Skul Pil

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Tapat, Patnugot ng Ang Pag-Usbong, nasungkit ang ikalawang puwesto

Nasungkit ni Mary Jane U. Tapat, ang patnugot ng Ang Pag-Usbong ang ikalawang puwesto sa paligsahan ng pagsulat sa magulang (Letter-to-Parents) na naganap sa Macro College Inc., Vigan City noong Setyembre

19th Letter to Parent Competition

dumarating sa aking buhay at siya rin ang nagbibigay tatag, lakas, determinasyon at inspirasyon Nagpapasalamat ako ko sa buhay, pahayag ni sa Diyos dahil nagkaroon Tapat. ako ng ina na tumutulong Si Gng. Jennifer F. sa akin para harapin ko Remular ang kanyang ang mga pagsubok na tagasanay. Ma. Diana Joy Navarro
23, 2013.Ang nasabing patimpalak ay inilunsad ng Reiyukai Philippines, Ilocos Sur Chapter.
Kuha ni Daisy Simalong

Bb. Riotoc, bagong punung-guro


Hinirang na bagong punung-guro ng San Vicente Integrated School si Bb. Beatriz R. Riotoc noong Enero 10, 2012 bilang kapalit ni Dr. Elsie R. Rigunay na ngayon ay kasalukuyang Tagapagmasid Pampurok ng bayan ng San Vicente. Hindi ko naman pinangarap na maging isang punung-guro, ang nais ko lang sana ay makapagturo sa mga bata at makatulong na rin ngunit tadhana na ang nagtakda para makamit ko ang tagumpay na ito, pahayag ni Bb. Beatriz Riotoc. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para sa ikauunlad ng ating paaralan, dagdag pa niya.

Si Mary Jane U. Tapat, patnugot ng Ang PagUsbong na nagkamit ng ikalawang pwesto sa paligsahan sa pagsulat sa magulang.

K-12 nilagdaan na
Edukasyon tungo sa tuwid na daan

Kuha ni Carlo Castaeda

Si Bb. Beatriz R. Riotoc ang bagong hirang na punung-guro ng Sa Vicente Integrated School.

Ang K -12 ay kailangang mag-umpisa sa kindergarten kung saan ang bata ay may edad Rowena Lacap dela Cruz, Senior Educana lima(5) bago sila makapagumpisa sa elementarya. Ang elementarya naman ay anim(6) na taon na mag-uumpisa sa mga batang may edad na anim(6) na taon. Sunod ang sekondarya na na gaya ni Gng. Dela Cruz para makabuo ng isang may apat(4) na taon ng junior makabuluhang output para sa ikabubuti at ikauunlad high school at dalawang(2) taon ng isang paaralan tulad ng SVIS, wika ni G. Apopara naman sa senior high linario Riotoc, guro ng sekondarya. school. Si Gng. Rowena dela Cruz sa kanyang pagbisita sa SVIS.
Isa sa pinakaprestisyosong kaganapan sa San Vicente Integrated School ay ang isang linggong pagbisita ni Gng.
Kuha ni Carlo Castaeda

SVIS, nahirang na Pilot School para sa SIP

Simula sa taong panuruan na ito, ang Kurikulum ng Edukasyon sa Pilipinas ay humanay na sa halos lahat ng mga bansa sa buong mundo nang nilagdaan ni PresiBilly BJ Ramirez dente Benigno S. Aquino III ang Batas Pambansa bilang 10533 o tion Program Especialist na mula nasyunal opis ang Enhanced Basic Education ng Kagawaran ng Edukasyon para sa School Act of 2013 noong Mayo 15.
Improvement Plan (SIP) noong Setyembre 9 13 sa taong ito. Layunin ng pagbisitang ito na obserbahan at gabayan ang mga tagagawa at tagaplano ng mga kapakanan ng isang paaralan para matukoy ang mga kahinaan, banta at lakas na kailangang bigyang pansin ng isang paaralan. Ang mga kalahok sa nasabing gawain ay kinabibilangan ng mga punong-guro, guro at opisyales ng PTA mula sa elementarya at sekondarya. Laking pasasalamat natin sa isang eksperto

228 SVISans, nabiyayaan


Nabiyayaan ang dalawang daan at dalawampu`t walong mag-aaral ng SVIS ng mga school supplies tulad ng papel, lapis, ballpen at plastic cover na nagmula sa Mutual Operating and Other Expenses (MOOE) ng nasabing paaralan noong Nobyembre 21. Layunin nito na lalo pang pagbutihin ng mga mag-aaral ng SVIS ang kanilang pagaaral at makatulong na rin kahit sa munting paraan lamang. Taos puso akong nagpapasalamat sa lahat ng teaching staff ng departamento ng sekondarya higit lalo na sa aming butihing punung-guro na si Bb. Beatriz R. Riotoc, at sa aming matulunging Tagamasid Pampurok na si Dr. Elsie R. Rigunay sa tulong na aming natanggap pahayag ni Marissa Perinion, IV-Diamond.
Billy BJ Ramirez

Namimigay ng mga kagamitang pang-eskwela na mula sa MOOE sa mga mag-aaral ng sekondarya sa SVIS si Gng. Jennifer F. Remular, bilang OIC ng Sekondarya Kuha ni Carlo Castaeda

Ang BP #10533 ay nabuo para sa pagkakaroon ng Functional Basic Education System upang bumuo ng mga responsable at produktibong mamamayan taglay ang mga mahahalagang kakayahan, kasanayan at pagpapahalaga para sa habang-buhay na karunungan at hanapbuhay.
Carlo Castaeda

Hunyo-Nobyembre 2013

B A L I TA
ibat ibang mga grado at taon. Pinangunahan ito nina Carlo Castaeda, pangulo ng SSG at Mary Jane Tapat, kapangulo ng SSG. Lubos kaming nagpapasalamat sa mga guro sa malaking sakripisiyo nila sa aming mga mag-aaral. Napaka-

Araw ng mga Guro, ipinagdiwang


Ipinagdiwang ng mga mag-aaral ng San Vicente Integrated School ang Araw ng mga Guro na may temang My Teacher, My Hero sa bulwagang pantanghalan ng San Vicente Integrated School noong Oktubre 7. Layunin ng programa, na bigyang

Young, kinoronahang Miss World 2013


Tinanghal na pinakamgandang babae sa buong mundo ang dalawamput talong taon na Filipino-American aktres at host na si Megan Young ng nasungkit nya ang korona bilang Miss World sa ginanap na paligsahan ng kagandahan, ang Miss World 2013 na ginanap sa Nusa Dua, Bali Resort Island noong ika-28 ng Setyembre , 2013. Siya ay kinoronahan at binati ni Miss World 2012,Yu Wenxia. Si Young ang kaunaunahang Filipna na naguwi ng korona sa tinaguriang pinakamatandang paligsahan ng kagandahan. Pinapahalagahan ng Miss World ang halaga ng humanidad at ginagabayan niya ito sa pagintindi ng mga tao, kung bakit ganun sila kumilos, paano sila namumuhay at ang mga ito ang gagamitin ko hndi lang para tumulong sa ibang tao pero paBuwan ng Nutrisyon

ra na rin ipakita sa iba kung paano intindihin ang kapwa para magkaka-isa tayong tumulong sa lipunan,("Miss World for me treasures the core value of humanity and that guides her into understanding people, why they act the way that they do, how they're living their lives and I will use these core values in my understanding not only in helping others but to show other people how they can understand others, to help others so that as one, together, we shall help society"), matalinong sagot ni Young sa tanong na bakit siya ang karapat na tanghaling Miss World.

Nagbabasa ng kanilang mga mensahe ang mga mag-aaral ng SVIS para sa kanilang mga guro sa Sekondarya

parangal at kilalanin ang mga guro sa araw na ito. Pinangunahan ito ng mga opisyal ng Supreme Student Government (SSG) at Supreme Pupil Government (SPG) sa tulong na rin ni Gng. Jennifer Remular, ang tagapayo ng SSG. Sa araw na ito naranasan ng mga SSG at SPG ang magturo, sa

hirap nga pala talaga ng kanilang mga gawain, lalong-lalo na ang magturo sa ibat ibang klase ng mga estudyante, ang pahayag ni Mary Jane Tapat. Mary Jane Tapat

4Ps pinalawak
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay pormal na inilunsad ni dating Pangulong Gloria-Macapagal Arroyo noong Nobyembre 2008 at sinimulang ipatupad noong Enero 2008 sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Noong 2010, ipinagpatuloy ni Pangulong Benigno Aquino III ang nasabing programa. Layunin nitong labanan at bawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pamimigay ng tulong pinansyal sa mga nakilalang pinakamahihirap na pamilya sa bansa na tinatayang umabot sa mahigit 3 milyon sa kasalukuyan. Inaasahang sa pamamagitan ng programa ay mapabubuti ang kalagayan ng mga pamilya sa larangan ng kalusugan, nutrisyon at edukasyon ng mga bata na 018 gulang. Ang bawat lehitimong miyembro ay nakatatanggap ng Php6000.00/taon o Php500.00/buwan para sa pangangailangang pangkalusugan at nutrisyon at Php3000.00/taon o Php 300.00/buwan sa bawat kwalipikadong anak ng miyembro. Kaakibat ng tulong na ibibigay ay ang sumusunod na responsibilidad ng bawat miyembro: ang pagpakonsulta sa doctor ng buntis na miyembro bago at pagkatapos manganak, buwanang pagmonitor ng timbang at pakikinig sa gabay pangnutrisyon para sa 0-2 gulang na anak, agarang pagpatingin sa karamdaman ng mga anak, 85% na buwanang attendance ng mga nag-aaral na anak at regular na pagdalo ng mga miyembro sa mga seminar at pagpupulong tungkol sa tamang pangangalaga ng pamilya. Ayon sa kahulihang tala, ang bayan ng San Vicente, Ilocos Sur ay may 323 pamilyang registradong miyembro ng 4Ps na nakatanggap na rin ng mahigitPhp1.5 milyong cash grant mula Hunyo 2012 hanggang Enero 2013. Mary Jane Tapat

SVISans, pinarangalan
Bilang pangwakas na pagdiriwang sa Buwan ng Nutrisyon na may temang Gutom at Malnutrisyon, Sama-sama Nating Wakasan, pinarangalan ang mga mag -aaral ng San Vicente Integrated School na nagsipagwagi sa mga ibat ibang paligsahan sa bulwagan ng SVIS noong Hulyo 2013.
PAGGUHIT NG POSTER: Una - Danny Domenden ng III-Pearl Ikalawa - Fedrick John Azur ng Grade 8-Amethyst Ikatlo - Dee-Jay Gorospe ng IV-Agate E-POSTER: Una - Dave Jarrette Rosales ng II-Sapphire Ikalawa - Jayson Amarillo ng Grade 8-Amethyst Ikatlo - Paul Cyjoen Padron ng IV-Agate PAGSULAT NG SANAYSAY (ENGLISH): Una - Ma. Diana Joy Navarro ng III-Pearl Ikalawa - Daniel John Gapas ng Grade 7-Emerald Ikatlo - Aljune Uganiza ng Grade 8-Amethyst PAGSULAT NG SANAYSAY (FILIPINO): Una - Fedrick John Azur ng Grade 8- Amethyst Ikalawa - Clifford Cubangbang ng IV -Agate Ikatlo - Mary Rose Requilman ng Grade 7- Emereld NUTRIQUIZ: Una - Gilbert Retreta ng IV-Diamond Ikalawa - Rhose Angel Azur ng Grade 7- Ruby Ikatlo - Laurence Rapisura ng III-Sapphire COOKING CONTEST: Una - IV Agate Ikalawa - IV- Diamond

Nasaan ang PORK?


Ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas kilala sa tawag na Pork Barrel ay ang pondong naibibigay sa bawat kongresista na nakalaan para sa mga proyektong prayoridad ng pamahalaan lalo na sa lokal na sektor ng gobyerno na kanilang pinamumunuan. Maganda ang layunin ng pondo ngunit ang malaking tanong ng taong bayan, NASAAN ANG PORK? Noong ika-12 ng Hulyo, nagsimulang umugong ang Pork Barrel Scam na nagturo kay Janet-Lim Napoles bilang utak at reyna ng nasabing isyu. Isiniwalat ito ng kanyang mismong pinsan at personal assistant na si Benhur K. Luy matapos siyang mareskyu ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa pagkakakulong niya sa yunit ni Napoles sa Fort Santiago. Ayon sa mga lumabas na ulat, limang senador at 23 kongresista ang nadawit ang pangalan at naakusahan sa maanumalyang paggamit ng milyon hanggang sa bilyong halaga ng PDAF. Ito ang gumising sa masa na nagbigay daan para sa malawakang imbestigasyon na isinagawa ng kinauukulan. Pagkatapos ng masusing pag-aaral sa nasabing scam, idineklara ng Kataastaasang Hukuman na ang PDAF ay UNCONSTITUTIONAL na nangangahulugan ng agarang pagtigil sa pag-isyu ng nasabing pondo sa mga kongresista.

Pagtutulungan ang kailangan upang maihanda ang lahat bago ang pasukan. Ito ang madamdaming pahayag ni Gng. Jeanette Pilot, ang pangulo ng Parents Teacher Association (PTA) sa sekondarya sa naganap na Brigada Eskwela sa San Vicente Integrated School, San Vicente, Ilocos Sur, Mayo 21-24. Nilahukan ito ng mga guro, mga magulang lalung-lalo na ang mga 4ps, mga estudyante, at sina Coach Jimmy Mallari at ang kanyang mga soccer players. Layunin ng Brigada Eskwela na maihanda ang mga silid-aralan at ang kapaligiran para sa nalalapit na pasukan.

Pagtutulungan ang Kailangan-Pilot

B A L I TA
Sa pangangalaga ng kalikasan

Hunyo-Nobyembre 2013

Isang ordinansa sa San Vicente, ipinatupad


Ipinatupad ang Ordinance No.03 Series 2013 na may pamagat na Prohibiting and Regulating the Use of Plastics for Goods and Commodities (Styrofoams, Sando Bags, Drinking Straw) sa bayan ng San Vicente noong October 1. Layunin ng ordinansa na hindi nagagamit ang mga tao ng plastik na hindi biodegradable o hindi madaling matunaw upang maiwasan ang madaming kalat sa paligid. Pinangunahan ito ng ating butihing mayora ng San Vicente na si Mayora Ma. Nancy Dy-Tabanda at ang mga konseho ng San Vicente. Ito ang kopya ng ordinansa at ang mga katumbas na parusa sa mga lalabag nito.
Republic of the Phillipines Province of Ilocos sur Municipality of San Vicente ORDINANCE NO. 03 Series 2013 PROHIBITING AND REGULATING THE USE OF PLASTICS FOR GOODS &COMMODITIES (STYROFOAM, SANDO BAGS, DRINKING STRAW) FINES AND PENALTIES: 1st OFFENSE Reprimand / 2 Hours Community Service 2nd OFFENSE P500.00 Fine / 4 Hours Community Service 3rd OFFENSE P1000.00 Fine / Whole Day Community Service www.sanvicente-ilocos sur.gov.ph PNP(077)722-5896 telefax No. (077)722-8320 Hotline No. 0999-3379444

Kapulisan ng San Vicente, nagdaos ng seminar


Nagdaos ng isang seminar ang Philippine National Police, San Vicente na pinangunahan ni Chief of Police Manuel Viaje sa bulwagang pantanghalan ng San Vicente Integrated School noong Oktubre 14. Layunin nito na mabigyang alam ang lahat ng mag-aaral ng San V icente Integrated School, sekondarya tungkol sa RA. 9262-Anti Violence Againts Child Abuse: Exploitation and Discrimination and Drug Prevention and Control. Idinagdag pa dito ang mga dapat na gawin upang maiwasan ang paggawa ng krimen, mga paraan para hadlangan ang pagkalat at pang-aabuso ng mga kabataan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Buwan ng Wika

SVISans, pinarangalan
Pinarangalan ang mga nagsipagwagi na magaaral ng San Vicente Integrated School (sekondarya) sa pangwakas na palatuntunan ng Buwan ng Wika na may temangWika Natin Ang Daang Matuwid sa bulwagang tanghalan ng SVIS noong Setyembre 6. Nakamit ni Marjorie Ritumban ng Grade 8Amethyst ang unang puwesto sa tagisan ng talino, pangalawang puwesto naman si Richvent Joseph Retuta ng Grade 7-Amethyst at si Zeny Ullero ng IVAgate ang nagkamit ng pangatlong puwesto. Buong birit na kumanta si Lucky dela Cruz ng Grade 8-Jade na nagkamit ng unang puwesto, Leslie Anne Tapuro ng III-Pearl ang nagkamit ng pangalawang puwesto at pangatlong puwesto naman si Crisanta Sabado nang Grade 8-Amethyst. Sa pagsulat ng sanaysay nakamit ni Marnelli Rabino ng III-Pearl ang unang puwesto, si Zeny Ullero ng IV -Agate ang nagkamit ng pangalawang puwesto at si Mary Rose Requilman ng Grade 7Emerald ang nagkamit ng pangatlong puwesto. Si Danny Domenden ng III-Pearl ang nagkamit ng unang puwesto sa pagguhit ng poster, Fedrick John Azur ng Grade 8-Amethyst ang nagkamit ng pangalawang puwesto at si Rojsvie Miles Antiquera nang Grade 7-Ruby ang nagkamit ng pangatlong puwesto. Sina Marjorie Ritumban, Marnelli Rabino, Danny Domenden at Lucky Bech dela Cruz ang kinatawan ng San V icente Integrated School sa Pandibisyong Patimpalak noong Agosto 29 sa Narvacan National Central High School, Narvacan, Ilocos Sur. Ang kanilang mga tagasanay ay sina Bb. Evelyn Giron at Gng. Prima Albalos. Rhose Angel Azur

Laking pasasalamat namin dahil sa walang sawang pakikilahok ng kapulisan para maipahayag ang karapatan naming mag-aaral at maiwasan ang anumang krimen, pahayag ni Marnelli O. Rabino ng

III-Pearl.

-Billy BJ Ramirez

Kuha ni Carlo Castaeda

Nagbibigay ng mensahe sa mga mag-aaral ng San Vicente Integrated School si P/Insp. Maanuel A. Viaje, hepe ng Kapulisan ng San Vicente.

Isang Silid-Aralan sa SVIS, naidagdag

Upang lalo pang matugunan ang pangangailangan ng mga guro at magaaral ng isang maayos at maaliwalas na Pandibisyong Pagsasanay, silid-aralan, isang silid-aralan na para sa sekondarya ang ipinatayo sa San Vicente inilunsad Integrated School, San Vicente, Ilocos Upang maihanda ang mga pangkampus na Sur. Ito ay pinondohan ng DepEd na sinmamamahayag sa pagsusulat ng mga balita, imulan noong Abril at natapos noong editorial, lathalain, isports, copyreading, car- Hulyo. tooning at radio broadcasting, naglunsad ang Dibisyon ng Ilocos Sur ng isang Pandibistong Pagsasanay para sa mga Tagapayo at Pangkampus na Mamamahayag na naganap sa San Sebastian National High School, San ViNagpasalamat ang mga administrador, guro at mga mag-aaral ng San Vicente cente, Ilocos Sur noong Oktubre 16-18. Integrated School (SVIS) sa Diyos sa naganap Dinaluhan ito ng 2 sa mga tagapayo ng na misa sa bulwagan ng SVIS noong Hulyo. Ang misa ay idinadaos taon-taon bilang Ang Pag-usbong na sina Gng. Catherine C. pasasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob ng Radam at Bb. Evelyn A. Giron at 7 pangkamDiyos sa bawat isa. pus na mamamahayag na sina Mary Jane Pinangunahan ni Rev. Roque C. Reyes, Tapat, Ma. Diana Joy Navarro, Billy BJ kura-patoko ng bayang San Vicente ang Ramirez, Mary Rose Requilman, Samuel nasabing misa. Lorence Rapisura Castaeda, Fedrick John Azur at Kasandra Castillo. Ako ay lubos na nagpapasalamat
Kasandra Castillo

Tinatalakay ni Propesor Lourdes Llanes ng CAS ang Personality Development sa mga mag-aaral ng ikatlo at ikaapat na taon ng Sekondarya sa SVIS

Mula sa University of Northern Philippines

CAS, naglunsad ng seminar


Naglunsad ng seminar na may temang Information Drive on Psyco-Social and Economic Dimensions of Sustainable Environment ang College of Arts and Sciences (CAS) ng University of Northern Philippines sa pangunguna ni Gng. May Evelia V. Ruadap, ang coordinator ng CAS Extention Unit ng UNP sa San Vicente Integrated School noong Setyembre 6. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral na nasa ikatlo at ikaapat na taon ng sekondarya ng San Vicente Integrated School. Upang lalo pang maintindihan ng mga mag aaral ang seminar na ito, apat na guro ng CAS ang tumalakay sa mga napakahalagang impormasyon na dapat nilang malaman. Tinalakay ni G. Cid Javier ang The Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, si G. Lloyd Mata naman ay Ecological Justice, si Propesor Maribien Lopez ang sa Values Formation at si Propesor Lourdes Llanes ang sa Personality Development. Lubos ang aming pasasalamat sa bago na namang kaalaman na aming natutunan mula sa mga tagapagsalita sa seminar na ito, ang pahayag
ni Kasandra Castillo, isang mag-aaral ng ikaapat na taon. Mary Jane Tapat

SVISans nagpasalamat sa Diyos

na inilunsad ang pagsasanay na ito at nabigyan ako ng pagkakataon na sumali at madagdagan at mapalawak pa ang aking nalalaman sa larangan ng pamamahayag, ang pahayag ni Samuel Castaeda,
isang manunulat ng Ang Pag-Usbong.
Marnelli Rabino
Ang mga mag-aaral ng San Vicente Integrated School ay taimtim na nagdarasal habang dinadaos ang misa.

Hunyo-Nobyembre 2013

E D I T O R YA L

GISING KABATAAN
ni Ma. Diana Joy Navarro

Ang Sikat na Pork Barrel Scam


Isa sa pinakamainit at pinakakontrobersyal na isyu dito sa ating bansa ngayong taon ay ang isyu sa Pork Barrel. Kamakailan lamang, ginisa nang mga mambabatas ang tinaguriang reyna ng Pork Barrel Scam na si Janet Lim Napoles. Marami ang nadismaya sa mga isinagot nito at ang akala nang lahat ay mahuhukay na ang mga paglulustay na ginawa sa pondo ng mga mamamayan. Isa sa naging tagapagsiwalat sa karumal-dumal na ginawa ni Napoles ay si Benhur Luy. Na ayon pa sa kanya tatlong senador at mga kongresista pa ang kasabwat at sangkot sa nasabing scam. Para sa mga taong bayan, hindi lang ito basta-bastang problema ng bayan kundi isang problema na dapat agad solusyonan. Galit at panghihinayang ang naramdaman ng sambayanan nang lumabas ang scam. Tinaguriang kauna-unahang kaso sa kasaysayan kung saan isang gumon ng ebidensya ang nakalap. Matapos ang pagsuko ni Napoles sa mismong Presidente, marami ang naging bulung-bulongan tungkol sa special treatment na nangyari. Hindi raw ito normal na pagtrato sa isang taong nagnakaw at naging utak ng 10 bilyon na salapi ng bayan. Hindi rin natin maitatanggi ang galit ng sambayanan kay Napoles, sapagkat sa isang iglap lamang, napasakamay na niya ang pera ng taong bayan na kinuha mula sa kinaltas na buwis. Sangkot din daw sa scam na ito sina Senador Jinggoy Estrada, Senador Bong Revilla, at Senador Juan Ponce Enrile. Ang tanong ng masa, paano pinaikot ng isang simpleng negosyante ang pera ng bayan? Hindi kaya may mas makapangyarihan pang tao ang sangkot dito? Sabi ni President Aquino, Walang sasantuhin ang batas sa mapapatunayang sangkot sa Pork Barrel Scam. Ngayon nasa kamay na nila si Napoles, inaasahan ng lahat na magkakaroon nang katuparan ang pangako nito sa taong bayan. Ang pork barrel ay laan para sa mga proyektong mapapakinabangan ng mga Pilipino. Habang patuloy na naghihirap ang ekonomiya ng Pilipinas, marami ang walang makain, hindi nakapag-aral, marami ang mga nagkakasakit at namamatay na dilat ang isip at mata sa katotohanan na ninakaw ng mga mambabatas at ang pinakamasahol na negosyanteng si Napoles ang perang laan dapat para sa kanila. Kayat hindi rin masisisi ang taong-bayan kung bakit gusto na nilang alisin ang pork barrel ng ating mga mambabatas. Wala na nga ba talagang sasantuhin? Hindi natutulog ang taong-bayan. Patuloy tayong magbabantay. Dahil ang pinakamakapangyarihang testigo ay tayo mismo.

Anti-Bullying Law

Kilala Mo Na Ba Ako?
Nakaaalarma ang mga napanonood sa telebisyon, nababasa sa dyaryo, at napakikinggan sa radyo tungkol sa isyung suicide dahil sa tinatawag na bullying. Kamakailan ay pinagtibay at pinirmahan ni Pangulong Aquino ang isang batas, ang R.A. 10627 of 2013 of Anti Bullying Act. Layunin nitong protektahan ang karapatan ng bawat isa laban sa mapanghusgang lipunan. Ayon sa pag-aaral, isa sa bawat dalawang katao ang nagiging biktima ng pambubully. Kadalasan ay mga taong mahihina, may kapansanan, may kapintasan at mga taong duwag magsumbong sa kinauukulan. Nangyayari rin ito maging sa paaralan na ang karamihang nagiging biktima ay mga estudyanteng may kapansanan at takot ipagtapat ang nangyayari. Ang masaklap pa dito ay kinikikilan o hinihingan sila ng pera, binubugbog, ginagawang sunud-sunuran sa bawat naisin at higit sa lahat pinagsasalitaan ng hindi angkop sa isang tao. Nakababahala lalo na sa mga magulang na tanging akala ay nakapag-aaral ng maayos at komportable ang kanilang mga anak, subalit ang akalang ito ay hanggang doon na lamang dahil ang masakit pa dito ay kapwa rin estudyante ang gumagawa ng mga kalokohan. Hindi rin natin maitatanggi ang dulot na kabutihan ng social media sa ating buhay lalo na sa ating lipunan. Nandiyan ang mga cellphone, kompyuter, atbp, na kadalasang gamit ngayon lalo na ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng mga Facebook, Skype, Twitter at Instagram, madali nating naipapaabot ang ating mga mensahe lalo na sa ating mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar. Ngunit paano kung ang mga ito ang mitsa ng pagkawasak at pagkakitil ng buhay ng isang tao. Napapanood natin sa telebisyon na ito ang laging dahilan ng pagkakitil ng mga kabataan sa sarili nilang buhay dahil sa isyu ng pambubully. Ayon sa mga eksperto, ang pambubully ay nakapagdudulot din ng trauma sa mga biktima. Sa mga estudyante maaaring hindi sila makapagaral ng maayos at hindi komportable. Bunga na rin ito ng pagiging matatakutin nila na makihalubilo sa iba at pagkakaroon ng depresyon. Sa ganitong mga simtomas, mahirap ng maibalik ang normal na buhay ng isang tao na nasira ng dahil sa lipunang mapanghusga. Mahalagang mabigyan ng solusyon ang problema natin sa mga pambubully. Dahil sa bagong batas na ito, mas mabibigyang pansin na ang mga bully sa tulong ng DepEd sa mga eskwelahan. Ang pagiging bukas sa pamilya ay mahalaga rin para masabi natin ang ating mga hinaing at anumang problema sa ating personal na buhay. Dapat isa-isip na gumagaan ang ano mang problema basta`t alam nating ibahagi sa iba. At dapat ring gabayan at hulmahin ng mga magulang ang kanilang mga anak na maging mabuting tao. Hindi pa huli ang lahat basta`t alam nating makipag-ugnayan sa kinauukulan. Huwag tayo maging duwag na ipaalam sa kanila ang katotohanan. Hindi imposibleng masosolusyunan natin ang problemang tayo rin ang may gawa kung gagawin nating lahat ang ating parte, ang pagrespeto sa kapwa natin.

Sundan sa pahina 3...

PATNUGUTAN
Taong-Panuruan 2013-2014 Patnugot: Mary Jane U. Tapat Ka-Patnugot: Ma. Diana Joy R. Navarro Tagapamahalang Patnugot: Billy BJ J. Ramirez Patnugot ng Balita: Kasandra B. Castillo Patnugot ng Panitikan/Lathalain: Mary Rose Requilman Patnugot ng Isports: Samuel S. Castaeda Mga Kontributor Aljune P. Uganiza Jester A. Bundoc Carlo S. Castaeda Lorence N. Rapisura Marnelli O. Rabino Rhose Angel B. Azur Windelyn R. Rondon Daisy L. Simalong

Mga Tagaguhit Fedrick John B. Azur Antonio P. Navarrete Jr. Mga Tagapayo Bb. Evelyn A. Giron Gng. Catherine C. Radam Gng. Prima B. Albalos

Mga Kritiko Gng. Jennifer F. Remular Bb. Michelle T. Ragasa Gng. Rowena L. Presto Bb.Lhowela T. Ribuca Gng. Rosviminda P. Ragasa G. Julimar R. Buquing Mga Konsultant Beatriz R. Riotoc Punong-guro I Elsie R. Rigunay, Ed. D. Tagamasid Pampurok

OPINYON

Hunyo-Nobyembre 2013

Pag-isipan
ni Mary Jane U. Tapat

Edukasyon, Pahalagahan

Sa Aking Tingin

Sang-ayon ka ba o hindi?
Hatid ng K-12 Basic Education Curriculum ang pagkakaroon ng tinatawag na Senior High School o ang dagdag na dalawang taon ng pag-aaral sa sekondarya maliban sa apat na taon o ang Junior High School. Sa Senior High School pwedeng pumili ng gustong konsentrasyon gaya ng Technical-Vocational, Sports and Arts, at Academics ang isang mag-aaral. Pabor ba kayo sa dagdag na dalawang taon ng pagaaral sa sekondarya? Oo o hindi? Oo,para sa kapakanan ng mga kabataan. Dahil kapag nakapagtapos na sila maaari na silang magtrabaho kung hindi man sila nakapagtapos sa mataas na edukasyon. -Bb. BEATRIZ R. RIOTOC Principal, SVIS Pabor ako sa dagdag na dalawang taon para higit silang matuto sa dagdag na kaalaman na isinagawa ng K-12. Dagdag na pag-aaral ang isinusulong na dalawang taon na Technical- Vocational, Sports and Arts, at Academics, subalit mas makabubuti kung ang mga magulang ay ipagpatuloy ang pagsuporta sa pag-aaral ng kanilang mga anak para makamit ang nais na karera ng kanilnag mga anak hangga`t kaya nilang itaguyod ito. -Gng. JACQUELINE B. AZUR Magulang, Sekondarya Oo, para madagdagan ang aming kaalaman at para pagdating namin sa kolehiyo ay di na kami mahihirapan dahil naka advance lesson na kami. -MARY ROSE REQUILMAN Grade 7- Emerald Oo, pabor ako dahil ang dagdag na taon sa pag -aaral ay para rin lang sa kapakanan ng mga magaaral. Karamihan sa mga magulang hindi maintindihan ang nais ipakahulugan ng sinasabing Senior High School, ngunit sa aking murang pagkakaintindi, makakatulong ito para mapabilis ang paghahanap ng trabaho. O, di kaya`y pagkatapos ng Senior High School maaari na kaming pumili ng gusto naming

ni: Kasandra B. Castillo Tayong lahat ay may karapatang mag-aral. Hindi ito ipinagkakait kanino man dahil sa

tayo`y ipinanganak sa mundong ito na may karapatan sa lahat, karapatang lumigaya, karapatang magmahal, higit sa lahat karapatang makapag-aral. Pero sa ngayon, nag-aaral nga tayo pero para saan? Para lang ba masabi na tayo ay may pupuntahan? Bilang isang mag-aaral kailangang sundin o gawin natin kung ano man ang ibinibigay sa atin ng ating mga guro. Kailangan ding makipagpartisipasyon tayo sa lahat ng oras sa mga talakayan. Pero ginagawa ba natin ito? Ilan sa mga mag -aaral ay pumapasok lamang para sa attendance, para magkaroon lang ng allowance, para makita lang ang crush o kasintahan, para umiwas lang sa mga gawaing bahay, atbp. Kung ganito lang naman ang nangyayari mapapalawak ba natin ang ating kaalaman? Karamihan sa mga mag- aaral sa ngayon ay ipinagwawalang bahala ang kanilang pag- aaral. Hinda nila pinapahalagahan ang bawat patak ng pawis ng kani- kanilang mga magulang matustusan lang ang kanilang mga pangangailngan sa eskwelahan. Para kanino ba ang kanilang pagpapakahirap at pagsasakripisyo? Hindi ba`t para sa ating magandang kinabukasan? Magandang kinabukasan na tanging hangad ng ating mga mahal na magulang, subalit ano ang ating isinusukli sa kanila? Tayo lamang ang nakasasagot sa tanong na ito. Education is the key to success, sabi nga nila sa wikang Ingles at totoo ito. Kaya, kapwa mag- aaral may pagkakataon pa tayong magbago habang maaga pa. Pahalagahan natin ang ating pag-aaral upang ang buhay ay umunlad at maging matagumpay.

trabaho tulad sa mga Technical- Vocational, Sports and Arts at Academics. -MARY GRACE REVIBES III-Pearl Pabor ako sa dagdag na dalawang taon sa sekondarya dahil ito ay makatutulong sa akin sapagkat kapag natapos na ito ay maaari na akong magtrabaho. -FEDRICK JOHN AZUR Grade 8-Amethyst Oo, pabor ako sa dagdag na dalawang taon ng pag-aaral sa sekondarya para magkaroon ang mga kabataan ng sapat na kaalaman sa nais nilang maging sa hinaharap at kung sakaling hindi na sila makapagpatuloy sa college may kaalaman pa rin silang magagamit para sa kanilang paghahanap ng trabaho sa hinaharap. -Gng. CLARITA RIALUBIN Guro ng Elementarya, SVIS

Bangis ni Yolanda
ni: Ma. Diana Joy Navarro Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas subalit ang pait, sakit at pighati ay nasa pusot isipan pa rin ng mga biktima. Ang super bagyong Yolanda ay isang kalamidad na bumago, sumira at nagpatumba sa buhay ng karamihan sa mga taga-Visayas. Isang kalamidad na sumubok sa ating katatagan, pananampalataya at pagkakaisa. Bilyun -bilyung halaga ng mga imprastraktura, kabahayan mga agrikultura at libu-libong mga buhay ang nasawi at nasayang. Subalit totoo kaya ang isyung pinagdedebatehan na bunga ito ng tinatawag na global warming o pagbabago ng klima ng daigdig? Batay sa usap-usapan sa mga social-media, gawa umano ng tao ang bagyong ito na sumalanta sa maraming buhay at ari -arian sa Sentral Visayas. Ngunit higit na matindi ang akusasyon o tsismis, inuugnay ang bagyong ito sa global warming na kagagawan din naman talaga ng tao. Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) 3,637 na ang naiulat na namatay, 1,186 pa ang nawawala at patuloy pa rin na kinakalap ang datos sa mga lugar na hinagupit. Mahigit sa 3 milyong indibidwal ang nananatili pa rin sa mga evacuation center at patuloy na umaasa na bukas, makalawa masisilayan nila ang isang maaliwalas na umagang puno ng pag-asa. Ayon kay Brian McNoldy, senior research associate ng University of Miami, si Yolanda ay kabilang sa isang grupo ng malalakas na bagyo na nakakalat sa mundo sa mga nagdaang dekada. Mula naman sa isang research oceanographer ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) maliit lang daw ang kontribusyon ng global warming kay Yolanda at may mga bagay na bumuo sa bagyong ito tulad ng Weather Fluctuation at Climate Variability. Gayunman batay na rin sa ating mga napapansin, ang mga bagyong dumaan sa Pilipinas nitong nagdaang ilang taon ay nagiging mas malakas o mas matindi ang pinsalang idinudulot sa bansa. Iisa lang ang paalala nito sa atin, higit nating pahalagahan at bigyang pansin pa ang ating Inang Kalikasan. Sa kabila ng kalamidad, dito natin makikita ang kaliwat kanang mga tulong na natatanggap natin mula sa ibat ibang sulok ng mundo. Mga cash donations, mga material na bagay lalong-lalo na ang ating mga dasal. Paalala lang ito na sa likod ng mga luha, lungkot at pighati nating mga Pilipino ay nariyan pa rin ang mga kamay na handang tumulong at makiisa sa atin. Mga patunay na habang may buhay may pag -asa. Sa bawat problema, darating ang bukas na may ngiti. Alam nating hindi natutulog ang Diyos. Ilang beses man tayong subukin ng tadhana, hindi pa rin matitinag at susuko ang lahing Pilipino. Babangon tayo at sama samang buuin ang mga nasirang kabuhayan na dulot ng mapaminsalang bagyong Yolanda.

Liham sa Patnugot
Mahal kong Patnugot, Una sa lahat nais ko muna kayong batiin ng magandang araw lalung-lalo na sa mga mahal nating mambabasa. Gusto ko ring magpasalamat dahil sa pagkakaroon ng kolum na ito para maibahagi naman namin ang mga saloobin at nakikita para matugunan ang mga ito. Sa kasalukuyan, ako po ay nasa Grade 8 at bilang estudyante ay apektado po ako sa naranasan ko sa nakaraang tag-ulan dahil sa kaunting patak ng ulan ay bumabaha na. Taun- taon po ay ganito ang nangyayari sa aming paaralan. Kaunting patak ng ulan ay nagdudulot ng baha. Bahang nakakasagabal sa aming pag-aaral dahil pumapasok sa aming silid-aralan at umaabot pa ng dalawang talampakan ang tubig kahit sa kaunting ulan. Wala po kasing lalabasan o daluyan ng tubig at naiipon lahat sa bawat sulok ng silidaralan namin. Maliban po kasi sa naapektuhan ang aming pag-aaral ay nakatatakot din po ang maaaring ibunga nito sa aming kalusugan. Maaaring makakuha kami ng sakit dahil sa baha o tubig na naiipon. Sana po at wish ko lang na sa susunod na tagulan ay hindi na namin mararanasan ang ganitong uri ng problema dahil sayang ang matututunan namin sa bawat araw na may baha. Lubos na gumagalang, (Sgd.) Aljune Uganiza Grade 8-Amethyst

Dear Diary,
MAYO Magandang umaga diary, aga kong nagising ngayon diary pupunta kasi ako sa eskwelahan. Simula na naman ng Brigada Eskwela naming diary. Ako kasi ang ka-pangulo ng SSG eh, at syempre diary responsibilidad kung pumunta at tumulong sa paglilinis kasi diary layunin ng Brigadang ito na malinisan ang paaralan bago ang pasujan. Sige diary ah, kwentuhan na lang tayo mamaya pupunta lang ako sa eskwelahan. Hayyy. Diary napagod ako ngayong araw na ito, daming lininisan Kumusta ka na dear diary, handa na ba akong magkwento sa iyo? Alam mo diary lininisan naming ang buong paaralan, kapagod kaya diary. Kasama ko ang aming guro diary sa paglilinis, akalain mo naman diary sobrang sipag nila noh? Ito yung mga kapwa ko SSG diary kasama ko rin sila, mga 4p`s, PTA Officers, si sa diary si Coach Milari na coach ng soccer halla diary kasama rin naming naglionis kasama ang mga soccer players. Hulog sila ng langit diary noh? Sana hindi sila magsawang tumulong sa aming paaralan. Para sa kaayusan at kalinisan nito. Sige diary hah kwentuhan na lang tayo bukas busy kasi akong naghahanda sa pagpasok ko bukas sa paaralan. HUNYO Diary kumusta ka na naman? Sorry hah ngayon lang ako nakapagsulat ulit. Busy kasi ako eh, unang araw sa klase. Mga pagbabago na naman ang magaganap sa buwan na ito diary. Hayyy Mga bagong kaalaman, kaibigan syempre karanasan diary. Alam mo diary may naganap kauna-unahang Orientation sa mga estudyante. Nailahad ang mga iba`t-ibang patakaran diary at para sa akin diary marami ang magtitino sa patakarang ito. Super Aktibo talaga ang mga guro diary. Bonggang bongga talaga ang paaralan naming diary noh? Oh diary, masaya ka ba sa kwento ko? Ako diary sobrang-sobrang saya at kailanman hindi nila mapapantayan ang kasiyahan ko. Sige na diary hah? Mag-aaral lang ako. Bukas na lang tayo magkwentuhan diary ah. Bye! Bye! Bye! HULYO Gandang umaga Dear Diary ko, kumusta ka na? Ngayon lang ako nakapagsulat diary. Alam mo diary mga bonggang-bonggang kwentuhan tayo ngayon diary. Are you ready to explore and listen diary? Oh, sige na sisimulan ko na ang kwentuhan nating dalawa diary. Alam mo diary ganap na naman ang mga Buwan ng Patimpalak diary. Sa Buwang ito diary ay tinaguriang Nutrition Month na pinagdiriwang ng buong bansa at bilang pakikibahagi sa pagdiriwang, nagdaos ng iba`t-ibang patimpalak para sa mag-aaral ng sekondarya ng SVIS. Mayroong pagsulat ng sanaysay, pagguhit ng poster, Eposter, Nutri Quiz, Gardening, at Cooking Contest na sinalihan ng mga mag-aaral diary. Lahat ng mga ito naisakatuparan dahil sa pangunguna ni G. Julimar Buquing at sa tulong ng lahat ng mga guro namin. Aktibong-aktibo sila diary, walang nagpatalo at umurong. Mga SVIS ang mga yan diary hah? Hindi nagpapatalo hehe Joke lang diary J Pero aktibo sila at may pananalig sa Diyos. Pagkatapos ng Nutrition Month diary, PTA Meeting na naman ang sumunod. Aba syempre diary dapat lang dumalo ang mga parents sa meeting na ito. Responsibilidad nilang malaman ang mga patakaran sa paaralan at alamin ang ginawa ng kanilang mga anak. Maliban dito diary nabuo ang organisasyon ng mga opisyales ng mga guro. Layunin ng organisasyon na mapaibayo ang pakikibahagi ng mga magulang sa mga gawain ng aming paaralan. Eh, kung ikaw ba diary isang magulang pupunta ka ba? Oh, makikinig na lang sa kwento ko? hehe kaw talaga diary ah. Walang hanggang pagsuporta sa akin. Salamat Diary. Opppsss Time is up Diary!! Sign off muna ako ah. May gagawin lang ako. Teka Teka Babye na Diary. Bukas ulit nhah J AGOSTO Hello Diary !!! Buwan ng Wika na naman diary Ito ay taun-taong ginagawa sa buong bansa. Siguradong maraming pangyayari na magaganap diary. Aba! Open for all na naman diary Akalain mo nga naman diary. Sobrang suportado talaga ang mga guro diary para sa aming estudyante. Alam mo diary, maraming patimpalak na naman ang sasalihan ng mga mag-aaral diary. Gusto mo bang malaman ang kanilang sinalihan diary? Oh, bored ka lang sakin hehe Joke Mmm.... May Tagisan ng Talino, Isahang Pag-awit, Pagsulat ng Sanaysay, at Pagguhit ng Poster ang sinalihan at lahat ng nagkamit unang gantimpala ang siyang kinatawan ng paaaralan para sa pandibisyong patimpalak para sa Buwan ng Wika.. Kung may patimpalak diary, Aba may pasasalamat naman para sa mga natanggap na karangalan.. Ito ang Holy Spirit Mass na naganap diary sa aming paaralan na sinundan ng isang pasinaya sa naidagdag na bagong silidaralan.. Asensado diary woh? Hehehe. Sa bawat paghihirap, pasasalamat sa Buwang ito diary, natapos rin ang mga aktibidades namin. Pahinga din

pag may time diary. Hehe syempre napagod alangan namang hindi magpahinga? Ayyy Oo nga pala diary bukas ay Buwan ng Setyembre na. Anong aktibidades na naman ang magaganap? Mmm. Antok na ako diary Pero diary nag -eenjoy ako kapag nandyan ka na nakikinig sa kwento ko. Sige diary ah, bukas na ulit tayo magkwentuhan. Bye! Diary ko . SETYEMBRE Diary, ang saya ko ngayong araw na ito! Teka pala diary masyado akong padalus-dalos. Kumusta ka na pala? Okay ka lang ba? Kumain ka na ba? O nagdidiet? Hehe Pinapasaya lang kita diary eh.. Setyembre na naman diary. Ang bilis ng araw noh? Diary Let`s go to the YES -O Camping at Eco-Tour diary. Karanasan na naman yan. Alam mo diary 2 araw at 1 gabi naming dito sa school.. Ang saya diary!!! Eco-tour sa Mira Hills, Hidden Garden at Baluarte. Hindi ko talaga makakalimutan ang mga karanasan kong ito. Sabi nga ng isang awit diary,Sana Maulit Muli. Bahagi ng kamping na ito ay ang ibat-ibang paligsdahan tulad ng Sayawit, G. at Bb.Kalikasan 2013, Panata sa Kalikasan at team building na nag-iwan ng hindi makakalimutang karanasan sa bawat kamper. Hayyyy Ang saya ko talaga diary. Uyyy Ngumingiti rin si diary. Napapasaya ko sa mga karanasan ko. Mmm Salamat Diary hah Hanggang sa muli OKTUBRE Ang aga kong nagising diary Goodmorning pala diary. Mmm.. Diary Mini-Intrams namin ngayon. Labanan ng dalawang koponan diary. Pagpray mo kami diary hah na Manalo kaming Grade 8 at 3 year. Sige diary babalitaan na lang kita mamaya hah Bye!!! Hoooo!!! Pagod na ako diary ko. Mula sa pagtalbog ng bola, karipas ng takbo ng mga mag-aaral, mapa Phil Young Husband ang mga mag-aaral diary, paghampas ng raketa, pagbato ng mga discuss, shotput at javelin. Hayyy talagang hihiyaw ka sa kagalingan naming diary este kagalingan nila Hehe Mmm Uiii. Diary magaling kaya kaming 2 koponan. Walang umaatras diary laban kung laban. Walang umaatras. Palaban diary noh? Aba syempre diary. Mapapagod ka din. Mapapagod sa training. Yang pagod mo, pawis lahat-lahat diary. Para sayo diary. Kapag tapos na ang mini-intrams? Anong susunod diary? District Meet na diary Nandyan na naman ang mga mababagsik na manlalaro ng SVIS diary. Hindi nagpapatalo. Isport kaya kami diary at syempre may pananalig sa Diyos. Ito kaya ang determinasyon naming pagdating sa labanan. Alam mob a diary ang sinalinan nila? Halla!! Di mo alam diary? Sige na nga diary kwento ko na sayo. Mmm. Badminton, Basketball, Volleyball, Scrabble, Chess, Running, Throwing events at syempre diary ang soccer na inaabangan nilang panoorin. Tatag, determinasyon, pagiging Isports, pananalig sa Diyos ang mayroon sa manlalaro naming diary kaya lagi silang nanalo diary. Kapag tapos na kaya ang District Meet diary anong meron na naman? Ayy Teacher`s Day pala diary. Nagkaroon din ka ba ng teacher diary? Ayy ako teacher mo diary? O sige, na ako na ang teacher mo. Hehe OA talaga ako diary noh? Alam mo ba diary? Nagkaroon kami ng programa para sa mga teachers naming. May nagsulat para sa mga guro diary para sa pasasalamat. At may nagbigay din ng mga regalo diary. Bongga diba? Hehe. Pagod na ako diary, pero tanong ko lang diary. Nabored ka ba o nag-enjoy ka sa kwento ko diary? Ako diary enjoy na enjoy Goodnight diary J
rd

NOBYEMBRE Nobyembre na diary!! Halika na diary manood ng Unit Meet sa Quirino Stadium, Bantay Ilocos Sur. Alam mo diary. Iba-ibang distrito ang naglalaban-laban. Pero diary ang mga manlalaro ng SVIS hindi nagpatalo. Lumaban hanggang kamatayan este hanggang Provincial pala. Hehe Mmm. Diary sana ang katatagan ng kanilang kalooban, determinasyon, tiwala sa kanilang sarili at pananalig sa Diyos, ay hindi mawala sa kanila. Alam mo diary sa mga kwento kong ito para sayo sana hindi ka na boored. At hoping na nag-enjoy ka sa mga kwento ko araw-araw. Hanggang sa muli diary. Mary Jane

Pahina 8 Hunyo-Nobyembre 2013

LI AN T/ HP AL IN PA PI AK NA IT IKAN Hunyo-Nobyembre LATH 2013 ALA AA M P /A NM IT N Tayo Ang Nakakaalam


ni: Billy BJ Ramirez

Anuman ang maging kapalaran tanging Diyos lamang ang nakakaalam. Ito ang huling linya ng isang awit na ito rin ang pamagat. Marami sa mga kabataan ngayon na ang kanilang buhay ay inaasa sa kapalaran. Na ano man ang mangyari sa buhay ay kalooban ng Diyos. Karaniwan ang sinasabi kung ano ang guhit ng palad iyon ang magiging kapalaran.Kung ating iisipin, hindi ito ang gusto ng Diyos. Bakit pa tayo pinagkalooban ng isipan kung wala naman itong paggagamitan? Ang tao ay nilikha ng Diyos. Pinakadakilang nilalang na sinangkapan ng buhay at kaluluwa. Biniyayaan ng kalayaan ng kaisipan upang gamitin sa ikauunlad at ikaliligaya. Kung ano ang gagawin natin sa ating buhay, iyon ang mangyayari. Kung tayo ay nagsasakripisyo upang ating maabot ang mga inaasam-asam na pangarap sa buhay, makaturungan lamang na iyon ay ating makamit. Hindi naman siguro tama na iasa na lamang ang ating kapalaran sa buhay. Nasa ating pagpapasya ang magiging uri ng ating buhay sa hinaharap. Anuman ang ating itinanim, tiyak na iyon din ang ating gagapasin. Magtanim tayo ng kabutihan siguradong kabutihan din ang ating aanihin.Tayo ang nakakaalam sa ating buhay.sa atin nakasalalay ang ating kapalaran.

Kaya Natin Ito


ni: Billy BJ Ramirez

Laganap na ang pagdurusa saan mang sulok ng ating bansa. Mapalungsod man o mapalalawigan, malinaw mong makikita ang larawan ng paghihikahos sa halos bawat tahanan at pamilya. Iilan lamang ang masasabi mong nakaririwasa o nakaaangat sa buhay. Bakit may pagdurusa? Bakit may mayaman sa kabila ng pagiging kapus -palad ng iba? Saan ba nanggagaling ang lahat ng ito? Isa sa mga sanhi ay ang hindi pantay-pantay na pamamahagi ng mga kayamanan at likas na yaman ng ating bansa. Idagdag pa natin ang karamutang nanggaling sa mga ambisyosong naghahangad ng tagumpay sa pansariling kagustuhan. Nariyan din ang hindi sapat na edukasyon na isa sa mga sagabal sa pagsulong. Bagamat isang pananagutan din ng pamahalaan na pilit na ginagamot, marami pa ring kabataan ang hindi nakapapasok sa mga paaralan sa iba t ibang kadahilanan. Ang pagkakaroon ng mga pinsalang dulot ng kalikasan ay isa pa ring dahilan. Maging kanino mang kasalanan, pagkakamali, pagkukulang o pananagutan, lubos ba nating masasabi na tayoy walang kasalanan? Dapat nating pagukulan ng pansin ang mga katanungang ito. Maari bang ang paghihirap ay magsimula sa isang kilos natin o sa bawat hakbang.

Ina, Bayani Ka

Kabataang Pilipino Ngayon


ni: Lorence Rapisura Kabataan ngayoy lulong sa droga Gamit nilay shabu at marijuana Natuto na rin silang uminom ng alak Ay sus, naku! ang sama na talaga nila. Kabataan ngayon ay ibang-iba na Silay natuto na ring humitit ng yosi Kahang nabibiliy hindi na mabilang Di lubos maisip, kalusugan nilay sira na. Kabataan ngayon ay walang alam gawin Patambay-tambay na lang, saan ka man tumingin Pag-aaral nilay nakalimutan na rin Libroy itinagot di na binubuklat. Kabataan ngayon, mayron na ring samahan Na sumisira sa kanilang kinabukasan Kabataan ngayon, nawawala na sa landas Iba sa kanilay, maagang naging magulang. Paano ang mga kabataan ngayon? Kung hindi sila mabibigyan ng leksiyon? Sino na ang pag-asa ng bayan? Pag silay wala na?

ni: Mary Rose Requilman

Pangarap
ni: Kasandra B. Castillo
Bawat isa sa atin May pangarap na gustong abutin Mga bagay na gustong mapasa atin At sinuman may karapatang maangkin ito. Angking talino ay tiyak meron tayo Hinuhubog nang husto, magamit sa pagpapakatotoo Pero mga taong malisyoso ang kalaban natin dito. Na handang hadlangan ang mga pangarap natin sa mundo. Sipag at tiyaga ang kailangan natin kaibigan Huwag puro tulog dahil tiyak wala kang maaasahan Wala sa iyoy darating na magandang kinabukasan Kaya naman itoy iyong paniwalaan.

Sino ang ating ina sa ating buhay? BaNi: Ma. Diana Joy Navarro yani ba siya? Mga binoto ng sambayanan Lahat tayo ay may kani-kaniyang mga Alkalde, Kongresista at Senador ina. Maaaring sila ang nagluwal sa atin o di Nagsisilbing mga lider at pinuno ng bayan. kayay nag-aalaga sa atin. Ang ina ay dakila. Ngunit anotong napapansin ko, Sila ang nagtuturo sa atin sa matuwid na lanKorap dito, korap doon das. Sila ang nag-aaruga sa atin at higit sa lahat, kung may problema sila ang tinatakbuhan Ang sakit isipin, mga buwis ng taong bayan, natin. Nananakaw ng isang iglap lamang Mama, Inay, Mother, Mommy ang Binubulsa, biktimay sambayanan. bansag natin sa kanila. Malaking pasasalamat Mga mayayaman, lalong yumayaman natin sa ating manamahal na ina. Bakit? Dahil Mga mahirap lalo pang naghihirap nandito sila sa ating tabi, gumagabay sa atin ano man ang pagsubok na dumating. Sila ang Kapwa Pilipino, naghihirap di man lang umuunlad nakakaunawa sa ating mga problema. Mga taoy walang trabaho, di-nakapagtapos ng pagSi Ina ang aking bayani. Siya ang naging aaral. inspirasyon ko. Saan man ako mapadpad ay Wala silang makain, nakapanlulumong sitwasyon hinding-hindi ko siya ikakahiya. Dahil siya Mga pinuno, makonsenya naman kayo!! lang ang aking ina at wala ng iba pa. Marahil marami ang nagtataka kung bakit si Ina ang Pinuno ng bayan! Gumising kayo sa katotohanan aking bayani. Inialay kasi niya at ibinuwis ang Sambayanan, naghihinagpis sanhi ng inyong likha kanyang buhay para lamang maisilang ako dito Maging tapat sa tungkulin, wag maging korap sa mundo. Dahil sa inyo nakasalalay ang isang bayang maunAng mga ibang bata ay ulila na sa kanillad. ang mga ina. Maagang nawasak ang kanilang Sa tuwing may nababalitaan ako pamilya o maaaring namatay na ang kanilang mapa telebisyon man o radyo, Ina. Masakit isipin kung gaano kahirap ang Naglipana na daw, mga mandarayang pulitiko maulila. Kung wala si Ina na gagabay sa ating Hindi lang daan-daan kundi bilyon-bilyung itinago gawain hindi na mararamdaman ang mahigpit na yakap at higit sa lahat kung may problema, Tanong ko ngayon, Nasaan na ang daang matuwid? wala nang inang tatakbuhan. Mga walang konsensyang pulitiko Masaya ako dahil nakikita ko pa si maNagpapabango pa pag panahon ng kampanya ma. Nasusubaybayan nya ang aking pag-aaral. Pangako nilay kadalasay napapako. Si ina ay mapagmahal at maunawain. NaiHindi nila iniisip na maraming umaasang mga tao. intindihan niya ang lahat ng aking problema, love life man, pag-aaral man, kahit anong Kaban ng bayan, klaseng problema, alam nyan ni Ina. Payo nga Inyo namang pangalagaan ni Ina mag-aral muna ako bago ang lahat. Bigyang importansya, ilaan sa tama Yan ang aking ina! Kayo bayani ba ang Nang sa gayoy magkaroon ng halaga ina niyo? Alam kong oo! Binabati ko kayo! Ang salapi ng masa.

Bato, bato sa langit, Ang Tamaay wag magalit

Mahal na Guro
Ni: Kasandra Castillo
,,

Kapag problema ay dumating. Pag sa love ang naging problema mo Aking mahal na guro maaasahan mo Handang damayan ka, sa mundong malabo Pagsabihan at payuhan ka para hindi mahilo. Maipagmamalaki ka ngang tunay Sa arugang walang humpay Na tumulong magturo at magbigay-payo Idolo kita mahal na guro.

Itinuturing kong kapatid Kuya at ate o di-kayay bestfriend Siya rin ang ating pangalawang ama O di-kayay itinuturing na ikalawang ina. Siya ang aking mahal na guro Gurong kung magmahal ay todo Siya ang tumutulong sa amin

AGH T A TT EK ON LOL HO IY 2013 AA GM H AA M TN EK HA I Y Hunyo-Nobyembre A

Eco-Tour: Karanasang Puno ng Aral


Ni: Ma. Diana Joy Navarro
Experience is the best teacher,isang katagang nagpapatunay na ang karanasan ang nagbibigayaral at leksiyon sa ating buhay. Naghahatid ng mga paalala, minsan pagkatuto at minsan kabiguan, ngunit mayroon ding kasiyahan. Sa pahayag din na ito, nagising sa aking isip na hindi lang puro saya ang buhay ng isang tao. Nandiyan ang lungkot, problema at kabiguan. At gaya ng isang guro, hindi natin siya masasabing guro kung hindi niya pinupukaw ang puso at isip ng bawat mag-aaral at sinisindihan ang bawat pundido nilang ilaw. Kailangang matuto tayo mula sa ating mga pagkakamali, marunong dapat magpakumbaba at tanggapin ang bawat maling nagawa at dapat huwag magpapatinag at matakot tumuklas ng karanasan at matuto muli dito. Noong nakaraang Setyembre 27-28, 2013, isa na namang karanasan ang siguradong di mabubura sa bawat alaala ng mga kapwa ko campers. Isang simple ngunit makabuluhang eco-tour ang aming isinagawa at ikinaaliw ng lahat. Mula rito, hindi mga larawan, souvenirs at iba pa ang nagpaalala ng lugar sa akin kundi ang karanasan ko mula dito. Mula sa ENTRANCE pa lang sa Mira Hills, damang-dama ko na ang likas na ganda at taglay nitong berdeng kulay na nagkapagpagaan sa aking damdamin. Sama-sama kaming tumuklas para sa mas makabuluhang kaalaman. Sa isang oras na paglilibot, biglang napamulat sa aking isip na kay ganda pala ng isang lugar kung may disiplina at marunong makipagtulungan ang mga tao. Sa bawat ngiti sa aming mga labi, animoy hindi alintana ang mga pagod namin sa paglalakad. Ngunit, sa likod ng aming pagod ay nakapinta naman ang saya at pananabik na matuto. Dati, naririnig ko lamang ang lugar na ito na may malawak na swimming pool, may munting museo, malinis ang paligid, sariwa ang hangin at talagang dinadayo maging ng mga turista. Kayat nung una ko itong nasilayan, naisip ko na tama pala ang mga salin-dila noon. Kaya hindi na ako nagdalawangisip na magkaroon ng masayang karanasan dito at magtuklas para sa kalikasan. Whew, Ang ganda! Ito rin ang unang lumabas sa aking bibig nang pumasok kami sa Hidden Garden. Nung nasa labas pa lamang kami, hindi ko inakalang ganoon pala kaganda, kalinis at kakulay sa loob nito. Sadyang nakatago ito at hindi mo aakalaing mapapamangha at mapapatulala ka. Mistula itong kagubatan na nagsisilbing habitat ng mga ibon at iba pang klase ng hayop at sari-saring klase ng halaman.Napamangha rin ako sa mga nagsisilbi rito na sobra ang pagpapahalaga sa mga halaman at ang sisipag sa pagbuo ng ganoong kagandang paraiso. Disiplina rin ang nakita kong taglay ng mga tao dito kung kayat naipagpapatuloy ang kagandahan at kalinisan nito. Matatanggal talaga ang galit at pagod mo sa lugar na ito. Parang paraiso kung maituturing at sadyang maipagmamalaki dahil na rin sa mga tanyag at sikat na taong bumibisita rito. Maituturing din na animoy maalamat dahil sa mga pagsasalin-dila ng katanyagan nito. Sa likuran at finale mo rin masisilayan ang mga halamang tiyak ngayon lang niyo makikita. Kamangha-mangha!!! BALUARTE. Sa tuwing naririnig ko ang lugar na ito, isang tao lamang ang una sa aking isipan, at ito ay ang butihing dating gobernador Chavit Singson. Itoy ekta-ektarya at isang malawak na teritoryo ng mga inaalagaang hayop na kung saan masisilayan mo ang ibat ibang klase ng mga ito. Nakakaaliw makipaglaro at makipagkuwela sa mga hayop kung kayat sa ilang oras na pananatili namin doon narealize ko na dapat bigyang importansya at respeto ang mga hayop, dahil tulad din natin sila, na nangangailangan ng pagmamahal, pag-aaruga at pang-unawa. May mga karanasan na hindi lang aliw ang hatid nito sa atin. Subalit nagkakaroon tayo ng karanasan para matuto at tumuklas ng iba pang kaalaman. Isang kaalaman na maibabahagi natin sa iba at dala-dala natin saan man tayo magpunta. Aral, na siguradong babaunin natin hanggang sa pagtanda. Isang alaala na puno ng saya kabahagi ang mga taong kabalikat natin sa hirap at saya. Nagsisilbing inspirasyon sa bawat ngiti ng ating mga labi, mga halaman man at hayop, ay may hatid ring saya sa bawat puso natin bastat ipadama natin ang halaga at importansya nila sa atin bilang nilalang.

Ang Tawag ni Inang Kalikasan


Ni: Jester Bundoc

Paano natin sisimulang paunlarin ang Inang Kalikasan sa ating mundong kinatatayuan? Ang suliraning ito ay tawag sa atin at naghihintay ng kasagutan sa ating mga kamay. Ito ay aking bibigyang kasagutan at aking sisimulan. Bilang isang mag-aaral o kabataan sa ating lipunan, ang napapansin ko ay unti-unti na itong nasisira dahil sa di wastong pagtatapon ng basura kung saan- saan at iba pang di wastong ginagawa ng mga tao. Ang pagbabago ng ating kapaligiran ay sanhi ng pagbaha at pagguho ng mga lupa sa kabundukan. Dahil sa gawain na pagpuputol ng kahoy ay unti- unting nasisira ang kabundukan. Kung minsan nakalilimutan na nating magtanim ng mga punung-kahoy na kapalit ng mga pinutol kaya tayo nababaha, dahil kaunti na lang ang mga punongkahoy na sumisipsip sa mga tubig. Bigyan natin ng solusyon ang suliraning ikasisira ng ating Inang Kalikasan. Para mabigyan natin ng solusyon ay dapat tayong magtulung-tulong. Nakasalalay sa ating mga kamay ang ikabubuti ng ating kalikasan. Tayong mga tao ay dapat gumising at tignan kung ano ang nangyayari sa ating paligid. Magkaisa tayo at bigyan natin ng panibagong buhay at isa- puso natin ang kahalagahan ng ating kalikasan upang may madaratnan pa rin naman ang susunod na henerasyon.

10

Pahina 8 Hunyo-Nobyembre 2013

HunyoLATH A LH AA IN PT AM TL IK A G M/ A TP EA KN I O OA HN I YA
ni: Ma. Diana Joy Navarro

Mga Dapat Gawin Kung May Baha At Bagyo

Isa sa mga naging dahilan ng grabeng pagkapinsala at lalong -lalo na ang nakaPLASTIK! Ito ay napakahalaga sapagkat kapanlulumong pagkasawi ng libu-libong mga tao sa supertyphoon Yolanda ay dahil sa dalasan itong ginagamit sa pang araw-araw na kakulangan sa paghahanda. At sa nakaraang kalamidad, animo y nabura na ang Tacloban City sa mapa ng Pilipinas. Kayat nararapat lang na maging handa tayo buhay sa ating mga kabahayan, paaralan, pamilihan, establisiyemento sa lipunan at sa mga naglalakihang tuwing may darating na bagyo. pagawaan. Ngunit, pagkatapos itong gamitin,saan at paano natin ito itinatapon? Mga Dapat Gawin Bago Ang Bagyo at Baha: May mga iba sigurong gumagawa ng tamang 1. Dapat ugaliing makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o bapagtapon ng basura ngunit sa aking palagay ay higit bala. na mas malaki ang porsyento ng hindi gumagawa 2. Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang baterya. 3. Maghanda ng pang-emergency na pagkaing hindi agad nasisira (katulad ng delata dito. Sa aking nakikita`t naoobserbahan madami paring mga plastik ang nakakalat sa ating kapaat biskwit) lalagyan ng tubig, first-aid kit at gamot na pangunang lunas . ligiran. Alam ba natin ang puwedeng maging ma4. Putulin ang mahahabang sanga ng punong kahoy na malapit sa bahay . 5. Tiyaking mabuti na makakayanan ng bubong at mga bintana ng bahay ang mala- laking epekto ng plastik sa ating kapaligiran, sa kas na ihip ng hangin (para sa mga maralitang komunidad, tiyakin din na kakaya- ating buhay? Sa bawat piraso ng plastik na ating ikinakalat nin ng haligi at dingding ang lakas ng hangin sa pamamagitan ng pagtatali at na hindi oxo-degradable ay pwedeng tumagal sa pagpapako ng maayos sa mga ito). loob ng sampung taon. Di ba kay haba ng panahon 6. Dapat lumikas na kung nakatira sa kalapit dagat at sa mga mabababang lugar. 7. Mag-imbak ng malinis na tubig; itago at ilagay sa plastik ang mga mahalagang na dapat hintayin bago ito matunaw? Kaya ang mga plastik, goma, styrofoam na itinatapon ay naiipon at dokumento/papeles. 8. Ihanda ang mga pangunahing kakailanganin sa paglikas tulad ng mga damit, ku- bumabara sa mga daluyan ng tubig at sa mga iba mot, maiinom, kandila, posporo, banig, radyo at iba pa. Maiging nakabalot na ito pang sulok ng paligid. Pero ibinabalik din ang mga ito sa atin ng inang kalikasan. Sa tuwing bumubuhos sa plastik. 9. Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang kuryente ng bahay, nak- ang malakas na ulan ang mga ito ay palutang-lutang din na tinatangay ng tubig na nagreresulta sa posiasara ang mga tangke ng gas, at nakasusi ang pinto ng bahay. 10.Dapat siguraduhin na magkakasama ang lahat ng miyembro ng pamilya at ihanda bleng pagbaha at pagdanas ng ibat-ibang uri ng mga sakit. ang sarili sa ano mang mangyayari. Kung atin namang susunugin ang mga plastik na ito, ang ozone layer naman ang masisira. Hindi Pagkatapos ng Baha At Bagyo Dapat Tandaan Na: na lingid sa ating kaalaman ang patuloy na pagnipis 1. Gumamit ng flashlight kapag muling papasukin ang binahang bahay. nito kaya huwag na nating dagdagan ang posibilidad 2. Tiyaking malinis at hindi marumihan ng tubig-baha ang mga pagkain at inumin. sa lalo nitong pagkasira. Tayo rin ang mapapasama. 3. Iulat sa mga kinauukulan ang mga nasirang pasilidad gaya ng poste at kawad ng Sa mga nailahad na kondisyong dulot ng mga kuryente, tubo ng tubig at iba pa. plastik, ano na kaya ang ating maaari at dapat gawin 4. Igihan ang paglilinis ng kapaligiran dahil pwede itong pamuguran ng mga peste. para maibsan ang mga nasabing problema? 5. Maging alerto sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog. Lahat tayo ay may magagawa. Simulan natin 6. Siguraduhing nasiyasat ng mabuti ng isang marunong sa kuryente ang switch ng sa ating mga sarili. Maging determinado tayong kuryenteng nabasa at lahat ng gamit de-kuryente bago gamiting muli ang mga ito. bawasan ang pagbili at paggamit ng mga bagay na gawa sa hindi natutunaw na plastik. Obserbahin din natin ang paghihiwalay sa mga natutunaw at hind Mga Dapat Tandaan Kung May Baha At Bagyo: 1. Iwasan ang mga lugar na may tubig-baha lalo na kung hindi nakakasiguro sa lalim natutunaw na basura. Sikaping irecycle ang puwede pang pakinabangang basura. nito. Wag lumusong o tumawid sa mga tubig na hindi alam ang ilalim, gaya ng Hindi man natin kayang tuluyang wakasan ilog at sapa. 2. Kung may dalang sasakyan at inabot ng baha, huwag piliting tawirin ang baha lalo ang paggamit sa plastik pero kayang-kaya natin itong limitahan. Walang hindi magagawa kung tayo na kung malakas ang agos nito at hindi matantya ang lalim. 3. Huwag payagang maglaro ang bata sa baha. Huwag languyin o tawirin ng bangka ay magkakaisa sa hangaring ito. Handa mo bang ang binahang ilog. gawin ang iyong parte, kaibigan? Kilos na bago pa 4. Kung sa pagtantya ay magtuloy-tuloy pa ang pagtaas ng baha ay lumikas na bago mahuli ang lahat!!! pa masira at malubog ang mga daan at tulay. 5. Manatili lang sa loob at wag nang lumabas kung hindi kinakailangan. 6. Makinig sa sa radyo para malaman ang warning system o signal sa inyong munisipyo. 7. Pakuluan ang mga tubig bago inumin. Ang basurang itinapon kung saan pag bumagyo at bumaha asahang babalik din sayo. Ang kalamidad ay hindi natin mapipigil sa oras na itoy rumagasa. Ang tangi nating magagawa ay manalig sa Diyos at maging handa sa anumang oras. Dahil sa oras na kalikasan ang gumanti maraming buhay ang masasawi.

PLASTIK, kaibigan o kalaban?

Ang Dulot ng Stem Cell Treatment


Ang Stem cell treatment ay laging laman na ng telebisyon, radyo, dyaryo, magazine at iba pa. Stem cell treatment . Ano nga ba ang tungkol ditto? Ang stem cell procedure ay ang makabagong paraan ng panggagamot sa pamamagitan nang pagsasalin o pagtuturok ng isang bago at malusog na stem cell sa ating katawan upang mapalitan ang sira at patay na mga cell. Ang stem cell treatment ay isang uri rin ng intervention strategy na nag -iintroduce ng bagong adult stem cells sa ating katawan upang magmistulang gamot na magpapagaling sa iba`t ibang uri ng sakit. Maraming researchers ang naniniwalang ang stem cell treatment ay maaaring makapagbago ng sakit ng tao at sinasabing ito na ang pag-asa ng medisina ngayong henerasyon dahil sa samu`t saring pag -aaral na isinasagawa para mas mapaigting pa o mas ma-develop pa ang ganitong uri ng pagpapagaling. Mga benepisyo ng stem cell treatment. Ayon sa ulat, pinaniniwalaan na pinakaepektibo ang stem cell procedure gamit ang pagsasalin ng stem cell mula sa bone marrow para sa mga maysakit na luekemia. Ayon rin sa pagsasaliksik na ang procedure na ito ay isang potensyal na lunas para sa malawakang hana ng mga iba`t ibang uri ng karamdaman katulad ng iba`t ibang uri ng kanser, sakit sa puso, sakit sa bato at maging ang mga walang lunas na sakit gaya ng Sclerosis, Parkinsons, Disease at Alzheimers. Ayon din sa ilang pananaliksik ang stem cell procedure ay maaari ring gamitin sa pagpapaganda o pagpapabata. Ang Stem Cell Treatment nay dapat nang bigyan ng pansin. Ito na ang panibagong pag-asa ng medisina. Kaya dapat magkaroon na ng masinsinang pag-aaral upang sa ganon may mabigyan pa ng panibagong buhay.
Sinaliksik ni Marnelli O. Rabino

SM PO R S E K N O L O H I Hunyo-Nobyembre A G H IA A TT T YA 2013
EDITORYAL

11

ISPORTS LATHALAIN
ni: Carlo Castaeda Ayoko sanang tumingin Pero hindi ko naman maiwasan Sapagkat akoy kumakaba Na hindi ko naman mawari Hiyaw doon, tilian dito Lahat ay napakasaya Nang masilayan ang koponang Kanilang hinahangaan at ibinibida Ako ay kakaba-kaba pagdating Sa last 2 minutes Sa bawat smash ng raketang kay bilis Sa arangkada papasok sa goal point At siyempre pati sa nakamamatay na spike Basketball, volleyball, badminton, Soccer, table tennis at iba pa Nagkalalakas loob na akong panoorin sila Ay, ang saya pala, kahit puno ako ng kaba.

Kakaba-kaba

Isports sa Buhay ng SVISans


ni: Mary Rose Requilman

Tagumpay Ng Isang Atleta


Ni: Rhose Angel Azur

Disiplina, Tanging Sandata


Kung pagkapanalo ang inaasam, dapat lamang na taglay ng isang manlalaro ang mga karapat-dapat na katangiang maghahatid sa kanya sa rurok ng tagumpay. Sa larangan ng pampalakasan, kung nais mong maging kampeon, paghirapan mo. Ang mga manlalaro na sikat sa kasalukuyan tulad nina Manny Pacquiao, Phil Young Husband, Michael Christian Martinez at iba pa ay nagsimula rin sa wala. Namuhunan lamang sila ng sipag, tiyaga, lakas ng loob, takot sa Diyos at sa maikling salita, disiplina sa sarili. Bawat laban wala rin silang kasiguraduhan kung sila na ba ang mag-uuwi ng medalya. Tulad mo, tulad ko, tulad ng kahit sinong manlalaro, naranasan na rin nilang matalo, ngunit sa kabila ng kanilang pagkadapa ito rin ang nagsilbing inspirasyon nila upang muling bumangon. Iyan tayo, iyan ang mga Atletang Pinoy, sa bawat pagkadapa, agad bumabangon upang iwagayway muli ang ating bandila. Bakit kaya di natin sila tularan at gawing inspirasyon upang mabigyan din natin ng karangalan ang ating mahal na paaralang San vicente Integrated School (SVIS). Pagpupursigi, pagtitiyaga, liksi ng katawan, tatag ng loob at disiplina sa sarili ang kailangang taglayin nating mga kapwa mag-aaral ng SVIS. Natural lanang pagkatalo ng isang laro pero ang mahalaga naglaro tayo ng patas at ginawa natin ang ating makakaya.

Kung ikaw ay isang atleta Kailangan mo ng disiplina Magsikap at magsipag ka Upang sa huliy saludo sila. Lakas ng loob, tibay ng dibdib Tindig at liksi ay dapat ipanatili Ano mang laban, hindi inaatrasan Hindi mo dapat kaligtaan Ang bawat kilos ng laban. Lahat ay nag-ensayo Sa kagustuhang Manalo Tinaguriang idolo Sa larangan ng palaro.
Ang Aking Pagtatagumpay
ni: Wendelyn Rondon

Gusto kong makilahok Sa mga iba`t-ibang isports Hangad kong makamtan ang salitang panalo o n ko ito. At sa tulong ng Diyos, maabot Sa aking paglalaro d Kasa-kasama ko ang paalala ni tatay Tiwala sa sarili at determinasyon ang laging isaisip Upang ako`y maipagmalaki ng aking Mga magulang, kapatid at mga guro. Sa naging araw-araw na pag-eensayo Bawat pagod na aking dinanas Tinapos ko ng parang walang hirap Ito`y kinaya ko para sa aking kinabukasan Nagtagumpay ako sa hinangad ko nang mataga l.
o n

Kasama na sa buhay ng mga SVISans ang isports. Bilang pagpapatunay nito ay ang pagkapanalo sa iba`t ibang larangan ng isports. Isports, ito ang pagsali sa iba`tibang larangan ng laro gaya ng volleyball, badminton, table tennis, basketball, soccer at kasama na rin ang mga throwing events at track and field. Sumasali tayo sa mga iba`t ibang larangan ng laro para ipakita ang ating kakayahan, kahusayan at kagalingan. Maraming laro ang dapat nating salihan pero may mga hilig at hindi nating hilig na salihan. May mga nakasanayan at di nakasanayan tayong laro. May mga gusto at di natin gustong laruin. Pero ang mga SVISans ay di nagpapatalo kinakaya lahat ng laro. Noong sumapit ang Oktubre 21 na pandistritong palaro, napuno kami ng kaba at takot. Pero sa kabila ng lahat buong tapang naming hinarap ang aming mga kalaban. At sa bawat puntos na aming makuha ay damangdama namin ang suporta ng aming mga kasama, puno ng hiyawan, palakasan ng cheer at maging sa palakpakan. Alerto kung kumilos ang mga SVISans, maraming istratehiya at teknik ang kanilang ipinakita. Sila`y nagtatagumpay sa iba`t ibang larangan ng laro. Ipinapakita ang kanilang kahusayan para lang manalo. Dahil ang pagkakapanalo nila ay doon sila kumukuha ng lakas ng loob at nagsisilbing inspirasyon nila. Magaling SVISans!! Mabuhay SVISans. Di nagpapatalo, walang inuurungan at talagang CHAMPION tayo! Dito umalingawngaw ang mga boses ng SVISans at doon sila nagkaroon ng tiwala sa sarili. Talagang di mawawala ang isports sa buhay ng SVISans.
i n d e l y n R

AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Sa Mini-Intrams ng SVIS
Team A nanalo sa Cheerdance Competition
Nanalo ang Team A(4th Year at Grade 7) laban sa Team B (Grade 8 at 3rd Year) sa Cheerdance Competition sa naganap na Mini-Intrams ng San Vicente Rick Tapuro at Ferdinand Rios. Malaki ang pasasalamat ng Team A dahil kahit na anong hirap ng mga hakbang na kanilang ininsayo, naging inspirasyon nila

Pandistritong Palaro

ISPORTS
lakas nilang pinataob sa kanilang mga kalaban sa badminton singles Bracket C at Bracket D sa pamamagitan ng bilis ng raketa at tilamsik ng bola sa bawat palo . Ang kanilang tagapagsanay ay si Gng. Prima Albalos. Daisy Simalong

Hunyo-Nobyembre 2013

Mga manlalaro sa badminton, umarangkada


Nakipagpalakasan ng galing ang tatlong manlalaro ng San Vicente Integrated School (SVIS) na sina John Lester Rodiris, Maricar Rodiris at Estela Marie Ragasa sa larangan ng badminton noong Pandistritong Palaro na ginanap sa San Vicente Gymnasium, San Vicente, Ilocos Sur, Oktubre 21-23. Buong tatag, at

Kuha ni Carlo Castaeda Nagpakitang gilas ang mga Team A sa Cheer Dance Competition. Integrated School(SVIS), sekondarya sa San Vicente Integrated School noong Oktubre 12. Pinaghusayan nila ang pag-eensayo kasama ang kanilang mga tagasanay na pinamunuan ni Gng. Jennifer Remular at sa tulong ng mga dating estudyante ng SVIS na sina Charles ito at nagbigay determinasyon sa pakikipaglaban. Magaling at mahuhusay ang Team B pero talagang sa bawat kompetisyon may nananalo at natatalo, ang sabi ng Team A. Samuel S. Castaeda

2 SVISans, nasungkit ang una at ikalawang pwesto


Nasungkit ng dalawang mag-aaral ng SVIS ang una at ikalawang pwesto na sina Gerald Perinion at Reynold Supnet, pawang mga magaaral ng ikaapat na taon sa naganap na paligsahan sa pagtakbo sa pandistritong palaro na naganap sa plasa ng San Vicente noong Oktubre 21-23. Nakamit ni Gerald Perinion ang unang pwesto sa 1,500 meter-run na sinegundahan naman ni Reynold Supnet. Buo ang determinasyong ibinuhos nila ang lahat ng kanilang lakas at liksi para maipanalo nila ang larong ito. Hindi sila nagpatalo sa kanilang mga kalaban bagkus ay kanilang ginalingan. Ang kanilang tagasanay ay sina Bb. Michelle Ragasa at Bb. Evelyn Giron.
Samuel Castaeda

Pacquiao vs. Rios

Ang Pagbabalik Ng Pambansang Kamao


Naganap ang labanang Manny Pacquiao at Brandon Lee nuel Marquez.Ipinamalas nito ang kaliksihan nito sa pakikipaglaban kay Rios na isang Mexicano.Kakaiba ang mga ipinakitang teknik ni Manny sa pakikipaglaban sa batam-batang katunggali sa boksing. Naging inspirasyon ni Manny ang ating mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda kaya`t nakamit nito ang tagumpay. Ang labanang ito ay handog ko sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda,pahayag ni Pacquiao at nang kanyang tagasanay na si Freddie Roach. Rose Angel Azur

Rodiris, pasok sa Provincial Meet


Nakamit ni Maricar Rodiris ang pambato ng Sto. Domingo. ang unang puwesto sa larong Nagpapasalamat ako una badminton Bracket D noong Unit sa Diyos, pangalawa sa aking Meet na ginanap sa Ilocos Sur pamilya at sa aking pinaka-

Rios sa Cotai Arena ng Venetian Resort sa Macau,China noong Nobyembre 24. Sumabak muli si Manny Pacquiao sa boksing at ipinakitang hindi pa tapos ang laban matapos ang mga nakaraang sagupaan nila ni Timothy Bradley at ni Juan Ma-

Tabula, bagong manlalaro ng SVIS


Nasungkit ni John Paul Tabula, isang mag-aaral ng SVIS na nasa III- Pearl ang unang pwesto sa larong javelin throw at ikatlong pwesto sa larong discus throw sa Palarong Pandistrito noong Oktubre 21-23. Hindi siya nagpatinag sa mga manlalaro ng San Sebastian National High School (SSNHS) bagamat siyay baguhan sa larong javelin at discus throw. Ibinigay ko lahat ng aking makakaya upang makamtan ang aking pagkapanalo at hindi ko din nakalimutan ang humingi ng gabay at tulong ng Poong Lumikha, pahayag ni John Paul Tabula. Ang kanyang mga tagapagsanay ay sina Bb. Evelyn Giron at Bb. Michelle Ragasa. Kassandra Castillo
Nakahanda si Maricar Rodiris sa bolang parating. Kuha ni Daisy Simalong

Badminton Club, Bantay Ilocos Sur noong Nobyembre 7-8,2013. Malaki ang naitulong ng pag-eensayo nila ng kanyang tagasanay na si Gng. Prima Albalos sa San Vicente Gymnasium dahil ito raw ang naging inspirasyon niya sa pakikipaglaban. Tinalo niya sa semi-finals ang Caoayan at sa Championship

mamahal na tagasanay dahil sila ang nagbigay ng lakas at determinasyon ko upang makamtan ko ang matamis na tagumpay, pahayag ni Maricar.

Billy BJ Ramirez

You might also like