Ligo Na U

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PALAWAN STATE UNIVERSITY CTE-GS

MAED SOCIAL SCIENCE

PAGMAMAHAL, KAMATAYAN, HALAGA,


PRENDS WID BENEPITS AT IBA PANG
PILOSOPIYANG PANTAGAY, PANG
ESTUDYANTE AT PANTAMBAY: KRITIKA SA
LAPIT NA ME LIGO NA U ni EROS ATALIA
JERONE AVEL S. CANSINO
MAED SOCIAL SCIENCE STUDENT

Introduksiyon
Ano ang best date para mag commit ng suicide? Ano
ang friends with benefits? Masarap ba talaga ang alak? Ano ang
pagkakaiba at pagkakapareho ng mga babae? Paano ba sila
dapat ispelingin? Paano iintindihin ang mga nilalang na ayaw
magpaintindi. Paano magtanong kung bawal mag tanong?
Paano naman kaya sasaagot kung hindi mo alam ang isasagot.
Maraming madaling tanong pero mahirap sagutin. Ano ba
talaga ang tunay na halaga ng isang babae? Paano ba siya
nakikita at dapat Makita ng mga kalalakihan sa post modernong
panahon. Ano ang rason sa mga bagay bagay at ano naman
kaya ang mga bagay bagay kung walang rason. Ilan ito sa mga
konsepto na pinaikot ni Eros Atalia sa isa sa pinaka sikat
niyang akda na sumasalamin sa mundo ng mga taong madalas
hindi maintidihan at nahuhusgahan. Ito ay naging pelikula na
naipalabas noong 2011 na pinagbidahan nina Edgar Allan
Guzman (Intoy) at Mercedes Cabral (Jen). May dalawang aklat
nan a sumunod dito (Wag lang di Makaraos at Its not that
Complicated) na nagpapatuloy sa masalimuot, nakakatuwa at
nakakatawang kasaysayan ng pangunahing tauhan.
Ang Ligo na U, Lapit na me ay ikaapat na akda ni
Eros na nailimbag (Taguan Pung, Manwal ng mga Napapagal
at peksman Mamatay ka man.) Kapansinpansin ang pang
uuyam sa lahat ng kaniyang mga akda. Madalas niyang ipakita
ang mga nangyayari sa lipunan na malimit makita ng karamin.
Mula rin mismo sa kanya na ang Ligo na U, Lapit na me ay
prequel ng Peksman (Atalia, 2009) ipinaliwanag niya rin na
ang mga tauhan sa kuwentong ito ay produkto ng kaniyang
eksperimento na lumabas namang kaayaaya. Alam niya rin na
maraming lilitaw na kritiko dahil sa pambibitin niya sa dulo ng
kuwento kaya sinabi niya sa unahan ng aklat na kahit naman sa
totoong buhay ay may mga taong dumarating at umaalis sa
buhay natin. (Atalia, 2009) Ang kuwentong ito ay isinalaysay
sap unto de bista ng pangunahing tauhan na si Intoy. Isang mag
PALAWAN STATE UNIVERSITY CTE-GS
MAED SOCIAL SCIENCE

aaral na kasalukuyang nasa huling taon ng pag aaral sa


kolehiyo. Ito rin ay isa lang sa mga kuwento na pinagbidahan ni
Intoy. Kasama nito ang Wag lang di Makaraos, Taguan Pung,
Peksman Mamatay ka man, Wag lang di Makaraos at Its not
that Complicated (Valderama, 2012) Na kung pag aaralan, ay
nagpapakita ng pagiging miserable ng buhay nito. Unang
Naisulat ang tatlong aklat na pinagbidahan ni Intoy ngunit
sinasabing ang aklat na Ito ang nagpaliwanag sa kasaysayan ni
Intoy.
Nagsimula ang kuwento habang sila ay kumukuha ng
pagsusulit sa Physics. Makikita rito ang unang agos ng mga
litanya ni Intoy sa mga bagaybagay. Tinanong Jen kung ano
raw ang pinaka magandang Petsa para magpakamatay. (Atalia,
2009). Mula noong magkukwento si intoy kung paano sila
nagkakilala at kung ano ang meron sa pagitan nilang dalawa.
Habang sigurado siyang meroong nangyayari sa kanila sa loob
ng MOTEL, ay hindi niya rin alam kung meron ba talagang
namamagitan sa kanila. Hindi siya nagtatanong dahil ayaw daw
ni Jen na nagtatanong ito tungkol sa kaniya. Para makaiwas sa
suspisyon ng mga kaklase madalas ay maunang lalabas si Jen at
magche-check in sa Motel na susundan naman ni Intoy matapos
ang ilang sandali. Magpapadala si Intoy ng text message kay
Jen Lapit na me, Ligo na u. At doon nanggaling ang titulo ng
nobelang ito. Maliban sa paglalaro nila naging laman din nila
ng kuwentuhan ang pagtatanong tungkol sa mga bagaybagay
may kuwenta man o wala. May mga pagkakataon na sasagutin
nila ng matinong sago tang mga walang kuwentang tanong at
sasagutin ng walang kuwentang sago tang mga matitinong
tanong. Umiikot ang relasyon na mayroon sila sa paglalaro sa
Motel, pagtambay sa coffee shop habang nagkukuwentuhan o
habang pinapanod ni Jen si Intoy na umiiyak. Ayon sa salaysay
ni Intoy, maka ilang beses rin na hinto ang benepisyo niya.
Ayon rin sa kaniyang salaysay, kailangan lang niyang mag
hintay ng ilang pagkakataon ay si Jen na rin mismo ang lalapit
sa kaniya upang ibalik ang mga kung ano mang bagay na
namagitan sa kanila kasama ang mga benepisyo nito. Dumating
ang pagkakataon, naramdaman ni Intoy na may nabubuo nang
damdamin para kay Jen. Bumili siya ng panregalo. Gumastos
siya para sa isang bagay na hindi kasama sa budget na hindi
karaniwan para sa kaniya. Noong akma na siyang magsasalita,
inunahan siya ni Jen na ilabas ang isang positibong pregnancy
test. Umiiyak ito. Nagulat si Intoy. Sinabi ni Jen na hindi sa
kanya ang bata at mula noon ay hindi na sila nagkita. Hinanap
PALAWAN STATE UNIVERSITY CTE-GS
MAED SOCIAL SCIENCE

ni Intoy si Jen pero hindi niya alam kung paano. Takot siyang
mangalap ng impormasyon dahil iniisaip niya kung ano ang
iisipin ng mga taong nakapalibot sa kanya. Nalalapit na ang
pagtatapos ni Intoy sa Kolehiyo hindi mawala sa isip niya si
Jen at doon nagsimula ang mga repleksiyon niya tungkol sa
alak at pagtangkilik sa mga kalapating mababa ang lipad.
Sinubukan niyang hanapin sa iba ag mga bagay na ibinigay sa
kaniya ni Jen ngunit sa huli, umuwi lamang siyang lasing at
sumusuka sa loob ng bus. Nakipag kuwentuhan sa kapitbahay
na may luwag ang tornilyo at nag kumento tungkol sa
pamimilosopiya ng katotohanan. Gumulong ang kuwento at
nagtapos na hindi pa rin niya nakita si Jen. Nagtapos ito sa
desisyon ni Intoy na maghanap na lamang muna ng trabaho.
Si Eros ay nakapagtapos ng BSE sa Philippine Normal
University (1996) at MALL-Fil sa DLSU (2008) kapansin
pansin ang paraan ng pagsulat ni Eros sa lahat ng kanyang mga
akda na naglalaro sa gitna ng pamantayan ng akademiya at
paggamit ng mga salitang kanto (kolokyal). Ipinaliwanag niya
na gusto niyang makapag abot ng mas malawak na audience.
Makikita na hindi pa rin siya tuluyang lumayo sa pormal na
disiplina ng mga manunulat pang akademiko ngunit ginawa
niyang impormal ang kaniyang style para maabot ang mas
malawak na popolasyon ng mga mambabasa.
Analisis
Jen. Ano raw ba ang best date para magpakamatay?
Siya ay isang babae na nababalot ng misteryo. Isang nilalang na
punong puno ng mga lihim. Dati siyang nag aaral sa isang
pampribadong pamantasan at napatalsik dahil nahuling
nakikipagtalik sa loob ng campus. At sa pag lipat niya ay doon
sila nagkadaupang palad ni Intoy (Karl Vladimir Lenno J.
Villalobos). Bilang natural na mga reaksiyon ng mga
kalalakihan (at kababaihan na rin) sa lahat ng paaralan, kapag
nakakita ng transferee, siya ay pinangarap at pinag nasaan ng
mga kalalakihan sa kanilang Campus. Pero namumukodtangi
ang pagsusuplado ni Intoy kaya mas pinili niyang lumapit ditto.
At doon nagsimula ang isang bukod tanging relasyon na kung
tawagin ay frends with benefits.
Intoy. Isang estudyante na matalino, makulit, sarcastic
ngunit amindong hindi gusto ang exact science. Dito ipinakita
ng may akda ang posisyon ng tauhan sa rason at lohika na may
malaking kinalaman sa pananaw niya tungkol sa pag ibig. May
PALAWAN STATE UNIVERSITY CTE-GS
MAED SOCIAL SCIENCE

mga anggulong hindi niya nakikita dahil hindi niya


naiintindihan si Jen. May inaalagaang reputasyon at impresyon
na magiging dahilan kung bakit tuluyan silang maghihiwalay at
huli na niyang naintindihan ang mga pangyayari. Hindi ito ang
unang pagkakataon na nagbida si Intoy sa akda ni Atalia ngunit
ito ang prequel ng kanyang kasaysayan. Ito ang
magpapaliwanag kung bakit napaka miserable ng kanyang
buhay. Pilit niya kasing itinatanggi ang pag tanggi niya sa
lipunan ngunit hindi niya napapansin sa sarili niya na ang
bawat desisyon niya ay nakasalalay parin sa pag sang ayon ng
mga taong nakapaligid sa kaniya.
Ugnayan. Nagsimula ang ugnayan nila noong mag
tanong si Jen tungkol sa sex life ni intoy. Dito ipinakita ni
Atalia na si Jen ay hindi katulad ng konserbatibong babae.
Bilang mga Pilipino, mayroon tayong konsepto ng Maria
Clara kung saan ang depiksiyon natin sa mga babae ay
konserbatibo. Sa ating kultura nakasanayan natin na lalaki ang
dapat na gumagawa ng unang galaw. Sa panliligaw at sa iba
pang kaugnay na mga bagay. Ngunit hindi ganoon si Jen. At
doon ang una nilang pagkakasundo ni Intoy. Kung ang halos
lahat ng mga lalaki ayon sa salaysay ni Intoy. Hindi malinaw
kung may romantikong damdamin na namagitan sa kanilang
dalawa. Isinalaysay ang kuwento sa limitadong pananaw ni
intoy na makikita sa bawat pagkakataon ang pagiging manhid
niya sa damdamin ni Jen at ang pagiging konsiyus (conscious)
niya sa kung ano ang iisipin ng ibang tao sa kanya. Malaking
bahagi ng mga desisyon niya ay nakasalalay sa kung ano ang
iniisip ng mga tao sa knyang paligid. Makikita rin ang hindi
niya pagpapakatotoo sa sarili na kabaligtaran naman ni Jen.
Sinasabi ni Intoy na ayaw ni Jen na tinatanong siya nito tungkol
sa kaniyang sarili pero kung ilalagay sa konsepto ng sikolohiya
ng mga babae madalas ay sinasabi nila ang mga bagay na
kabaligtaran ng gusto nilang mangyari.
Si Jen ay anak ng mga magulang na may katungkulan.
Nagtatabaho sa bangko ang kaniyang ama at naka kotse siya
kung pumasok. Inkinukwento nga ito ni into na kasama sa mga
benepisyo niya ang paghahatid ni Jen sa kaniya. Napatalsik siya
mula sa isang katolikong Pamantasan dahil sa nagawa nila ng
kasintahan sa loob ng silid. Sa aking opinion, marahil ay paraan
ito ng may akda na ipakita ang coflik (conflict) na nangyayari
sa buhay ni Jen.Humahanap siya ng pagtanggap. Marahil
naging biktima siya ng kapusukan ng mga lalaki. Marahil ay
naging parausan siya dahil sa pag aakalang may magmamahal
PALAWAN STATE UNIVERSITY CTE-GS
MAED SOCIAL SCIENCE

sa kanya kung ibibigay niya ang lahat. Marahil ay isa siyang


indibidwal na naghahanap ng kalinga. Mas madalas na si Jen
ang nanlilibre sa mga lakad nila. Marahil gusto ni Jen ng taong
tatanggap sa kanya ngunit takot siya dahil ayaw rin niyang
madamay si intoy sa paghuhusga ng lipunan na maaani ni intoy
dahil sa kaniya. Marami siyang mga bagay na itinatago. Sa
aking pananaw, noong mga panahon na hinhinto ni Jen ang
pakikipag ugnayan kay intoy sinusubok niya lamang ito kung
kaya siya nitong ipaglaban ngunit hindi niya nagawa. Noong
inilabas ni jen ang positibong pregnancy test hindi nagsalita
lamang siya pagkatapos magsalita si Intoy na may halong
pagkagulat. Sinusukat niya si Intoy kung kaya siya nitong
panindigan. At base sa nakita niyang reaksiyon sa mukha ng
binata, meron siyang nakumpirma. Isa pang pagkakataon ay
noong ginulo ni Jen si Intoy habang kumukuha ng pagsusulit sa
physics kung saan kinailanagan pa siyang bilhin sa
pamamagitan ng isang bar ng dark chocolate. Tinatanong ni Jen
si Intoy kung ano ang perpektong petsa para sa
pagpapakamatay. Inisaisa ni into yang lahat ng buwan at sinabi
ang mga dahilan kung bakit pangit mag pakamatay sa mga
buwan na iyon. Ang naging sagot naman ni Jen ay Akala ko ba
naman pipigilan mo ako. Isa iyong malakas na indikasyon ng
pagkauhaw ni Jen sa pagmamahal na hindi naintindihan ni
Intoy dahil marami siyang bagay na hindi naintindihan at
kinatakutan. Maaaring si Intoy ang ama ng dinadala ni Jen.
Sadyang huli lang napag isipan ni Intoy na kailangan niya na
rin talaga ang dalaga. Hini na ito sumasagot sa mga text at
tawag niya. At dahil hindi niya rin alam kung saan ito nakatira
hindi niya rin mapuntahan ang bahay nito. Di na pumasok si
Jen at magtatapos sya sa kolehiyo na di ito kasama.
Ikinumpara niya ang seks (sex) sa pagkain. Ang
pakikipagtalik raw sa babaeng hindi niya mahal (pagpaparaos)
ay katulad ng pagkain para lamang mabusog- walang
satispaksiyon. Hindi pareho ang bawat tao. May mga bagay na
maibibigay ang isang tao na wala sa iba. Naranasan niya ang
salimuot ng buhay at pagiging salungat ng tao sa mga bagay na
gusto niyang mangyari. Siya mismo ay hindi na rin alam kung
ano ang gusting mangyari sa kaniyang sarili. Uminom siya para
makalimutan si Jen pero mayat maya ay gusto niya itong
maalala.
Nagiging bilanggo ang tao sa mga bagay nakalipas. Sa
sitwasyon ni Jen maraming bagay na nagpapalugmok sa kanya.
Ayon sa salaysay ni intoy madalas itong umiyak. Hindi niya
PALAWAN STATE UNIVERSITY CTE-GS
MAED SOCIAL SCIENCE

tinatanong kung bakit dahil ayaw raw ni Jen na nagtatanong ito


sa kanya. Kontento na lang raw itong paupuuin sa harap niya si
itoy habang siya ay umiiyak. Maaring gusto rin sabihin ni Jen
kay Intoy lahat ng mga problema niya. Pero baka katulad ni
Intoy takot rin siyang malaman ni Into yang buo niyang
pagkatao dahil marahil ay takot rin siyang mawala ito pero
takot din siyang mahulog ang loob niya ng tuluyan dahil hindi
niya pa rin siya sigurado kay Intoy kung handa siya nitong
ipaglaban.
Hindi rin maiwawala ang posibilidad na isang kabit si
Jen. Pwede rin itong ipaliwanag ng pag tanggi niyang
magbigay ng impormasyon tungkol sa kanyang sarili kay intoy.
Maraming mga posibilidad sa nobelang ito na tumatalakay sa
mga sensitibong isyu ng lipunan. At sa aking opinion ang
pinaka sinesentro nito ay ang pagpapahala sa mga kababaihan.
Ano nga ba talaga ang basehan ng halaga ng isang babae. Sa
isang lipunan na mapanghusga, paano ba dapat tingnan ang
dangal at halaga ng isang tao? Sa huling parte ng aklat ay ang
mga kumento ni Intoy sa mga relihiyosong tao at sa napansin
niya sa mga ito. Dito ipinagbubunggo ang magkakaibang
pananaw ng relihiyon humanismo at feminismo. Sa dulo
nagdesisyon si Intoy na unahin na muna ang mga bagay na mas
mahalaga at nagbabakasakaling dumating ang panahon na
malimutan niya rin si Jen pero sa likod g uta niya ay gusto niya
pa ring ipagpatuloy ang paghahanap dito.

Rekomendasyon
Tayong mga Pilipino ay may sinusunod na kultura.
Likas sa ating kultura ang pagpapahalaga sa mga babae at sa
malaking papel na ginagampanan ng mga ito sa lipunan.
Mismong si Dr. J P Rizal ay nakapag sulat ng isang liham para
sa mga kababaihang Filipina. Alam niya kung ano ang
magagawa ng mga kababaihan.
Maaari rin itong gamitin sa pagtuturo tungkol sa
responsibilidad. Sa sarili at sa mga gagawing desisyon.
Nabubuhay tayo na marami sa mga desisyon ay nakasalalay sa
kung anong sasabihin ng ibang tao. Ngunit hindi lingid sa ating
kaalaman ang katotohanan na may mga tamang desisyon na
naiiba sa pananaw ng nakararami dahil hindi nila nakita ang
mga bagay na nakita at naranasan ng nag desisyon. Hindi
medaling mag desisyon na maging kakaiba. Maraming mukha
PALAWAN STATE UNIVERSITY CTE-GS
MAED SOCIAL SCIENCE

ang lipunan at madalas ang bawat uri ng tao ay limitado laman


ang nakikita sa mga ito. May may bagay na nagiging dahilan ng
pagdedesisyon. Ang kamalian at pagiging tama ay nakadepende
sa kung ano ang nakita at sa karanasan ng bawat tao.
Ano ba ang buhay? Bakit tayo nabubuhay kung
mararanasan natin lahat ng hirap at kalungkutan? Nalulungkot
ba tayo dahil may malungkot na nangyayari sa atin o nagiging
malungkot ang pangyayari dahil nalulungkot tayo? Nabuhay ba
tayo para maghirap o pinahihirapan natin ang buhay? Katulad
ng alak sa paglalahad ni Intoy sa kaniyang pag iisa hindi niya
alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit umiinom ag
tao gayong hindi naman nila gusto ang lasa ng alak. Umiinom
ang Pilipino kapay siya ay malungkot, umiinom din kapag
masaya at umiinom kung kalian nila nais. Hindi natin alam
kung bakit may buhay ngunit parang alak kapag ginusto natin
mabuhay ay nagiging masarap na rin katagalan. Ang tema ng
kuwento ay tumutumbok sa Pilisopiya ng buhay. Ang sakit,
sarap at hirap ay bunga ng sarili nating mga desisyon.
Sinasaklaw ng akda ang isang sensitibong tema. Ang
pagpapahalaga sa kababaihan. Magandang midyum ang akda sa
pagtuturo ng pilosopiya lalo na sa mga temang pagpapahalaga
ng tao sa buhay. Maari din itong gamitin sa pagtuturo ng
edukasyon sa pagpapaktao sa mga aralin na may kinalaman sa
pagpapahalaga sa sarili. Sa bandang huli ng kuwento lumabas
ang isang malinaw ng implikasyon. Si Intoy ay anak pa rin ng
nanay niya. Matapos siyang maglasing at mambabae at
lumustay ng perang pinaghrapan ng kaniyang mga magulang,
gising na naghihintay ang ama at ina. Ipinagluto siya ng
noodles, pinagtimpla ng kape at sinamahan habang umiinom
nito. Inako ng nanay ni Into yang toka nito sa pag igib ng tubig.
Bata pa siya.
Isa sa mga naging mainit na isyu sa mga kabataan ang
teenage pregnancy at ang premarital affairs. Maraming mga
bagay na natututunan ang mga ito na hindi tinuturo sa paaralan.
Isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon ang pag tuturo ng sex
Education sa paaralan. Habang marami pa ring mg kritiko ukol
sa bagay na ito, malinaw na may umiiral na ganitong uri ng
problema. Paano ba natin dapat tingnan ang premarital at
extramarital sexual affairs? Ano nga ba talaga ang dapat ituro?
Ang etikong makatao o ang pamantayan na ibinibigay ng
relihiyon?
PALAWAN STATE UNIVERSITY CTE-GS
MAED SOCIAL SCIENCE

Nagbabago na ang pananaw ng tao sa mga bagaybagay


sa paglipas ng panahon. Hindi na pe keme at balot na balot si
Maria Clara. May mga kasong nagiging mapusok na rin siya.
Bagamat nabubuhay tayo sa kapanahunan ng kinikilala ang
kahalagahan at kakayahan ng mga babae sa lipunan, nabubuhay
pa rin tayo sa panahon na hindi pa rin nawawal ang pagtingin
sa babae bilang object ng pagnanasa ng mga lalaki. Marahil ay
kapwa natuto sina Jenny at Intoy. Natutunan ni Jen na
pahalagahan ang sarili at mahalin ito. Sa pamamagitan ng pag
layo. Natutunan niya na kaya niyang mabuhay. Natutunan ni
Intoy na isuko ang pagiging pasuplado at natutunan rin niyang
huli na niya itong natutunan. Ang pinaka conflict ng kuwento
ay hindi pagmamahal. Naghiwalay ang landas ni Jen at ni Intoy
dahil hindi sila nagkaintindihan. Walang gustong magtanong at
walang gusting sumagot. May takot manindigan at may takot
na hindi panindigan kaya pinipilit na lamang sarilinin ang lahat
ng bagay. Ayon nga sa Sosyolohistang si G. H. Mead ang lahat
ng relasyon ay binubuo ng simbolikong interaksiyon.
Komonikasyon ang susi sa matagumpay na pagsasama at
pagkakaintindihan. Lumaki sila sa dalawang magkaibang
mundo at dalawang magkaiba pagpapakahulugan sa lahat ng
bagay at sa realidad ng buhay.

References
Atalia, E. S. (2009). Ligo Na U, Lapit na me. In E. S.
Atalia, Ligo Na U, Lapit na me (pp. 6-8). San
Roque, Pasay City: VISPRINT, INC.
Valderama, T. (2012, May 29). Antabayanan. Retrieved
from Antabayanan:
http://antabayanpilipino.blogspot.com/2012/05/s
i-intoy-sa-mga-panulat-ni-eros-atalia.html

You might also like