Shadows of the Heart
By Elena Parks
5/5
()
About this ebook
Nicole suffered severe torture at the hands of her kidnapper in the past and though she escaped with her life, she's still having nightmares about it, and they are getting worse.
Adam, her father's godson and a good friend from a while back, appeared to check on her, only to encounter some problems...
First, Nicole has turned into a fully grown beautiful woman and he didn't know how to fight the powerful draw to her.
Second, Nicole didn't seem to care about his excuses, and this shouldn’t be a problem, really... but—
Third, her kidnapper is still at large, and he can finish what he had meant to do – kill Nicole before she can identify him. So Adam can't be distracted.
He can't fall in love... if only he can stop it.
Read more from Elena Parks
Unbelievably in Love Rating: 4 out of 5 stars4/5Rush Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsCode Name: Ravenna Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPhantom: Tierra Firme Book One Rating: 0 out of 5 stars0 ratings
Related to Shadows of the Heart
Related ebooks
Kasal sa Pilit Rating: 5 out of 5 stars5/5Pabili ng Aliw Rating: 5 out of 5 stars5/5Memories: Memories Rating: 5 out of 5 stars5/5Forever and Always Rating: 5 out of 5 stars5/5Bilanggo ng Pagnanasa Rating: 5 out of 5 stars5/5Then I Was Found Rating: 5 out of 5 stars5/5The Jilted Bride Rating: 4 out of 5 stars4/5Ilusyon ng Puso Rating: 5 out of 5 stars5/5Pagnanasa sa Unang Pagkikita Rating: 5 out of 5 stars5/5Just Another Girl Rating: 5 out of 5 stars5/5Then We Try Again Rating: 5 out of 5 stars5/5Simply The Best Rating: 5 out of 5 stars5/5Then Came You Rating: 5 out of 5 stars5/5Father Raze: The Fedeos Rating: 5 out of 5 stars5/5Unexpectedly In Love Rating: 5 out of 5 stars5/5Perfect Match Rating: 5 out of 5 stars5/5Pag-ibig Ko Rating: 5 out of 5 stars5/5Halik ng Tukso Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsLove of My Life Rating: 5 out of 5 stars5/5Beloved Rating: 5 out of 5 stars5/5Again and Better: Fallen Again Rating: 5 out of 5 stars5/5Queen Series #1: The Tili Queen Rating: 5 out of 5 stars5/5Babysitting the Billionaire Book 3 Rating: 4 out of 5 stars4/5Minx Rating: 5 out of 5 stars5/5Caged Heart Rating: 4 out of 5 stars4/5Antique Heart 3: Liwanag: Claire Rating: 5 out of 5 stars5/5Itinakdang Pag-ibig Rating: 5 out of 5 stars5/5My Nordic God Rating: 3 out of 5 stars3/5Inosenteng Kariktan Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsMy Perfect View Snowfire Rating: 0 out of 5 stars0 ratings
Reviews for Shadows of the Heart
1 rating0 reviews
Book preview
Shadows of the Heart - Elena Parks
prologue
Nicole
PUSIKIT SA KADILIMAN ang gabi. Dumagdag sa mga sensasyong lumulunod sa akin ang mababang hamog at usok na nagpapahirap sa aking makita ang aking dinaraanan. Kahit pamilyar sa akin ang aspaltadong daang ito dahil tumatakbo ako rito gabi-gabi, may humaharang sa utak kong maalala kung saan ako dapat patungo.
Siguro, dahil sa kaibuturan ng aking puso, alam kong wala akong matatakbuhan para matakasan ang lagim ng kamatayan.
Pero hindi ako pwedeng tumigil. Kapag ginawa ko iyon, aabutan ako ng demonyong tinatakbuhan ko. Agad niyang matutuklasang nakatakas na ako sa aking masikip na kulungan at susundan niya ako agad. Hindi niya papayagang makawala ako sa kanya…
In fact, he might already be out here somewhere, hiding, and watching me blunder. This was probably just another part of my torture.
Umalpas muli ang hagulhol sa aking bibig. Pagod na pagod na ako at hindi ko na alam kung tatagal pa ako. Pagod na hindi lang ang pisikal kong katawan kundi maging kaluluwa. Hindi ko na kayang lumaro pa sa laro ng kriminal na iyon. Para ano pa? Mahuhuli niya ako at mahuhuli. Mauulit ang bangungot at magwawakas lang sa aking nalulunod sa sarili kong dugo, nagmamakaawa pero walang lumalabas na tunog mula sa aking bibig.
Walang nakakarinig. Walang magliligtas sa akin mula sa aking mga bangungot.
Gabi-gabi… they were getting worse. Gabi-gabi, sumasaklap ang aking pagkasindak.
Sawang sawa na ako. Kailangang matigil na ito, naiisip ko habang bumabagal ang aking pagtakbo. Kailangang harapin ko na ang aking demonyo.
Tumigil ang aking nananakit na mga paa sa pagtakbo. Habang humihingal, I realized I had more hope and willpower than I knew before… sa nagdaang sanlibong mga gabing tinatakasan ko si Kamatayan.
Galit. Kasi may galit. Bakit ganito? Wala akong kasalanan! Bakit pinagdaraanan ko ito?
Pumihit ako at humarap sa direksyong pinanggalingan ko.
Kaya ko ito.
At kung sakaling hindi ako makaligtas, hindi ba’t napakatamis na mamatay nang hindi na naghihintay kung kailan ako muling liligaligin ng matinding takot?
Lumabas ka!
sigaw ko sa nangangatal na boses. Hindi ko na kayang matakot! Lumabas ka!
Hindi ako naghintay nang matagal.
Humiwalay sa dilim at hamog ang nakaitim na lalaki, gulo ang buhok at marumi. I could smell the stench of him from where I stood. Malamig ang kanyang mga mata at naglalaro sa kanyang mga labi ang isang malisyosong ngisi. Tumigil siya sa harap ko na hindi man lang kababakasan ng pagod o paghingal na pinagdaraanan ko.
Natanggap mo na bang hindi mo ako matatakasan, Nicole?
tanong niya sa paos na boses, iyong klase na nagpapatayo ng mga balahibo ko tuwing maririnig. Inangat niya ang kamay na may hawak sa punyal na hindi nawalay sa kanya kahit saglit mula noong dinukot niya ako. Another one of his torture devices to terrorize me into submission.
Sandaling sandali lang ito. Tulad din lang nang bilis nang pagsira ng iyong ama sa aking mga pangarap. Sumisingil ako ng pautang, Nicole. Sa aking mga kamay ka mamamatay!
Nangangatal na ako nang todo. Kahit tanggap ko na, hindi ko pa rin pala matatakasan ang sindak. Umungol ako bago pumikit, naramdaman ang paglalandas ng luha sa aking mga pisngi kasabay ng sakit noong marahas niyang sinabunutan at hinila ang aking buhok para mapalitaw ang aking leeg.
I felt the coldness of the knife’s edge and I prayed it would be fast…
Naliligo sa pawis, nagising ako mula sa masamang bangungot. Napabalikwas ako sa aking higaan, maingay ang hugot ng hininga para sa nagsisikip kong mga baga na parang matagal nang nagkukulang sa hangin.
Nang makilala ko ang loob ng sarili kong kwarto, nang masigurong walang hamog o usok at hindi madilim saanmang sulok, nanghina ako. Bumagsak ang mukha ko sa ibabaw ng mga nakatiklop kong tuhod habang niyayakap ko ang sarili ko.
Ang mga bangungot ko. Mas madalas na ngayon. Mas nakakatakot. Mas totoo kaysa alaala nang tunay na pangyayaring akala ko ay maiiwan ko na sa nakaraan.
Huminga akong muli nang malalim at ilang ulit. Ang lamig nang matalas na kutsilyong iyon sa aking leeg… hinding hindi ko makakalimutan.
Imboluntaryong napaangat ang nangangatal kong kamay para kapain kung nasaan dati ang pilat sa parteng iyon ng aking leeg ng aking mga daliri. It was just at the top of that hollow between my shoulder blades. Nawala na iyon sa laser treatment pero parang naroon pa rin. I had thought I was dead. But the devil did not cut me where I would have bled to death. He cut me at places where it would scare me so much into thinking I was dying…
Dios ko, hanggang kailan matatapos ito? Iyong takot na nagbalik siya para ituloy ang hindi niya nagawang tapusin. Ang lalaking estranghero na walang pangalan…
Kung hindi niya ako napatay ng punyal na iyon, mapapatay niya ako sa takot.
Umiyak na ako nang tuluyan, mga hagulhol mula sa aking kaluluwa. Hindi ko na talaga kaya. Hindi na talaga!
Pero anong gagawin ko?
Dumako ang mga mata ko sa smartphone na nakapatong sa ibabaw ng nightstand. Dinampot ko iyon na parang iyon na lang ang tangi kong kaligtasan. Sa sobrang pangangatal nang nanlalamig kong mga kamay, ilang ulit kong na-tap ang maling mga numero sa halip na ang memoryadong mga numerong hiniling ko noon ay hindi ko gagamitin sa ganitong pagkakataon.
Sa ikaapat na ring, tinanggap ang tawag ko sa kabila.
Yes?
tanong nang antok na tinig ng isang matandang lalaki sa kabilang linya.
D-Dad?
Nakilala niya agad ang boses ko. Pero naroon pa rin ang disbelief nang sambitin niya ang pangalan ko sa tinig na gising na gising at alerto. Bunso? Anak? Bakit?
Napangiwi ako. Ang laki ko na pero nakakalimot si Daddy sa mga pagkakataon at tinatawag ako sa tawag niya sa akin noong bata pa ako. But I didn’t mind at the moment. I felt like a kid anyway. Daddy…
It’s two forty-three, iha. Anong problema?
I need your he-help…
Saglit na natigilan ang ama ko, ang retiradong heneral na si Miguel Torres, sa pagkabasag ng tinig ko. I could feel from here his anguish when he spoke again. I’ll be there in a minute,
paos niyang pakli. Don’t worry, I’ll be there in a moment. Wait for me.
Bago niya pinutol ang tawag nang walang paalam.
Ibinaba ko ang phone ko at ipinagpatuloy ang pagyakap ko sa sarili. Hinayaan kong tumulo pa rin ang aking mga luha, pagkatapos ay pagod akong sumandal sa mga unan para tahimik na maghintay.
chapter 1
ADAM
RAMDAM KO pagsasalubong ng mga kilay ko habang nakatayo sa harap ng malaking two-storey house ni Nic – Nicole Torres, kinakapatid ko. Naningkit pa ang mga mata ko habang kinikilatis ang mababang gate na kahit maganda ang pagkakagawa ay sa kahoy naman yari. Kapansin-pansin din ang malalaking bintana na gawa sa babasaging bubog – kita na ang loob sa gumagamit ng telescope, pwede ring ma-penetrate ng ligaw na bala. Ilang sasakyan ang nakaparada sa harap ng bahay na parang may nagaganap na party sa loob gayong alas-tres pa lang ng hapon.
Imposible namang children’s party. Wala pang anak o asawa si Nic, as far as I knew. At kung tama ang pagkakaalala ko, hindi siya sociable like that, at ganoon pa rin siya hanggang ngayon ayon sa ama niya sa minsanan naming correspondence sa nagdaang mga taon.
Nawala ako ng eleven years. Alam kong napakarami nang nangyari sa buhay ni Nicole mula noong huli kaming magkita. Hindi sapat para sa akin ang mga balita lang. Sabik na sabik ko nang makita ang paborito kong kinakapatid – ang nag-iisang babae at nag-iisa kong kinakapatid.
Napangiti ako. I remembered she would correct me after she’d hear me say she was my favorite, in her ‘higher than thou’ voice, every time.
Ipinilig ko ang ulo ko. Nakakalimutan kong hindi na siya dalagita so her voice might have changed from that reedy one she used to play with. Eleven years iyon. Twenty-five na ngayon si Nicole. Dalagang dalaga na.
At sumikip ang dibdib ko.
Bumuntunghinga ako at pumanhik sa tatlong baitang na hagdan patungo sa beranda, at nainis na naman nang makita ko ang bukas na front door. Bukas na bukas ang lugar na ito kahit sino ay makakapasok nang walang makapapansin. Ni walang sumilip sa mga bintana kanina noong ipasok ko ang kotse ko sa gate at iparada sa bakuran sa dulo ng driveway.
Ang inis ay lumala nang makapasok ako sa salas.
Ilang tao roon ang tahimik at abala sa kanilang mga ginagawa. It wasn’t a party, it was a craft or art session. May nagpipinta sa canvas, may naglililok ng pigura sa kahoy, ang isa pa ay gumagamit naman ng clay. Lahat ay mga nasa bata pang edad, not more than twenty. Mga estudyante marahil ni Nicole.
Bukod sa pagiging isang young and successful painter, madalas maimbita si Nicole sa mga unibersidad para magbigay ng lectures. Along the way, nakakakilala siya ng mga estudyanteng interesadong mapalago ang kanilang mga talento, at hindi nakapagtataka na mag-extend ang babae ng tulong –