Ang talumpati ay tungkol sa pangangalaga sa kalikasan at klima upang mapangalagaan ang kinabukasan. Ito ay nagpapakita ng mga epekto ng pagkawasak ng kalikasan gaya ng pagbaha at pagguho ng lupa. Hinikayat nito ang publiko na magtulungan sa pagpapanatili ng kalikasan sa pamamagitan ng pagre-reduce, reuse at recycle ng basura at pagtatanim muli ng mga puno.

"Kaagapay sa Pangangalaga sa Kalikasan para sa Magandang Kinabukasan" (Talumpati)
ni Jamme Louise Presnillo
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat, kasabay ng panalanging huwag na sana tayong bagyuhin sapagkat ang tiyak na kasabay ng bagyo ay ang nakasisindak na pagbaha. Tayong mga kabataan ngayon ang nakakaranas ng walang habas na pagbaha. Sabi nga ng Lola ko, noong araw apo, kahit anong lakas ng bagyo ay hindi ko pa nakitang ang tubig baha ay halos umabot sa bubungan ng bahay na gaya ng nangyayari ngayon. Pumasok sa isipan ko ang katanungang bakit nga kaya? Bakit nga kaya biglang nabago ang panahon? Kasama kaya ito sa kadahilanang papaunlad ng papaunlad ang kabuhayan sa ating bansa ngayon? Hindi ba natin naisip man lamang na ang pagkawasak na ito ng kalikasan ay nagbibigay panganib sa sangkatauhan? Isa-isahin natin ang ilan sa likas na yaman na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal. Nariyan ang dagat,mga yamang tubig, mga isda at mga lamang dagat na nagsisilbing pagkain at kabuhayang pinagkakakitaan ng mga mangingisda, subalit sa halip na pangalagaan at pagyamanin natin ang mga ito, ay inaabuso upang kumita lamang ng limpak- limpak na salapi. Dito sa Bulacan, hindi lingid sa ating mga Bulakenyo ang kalagayan ng ilog Marilao na sinasabing pangatlo sa pinakamaruming ilog sa mundo. Pangalawa ay yamang lupa. Ang walang habas na pagputol ng mga punong kahoy upang komersyal na maipagbili. Hindi man lamang ba sumagi sa kanilang isipan na ang kapalit ng mga salaping ito ay ang matinding pagbaha, pagguho ng lupa, pagkasawi ng maraming buhay, at pagkawasak ng kabuhayan? Sa mga ganitong pangyayari, sinu-sino ang unang naapektuhan? Ang mga tao bang may kakayahang magpatayo ng bahay na sing tibay ng bato laban sa malakas na hampas ng hangin at bahay na sing taas ng puno na kung di pa lalamunin ng dagat ang lupa ay di maabot ng tubig? Di bat ang mga ordinaryo at kaawa-awang mamamayan na sunod-sunuran sa mga alarma ng PAG ASA? Ang kawawang Juan de la Cruz ay ngalog na ang tuhod at kumakabog na ang dibdib sapagkat ang maliit na bahay na kanyang naipundar ay baka tuluyang wasakin ng bagyo. Ibilang nating pangatlo ay ang komersyal ding pagmimina. Ang paghuhukay sa bundok at lupa ay isa ring dahilan ng pagluwag ng lupa at nagiging sanhi din ng kalamidad. Sumagi kaya sa isipan ng mga walang pusong negosyante na isa sila sa may pananagutan sa kaganapang ito sa ating bansa? Naisip din kaya ito ni Juan dela Cruz bago niya hawakan ang nakasisilaw na pilak? Subalit huwag nating ibuhos lahat sa mga mayayamang negosyante ang sisi. Tayong lahat ay may pananagutan, mayaman man o mahirap ay nararapat mangalaga sa ating kalikasan. Nararapat na maging maganda at maayos ang ipamamana natin sa susunod na henerasyon. Ngunit paano ang henerasyong susunod sa atin kung ganito ang nagaganap sa ating bansa sa kasalukuyan? Paano natin maisasalba si Inang kalikasan sa pagkapariwara sa kamay ng mga taong walang damdamin para sa kanilang kapwa? Masasabi pa ba natin na taglay pa rin natin ang pagiging makatao, Maka Diyos, Makabayan, at Makakalikasan?
Panahon na upang tayo'y magtulungan sapagkat nanganganib na ang sangkatauhan. Ang
pag-iinit ng mundo o global warming ay halos umaabot na sa kritikal na antas. Hihintayin pa ba nating magkaroon pa ng malagim na kaganapan? Maging ang hanging ating nalalanghap ay maaring nakasasama na sa ating kalusugan. Naisip ba ninyo na baka sa susunod na taon, pati ang malinis na hangin ay bibilhin narin natin? Kaya ngayon ay hinihikayat ko ang bawat isa na sana ay magtulungan tayo upang mapangalagaan ang kalikasan para sa magandang kinabukasan at para na rin sa susunod na henerasyon. Isapuso natin at laging isipin ang 3 Rs: Reduce, Re-use at Recycle. Isa ito sa pinakamabisang paraan sa pangangalaga sa kalikasan. Bukod pa diyan, Napakalaking kakulangan sa atin ang disiplina. Ang pagkakaroon ng disiplina at pagiging sensitibo ng bawat isa sa kahit saang antas sa ating lipunan ay nagdudulot ng kaayusan at kaunlaran na siyang inaasam-asam ng bawat mamamayan. Ang mga basurang galing sa tahanan, mga gusaling komersyal at pabrika ay huwag itapon sa dagat at ilog at sa iba pang daluyan ng tubig. Makiisa rin tayo sa pagtatanim muli ng mga puno upang mapigil ang pagbaha. Iwasan din natin ang paggamit ng kemikal sa mga pananim na ating kinakain upang maiwasan ang pagkakasakit. Ang mga pabrika, mga babuyan, bakahan at manukan ay hindi dapat itayo sa malapit sa ilog at dagat upang hindi malason ang mga yamang dagat. Higit sa lahat, Ang napakahalaga ngunit napakadali namang sundin ay ang paghihiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok na basura. Napapanahon na upang tayong lahat ay magtulungan, magkaisa wika nga, at matutong gawin ang mga karapat-dapat. Tayo rin ang makikinabang at mabibiyayaan ng magandang kalusugan, tandaan natin na ang kalusugan ay katumbas ng kayamanan. Sana ay maging magkaagapay tayong lahat sa pangangalaga sa kalikasan tungo sa magandang kinabukasan. Ating isapuso at isa-isip na ang pagtutulungan ng bawat mamamayan sa pangangalaga sa likas na yaman , dulot nitoy kalusugan at kaunalaran. Maraming Salamat po. Sa uulitin, Magandang araw sa lahat. Post by: Jamme Louise Presnillo