Abusong Seksuwal

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Filipino: Pagsasaliksik

Abusong Seksuwal

Filipino: Pagsasaliksik
2

Panimula
Abusong Seksuwal

Madaming kabataan ngayon ang nakakaranas ng abusing seksuwal mula sa


sariling pamilya, kaibigan, kasintahan, at madalas sa himdi kilalang tao. Isa lamang ito
sa suliraning kinakaharap ng mga departamento ditto sa Pilipinas na nangangalaga sa
kaligtasan ng mga kabataang babae. Habang patagal ng patagal lalong dumadami ang
kasong Rape o abusing seksuwal. Rape with Arson o panununog ng buhok, Rape with
Physical Injury o may kasamang pananakit at Rape with Murder o nauuwi sa pagpatay
pagkatapos halayin ang biktima. Madaming nasisirang kinabukasan ng kabataang
babae ang nasisira dahil sa ganitong inisidente. Ayon kay Atty. Moldes, isang propesor
sa Pamantasang Lungsod ng Muntinlupa, maaaring mabilanggo ang isang tao sa
salang Rape o panghahalay ang isang tao kapag pinasukan nya ng ari, daliri, bote, o
anumang bagay sa sa ari ng babae ng hindi naman sila kasal ng babae. Nasasaad sa
R.A. 9262 o Anti-Violence against women and children act ay ang sadyang pagpapakita
ng pananakit o pagabusong pisikal, seksuwal o psychological ay maaaring mahatulan

Filipino: Pagsasaliksik
3

ng pagkakabilanggo.

Paglalahad ng Suluranin
Pinakakaraniwang anyo ng abusong seksuwal sa mga bata (ASB) ay
isinasagawa ng isang taong malapit sa batang biktima (Renvoize 1993, 32.) Tinutukoy
nito ang anumang uri o anyo ng seksuwal na exploitasyon sa isang bata o kabataan. Sa
depinisyon ng United Nations Convention on the Rights of the Child (CRC) at ng
UNICEF, sinasaklaw ng bata ang edad mula pagkasanggol hanggang 18 taon.
Isinagawa ang pang-aabusong seksuwal ng isang taong higit na matanda o may-edad
sa bata para sa kaniyang sariling stimulasyon at/ o lugod (gratification). Masalimuot na
usapin ang seksuwal dahil ito ang gagamiting batayan sa pagtukoy kung ano
ang pang-abusong seksuwal at di-seksuwal. Ayon kay Christiane Sanderson, kung
magiging makitid ang depinisyon, tinutukoy ng ASB ang mismong seksuwal na
pakikipagtalik (sexual intercourse). Kapag magiging malawak naman ang depinisyon,
higit nitong masasalamin ang karanasan at kaso ng mga bata tulad ng pagpapakita ng
mga pornograpikong materyal at ang paglalahok sa mga ito sa produksiyon ng
pornograpiya (2004, 42). Sa pag-aaral na ito, sasaklawin ng ASB hindi lamang ang
pisikal na ugnayan tulad ng panghihipo kundi inilalahok din sa mga akto ng
exhibitionism, paglalahok sa gawaing pornograpiya, hanggang sa pakikipagtalik, o
pagbebenta ng katawan (Renvoize 1993, 36).
Sa CRC, sinabing pareho ang ibig ipakahulugan ng sexual abuse at sexual
exploitation. Dagdag pa, Ang mga nangangalaga sa mga bata at mayroong seksuwal
na ugnayan sa kanila gaya ng magulang, nakatatandang kapatid, ibang kamag-anak,

Filipino: Pagsasaliksik
4

mga guro, mga coach, mga pari, mga doktor, mga katuwang sa bahay-ampunan, atbp.
ay guilty sa abusong seksuwal. Tinutukoy ng abusong seksuwal ang mga aktong hindi
marahas gaya ng malisyosong halik at panghihipo. Exploitasyong seksuwal naman ang
pakikipagtalik sa sinuman kapalit ng salapi o iba pang mga bagay. [Persons who are
responsible for children and who have any kind of sexual contact with them, such as
parents, older brothers and sisters, other relatives, teachers, coaches, priests, doctors,
the staff of childrens homes or organization, etc. are guilty of sexual abuse. Sexual
abuse includes acts that do not include violence, such as improper kisses or caresses.
Sexual exploitation generally means having sex with someone in exchange for money
or other things.] (ODonnell 1996, 85-86).
Natukoy ni Daniel ODonnell ang mga posibleng epekto ng seksuwal na pangaabuso at ng seksuwal na exploitasyon sa mga bata. Aniya, maaaring magdulot ng
psychological damage ang ASB na makaaapekto habambuhay sa bata. Maaaring
magdulot ito ng mababang pagtingin at kompiyansa sa sarili, hindi makapagconcentrate, nahihirapang makipagkaibigan at makipagsaya, nagkakaroon ng
masasamang panaginip, atbp. Dagdag pa, may mga kasong nagiging mang-aabuso
ang mga biktima sa kanilang pagtanda (ODonnell 1996, 145).
May tatlong uri ng ASB batay sa website ng Center for the Prevention and
Treatment of Child Sexual Abuse (CPTCSA). Narito ang kanilang naisagawang
kategorya ng naturang pang-aabuso:

Pisikalpanghihipo ng pribadong bahagi ng katawan, panlalamas, pagpapahipo


at pagpapamanipula sa bata ng pribadong bahagi ng ibang tao, panghahalik,

Filipino: Pagsasaliksik
5

pakikipagtalik sa ari o sa puwit, o tangkang pakikipagtalik

Berbalbastos na wika, maruming biro, pambubuska o pang-iinsulto

Biswalpagpapakita ng ari, paninilip, pamboboso, pagkuha ng mga retratong


pornograpiko, pagpapanood at pagpapakirinig sa bata ng mga aktong seksuwal.

Layunin
Sa aming pagsasaliksik nais naming buksan ang kaisipan ng bawat isa na
pangalaagan at pahalagahan ang kanilang sarili mula sa magulong mundo sa panahon
ngayon. Nais naming dagdagan pa ang inyong mga kaalaman tungkol sa maselang
usapin gaya nito. Buksan natin an gating kaisipan sa ganitong bagay upang hindi natin
namamaliit at nahuhusgahan ang mga taong nakaranas ng ganitong abuso. Dahil May
epekto sa potensiyal ng isang bata ang lipunang kaniyang kinalakhan. Maaaring suriin
ang ganitong salik sa pinakabatayang institusyon tulad ng pamilya hanggang sa
lumawak ito bilang lipunan, bansa, at daigdig. Maiuugnay sa ganitong talakay ang
sukatan sa pagiging makatao ng isang lipunan at nagtataglay ng bisyon ng magandang
bukas sa pakikitungo at pagpapahalaga sa mga bata. Bukod sa pagiging tungkuling
panlipunan, pambansa, at pandaigdig, nakahanay sa talaan sa ibaba ang mga dahilan
kung bakit kailangan ng atensiyon, kalinga, at pangangala ng mga bata:

May pantay na katayuan ang mga bata sa mga matatanda. Malaking bahagi ng
populasyon ng mundo ay mga bata.
Nagsisimula ang mga bata na nakaasa sa iba, sila ang unang
naaapektuhan ng kahirapan, polusyon, digmaan, gutom, at iba pang suliraning
panlipunan.

Sa lahat ng aspekto ng patakaran ng gobyerno tulad ng edukasyon at

Filipino: Pagsasaliksik
6

kalusugan, higit na naaapektuhan ang bata kaysa ibang sektor ng lipunan.


Ngunit kadalasan, walang konsiderasyong ibinibigay ang mga patakarang ito sa
mga bata.

Hindi kadalasang nabibigyang-pansin ang pananaw ng mga bata. Hindi sila


botante at di kalahok sa mga prosesong politikal. Ngunit mayroon din naming
mga lugar tulad ng paaralan kung saan maaaring marinig at igalang ang kanilang
tinig. (may pagpapakinis at pagwawasto sa direktang sipi kina Quitoriano at
Morala 2004, 15)

Filipino: Pagsasaliksik
7

Abusong Seksuwal
Kabanata II
Kaugnay Sa Pagaaral

Filipino: Pagsasaliksik
8

a.Ano ang Sexual Exploitation at Pangaabusong Seksuwal?

Ang pangaabusong seksuwal ay nagaganap sa pagitan ng isang nakatatanda


at isang bata. Sa pamamagitan ng paghawak sa mga maselang bahagi ng
katawan.
Ang Sexual Exploitation ay ang pang aabusong seksuwal sa kabataan na
may kapalit na gamot,pera,tahanan,pagkain at iba pang pangunahing
pangangailangan ng tao. Ang Sexual Exploitation din ay maaring paggawa
ng pornograpiyang palabras at iba pang malalasawang website.
Ang iba pang salita o tawag dito ay Child Prostitution at Youth Sex Trade.
Dahil hindi ito ginagamit ng mga kabataan.
Karamihan ng mga kabataan ng humaharap dito ay nakakaranas ng
paggamit ng bawal ng gamot,kawalan ng tirahan,trauma at iba pang dahilan
ng mas lalong nagtutulak sa kanila na gawin ang bagay na ito. Karamihan
din sa mga nakakaranas nito ay maaring tinatakot o pinipilit gawin ang
maling gawaing ito.
Sa buong mundo,ang mga nakakaranas ng sexual exploitation ay
nakakaranas din ng human trafficking.

b.Sino ang mga biktima nito?

Filipino: Pagsasaliksik
9

Lahat ng tao anumang kulat,relihiyon o bansa ay maaaring mabiktima nito.


Mapababae man o Lalaki ay nabibiktima sa kahit saang parte ng mundo
katulad ng mga biktima ng rape. Sa buong mundo.
Dito sa Pilipinas dumadami ng dumadami ang kaso ng rape at iba pang
pangaabusong seksuwal ngunit ang gobyerno natin ay kulang sa batas
upang mabilanggo ang mga may gawa o kasalanan. Ang mga halimbawa
nito ay ang pagpatay sa isang babae sa malabon pagkatapos gahasain
Isa pa sa mga dumadami sa Pilipinas ay ang mga Cyber Sex Den na
gumagawa at gumagamit sa mga kabataan upang gumawa ng mga
malalaswang palabras.

c.Ano ang mga batas ng nagpapanagot sa mga may sala?

RA 7610 na nagsasaad na lahat ng mga seksuwal na umaabuso sa isang


kabataan sa pamamagitan ng paghawak sa ibat ibang maselang bahagi ng
katawan at ang aktuwal na pakikipagtalik ng sapilitan ay maaaring makulong
ng 10 hanggang 20 taon.
Ang Batas Laban sa Panggagahasa ng 1997 (Anti-Rape Law of 1997), na
nagpalit ng nakaraang kahulugan ng panggagahasa ayon sa tinukoy ng
Binagong Kodigo Penal ng 1930 (Revised Penal Code of 1930), ngayon ay
tumutukoy sa krimen ng panggagahasa gaya ng sumusunod:

Artikulo 266-A. Panggagahasa: Kapag at paano ginawa.


1. Sa pamamagitan ng isang taong pagkakaroon ng kaalaman ukol sa laman
ng isang babae sa ilalim ng mga sumusunod na pangyayari:
a. Sa pamamagitan ng puwersa, pagbabanta o pananakot;
b. Kapag ang naapi ay inalisan ng mga kadahilanang tumanggi o sa kabilang
banda ay hindi namamalayan;

Filipino: Pagsasaliksik
10

c. Sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na pakana o malupit na pangaabuso ng kapangyarihan; at


d. Kapag ang naapi ay sa ilalim ng labindalawang (12) taong gulang o kaya
naman hindi, kahit na wala sa mga pangyayari na nabanggit ngunit
katumbas ng mga nasabi sa itaas.
2. Sa pamamagitan ng sinumang tao na, sa ilalim ng anumang mga
pangyayari na nabanggit sa talata 1 nito, ilalaan na isang gawa ng sexual
assault sa pamamagitan ng paglagay ng kanyang ari sa bibig ng ibang tao o
sa puwet, o anumang instrumento o bagay, sa genital o puwet ng ibang tao.
Ang 1997 na pagbabago ay pinalawak ang kahulugan ng panggagahasa sa
isang mas malinaw na pagpapakahulugan at pagbibilang na krimen bilang
isang krimen laban sa mga taong sa halip na, tulad dati, sinasama o
binibilang ito sa mga krimen laban sa kalinisan.
Anti-Prostitution Bill ang Article 202 at 341 ng Revised Penal Code na
nagpaptaw ng parusa sa "women who, for money engage in sexual
intercourse, or lascivious conduct."

d.Ano ang maaaring epekto ng pag-abusong seksuwal sa kabataan?

1. Mga Uri ng Pang-aabuso:


Pisikal na pang-aabuso ay isang pisikal na pinsala o pisikal na pagpapahirap
sa
isang bata (kabilang ang hindi sinasadyang paggamit ng puwersa,
intensyonal
na pagkalason, pagsakal, pagkasunog, Munchausens Syndrome by Proxy,
atbp.), kung saan ay may sapat na kaalaman, o isang makatuwirang
paratang
na ang pinsala ay hindi sinasadya.
Sekswal na pang-aabuso ay ang pagkakasangkot ng isang bata sa sekswal
na

Filipino: Pagsasaliksik
11

aktibidad (hal., panggagahasa, oral sex) na kung saan ay labag sa batas, o


kung
ang bata ay hindi nagawang makapagbigay ng pagpapahintulot. Kabilang
dito
ang direkta o hindi direktang sekswal na pananamantala at pag-abuso sa
bata
(hal.,paggawa ng pornograpiyang materyal). Maaari itong mangyari sa loob o
labas ng tahanan. Maaaring maisagawa ito ng mga magulang, tagapagalaga,
iba pang mga taong nasa hustong gulang o batang nag-iisa o isinasagawa sa
isang pinagplanuhang paraan. Ang mang-aabuso ay maaaring gumamit ng
mga
pabuya o iba pang mga bagay upang mahikayat ang bata. Maaaring isagawa
ito ng kahit sino na kilala o hindi kilala ng bata. (Ang pag-abusong sekswal
sa bata ay naiiba mula sa karaniwang sekswal na pakikipagrelasyon na hindi
kasama ang anumang sekswal na pananamantala, hal., sa pagitan ng babae
at
lalaki, bagamat ang lalaki ay maaaring may pananagutan para sa mga
krimen
tulad ng malaswang panghahalay o labag sa batas na pakikipagtalik sa isang
babaeng wala pa sa hustong edad.)
Ang Pagpapabaya ay malala o paulit-ulit na nangyayaring kakulangan sa
atensyon sa mga pangunahing pangangailangan ng bata na ilagay sa
panganib
o pahinain ang kalusugan o pagbabago ng bata. Ang pagpapabaya ay
maaaring
maging:
Pisikal (hal., kabiguan sa paglalaan ng kinakailangang pagkain, damit o

Filipino: Pagsasaliksik
12

tirahan, kabiguan na pigilan ang pisikal na pagkapinsala o paghihirap,


kakulangan sa naangkop na paggabay o iniiwanang mag-isa)
Medikal (hal., kabiguan sa paglalaan ng kinakailangang pang-medikal o
paggamot sa kalusugang pangkaisipan)
Pang-edukasyon (hal., kabiguan sa paglalaan ng edukasyon o
pagbabalewala
sa mga kinakailangang pang-edukasyon na kung saan nagmumula
ang kawalang kakayahan ng bata)

Emosyonal (hal., pagbabale-wala sa mga kinakailangang pang-emosyonal


ng bata o pagkabigo na ilaan ang psychological na pangangalaga)
Psychological na pang-aabuso ay ang paulit-ulit na pangyayari ng paguugali
at asal ng pakikitungo sa bata o matinding insidente na ilagay sa
panganib o pahinain ang emosyonal o intelektwal na pagbabago ng bata.
Kabilang sa mga halimbawa ang pagtanggi, karahasan at pananakot,
pagiwan,
pananamantala/hubugin sa maling gawain, baliwalain ang emosyonal
na nararamdaman, pagsasabi sa bata na siya ay walang halaga, mahina,
hindi gusto o hindi minahal. Agad o matinding na nakakasira ang mga
naturang pagkilos na iyon sa pag-uugali, maaaring pag-aralan, dulot ng
damdamin, o pisikal na paggawa ng bata.

2. Ang pag-abuso sa bata ay hindi limitado sa sitwasyong anak-magulang/


tagapangalaga, subalit kabilang ang lahat kung kanino ipinagkatiwala ang

Filipino: Pagsasaliksik
13

pangangalaga at pang-kontrol sa bata, hal., tagapag-paalala ng bata,


kamaganak,
guro, atbp. Para sa sekswal na pag-abuso sa bata, ang pagkilos ay
maaari ring isagawa ng mga taong hindi kilala ng bata.

3. Ang pag-abuso sa bata ay isang napakahirap na problema at maaari itong


mangyari sa pamamagitan ng ibat ibang mga kadahilanan.

4. Ang mga magulang o tagapag-alaga na maaaring may kawalan ng tulong


na pangasiwaan ang mga suliranin sa kanilang buhay, tulad ng problemang
mag-asawa, mahinang pakikitungo relationship, pagkabigo sa trabaho,
atbp. Ang ilang mga magulang ay maaaring naibabaling ang kanilang
nararamdaman ng pagkabigo, panlulumo, kawalang pag-asa o galit papunta
sa kanilang mga anak.

5. Minsan, maaaring hindi nalalaman ng mga magulang o tagapag-alaga


ang tamang paraan o kasanayan sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.
Halimbawa, maaaring hindi nila magawang disiplinahin ang kanilang mga
anak o panghawakan ang kanilang gawain sa paaralan o mga emosyon.
Ang ilang mga magulang ay napipilitang gumamit ng labis na pisikal na
puwersa upang kontrolin ang mga sitwasyon o pagbale-wala lamang sa
mga pangangailangan ng bata.

e.Bakit kailangan malaman ang tungkol sa pag-abuso sa bata at ano ang


maaari

Filipino: Pagsasaliksik
14

nating gawin upang makatulong?

Ang mga taong nang-aabuso ng mga bata ay maaaring batid nila ang
masama nilang pag-uugali. Subalit madalas, ay nahihirapan silang kontrolin
ang kanilang mapag-abusong ugali o ang ilan ay walang balak na baguhin
ang naturang pag-uugali.
Ang lahat ng mga pamilya ay may problema at lahat ng problema, ay may
solusyon. Ang pag-abuso sa bata ay isang senyales ng mga problema
sa pamilya. Ang mga biktima ng pag-abuso at ng mga nangaabuso ay
parehong kailangan ng propesyonal na paggamot at pagpapayo. Ang mga
tao ay dapat agad na humingi ng tulong hanggat maaari.
Ang pag-abuso sa bata ay hindi lamang problema ng mga indibidwal na
pamilya. Maaari rin nitong hadlangan ang pagkakapabuti ng mga bata at
makaapekto sa kanilang kakayahan upang makatulong sa lipunan bilang
isang mamamayang sumusunod sa batas.
Inaasahan namin na ang lahat mga nagmamalasakit tungkol sa pagpapabuti
ng mga bata at pagbawas sa mga panlipunang problema na makakatulong
sa paghinto ng pag-abuso sa bata. Kailangan nating na paghusayan ang
ating kamalayan tungkol sa sakop at saklaw ng problema at bigyan iyon ng
seryosong pansin.
Para sa mabisang pagpigil sa pag-abuso sa bata, kailangan namin ng
patuloy na suporta ng ating komunidad sa pagsusulong ng pampublikong
edukasyon at publisidad.
Kung sakaling may alam ka na anumang pinaghihinalaang kaso ng
pagabuso

Filipino: Pagsasaliksik
15

sa bata, mangyaring makipag-ugnay sa Grupo ng Serbisyong


Nangangalaga sa Pamilya at Bata (Family and Child Protective Services
Unit).

Filipino: Pagsasaliksik
16

Abusong Seksuwal
Kabanata III
Mga Lagom

Filipino: Pagsasaliksik
17

Ang pang-aabusong sekswal, o kilala rin sa tawag na pangmomolestiya, ay ang


pagpilit ng mga hindi kanais-nais na sekswal na pag-uugali ng isang tao sa iba. Kung ito
ay agarang pamumwersa, ng maiksing durasyon, o madalang, ito ay tinatawag na
sekswal na panghahalay. Ang may-sala ay tinatawag bilang isang mang-aabusong
sekswal o (madalas na nakasisira) tagamolestiya. Ang kataga ay sumasaklaw din
sa anumang pag-uugali ng sino mang may sapat na gulang tungo sa isang bata upang
pasiglahin ang sino man sa dalawa ukol sa gawaing sekswal. Kung ang biktima ay mas
bata kaysa sa edad ng pagpapahintulot, ito ay tinutukoy na pang-aabusong sekswal sa
bata.
Maraming mga uri ng sekswal na pang-aabuso, kabilang ang:

Hindi-napahintulutang, sapilitang pisikal na sekswal na paguugali (panggagahasa at sekswal na panghahalay).

Hindi ninanais na paghawak o panghihipo, sino man sa isang bata o isang


matanda.

Sekswal na paghalik, panghihipo, pagpapakita ng ari ng lalaki o babae,


at pamboboso, pagtatanghal at hanggang sa sekswal na panghahalay.

Pagpapakita sa isang bata ng pornograpiya.

Filipino: Pagsasaliksik
18

Pagsasabi ng mga mapagmungkahing salitang sekswal sa isang bata


(pangmomolestiya sa bata).

Kasama rin dito ang di-pinahihintulutang pananalitang sekswal na


pangangailangan tungo sa isang matanda.

Ang paggamit ng posisyon ng tiwala upang mamilit kung hindi man hindi
ginustong sekswal na aktibidad na walang pisikal na pamimilit (o maaaring
humantong sa tangkang panggagahasa o sekswal na panghahalay).

Insesto (tingnan din ang sekswal na paglihis).

Iba pang anyo ng sekswal na pang-aabuso.

Layunin ng pananaliksik na ito na magbigay alam sa mga naabuso at


nangaabuso ang maaaring maging bunga ng kanilang ginagawa o kanilang
nararanasan. Nais naming mga istudyante na buksan ang inyong isipan sa mga
ganitong kaselang bagay. Hindi lahat ng mga tao ay napagaaralan ang ganitong bagay.
At hindi lahat ng tao nabibigyan ng tsansang makapagaral tungkol sa ganitong kaselang
bagay.

Filipino: Pagsasaliksik
19

Abusong Seksuwal
Kabanata IV

Filipino: Pagsasaliksik
20

Sa mga oras na to nagkaroon ng madaming kaalaman ang mga mananaliksik


tungol sa abusing sekswal sa kabataan, kababaihan at sa may kapansanan. Sa aming
pangangalap ay marami kaming natukklasang impormasyon katulad ng:

Madami ang naaabuso


Madami nga nato-trauma
Madami ang hindi naaksyonan ng Gobyerno
Madami ang natatakot magsumbong sa mga sangay ng gobyerno, dahil

maaaring hindi naman sila makatulong. Madala ay pineperahan lang sila.


Madaming uri ng abusong sekswal at madaming pwedeng ikaso dito.

Rekomendasyon

Filipino: Pagsasaliksik
21

Sa Makakabasa nito, nawa ay mabuksan ang isipan ninyo sa mga


ganitong bagay, hindi dapat hinuhusgahan ang mga taong naabuso bagkus
ay dapat silang tinutulungan maging maayos.
Sa mga kapwa ko Mag-aaral, nawa ay naintndihan ninyo ang tungkol sa
abusong sekswal na sumisira sa buhay ng mga kababaihan at ilang
kabataan sa panahon ngayon. Kaya mapalad tayo na napagaaralan natin ang
mga ganito kaselang bagay.
Sa mga Magulang, mahalagang gabayan niyo ang inyong anak upang
hindi maabuso ng sinuman. Mahalaga ang gabay ng magulang kaysa ano pa
mang bagay.
Sa mga Guro, mabuting ituro ito sa mga kabataan ngayon para hindi sila
maabuso ng sinoman, mahalaga ang edukasyon sa panahon ngayon.
Sa mga nais Manaliksik, mabuting siyasating mabuti ang ganito
kaselang bagay uoang maintindihang maige.

Filipino: Pagsasaliksik
22

Bibliyograpiya

http://tl.wikipedia.org/wiki/Pang-aabusong_seksuwal
https://www.google.com.ph/search?
q=batas+tungkol+sa+karapatan+ng+mga+kababaihan+sa+pilipinas&oq=batas+p
atungkol+sa+&aqs=chrome.5.69i57j0l5.12514j0j4&sourceid=chrome&es_sm=93

&ie=UTF-8
The Merriam-Webster

Dictionary.

Massachusetts, U.S.A (1997)

Merriam-Webster,

Inc.

Springfield,

You might also like