Mga Etika Ng Ministeryo
()
About this ebook
Sa namumukod-tanging gawain na ito, sinusuri ni Dag Heward-Mills ang mga kalagayan sa tunay na buhay ng ministeryo sa ngayon. Ipinapakita niya ang mga praktikal na isyu tulad ng pananalapi, politika, pakikipag-relasyon sa ibang kasarian at mga pakikipag-ugnayan sa ministeryo.
Isang makabuluhang gabay para sa maprinsipyong kasanayan sa iyong tawag, ang aklat na ito ay kinakailangan ng bawat Kristiyanong pinuno. Ito ay iminumungkahi para sa mga Paaralan ng Bibliya at samga pastor sa pangkalahatan.
Dag Heward-Mills
Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.
Related to Mga Etika Ng Ministeryo
Related ebooks
Baguhin Ang Iyong Ministeryo Bilang Isang Pastor Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsMaging Handa at Manalangin(Tagalog Edition) Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPaano Mo Mapapatunayan Ang Iyong Ministeryo Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsAng Malaking Simbahan Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsMahahalagang Katunayan Para Sa Mga Bagong Mananampalataya Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsAng Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Pastol Rating: 4 out of 5 stars4/5Mga Pundasyon ng Pananampalataya: Isaias 58 Mobile Training Institute Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsBasahin Ang Iyong Bibliya, Manalangin Araw-Araw Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsAng Mga Espiritwal Na Panganib Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsTanggapin ang Pagtatalaga Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsAng Sining ng Pagpapastol Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsAng Sining ng Pagsunod Rating: 5 out of 5 stars5/5Mga Hakbang patungo sa Pagtatalaga Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsAng Punongkahoy At Ang Iyong Ministeryo Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsAno ang Ibig Sabihin ng Pagiging Matalino na Tulad ng Ahas Rating: 4 out of 5 stars4/5Sabihin Mo sa Kanila Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsIbang Tao... Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsMarami ang Tinawag Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPaano Manalangin Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsModelong Kasal Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPagtatayo ng Simbahan Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsAnak Mapagtatagumpayan Mo Ito Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsAng Pagtalikod Sa Pananampalataya Rating: 1 out of 5 stars1/5Sa Likod ng Mga Linya ng Kalaban Nailigtas ng Sekretong Sandata - Tagalog (Filipino) Rating: 4 out of 5 stars4/5Silang Mga Mapagkunwari Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsKapangyarihan Ng Dugo Rating: 4 out of 5 stars4/5Bible Basics For New Believers - Tagalog and English Languages Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsThe Story of God: Tagalog Rating: 4 out of 5 stars4/5Kilalanin ang Iyong mga Di-nakikitang Kaaway... ...at talunin sila! Rating: 0 out of 5 stars0 ratings
Reviews for Mga Etika Ng Ministeryo
0 ratings0 reviews
Book preview
Mga Etika Ng Ministeryo - Dag Heward-Mills
Kabanata 1
Bakit ang Etika?
…ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na UGALIIN NILA sa bahay ng Dios…
1 Timoteo 3:15
Ang mga ministro ay sumasailalim ng maraming pasanin. Ang pasaning pinansiyal, pasanin sa pamilya at ang pasanin ng inaasahan ng mga tao at ito ay ilan lamang sa mga kailangan ng ministeryo. Ang mga pasanin sa mga gawain ng Panginoon ay kadalasang nagiging sanhi ng di tamang kilos ng mga pastor.
Sa ministeryo, ang hindi tamang kilos ay lilikha ng maling paglalarawan kung ano ang ating pinaninindigan sa ministeryo. Walang oras sa kasaysayan ng Kristiyanismo na ang pag-uugali at pamamaraan ng buhay ng ministro ay sumasailalim ng lubos na pagsusuri. Tayo na tinawag sa ministeryong ito ay dapat ipaglaban upang mapanatili ang tiyak na pamantayan. Pinanonood tayo ng mundo, umaasang makakakita ng kamalian upang tayo ay usigin nila. Kaya nga nasabi ni Pablo na ang mga ministro ay dapat magkaroon ng mabuting patotoo kahit sa mga hindi naniniwala.
Bukod dito’y dapat din namang siya’y magkaroon ng mabuting patotoo ng nangasa labas, baka mahulog sa kapintasan at silo ng diablo.
1 Timoteo 3:7
Kung tinawag ng Diyos ang tao, tinawag Niya itong una upang sumunod sa Kanya, at matapos ay matuto sa Kanya. Hindi tayo dapat huminto sa pag-aaral. Ang ministeryo ay isang mahabang daan ng patuloy na edukasyon. Isa sa mga bagay na itinuro ni Pablo sa atin ay ang matutuhan ang kanyang pamamaraan ng buhay. Sa ibang salita, dapat nating sundin ang tuntunin ng moralidad na nag-impluwensya sa kanyang kilos bilang ministro.
Nguni’t sinunod mo ang aking aral, UGALI, akala….
2 Timoteo 3:10
Ano ngayon ang ministerial na etika? Ito ang mga pamantayan, prinsipyo, at malawak na patnubay na dapat nating sundin sa ministeryo. Ang prinsipyo ng etiko ay matuwid, matibay, makatarungan, walang kapintasan at puno ng katapatan.
Sa kabilang dako, ang asal na walang etika ay masagwa, may kinikilingan, hindi tama, walang dangal, kahina-hinala, walang prinsipyo at maaaring hindi tuwid.
Kung Hindi Ano ang Etika
Ang etika ay isang patnubay at hindi lubusang batas. Hindi ito ang batas ng Diyos. Ang etika ay hindi ebanghelyo at makikita mong ang ilan dito ay hindi maaring isagawa sa ibat-ibang panahon ng ministeryo. Subali’t, ito ay kadalasang isang tulong sa patnubay sa pagsasagawa ng ministeryo. Ang hindi nabubuhay sang ayon sa ilan sa mga etikang ito ay hindi naman kasalanan. Ito ay mga kaisipang tinutulungan tayo na magampanan ang ating mga ministeryo. Ipinakikita ko ang mga patnubay ng Biblia upang tulungan ang mga ministro na mabuhay at manglingkod ng may katalinuhan.
Ang aking dalangin ay matagpuan ninyo sa loob ng mga pahinang ito, ang ilang mga bagay na makatutulong sa pagtuturo ng kabanalan, naikaw-ang tao ng Diyos- ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
(2 Timoteo3:17)
Kabanata 2
Mga Etika Para sa Pinuno
May isang kasamaan, na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno:
Eclesiastes 10:5
Sa anumang simbahan, isang tao lamang ang pinuno o nakatatandang ministro. Ang mga mabubuting bagay ay maaring manggaling sa pinuno, ngunit ang kamalian ay maari din maggaling sa antas na ito.
Ang pinuno ang may pananaw sa kinabukasan ng simbahan. Upang ito ay maging higit na mabunga, dapat tanggapin ng pinuno na hindi niya kayang gumawa ng mag-isa. Kailangan niyang gumawa kasama ang pangkat ng mga tao. Ang pananatili ng pangkat na ito ang nagiging dahilan na siya ay maging pinuno.
Ang kasanayan sa pagiging pinuno ay isang kasanayan ng pangunguna ng pangkat. Upang makabuo ng isang mainam na pangkat at patakbuhin itong mabuti, ang pinuno ay dapat bumuo ng malapit na relasyong panggawain sa mga kasamahan at mga nakababatang ministro. Ibahagi ang pasanin ng ministeryo sa bawa’t isa at ikaw ay magiging higit na mahusay at masaganang tao.
Ang pagiging matagumpay na Pinuno ay nangangailangan ng pagtitiwala sa mga tao na sapat na upang ibahagi ang iyong dakilang responsibilidad. May mga namumuno ng mga simbahan na walang etika sa kanilang kakayahan bilang lider ng pangkat. Ang kanilang kawalan ng etika ay nagiging sanhi ng paghihiwalay ng mga pangkat at mga simbahan.
Ang pangkat na naghihiwalay sa ilang taon ay hindi magiging malaki. Ang pagbuwag ng pangkat ng mga pastor ay isa sa mga suliraning ng mga