Aralin 2 Pamprosesong Tanong

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

B3

BARNACHEA, John Rey M.

Grade and Section: 9A

12/10/2015
Bb. Pleras

Aralin II: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe


Pahina 324
1. Ano ang pabuyang posible mong matanggap kung sasama ka sa paglalayag?
Ang mga ganitong paglalayag ay kadalasang sa paghahanap o
paggalugad ng kayamanan (madalas ay ginto, maaaring sa ilalim din ng
dagat). Maaari akong makatanggap ng bahagi ng kayamanang makukuha
ng mga kasama ko sa ekspedisyon. Isa pang layunin ng mga ganitong
paglalayag ay sa paghahanap ng isang lugar o para sa kaalaman.
Makatatanggap ako ng mga produkto o impormasyon mula sa isang lugar
kapag akoy sumali sa ekspedisyong ito.
2. Ano-anong panganib ang naghihintay sa iyo sakaling sumama ka sa paglalayag?
Kalaban ng mga paglalayag na ganito ang kalikasan. Lalo nat sa dagat o
karagatan ang aming lalakbayin patungo sa ibang lupa. Ang malalakas na
alon ay may posibilidad na sirain ang aming barko at palubugin ito. Ang
marahas na panahon ditong kadalasan ay may bagyo. Ang kakulangan sa
pagkain ay isa pang problemang maaaring aming kaharapin. May mga
sitwasyong magpapatagal sa aming paglalakabay, at magdudulot ito ng
hindi inaasahang dagdag na araw sa gitna ng dagat na uubos sa rasyon
namin ng pagkain.
3. Paano kaya nabago ng paglalayag at pagtuklas ng bagong lupain ang
pamumuhay at lipunan ng Europe?
Kaakibat ng paglalagay ang kayamanan at impormasyon. Ang kayamanan
ay maaaring ginto o likas na yamang makukuha sa lugar na pinuntahan.
Impormasyon ng pamumuhay ng mga tao roon, at ang posibilidad ng
pakikipagkalakalan ay magpapaunlad ng ekonomiya ng Europe. Dagdag
pa rito ang kultura ng lugar na makikihalo sa kanila pagbalik ng mga
naglakbay.
Pahina 325
1. Ano-ano ang nakita mo sa larawan?
Ang mga nasa larawan ay librong sumisimbolo sa batas, librong
sumisimbolo sa kaalaman, mga gamot, at transportasyon.
2. Gaano kahalaga sa iyo ang mensahe ng bawat larawan? Bakit?
Ang bawat isa ay isang yapak tungo sa modernisasyon ng Europe. Ang
batas ay dumidisiplina sa mga tao sa lipunan, at bumabawas ng
kaguluhan at di pagkakaintindihan dito. Ang kaalaman ay nagbubukas sa

mata ng mga tao sa mga puwersa ng agham at medisina. Ang mga gamot
ay magpapahaba ng buhay ng mga tao dahil sa kakayahan nitong
magpawala ng sakit. At ang transportasyon ay mas mabilis na paraan
upang makarating sa isang lugar.
3. Paano nakatutulong sa iyo ang mga nakalarawan?
Ang mga bagay na ito ay kailangan upang mabuhay ng matiwasay at
maayos sa lipunan. Ang batas ay nagsasaad ng aking mga kalayaan at
mga limitasyon nito, at nagsisilbing paalala na nararapat tayong umakto
ng naaayon sa napagkasunduang pamantayan sa lipunan. Ang kaalaman
ay paraan upang mapaayos ang paraan ng ating pag-iisip. Ito ay paraan
upang maging mas obhetibo tayo sa pagtingin at pagsuri sa mga bagaybagay. Ang mga gamot ay kailangan ko at ng mga tao upang maiwasan o
mapawi ang sakit na aming nararamdaman. At ang transportasyon ay
para akoy makapunta sa ibat ibang bahagi ng mundo ng mas mabilis
kaysa sa paglalakad o pagtakbo.
4. Mabubuhay ka kaya sa kasalukuyan kung wala ang mga nasa larawan?
Ipaliwanag.
Kung tayo ay titignan lamang ang konsepto ng pamumuhay sa tulong ng
pagkain, inumin, at tirahan, kaya kong mamuhay ng wala ang mga ito.
Ngunit sa mas malalim na lebel, kung ating iisipin ang dinamiko ng ating
lipunan, kailangan natin ng didisplina sa atin. Hindi maaaring lubos ang
kalayaan natin. May mga bagay na hindi natin dapat gawin. Ang
kaalaman naman ay kailangan upang ating mapaunlad ang sarili. Hindi
tayo dapat nakakulong lamang sa kung ano tayo ngayon. Isaisip natin na
sa hinaharap ay dapat tayong maging mas maunlad na tao. Ang gamot ay
kailangan dahil laganap na ang sakit at epidemya sa ating mundo ngayon.
Kahit gaano mo subukang maging malinis, hindi pa rin maiiwasang tayoy
magkasakit. Ang simpleng ubo at sipon, kung walang gamot, ay lalala sa
pulmonya, at maaaring magdulot ng kamatayan. Ang transportasyon ay
mahalaga sapagkat sa mga trabaho ng mga taoy kailangan nilang
makarating sa isang lugar ng mabilisan. Hindi ito magagawa ng simpleng
paglalakad lamang, kayat kinakailangan na may mga sasakyang
magdadala sa atin doon.
Pahina 339
1. Sino-sino ang nanguna sa paglalayag? Saang bansa sila nagmula? Anong mga
lugar ang kanilang narating?
2. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas nila sa mga bagong lupain?
3. Ano-anong katangian ang ipinamalas ng mga manlalayag na nanguna sa
paggalugad sa daigdig?

4. Paano nakatulong ang mga manlalayag na ito sa paglawak ng kapangyarihan ng


Europe?
5. Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating,
papayag ka ba? Bakit?
Pahina 340
1. Ano-anong
2.
3.
4.
5.

bansa

ang

nanguna

sa

unang

yugto

ng

imperyalismo

at

kolonisasyon? Ano-anong bansa ang kanilang nasakop?


Bakit nanakop ang mga bansang Kanluranin?
Ano ang naidulot sa Europe ng pagkakaroon ng mga kolonyang bansa?
Paano nabago ang buhay ng mamamayang nasakop ng mga Kanluranin?
Sa kasalukuyang panahon, katanggap-tanggap bang manakop pa rin ang mga

makapangyarihang bansa? Bakit?


6. Sakaling may bansang makapangyarihan na nagnais sumakop sa iyong bansa,
ano ang iyong gagawin?
Pahina 341
1. Ano-ano ang mabubuting epekto ng unang yugto ng imperyalismo at
kolonisasyon? Ano-ano ang masasamang epekto?
2. Sino ang higit na nakinabang sa unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon:
ang mga Kanluranin ba o ang mga sinakop na bansa? Bakit?
3. Pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga mananakop ang ating bansa?
Bakit?
Pahina 353
1. Ano-ano

ang

dahilan

ng

Rebolusyong

Siyentipiko,

Enlightenment,

at

Industriyal?
2. Sino-sino ang mga indibidwal na nanguna sa bawat panahon?
3. Ano-ano ang naging epekto ng bawat panahon sa paglawak ng kapangyarihan
ng Europe?
4. Bakit naganap ang Rebolusyong Industriyal sa Great Britain?
5. Bakit dapat pahalagahan ng mundo ang naiambag ng mga rebolusyong ito sa
panahon natin ngayon?
6. Maaari pa kayang magkaroon ng mga ganitong rebolusyon ngayon?

You might also like