Multi Ling G Wal

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Multilinggwal

- Mga tao na nakikipag-ugnayan gamit ang dalawa o higit pang bilang ng wika
(pasulat o pasalita man).

- Ang multilinggwal na tao ay maaari ring tawaging "polyglot".


Kalimitan ay nahuhulma ang ganitong katangian tuwing kabataan kung kailan
ginagamit ang unang wika

- tinatawag silang first language, native language at/o mother tongue.

- isang linggwistikong realidad ang pagkakaroon ng maraming wika. kahit na may


pambansang wika, nanatili pa rin ang barayti at baryasyon na nahuhubog at
humuhubog sa mga kasalong wika (Constantino sa Mangahis, et al 2005)

- Ang pilipinas ay multilinggwal na lipunan

- 11 lenggwaheng, pang-rehiyon ang kinikilala ng gobyerno

- Mahalagang mapanatili ang mga wika sa iba’t-ibang panig ng bansa upang


mapasigla at mapalaganap ang sariling kultura (Sen. Pimentel, Sept. 2007)

- Tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang


pambansa at katutubong wika bilang pangunahing medium sa pakikipagtalastasan at
pagtuturo (ulat sa monolingwalismo multilinggwalismo at bilinggwalismo nina
Richard Moral Jr. at Leah Farfaran)

- Layunin ang unang pakinisin at gamitin ang mga wikang katutubong dialekto o wika
ng tahanan bilang pangunahing wika ng pagkatuto at pagtuturo mula gr1-gr4
susundan ito ng Filipino o wikang pambansa bago ibababad sa wikang ingles.

- Noong ika-16 ng Mayo, 2007 ay isinulong ng pangkalahatang asemblya ng UN ang


isang resolusyon na nagsusulong sa multilinggwalismong paraan ng pagtataguyod,
pangangalaga at pagpapanatili sa dibersidad ng kultura at wika sa buong mundo.

- Naglabas ng opisyal na paninindigan ang UNESCO pabor sa multilinggwalismo


noong 2003.

- Nagkaroon ng pananaliksik sina N. Dutcherat G.R. Tucker (1997) kung saan


nagkaroon sila ng konklusyon na napatunayang mabisa ang unang wika ng bata
bilang wikang panturo sa unang bahagi ng pag-aaral.

*PAGKAKAIBA NITO SA PANAHON NGAYON

-Ingles(70%), Filipino(30%) at bukod pa ang unang wika.


 Likas sa mga Pilipino ang pagiging multilinggwal dahil maliban sa unang wika
(L1) pangunahing kasangkapan sa pakikipag-ugnayan sa mga kasapi sa
pangkat etnikong kinabibilangan, naririyan rin ang mga wiakng Filipino at
Ingles.
 Nagdidikta ng pangangailangan sa pambansang wika – kagustuhan na
makipag-ugnayan sa napakaraming komunidad wika.
 Kailangan rin ng pilipinas ang mga internasyunal na wika upang magingtulay
sa pakikipag-ugnayan sa maraming bansa/lahi sa mundo.
 Pinaniniwalaang angkop ang polisiya o sistemang ito sa mga bansang
pinamamayanihan ng maraming wika at kultura

Ayon kina Victoria B. Anderson & James N. Anderson (2007)

“Batay sa Ethnologue ay may 169 na mga wikang buhay sa buong pilipinas, 32 sa


mga ito ay sinasalita ng 33,000 Negrito. Sa 137 wikang maituturing na hindi
Negrito, 27 ang may komunidad na mababa sa 5k tagapagsalita. Mayroong siyam
na pangunahing wikang sinasalita ng 90% ng populasyon.”

“Ang pagkawala ng isang wika ay hindi lamang paglalaho ng kaalamang teknikal


at sientipiko. Ang pagkawala ng unang wika ng isang tao ay nangangahukugan rin
ng paglalaho ng panlipunan at pangkulturang pagkakakilanlan.”

“Ang pananaw na mapanatili ang kahulugang panlipunan sa sandaling mapalitan


ang isang wika ibang wikang may ibang etnokultural na pinagmulan, ay maling
pagpapakahulugan sa sa dinamismo ng mga sumisimbolong taal sa mga kabilang
sa anumang kultura.”

Thomas N. Headland (2003)

“Mayroong 6,089 wikang sinasalita sa buong mundo. Kalahati rito ay may


tagapagsalitang mas mababa sa 6,000; sangkapat (28%) dito mababa sa 1,000 ang
tagapagsalita; 500 wika ang mayroon lamang 100 tagapagsalita. Batay sa
konserbatibong pagtataya, namamatay ang mga wika sa mundo sa bilis na dalawang
wika bawat buwan na nangngahulugang sangkatlo sa mga wika sa kasalukuyan ang
nakatakdang maglaho sa ika-21 siglo. Ikinakatwiran ng maraming espesiyalista na
nkalahati sa nabanggit na bilang ang nakatakdang mamatay sa susunod na 100
taon.”

2001 – Itinakda ng UNESCO na kinakailangan ng 100,000 tagapagsalita upang


maituring na buhay at masigla ang isang wika.

Stavenhagen (1990)
“Iilang bansa lamang sa buong mundo ang monolingguwal.” Ibig sabihin, mas
laganap ang mga lipunang mutltilinggwal kung hindi man bilinggwal.

Komisyon sa wikang Filipino

“Maraming wika, matatag na bansa”

UNESCO (2003)

“Upang tugunan ang suliranin sa pagiging ekslusibo ng edukasyon para sa iilan,


kailangang buuin ang isang uri ng edukasyong mataas angkaladiad at may
pagpapahalaga sa katutubong kultura at wika ng mag-aaral.”

Benigno Aquino III

“We should become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to the
world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your dialect and
connect to your heritage.”

Mga dulot na kabutihan ng multilinggwalismo ayon kay Cummins (1981):

>kritikal na pag-iisip

>kahusayan sa paglutas ng mga suliranin

>mas mahusay na kasanayan sa pkikinig at matalas na memorya

>mas maunlad na kognitibong kakayahan at mas mabilis na pagkatuto ng iba’t-ibang


wika

>mas pleksibol at bukas sa pagbabago ang mga multilinggwal (ayon sa pananaliksik)

>may mas malalim na pag-unawa at paggalang s aiba’t-ibang kultura at paniniwala

3 Rasyonal na sumusuporta sa MTB-MLE sa lahat ng antas ng edukasyon:

1.Tungo sa pagpapataas ng kalidad na edukasyong nakabatay sa kaalaman at


karanasan ng mga mag-aaral at guro;

2. Tungo sa promosyon ng pagkakapantay sa lipunang iba-iba ang wika;

3. Tungo sa pagpapalakas ng edukasyong multikultural at sa pagkakaunawaan at


paggalang sa batayang karapatan sa pagitan ng mga grupo sa lipunan.
Department of Education Order 16, s. 2012 (Guidelines on the implementation of the
MTB-MLE) – ipinatupad ang multilingwal na edukasyon

-simula araling 2012-2013 ipapatupad nag MTB-MLE sa mga paaralan

Mga layunin:

1.Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at habambuhay na


pagkatuto.

2.Kognitibong pag-unlad na may pokus sa higher order thinking skills (HOTS)

3. Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga mag-aaral na paghusayin ang


kakayahan sa iba’t-ibang larang ng pagkatuto.

4. Pag-unlad ng kamalayang sosyo-kultural na magpapayabong sa pagpapahalaga at


pagmamalaki ng mag-aaral sa kaniyang pinagmulang kultura at wika.

8 pangunahing wikang lingua franca:

>Tagalog

>Kapampangan

>Pangasinense

>Ilokano

>Cebuano

>Hiligaynon

>Waray

Apat na iba pa:

>Tausug, Maguindanaoan, Maranao,Chavacano

Pagtapos ng isang taon, nagdagdag ng pitong wikain: Ybanag (Tuguegarao city,


Cagayan, Isabela) ; Ivatan(Batanes,); Sambal (Zambales); Aklanon(Aklan, Capiz);
Surigaonon(Surigao city at kalapit na lalawigan)

 Inaasahang higit nilang mauunawaan at kalulugdan ang mga aralin kung ito’y
ituturo sa wikang matatas na sila at lubos na nilang nauunawaan.
Mga bansang multilnggwal

>Morocco - 5 ; Bolivia – 36 ; India - 25 ; Belgium - 3 ; Switzerland – 4 ; Luxembourg – 3

*** Executive no. 210 (May 17, 2003) – pagpapalakas ng paggamit ng ingles bilang
medium ng pagtuturo

*** 11 kasalong wika ng filipino – Sugbuanon, Iloko, Kapampangan, Pangasinense,


Waray, Maguindanaoan, Tagalog, Kastila, Ingles, Tsino

***MTB-MLE – 19 lenggwahe ; subj. and medium of instruction

***Multikulturalismo – ay nauukol sa pag-iral ng maraming kultura o samu’t-saring


paran ng pamumuhay sanhi ng pagtatapo sa iisang lugar o teritoryo ng mga taong
nagmula sa iba’t-ibang lingguwistiko at kultural na komunidad.

You might also like