Ang Matalik Na Magkaibigan
Ang Matalik Na Magkaibigan
Ang Matalik Na Magkaibigan
By: RCGocreation
Magkasabay na lumaki sina Efren at Gardo. Mula sa buhay mahirap ay kinaya nila lupit ng
kapalaran. Hindi sila nakapagtapos ng elementarya. Grade 2 lang si Efren at Grade 4 lang ang
natapos ni Gardo. Naging magkasama sila sa hanapbuhay, ang pagiging construction worker.
Isang araw ay magkasama silang nag miminindal sa pondahan ni Lucy. Nagkaroon sila ng
pagtingin sa dalaga ngunit hadlang ang kanilang kahirapan sa buhay.
"lucy kung mapapangasawa kita, ibibigay ko lahat ng gusto mo" wika ni Efren
"naku di niyo ako kayang pakainin, e magkano lang ang kinikita niyo sa pagiging labor sa
constuction"
"ako naman Lucy kahit maliit lang ang sweldo ko magiging masaya tayo basta magkasama lagi
sa hirap at ginhawa" wika naman ni Gardo
"tama na nga kayo, kung sino na lang ang magugustuhan ko sa inyo kalaunan, ay maswerte hi hi
hi o lista kuna nakuha niyo ha?"
"pare balang araw di na ako maghihirap yuyuko ang lahat ng tao sa akin, magiging ganap akong
kilala sa lugar natin para me ipamukha ako kay Lucy" wika ni Efren
"ako naman e kung di niya ako gusto okey lang ang mahalaga yung mahal ako, balang araw
titingalain din ako ng mga tao" wika ni Gardo
"me trabaho ang pinsan ko, sumama ka sa akin mamaya kung gusto mo malaki ang kikitahin
natin doon, alok niya ito tiba tiba tayo"
"baka kung ano yan Efren, okey na sa akin ang trabaho ko marangal"
"bahala ka, patuloy tayong magdidildil sa tuyo kung mananatili tayo dito" wika ni Efren
"ano bang trabaho yun?" tanong ni Gardo "dun na lang natin aalamin"
"pare ikaw na lang marami pa akong gagawin bukas ibig sabihin di ka papasok" tanong ni Gardo
"di na pare dun na ako magtratrabaho at sisiguraduhin ko sa sa mga taong lumalait sa trabaho
natin yuyuko sila sa akin at hihingi ng paumanhin"
"bahala ka pare basta ako magsisikap, balang araw titingalain naman ako nila he he he" biro ni
Gardo
Lumipas ang isang linggo habang nagpipintura si Gardo ay sinigawan siya ng isang kaibigan.
Patay na si Efren, nabaril habang nag-hoholdap ng banko sa bayan. Natupad ang kaniyang
pangarap. Ang mga tao ay isa-isang yumuyukod sa kaniyang harap sa loob ng isang kahon na
may salaming bubog.
Tinitingala naman ng tao si Gardo sa pagiging isang pintor ng mga mural sa malalaking gusali na
kaniyang natutunan sa masikap na pagtiya-tiyaga at kumikita ng sapat para sa kanilang mga
anak ni Lucy
PANGARAP AT TAGUMPAY
ni Emmar C. Flojo
Kahirapan ang nagbibigay pasakit kay Mabel na dati-ratiy wala silang inaalalang suliranin.
Maayos sana ang buhay nila noon, nakahit anong hilingin niya ay agad-agad masususnod. Subalit
dumating ang pagkakataong nagkasakit ng malalang karamdaman ang kanyang ama na ngayoy
paralitiko dahil sa di agad naagapan karamdaman. Isa pa roon ay pagkasara ng pinapasukan ng kanyang
inay. Wala silang magawa ng kanyang kapatid kundi ang tumigil na lamang sa kanilang pag-aaral. Bitbit
sana na niya ang diplomang dapat sanay mukukuha na niya ng kasalukuyang taon. Gunita niya ang mga
masasayang araw na gusto niyang maging abugasiya ngunit ang sisidlang pangarap ay napunta sa
paghihintay. Panganay siya sa dalawa niyang kapatid na mula ng magkasakit ang kanyang tatay ay siya
na ang kumakalinga rito dahil wala ng panahon ang kanyang nanay sa pag-aasikaso rito. Simula noon ay
tumutulong pa siya sa pagtitinda ngkakanin sa lansangan. Inay makakapagtapos pa kaya ako? tanong
niya sa kanyang inay. Anak hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito tayo, may awa rin ang Diyos bastat
maniwala lang tayo sa kanya, Dahil ang bawat pagsubok ay may kaakibat na kaginhawaan kung itoy
iyong malalagpasan, tugon ng kanyang Inay sa kanya. Ano na lang kaya kung mamasukan na lang ako
bilang katulong? Para naman makatulong ako sa gastusin dito sa bahay at sa pambili ng gamot ni
Itay.Salamat anak! Pero bata ka pa para magbanat ng buto, hayaan mo na lamang ako magpuno ng
pangangailangan natin.
Isang araw, Inay Inay si itay! Pabulyaw at humahagulgol na sabi. Hikbi ni Mabel habang
nakaratay ang kanyang Itay na wala ng buhay. Iyon na marahil ang pinakamabigat na nangyari sa buhay
ng kanyang Pamilyaang mawalan ng Padre de Pamelia sa kanilang bahay. Tulala at wari malayo ang
kanyang iniisip habang nagsisipag-iyakan ang kanyang dalawang kapatid. Isang linggong nagluksa ang
Pamilya Dela Cruz, pagkatapos ng pagluluksang yaon ay kasunod ng pagbabago sa estado ng kanilang
pamumuhay. Kung dati-ratiy naglalako siya ng kakanin sa lansangan ay namasukan siya bilang
kasambahay. Samantalang ang dati niyang ginagawa ay pinagpatuloy ng kanyang kapatid. Simula noon
ay nahirapan siyang makibagay sa takbo ng kapalaran. Natuto siyang makipamuhay sa mura niyang
gulang at doon niya naranasan ang hirap ng kanyang napasukan. Minsan na rin siyang inalok upang
sumayaw sa lilim ng ilaw ngunit inisip niya ang nararapat na hindi niya gagawin ang bagay na iyon.
Sa kanyang kinikita sa kanyang sweldo ay doon niya kinukuha ang panggastos niya sa
pagpapaaral sa kanyang mga kapatid.
Isang gabi tinanong niya ang amo niya kung bakit ganito na lamang ang ipinapakita sa kanya
nito. At doon na niya nalaman na may anak na pala ang kanyang amo. Na dapat sanay katulad nang
gulang niya pero sadyang binawian ito ng buhay sa murang edad dahil sa aksidenting yaon. Nakikita ni
Don Pedro sa kanya ang buhay ng namayapang anak kaya maganda ang pakikitungo nito kay Mabel.
Tinuturing ni Don Pedro si Mabel na parang tunay niyang anak.. Eh Sir asan po si Maam?tanong niya
rito. Simula nong namatay ang aming anak, sinisisi niya ang lahat sa akin, lumayas siya na wala man
lang paalam. Diko nga mabatid kung bakit iniwan niya ako, siguro tama nga ang maam mo na dapat
ako managot sa lahat.
Pagkatapos ng usapang iyon doon niya nalaman ang lahat ng mga bagay na waring itinatanong
sa kanyang sarili na kung bakit ganun na lamang ang pakikitungo ng kanyang amo. Ganun pa man, kahit
mahirap hatiin ang oras bilang katulong ay umaasa pa rin siyang mapagtapos niya ang kanyang
mgakapatid at makakuha siya ng titulo sa kolehiyo.
Lumipas nga ang mga panahonng natakda niyang kapalaran ay natupad niya ang mga bagay na
matagal na niyang pangarap sa buhay. Sa pagkakataong iyon ay inaalay niya ang deplomat medalyong
nataggap sa kanyang minamahalsa kanyang inay at mga kapatid at sa mga pagsubok na dumating sa
kanyang buhay. Dahil sa pagsubok na dumating sa kanilang pamilya ay nakamit niya ang matagal na
niyang inaasam-asam. Ang makapagtapos sa pag-aaral. Nabago ang lahat dahil sa mga bagay na di niya
inaasahan. Ang pagkamatay ng kanyang itay ay natuto siyang kumilos para lamang mabuhay ang
kanyang pamilya.