sa ilalim ng Artikulo 6 ng Kumbensiyon sa Karapatang Pantao ng Europa, at kasama ito sa iba pang mga kasulatan na pangkarapatang pantao. Subalit, sa pagsasagawa, gumagana ito na tila magkakaiba sa iba't ibang mga bansa.

Bilang kahalintulad, ang lahat ng ganitong mga hurisdiksiyon ay nagpapahintulog sa nagtatanggol ng karapatan sa tagapayong pambatas at magbigay sa sinumang nagtatanggol ng sarili na hindi makakapagtustos ng sarili nilang manananggol ng isang abogadong babayaran ng publiko (na sa ilang mga bansa ay tinatawag sa Ingles bilang "court-appointed lawyer" o manananggol na itinalaga ng hukuman).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Batas Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.