Final Thesis

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 67

ANG KASANAYANG PANONOOD AT ANTAS NG PAGKATUTO NG

MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO

Isang Undergradweyt Tesis

na Iniharap sa mga Guro

ng Kolehiyo ng Edukasyon

Central Bicol State University of Agriculture – Sipocot

Sipocot, Camarines Sur

Bilang bahagi ng mga gawaing

kailangan sa pagtatamo ng titulong

Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya

CAROLINE R. BIEN

BABY JEAN B. CAMALLA

RECHILLE L. ROMERO

NESRINE KAE A. ZAPANTA

Nobyembre 2018
KABANATA I

Panimula

Sa paglipas ng panahon, unti-unti nang nawawalan ng interes ang

mga mag-aaral sa pakikinig sa mga talakayan sa loob ng paaralan, lalo na

sa asignaturang Filipino. Sa pag-usbong ng makabagong panahon, mas

binibigyang pansin ng mga mag-aaral ang kinahuhumalingang

makabagong teknolohiya at pagbabasa ng mga Facebook Post kaysa sa

pakikinig at pakikilahok sa talakayan patungkol sa iba’t-ibang akda o

aralin. Pinatunayan ito ni Dela Cruz (2011) na isa sa suliraning

kinakaharap ng mga guro ngayon sa pagtuturo ang makuha at mapanatili

ang interes ng mga mag-aaral sa pagtatalakay ng mga aralin sa

asignatura dahil nawawalan na ng oras sa pagbabasa at pag-aaral ang

mga mag-aaral. May kakulangan din sa mga kagamitang pampagtuturong

gagamitin sa pagtuturo ng mga guro kung kaya’t ito’y isang malaking

hamon sa kanila bilang ikalawang magulang na katuwang sa edukasyon

kung paano pananatilihin ang interes at tugunan ang pangangailangan ng

mga mag-aaral na mapataas ang antas ng edukasyon. Idinagdag naman

ni Coles (2012) na mapapataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-

aaral simula elementarya hanggang graduate level sa pamamagitan ng

pagiging malikhain ng guro sa paglalahad ng aralin, pagpili, at paglikha ng

mga kagamitang pampagtuturo at ang tamang paggamit nito na angkop

sa mga layunin, paksang-aralin, kapaligiran at panahon dahil mabisang

paraan sa pagtuturo ang pag-aangkop ng mga kagamitan na madalas


gamitin at kinalulugdan ng mga mag-aaral tulad ng mass media,

teknolohiya, social networking site at iba pa.

Sa panahon na tinatawag nating “knowledge explosion” ang guro

sa makabagong panahon ay maaring hindi kayang ibigay lahat ng

kailangang hinahanap sa kanya ng mga mag-aaral. Ang multimedia ay

dinisenyo upang mapagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto, sa

pamamagitan ng multimedia nagiging kapanapanabik at natutulungan ang

mga mag-aaral na matuto sa makabagong paraan lalo na sa pagtuturo ng

Filipino sa kasanayang panonood gamit ang teknolohiya. Makikita na

gumagamit ng multimedia ang totoong mundo sa pamamagitan ng mga

tunog, mga larawan, at video na maaaring hindi nararanasan ng mga

mag-aaral sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo ng guro (Lopez, 2015).

Kung kaya’t ang pagbibigay-tuon sa kasanayang panonood ang isa sa

mga epektibong paraan upang makaagapay tayo sa mga pagbabagong

nagaganap sa tinatawag nating makabagong panahon.

Ang kasanayang panonood ay isa sa mga makrong kasanayan na

dapat matamo ng isang bata o ng mga mag-aaral upang higit na

mapalawak ang kanilang mga kaisipan at impormasyon ukol sa mga

paksang tinatalakay sa isang asignatura. Ayon nga kay Barrientos (2016)

ang panonood ay isang kasanayang pinakamadaling gamitin sa larangan

ng komunikasyong sosyal na maaring itapat sa anumang larangan. Lubos

na mapapalalim ang pagkaunawa at mapapalawak ang kaalaman kung ito

ay bibigyang pagsusuri at pagsasanay sa pamamagitan ng panonood

dahil sa ganap nating masisilayan ang bawat penomenang umiikot sa


lipunan. Ito ay paraan upang maging mabilis at maging mabisa ang

pagtuturo.

Naging batayan din ng mga mananaliksik ang DepEd Order No. 31,

s. 2012 na kailangang ipakilala ng guro sa mga mag-aaral maging nasa

mababang lebel pa lamang ng pag-aaral ang paggamit ng makabagong

teknolohiya, mass media, social networking sites upang mapaunlad ang

pagkatuto tungo sa patuloy na pagbabagong nagaganap sa sistema ng

edukasyon, maipamalas ng mga mag-aaral ang kakayahang

komunikatibo, replektibo, mapanuring pag-iisip, pagpapahalaga sa

Panitikan, Wika, Komunikasyon at paggamit ng makabagong teknolohiya

upang matamo ang iba’t-ibang literasi na pangkalahatang layunin ng K+12

kurikulum. Binibigyang-diin din ng Kagawaran ng Edukasyon ang DepEd

Computerization Program (DCP) na dapat nakabatay at angkop sa 21st

century learners, napapanahon at nakikilala ang mga kagamitang

pampagtuturong gagamitin upang magkaroon ng makabuluhan at

mabisang pagtuturo at pag-aaral.

Kung hindi mabibigyang pansin ang usaping ito, patuloy na

mawawalan ng interes ang mga mag-aaral na makilahok sa talakayan at

magiging resulta ito ng pagbaba ng kanilang antas ng pagkatuto. Kaya

naman, nagsisilbing hamon ito sa mga guro at siyang dahilan din ng mga

mananaliksik upang isagawa ang pag-aaral na ito tungkol sa pagbibigay-

tuon sa pagpapaunlad ng kasanayang panonood upang mas maging

epektibo ang pagtuturo ng asignaturang Filipino.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang kaugnayan ng

kasanayang panonood at antas ng pagkatuto sa asignaturang Filipino ng

mga mag-aaral ng Grado 7 sa Sipocot National High School, Taong-

Panuruan 2018-2019.

Layunin din ng pananaliksik na ito na masagot ang mga

sumusunod na tiyak na suliranin:

1. Ano ang antas ng kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino batay sa banghay ng kwento at paksang diwa?

2. Ano ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa post-test?

3. Ano ang mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng mga

mag-aaral batay sa kasanayang panonood ayon sa:

a. Atityud sa asignatura

b. Interes sa talakayan

c. Lawak ng komprehensyon

4. Ano ang makabuluhang pagkakaiba ng kasanayang panonood ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino batay sa resulta ng pagsusulit sa

banghay at paksang diwa ng tatlong maikling kwento?

5. Ano ang makabuluhang kaugnayan ng antas ng pagkatuto ng mga mag-

aaral batay sa resulta ng post-test at ng mga salik na nagpapaunlad sa

kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood

ayon sa:

a. Atityud sa asignatura

b. Interes sa talakayan
c. Lawak ng komprehensyon

Layunin ng Pag-aaral

Ang mga sumusunod ang magiging layunin ng kasalukuyang

pag-aaral:

1. Matukoy ang antas ng kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino batay sa banghay ng kwento at paksang diwa?

2. Masukat ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa post-test?

3. Maisa-isa ang mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng

mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood ayon sa:

a. Atityud sa asignatura

b. Interes sa talakayan

c. Lawak ng komprehensyon

4. Madetermina ang makabuluhang pagkakaiba ng kasanayang panonood

ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay sa resulta ng pagsusulit

sa banghay at paksang diwa ng tatlong maikling kwento.

5. Masukat ang makabuluhang ang makabuluhang kaugnayan ng antas ng

pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa resulta ng post-test at ng mga salik

na nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa

kasanayang panonood ayon sa:

a. Atityud sa asignatura

b. Interes sa talakayan

c. Lawak ng komprehensyon
Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay-pokus sa kaugnayan ng

kasanayang panonood at antas ng pagkatuto sa asignaturang Filipino ng

mga mag-aaral ng Grado 7 sa Sipocot National High School, Taong-

Panuruan 2018-2019.

Bubuuin ng 45 mag-aaral ang respondyente na manggagaling sa

isang seksyon ng Grado 7 sa Sipocot National High School sa gagawing

post-test at talatanungan. Bibigyang pokus ng mga mananaliksik ang

pagtuturo ng mga piling paksa sa Filipino 7 gamit ang kasanayang

panonood na nakabatay lamang sa banghay ng kwento at paksang diwa.

Magsisilbing limitasyon ng pag-aaral na ito ang pagbibigay-tuon sa

pagpapaunlad ng kasanayang panonood lamang na kabilang sa limang

makrong kasanayan na dapat mapaunlad ng mga mag-aaral. Ang

kasanayang pagbasa, pagsulat, pakikinig, at pagsasalita ay hindi na

saklaw ng pag-aaral na ito. Magsisilbing limitasyon din ng pag-aaral na ito

ang pagbibigay diin sa banghay at paksang diwa ng maikling kwento

lamang. Ang ibang elemento ng maikling kwento maging ang ibang grado

ng mga mag-aaral tulad ng Grado 8, 9 at 10 ay hindi na saklaw ng pag-

aaral na ito.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na magiging mahalaga,

makabuluhan, at kapakipakinabang ang pag-aaral na ito sa mga

sumusunod:

Tagapamuno ng Paaralan. Ang mga katotohanang ilalantad sa pag-aaral

na ito tungkol sa pagtuturo ng Filipino gamit ang kasanayang panonood at

sa tulong ng mga kagamitang pampagtuturo, resulta ng pagsusulit at

talatanungan sa ginagawang pag-aaral na ito ay mapapaunlad ang

kalidad ng pagtuturo lalo na sa asignaturang Filipino sa tulong ng kapwa

guro, pamayanan, at pamilya ng mga mag-aaral.

Guro. Ang gagamiting kagamitang pampagtuturo sa pag-aaral na ito at

ang paggamit ng kasanayang panonod ay inaasahang magiging gabay ng

mga guro upang mas lalo pang mapataas ang antas at kalidad ng

kanilang pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral sa pamamagitan ng

paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo.

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing motibasyon sa mga

mag–aaral upang mas lalong pag-ibayuhin at pagsikapan ang kanilang

pag-aaral sa tulong ng makabagong teknolohiya na ginagamit ng mga

guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Magulang. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga magulang

sa pagpatnubay at pangangaral sa kanilang mga anak hinggil sa paggamit

ng kasanayang panonood sa pag-aaral sa mga paksang tinatalakay sa

isang asignatura.
Mananaliksik. Ang impormasyong makakalap ay magsisilbing patnubay

sa mga susunod pang mga pag-aaral at magiging malaking tulong ito sa

mga mananaliksik upang makapag-ambag ng makabuluhang kaalaman

tungkol sa kasanayang panonood gamit ang teknolohiya. Makapagbibigay

din ito ng motibo sa mga mananaliksik upang mas pag-aralan pa at

bigyang pansin ang pagpapaunlad ng edukasyon.


KABANATA II

Kaugnay na Literatura

Sa kabanatang ito tinatalakay ang mga kaugnay na literatura at

pag-aaral na may kaugnayan sa kalalabasan ng pag-aaral.

Kasanayang Panonood

Ang kasanayang panonood bilang isang multidimensional na

kasanayan ito ay isang likas na kakayahan at pangunahing kasangkapan

upang mabuhay. Isa rin itong proseso ng pagkilala at pag-unawa sa lahat

ng bagay sa iyong kapaligiran sa pamamagitan ng pisikal na kakayahang

tumingin, magmasid at sumuri sa lahat ng aspektong tinutulungan ang isip

at damdamin. Ito ang kasanayang pinakamadaling gamitin sa larangan ng

komunikasyong sosyal na maaaring itapat sa anumang larangan. Lubos

na mapapalalim ang pagka-unawa at mapalalawak ang kaalaman kung ito

ay bibigyang pagsusuri at pagsasanay sa pamamagitan ng panonood

dahil sa ganap na nating nasisilayan ang bawat penomenang umiikot sa

lipunan (Barrientos, 2016). Ang kasanayang panonood ay mahalaga dahil

ito ay paraan upang maging mabilis at mabisa ang pagtuturo. Nagiging

batayan sa pagkilala at pagtukoy sa kapaligiran. Sa pamamagitan nito

naaangkop ang mga ugaling ipapakita. Magkakaroon ng pagkakataon

bilang indibidwal na pumili, palawakin at palalimin. Ito ay isang

pinakamabisang stimulus upang ang mag-aaral ay magbago at matuto

batay sa hinihingi ng pagkakataon (Barrientos, 2016). Ayon kay Del


Rosario (2008) sa kanyang pag-aaral, natuklasan niya na ang Sineskwela

(Siyensa at teknolohiya), Math-tinik (Matematiks), Epol-apol (ingles), at art

angel (sining) ay magkatulad ang mga video material at visual na ang

aksyong kaakibat gayundin ang tunog ay nakapagbibigay buhay at kulay

sa napanood. Sa pag-aaral ni Orseo (2010) tungkol sa epekto ng audio

visual na materyal sa pagtuturo ng grammar sa Sta. Clara College.

Dalawang pagsubok ang kanyang ginawa sa dalawang pangkat ng mag-

aaral sa English kanyang natuklasan na naging magkapareho ang naging

masteri performans ng mga mag-aaral sa nabanggit na paaralan na

kapwa ginamitan ng visual na materyal sa pagtuturo. Wika ni Abadia

(2010) sa kanyang pag-aaral ang epekto ng audio-video sa pagtuturo ng

wikang Filipino, ang paggamit ng audio- visual na materyales ay

pumapawi sa pagkabagot at pagod ng isipan sa pamamagitan ng

pagbibigay focal point o tuwina ng pansin o atensyon. Sa pag-aaral nina

Camaya (2004) na binanggit sa pag-aaral ni Lopez (2015), natuklasang

mas pinipili ng mga kabataan sa Sta. Teresita, Iriga City ang mga

produkto at serbisyong iniindorso ng mga celebrity kaysa sa mga produkto

at serbisyong iniindorso ng mga di-celebrity maging ang mga

advertisement sa telebisyon na mas napapanood ng mga respondyente

tuwing primetime kaysa sa ibang oras. Natuklasan ring mas kaakit-akit sa

mga kabataan ang mga advertisement na iniindorso ng mga celebrity

ngunit magkaiba ang epekto sa paggawa ng desisyon sa pagpili ng

kanilang pangunahing pangangailangan ng mga adverstisement sa

telebisyon. Sa pag-aaral ni Mallapre (2004) tungkol sa “Mga Nobelang

Popular, Salamin ng mga Pagpapahalaga” na binanggit sa pag-aaral ni


Lopez (2015), sinuri at binigyang pagkakatulad ang pagpapahalaga ng

labinlimang nobelang popular na naipalabas sa ABC-CBN taong 1999-

2000 sa pamamahala ni Charo Santos; ang pagpapahalagang sosyal na

may sab-tapik na: ugnayan sa pamilya, ugnayan sa kapwa at

pagpapahalagang katapatan sa pag-ibig ang pinapaksa.

Kahalagahan ng Pagtuturo ng Asignaturang Filipino

Noong 1940, isinulong ng dating Presidente Manuel L. Quezon ang

Executive Order No. 263 na nag-uutos sa lahat ng pribado at

pampublikong paaralan na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang

pambansa (Tasic, 2016). “Naniniwala ang mga guro sa Filipino, na ang

wikang Filipino ay wika ng intektwal. Kapag hindi naipapahayag ng mga

kolehiyo o ng propesyunal na nililikha ng unibersidad, hindi nila makikita

na ang wikang Filipino ang magiging instrumento ng kanilang pagkatao”

(Lai, 2016). Ang kahalagahan ng asignaturang Filipino ay katulad ng

kahalagahan ng ating sarili. Repleksyon ng ating pagkapilipino ng ating

wika kaya hindi natin ito dapat balewalain sa halip ay mas pahalagahan

natin ito dahil ito ay magiging susi natin sa matibay at malinaw na

komunikasyon sa bawat isa. Komunikasyon na daan sa tagumpay ng

bawat Pilipino (Tasic, 2016). Ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa mga

mag-aaral ay isang mahalagang salik sa wika bilang isang komunikasyon.

Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika,

nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makibahagi

ng kaalaman, ng mga mithiin at nararamdaman. Dito din nakasalalay ang

epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa


ibang tao. Kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebel upang

magamit ito ng maayos. Kaya naman may mga kurso tayo sa gramatika o

balarila at literature o panitikan. Sa pamamagitan ng kursong ito,

lumalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng

mga iba’t ibang salita upang makamit nila ang kanilang nais gawin (Apao

et. al, 2014).

Pag-agapay sa mga Pagbabagong Nagaganap sa Sistema ng Edukasyon

Patuloy na nagbabago ang panahon, kasabay nito ang pagbabago

sa sistema ng edukasyon. Mahalaga bilang isang guro at bahagi ng

lipunan na maging bahagi ng mga pagbabago at pag-unlad upang

magkaroon ng dekalidad na edukasyon (Alcaraz, 2009). Ang pagkakaroon

ng kamalayan at makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa

lipunan tulad ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo at

pagkakaroon ng kamalayan sa mga bagay na “trend” ay mahalaga upang

maging maayos at makabuluhan ang daloy ng pagtuturo-pagkatuto

(Jacob, 2012). Nilalayon din ng k to 12 Basic Education Curriculum na

alinsunod sa DepEd Order No. 31, s. 2012 na maipakilala sa unang lebel

pa lamang ng pag-aaral ng mga mag-aaral ang maayos na paggamit ng

teknolohiya kaya kinakailangan na may teknolohiyang pang-impormasyon

ang mga guro dahil mas nakakatipid sa oras, nalilinang ang kasanayan sa

paggamit ng teknolohiya at mas napapadali ang pagtuturo. Alinsunod din

sa DepEd Order No. 7, s. 2010 Guidelines on the Implementation of the

DepEd Computerization Program, binibigyang-diin ang paglikha at

paggamit ng mga kagamitang pampagtuturo sa angkop sa 21st century


learners na maglalayo mula sa tradisyunal na paraan ng pagkatuto.

Magkakaroon ng ibayong pansin sa mga kagamitang pampagtuturo sa

pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mag-aaral upang magkaroon

ng mabisang pagtuturo at pag-aaral (Abad et. al, 2007 na binanggit sa

pag-aaral nina Avila et. al, 2017). Napatunayang mabisa ang mga

kagamitang pampagtuturo Sariling Linangan Kit (SLK), modyul,

nakaprogramang kagamitan, kagamitang awdyo-biswal at nilikhang

kagamitan na ipinag-uutos sa lahat ng guro (Rivera, 2007 na binanggit sa

pag-aaral nina Mercader et. al, 2017). Iminumungkahi rin ang paggamit ng

kagamitang pampagtuturo na napapanahon at nakikilala ng karamihan na

kayang gawin ng guro sa pagsasaayos ng impormasyon ng kapaligiran

(Villafuerte, 2007 na binanggit sa pag-aaral nina Moral et. al, 2017).

Kailangan na makasabay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa

sistema ng edukasyon at pangangailangan ng mga mag-aaral dulot ng

makabagong teknolohiya upang maging matagumpay ang pagtuturo-

pagkatuto (Demirezen, 2010 na binanggit sa pag-aaral ni Palo, 2014).

Kabisaan ng Paggamit ng Makabagong Teknolohiya sa Pagtuturo ng

Guro at Pagkatutuo ng mga Mag-aaral

Isang katotohanan lalo na sa mga pampublikong paaralan na hindi

kayang ibigay lahat ang pangangailangan ng mga mag-aaral (Sta. Clara,

2014). Ito ang dahilan ng pagbaba ng antas ng pagkatuto ng mga mag-

aaral subalit nakasalalay sa mga guro ang pag-iisip ng mga alternatibong

pamamaraan upang gawing makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-


aaral kailangan lamang na isaalang-alang at tanggapin ang maraming

bagong kaalaman at kasanayang malilikha habang gumagamit ang mga

guro at mag-aaral ng makabagong teknolohiya sa pagkatuto at

pananaliksik upang mapagaan ang prosesong pagkatuturo at pagkatuto.

Nakatutulong ang paggamit nito sa mga mag-aaral upang malinang ang

kakayahang panteknolohiya at maging mas kapaki-pakinabang sa

lipunan. Mataas ang bahagdan na mas natututo ang mga mag-aaral kung

ang isang impormasyon ng gawain ay nakikita ng mga mag-aaral sa

tulong ng mga makabagong teknolohiya bilang gamit sa pagkatuto sa loob

at labas ng paaralan (Lacorte, 2013). Napakahalaga rin sa isang guro ang

magkaroon ng kaalaman sa mabisang paggamit ng makabagong

teknolohiya sa pagtuturo (Lardizaba, 2007 na binaggit sa pag-aaral nina

Avila et. al, 2017) tulad ng internet, kompyuter, projector, screen at iba pa

dahil sa epektiibong paraan ito sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-

aaral (Dowdeswell, 2009). Kaugnay nito, gagamit ang mga mananaliksik

ng makabagong teknolohiya tulad ng laptop, speaker, internet at iba pa na

mas magiging magaan sa daloy ng pagtuturo-pagkatuto ng mga mag-

aaral na matamo ang mataas na antas ng pagkatuto. Binanggit ni Hidalgo

(2008) sa kanyang pag-aaral na pito sa mga respondyente ay hindi naging

mababa ang marka sa English IV. Ito ay nagpapatunay na wala naman

gaanong masamang epekto sa akademikong performans ang paggamit

ng mga naturang kagamitang panteknolohiya. Sa pag-aaral naman ni

Torres (2008) ang epekto ng paggamit ng Microsoft word, PowerPoint,

Excel, sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga piling paaralan ng Division

ng Pampanga nabatid na mas napapabilis kasi ang paggawa ng mga


sulatin kapag kompyuter ang ginamit. Sa pag-aaral ni Reyes (2008)

tungkol sa multimedia na ginagamit ng kabataan. Ayon sa kanya ang

multimedia playback kung saan ay maaaring makapanood ng mga

pelikula, audio player kung saan ay maaaring makinig ng mga musika.

Kamera kung saan ay maaaring makakuha ng mga litrato. Wireless

networking dahil ang PSP ay nakakakonekta “wireless network” sa

pamamagitan ng wifi na kung saan ay nagagawa nitong magkaroon ng

network para sa isang “multiplayer gameplay”, ang mga kagamitang

multimedia ay may malaking naitutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral

na maaaring gamitin sa paghahanda ng kanilang mga takdang aralin na

ibinigay ng mga guro lalong-lalo na sa asignaturang Filipino. Idinagdag

naman ni Leviste (2010) sa kanyang pag-aaral ng proseso ng pagtuturo-

pagkatuto ay hindi na rin monopolisado ng guro dapat gumamit ang guro

ng mga makabagong teknolohiya sa pagtuturo. Ayon sa kanya nalipasan

ka na ng panahon kung laging ikaw ang bida sa iyong klase. Sa pag-aaral

na ginawa ni Sta. Clara (2010), ang multimedia ay mabisang kagamitan

sa pagtuturo. Kanyang natuklasan na ang multimedia ay dinisenyo upang

mapagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Sa pamamagitan nito

nagiging kapana-panabik, nakagaganyak at natutulungan ang mga mag-

aaral na matuto sa makabagong paraan. Makikita sa gumagamit ng

multimedia ang totoong mundo na gusto ng mga kabataang mag-aaral na

kagaya ng tunog, mga larawan, video, atbp.


Mga Dapat Isaalang-alang sa Paghahanda ng mga Kagamitang

Pampagtuturo

Sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo kailangang isaisip ng

guro ang ilang simulaing makakatulong sa pagsasakatuparan ng mga

layunin ng aralin (Despi et. al, 2007 na binanggit sa pag-aaral nina

Mercader et. al, 2017) kung kaya sa simula pa lamang ng pagtuturo

madarama agad ng mga mag-aaral ang pagkawili at pagkagiliw sa

talakayan na dapat panatilihin ng guro upang matagumpay na matamo

ang mga kaalaman, malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-

aaral at makasabay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa larangan

ng Wika, Panitikan at komunikasyong dulot ng makabagong teknolohiya

(Demirezen, 2010). Sa nakaraang taunang Pambansang Samahan ng

mga Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Filipino (PASATAF) sa lungsod ng

Baguio, isa sa dapat matutuhan ng mga guro sa Filipino ang mga dapat

isaalang-alang sa pagpili, paghahanda at paglikha ng mabisa at

epektibong kagamitang pampagtuturo. Kinakailangang may kaugnayan

ang kagamitang pampagtuturo sa mga layunin sa paksang-aralin ayon sa

hinihingi ng sitwasyon o pagkakataon upang magkaroon ng halaga ang

daloy ng talakayan at maging maayos ang paglalahad ng aralin (Nacion,

2007 na binanggit sa pag-aaral nina Moral et. al, 2017). Maraming

oportunidad upang magturo at matuto tulad ng paggamit ng makabagong

teknolohiya at sariling karanasan. Dapat ding tandaan ng guro na walang

iisang kagamitang pampagtuturo ang angkop sa lahat: leksyon, mag-

aaral, klase, kapaligiran at panahon sa ganitong mga pagkakataon mas


makatutulong kapag mapagtutuunan ang paggamit ng mga bagay na

madalas gamitin at kinalulugdan ng mga mag-aaral (Constantino, 2010).

Isinasaalang-alang din ang katangian ng mga mag-aaral tulad ng interes,

kakayahan, pangangailangan, gulang, baitang, mga pagkultural at pang-

ekonomiyang salik na makakatulong sa guro na matiyak ang kapantayan

ng aralin at mapili ang kagamitang pampagtuturo na may kabuluhan sa

mga mag-aaral (Badaguas, 2007 na binanggit sa pag-aaral nina Mercader

et. al, 2017). Kung kaya’t walang sinumang guro ang makapagtuturo ng

buong husay kung hindi gagamit ng mga kinakailangang kagamitan upang

matamo ng mga mag-aaral ang kaalaman, kasanayan at

pagpapahalagang nais ipabatid ng guro sa mga mag-aaral. Kailangang

maging mabisa ang paggamit at makapagbigay ng pakinabang na gawain

para sa mga mag-aaral (Garcia, 2007 na binanggit sa pag-aaral nina

Moral et. al, 2017).

Sintesis

Ginamit at nagsilbing batayan ng kasalukuyang pananaliksik ang

mga naunang pag-aaral na tatalakayin sa bahaging ito.

Ang isinagawang pag-aaral nina Avila et. al.(2017), Leviste (2010),

Lopez (2015), Torres (2008), at Del Rosario (2008) ay katulad ng

kasalukuyang pag-aaral na ang pokus ay tungkol sa paggamit ng

teknolohiya sa pagtuturo upang mataya ang kabisaan nito. Ang pag-aaral

naman ni Camaya (2004) na binanggit sa pag-aaral ni Lopez (2015) ay

may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral na gumagamit ng kasanayang

panonood sa pagtuturo. Ang pag-aaral naman ni Sta. Clara (2010) ay


katulad ng kasalukuyang pag-aaral na itinuturing na ang multi-media ay

mabisang kagamitan sa pagtuturo at ito’y instrumento para tumaas ang

datos ng interaksyon sa talakayan.

Ang pagkakaiba ng kasalukuyang pananaliksik sa pag-aaral nina

Avila et. al (2017) ay ang paggamit ng kasanayang panonood bilang

kagamitang panteknolohiya sa pagtuturo sa asignaturang Filipino at

paggamit ng pre-test, post-test at talatanungan bilang instrumento sa

pangangalap ng makatotohanang impormasyon upang madetermina ang

antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Nagkakaiba rin ito sapagkat ang

kanilang pag-aaral ay nakapokus lamang sa social networking sites na

kinahuhumalingan ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral naman ni Leviste

(2010) ay nakatuon lamang sa paggamit ng guro ng makabagong

teknolohiya sa pagtuturo, ang ibang konsepto tungkol dito ay hindi

binigyang pansin hindi tulad ng kasalukuyang pag-aaral na maging antas

ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay isinaalang-alang upang mapabuti ang

pananaliksik. Ang pag-aaral naman nina Lopez (2015) ay nagsakatuparan

ng pananaliksik na nakapokus lamang sa elementarya. Ang pag-aaral

naman ni Torres (2008) ay nagbigay diin sa paggamit ng Microsoft Word,

Powerpoint, Excel upang mapaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng mga

mag-aaral na hindi saklaw ng kasalukuyang pananaliksik. Ang pag-aaral

naman ni Del Rosario (2008) ay nagbigay tuon sa mga pang edukasyon

na palabas sa telebisyon tulad ng Sineskwela, Math-tinik at Art angel na

iba sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat ito’y nakabatay sa mga maikling

kwento na tatalakayin sa Filipino 7. Ang pag-aaral naman ni Camaya


(2004) na binanggit ni Lopez (2015) ay iba rin sapagkat ang pokus ng

kanyang pananaliksik ay patungkol sa mga advertisement na iniindorso ng

mga celebrity na natuklasan niyang mas tinatangkilik ng mga kabataan.

Ang kasalukuyang pag-aaral ay natatangi dahil ang mga

mananaliksik ay magsasagawa ng Pre-test at Post-test upang matukoy

ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino at

magpapakitang turo gamit ang teknolohiya sa kasanayang panonood ng

mga mag-aaral. Maliban pa dito, ang mga mananaliksik ay magsasagawa

ng isang talatanungan upang madetermina ang mga epekto sa mga mag-

aaral ng paggamit ng teknolohiya sa kasanayang panonood.

Balangkas Teoretikal

Naglalaman ang bahaging ito ng mga teoryang susuporta sa

kasalukuyang pag-aaral. Ito ang mga teoryang; Experiential Learning

Theory ni Carl Rogers (2013), Connectivist Theory ni Thorndike (2007),

Computer Supported Collaborative Learning Theory ni Lipponent (2002), ,

at Social Learning Theory ni Bandura (1998).

Ang Experiential Learning Theory ayon kay Carl Rogers (2013),

may dalawang uri ang pagkatuto: ang kabatiran at mahalagang

karanasan. Tumutukoy sa pang-akademikong kaalaman at kamalayang

panlipunan ang kabatiran tulad ng panteknolohiyang impormasyon,

talasalitaan, balarila, wika, panitikan, at iba pang imposmasyon

samantalang ang makabuluhang pamamaraan ng pagkatuto na madalas


gamitin sa praktikal na aplikasyon ng pagkatuto ang karanasan.

Makahulugang bahagi rin nito ng pagkatuto ng tao na katumbas ang

personal na pagbabago at pag-unlad ng isang indibidwal at ginagamit din

sa pagtataya na isinasaalang-alang ang kawilihan at pangangailangan ng

bawat mag-aaral.

Sa kasalukuyang pag-aaral, binibigyang-diin ang kabatiran at

karanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng makabagong teknolohiya.

Kaugnay nito, ang mga mananaliksik ay gagamitin ito bilang instrumento

sa paggamit ng kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa pagturo ng

asignaturang Filipino at upang patatagin ang pundasyon ng pagkatuto ng

mga mag-aaral.

Ang Connectivist Theory ni Thorndike (2007) ay binibigyang halaga

ang stimulus-response o ganyak na tugon sa pagkatuto ng mga mag-

aaral. Saklaw nito ang Laws of Readiness, Exercise, at Effect na

nagmumula ang pagkatuto ng mga mag-aaral na may kaugnayan sa iba’t

ibang sitwasyon at puwersa ng kawilihan. Sa Laws of Readiness,

isinasaalang-alang ang kahandaan at kakayahan ng mga mag-aaral na

matuto. Sa Laws of Exercise, binibigyang-diin, ang mga pagsasanay na

gagawin ng mga mag-aaral upang mapataas ang mastery level. Sa Laws

of Effect naman, binibigyang-tuon ang resulta ng pagkatuto ng mga mag-

aaral upang malaman ng guro ang kalakasan at kahinaan ng bawat mag-

aaral na gagamiting kasangkapan upang mapanatili ang kasiglahan sa

pag-aaral at matugunan ng guro ang kahinaan ng mga mag-aaral.


Makakatulong ang teoryang ito sa kasalukuyang pananaliksik dahil

binibigyang-diin ng mananaliksik ang kahandaan ng mga mag-aaral na

matuto, ang angkop na pagsasanay o gawain na nakaatang sa mga mag-

aaral, at ang magiging bunga sa pagkatuto ng mga mag-aaral na

magiging batayan ng mga mananaliksik sa paggamit ng kasanayang

panonood sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at malaman kung gaano

ito kabisa sa pamamagitan sa pagbibigay ng pagsusulit.


Experiential
Learning
Theory

(Rogers, 2013)

Ang Kasanayang
Panonood at ang Connectivist
Social Learning
Antas ng Theory
Theory
Pagkatuto ng mga
(Thorndike,
(Bandura, 1998) Mag-aaral ng
2007)
Grado 7 sa Sipocot
National High
School

Computer
Supported
Collaborative
Learning Theory

(Lipponent, 2002)

Pigura 1. Balangkas Teoretikal


Computer Supported Collaborative Learning Theory ayon kay

Lipponent (2002), nakatuon ang teoryang ito sa paggamit ng

makabagong teknolohiya tulad ng computer, laptop, projector, screen,

speaker, at iba pa sa pagtuturo upang magkaroon ng kolaboratibong

pagkatuto, mahasa ang aktibong interaksyon, makabuluhang maisagawa

ang pangkatang gawain na nakaatang at malinang ang kakayahan ng

mga mag-aaral sa wastong paggamit ng makabagong teknolohiya na

nagsisilbing gabay sa pagbibigay ng impormasyon at mayamang

karanasan mula sa lipunan.

Makatutulong ang teoryang ito sa pag-aaral dahil mas lubos na

mauunawaan ng mga mag-aaral ang paksang tatalakayin ng guro sa

pamamagitan ng inihandang video clips na gagamitin bilang kagamitang

pampagtuturo upang magamit din ang kasanayang panonood ng mga

mag-aaral. Mapapagaan din ang prosesong pagtuturo-pagkatuto dahil

mas nagagamit ang oras sa talakayan at nagsisilbing kasangkapan upang

maging aktibo ang interaksyon at pakikisangkot ng mga mag-aaral sa loob

ng klase.

Ang Social Learning Theory ni Bandura (1998) binibigyang diing

natuto ang tao sa kapwa sa pamamagitan ng direkta o di-direktang pag-

oobserba at paggaya sa anumang napapagmasdan. Maaaring makuha

ang anumang nakikita at naririnig sa panonood ng telebisyon. Puno ng

positibo at negatibong mensahe ang mga advertisement na maaaring

gayahin ng mga mag-aaral. Sa patnubay ng titser at sa paggamit ng mga


ito sa pagtuturo, magiging makabuluhan ang mga maiikli subalit

maiimpluwensyahan ng paggamit ng makabagong teknolohiya.

Makakatulong ang teoryang ito sa kasalukuyang pag-aaral dahil

binibigyang diin ng mga mananaliksik na gamit ang kasanayang

panonood at sa tulong na rin ng makabagong teknolohiya mas matututo

ang mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Natututo ang mga mag-aaral

sa pamamagitan ng direkta o di-direktang pag-oobserba at paggaya sa

anumang napapagmasdan.

Balangkas Konseptwal

Makikita ang Balangkas Konseptwal ng pag-aaral na ito, ayon sa:

Input, Matukoy ang antas ng kasanayang panonood ng mga mag-

aaral sa asignaturang Filipino batay sa banghay ng kwento at paksang

diwa. Masukat ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa post-

test. Maisa-isa ang mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto

ng mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood ayon sa: Atityud sa

asignatura, Interes sa talakayan, at Lawak ng komprehensyon ng mga

mag-aaral.

Proseso, nakapaloob ang iba’t-ibang pamamaraan sa pagkalap ng

mga datos sa pag-aaral. Kabilang dito ang preparasyon ng TOS para sa

paghahanda ng Post-test. Paghahanda ng banghay-aralin para sa

pagpapakitang turo gamit ang teknolohiya sa kasanayang panonood.

Paghahanda ng post-test upang masukat ang antas ng pagkatuto ng mga


mag-aaral sa asignaturang Filipino gamit ang kasanayang panonood.

Maghahanda, mamumudmod at mangongolekta rin ng mga talatanungan,

sa pagbibigay naman ng interpretasyon, sasailalim sa kagamitang

istadistika ang mga datos.

Awtput, Madetermina ang makabuluhang pagkakaiba ng

kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay

sa resulta ng pagsusulit sa banghay at paksang diwa ng tatlong maikling

kwento. Masukat ang makabuluhang kaugnayan ng antas ng pagkatuto

ng mga mag-aaral batay sa resulta ng post-test at ng mga salik na

nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa

kasanayang panonood ayon sa: Atityud sa asignatura, Interes sa

talakayan, at Lawak ng komprehensyon ng mga mag-aaral.


ANG KASANAYANG PANONOOD AT ANTAS NG PAGKATUTO NG

MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO

INPUT PROSESO AWTPUT


Madetermina ang
 Preparasyon ng TOS makabuluhang
I. Ang antas ng
pagkakaiba ng
kasanayang sa paggawa ng post-
kasanayang panonood ng
panonood ng mga test. mga mag-aaral sa
mag-aaral sa  Paghahanda ng asignaturang Filipino
asignaturang banghay-aralin para batay sa resulta ng
Filipino batay sa sa pagpapakitang turo pagsusulit sa banghay at
gamit ang teknolohiya paksang diwa ng tatlong
banghay ng kwento
maikling kwento.
at paksang diwa. sa kasanayang
II. Ang antas ng panonood. Masukat ang
pagkatuto ng mga  Paghahanda ng post- makabuluhang
mag-aaral batay sa test upang masukat kaugnayan ng antas ng
ang antas ng pagkatuto ng mga mag-
post-test.
aaral batay sa resulta ng
III. Ang mga salik na pagkatuto ng mga
post-test at ng mga salik
nagpapaunlad sa mag-aaral sa na nagpapaunlad sa
kasanayang asignaturang Filipino kasanayang pagkatuto ng
pagkatuto ng mga gamit ang mga mag-aaral batay sa
mag-aaral batay sa kasanayang kasanayang panonood
kasanayang panonood. ayon sa:
panonood ayon sa:  Paghahanda,  Atityud sa
a. Atityud sa pamumudmod at asignatura
asignatura pangongolekta ng  Interes sa
b. Interes sa mga talatanungan. talakayan,
talakayan  Pagsasailalim sa  Lawak ng
c. Lawak ng kagamitang komprehensyon
komprehensyon istadistika.

BALIK-TUGON

Pigura 2. Balangkas Konseptwal


Hinuha

Ang mga sumusunod ang hinuha ng pag-aaral na ito:

1. Maraming mga makabagong teknolohiya ang maaaring gamitin ng mga

guro sa pagtuturo.

2. Ang panonood ay isa sa mga makrong kasanayang pangwika.

3. Ang banghay at paksang diwa ay kabilang sa mga elemento ng maikling

kwento.

Haypotesis

Ang mga sumusunod ang haypotesis ng pag-aaral na ito:

1. Walang makabuluhang pagkakaiba ang kasanayang panonood ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino batay sa resulta ng pagsusulit sa

banghay at paksang diwa ng tatlong maikling kwento.

2. Walang makabuluhang kaugnayan ang antas ng pagkatuto ng mga mag-

aaral batay sa resulta ng post-test at ang mga salik na nagpapaunlad sa

kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood

ayon sa: Atityud sa asignatura, Interes sa talakayan, at Lawak ng

komprehensyon.

Katuturan ng Talakay

Ang mga salitang gagamitin sa pag-aaral na ito ay binigyang-

kahulugan batay sa paraang konseptwal at operasyonal.


Panonood

Ayon sa pag-aaral ni Lopez (2015) ang panonood ay isang

makrong kasanayan na dapat linangin ng bata para mapalawak ang

kaisipan at impormasyon sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Sa

kasalukuyang pag-aaral naman ang kasanayang panonood ay bibigyang-

tuon sa pamamagitan ng mga video ng mga piling paksa sa Filipino 7 na

ipakikita sa klase upang maging epektibo ang pagtuturo ng asignaturang

Filipino.

Antas ng Pagkatuto

Ang pagkatuto ay isang mahalagang bahagi sa buhay ng tao, dahil

dito nagsisimula ang lahat ng bagay, ngunit hindi pare-pareho ang paraan

ng pagkatuto ng bawat isa, may mga tao na madaling matuto at may iba

naman na hindi, kumporme sa kanilang interes at motibasyon upang

matuto. Iba-iba ang paraan ng pagkatuto ng isang tao, tulad din ng mga

mag-aaral sa isang silid-aralan, iba-iba ang kanilang motibasyon at

paraan ng pagkatuto kung paano sila makakukuha ng mataas na marka o

papasa sa isang asignatura (Sunstar Pampangga, 2016). Sa

kasalukuyang pag-aaral ang antas ng pagkatuto ay tumutukoy sa lebel ng

masteri na natamo ng mga mag-aaral na maaaring mababa, katamtaman

at mataas.
Paksang Diwa

Ang Paksang diwa ay ang pangunahing tema ng isang

kwento o kung anumang panitikan ito. Ito ang madalas na tinatalakay o

inilalarawan sa isang kasulatan. Isang pangkalahatang uri ng argumento

na pinag-aaralan at pinag-uusapan. Tinatawag itong pinaka-kaluluwa ng

maikling kwento sapagkat dito nakapaloob ang kabuuan ng tema at

kahulugan ng isang kwento. Kung wala ito, mawawalan ng saysay ang

pagsulat nito (danicaparra, 2014). Sa kasalukuyang pag-aaral ang

Paksang diwa ay magsisilbing batayan upang masukat ang antas ng

kasanayang panonood ng mga mag-aaral.

Banghay ng Kwento

Ang Banghay ng kwento ay tumutukoy sa maayos ng

pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Inilalahad din dito ang maayos

na pagsasalaysay ng mga pangyayari (danicaparra, 2014). Sa

kasalukuyang pag-aaral ang Banghay ng kwento ay magsisilbing batayan

upang masukat ang antas ng kasanayang panonood ng mga mag-aaral.

Teknolohiya

Ang teknolohiya ay lawas ng mga kasangkapan, makina,

materyales, pamamaraan at prosesong ginagamit upang magbunga ng

gamit at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao (Tuzon,

2014). Sa kasalukuyang pag-aaral ang teknolohiya ay ang kagamitang

pampagtuturo na gagamitin upang makuha ang interes at mapataas ang

antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.


Atityud sa Asignatura

Isang angking talino ng bata na ipinapakita ang kanyang

kakayahan para malinang ang kanyang pagkatuto sa asignatura (Lopez,

2015). Sa kasalukuyang pag-aaral ang atityud sa asignatura ang isa sa

mga indikeytor sa gagawing talatanungan upang matukoy ang epekto sa

mga mag-aaral ng teknolohiya sa kasanayang panonood.

Interes sa Talakayan

Nahihikayat ang mga mag-aaral sa paglinang ng kanilang interes

sa pagkatuto. Napupukaw ang kanilang isipan at nawiwiling makilahok sa

talakayan (Lopez, 2015). Sa kasalukuyang pag-aaral ang interes sa

talakayan ay pangalawa sa mga indikeytor na nakapaloob sa

talatanungan upang alamin ang epekto sa mga mag-aaral ng teknolohiya

sa kasanayang panonood.

Lawak ng Komprehensyon

Ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng malawak na pang-unawa

dahil may kakayahan silang masagot ang mga katanungan na ibinigay ng

guro (Lopez, 2015). Sa kasalukuyang pag-aaral naman ang lawak ng

komprehensyon ay tumutukoy sa pangatlong komponent ng talatanungan

na tutukoy sa epekto ng teknolohiya sa mga mag-aaral sa kasanayang

panonood.
Multi-Media

Ang multimedia ay dinisenyo upang mapagaan ang proseso ng

pagtuturo at pagkatuto. Sa pamamagitan nito, nagiging kapanapanabik,

nakagaganyak at natutulungan ang mga mag-aaral na matuto sa

makabagong paraan. Makikita sa gumagamit ng multimedia ang totoong

mundo na gusto ng mga kabataang mag-aaral kagaya ng tunog, mga

larawan, bidyo, atbp. na maaaring hindi nararanasan ng mga mag-aaral

sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo ng mga guro (Enriquez, 2016). Sa

kasalukuyang pag-aaral naman ang multimedia ay magsisilbing

kagamitang pampagtuturo upang maging epektibo ang kabuuang

pagtuturo sa asignaturang Filipino.


KABANATA III

Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng

naaangkop na metodolohiya at pamamaraan. Ang kabanatang ito ay

naglalahad ng maikling pagtalakay sa metodolohiya, respondyente, lugar

ng pag-aaral, instrumento ng pananaliksik at kagamitang istadistika.

Pamamaraan

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng “Descriptive Evaluative-

Correlational Method” bilang metodolohiya ng pananaliksik dahil layunin

nitong ilarawan ang estado ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino batay sa resulta ng post-test. Ang “descriptive

evaluative” ay naaangkop sapagkat ilalarawan nito ang estado ng

pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pagtukoy naman ng makabuluhang

pagkakaiba ng kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa asignaturang

Filipino batay sa resulta ng pagsusulit sa banghay at paksang diwa ng

tatlong maikling kwento “annova” ang angkop na gamitin. Sa pagtukoy

naman ng makabuluhang kaugnayan ng antas ng pagkatuto ng mga mag-

aaral batay sa resulta ng post-test at ng mga salik na nagpapaunlad sa

kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang ayon sa:

Atityud sa asignatura, Interes sa talakayan, at Lawak ng komprehensyon

ng mga mag-aaral “Pearson Product Moment Correlation o PPMC” ang

angkop na gamitin.
Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Sipocot National High School

na matatagpuan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa barangay ng

Tara. Ito ay may layong dalawang kilometro mula sa Central Bicol State

University of Agriculture-Sipocot.

Respondyente

Ang respondyente ng pag-aaral na ito ay binubuo ng mga mag-

aaral ng Grado 7 na mula sa seksyon 7-NU sa Sipocot National High

School. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng “Convenience

Sampling” para sa pamimili ng mga mag-aaral na magsisilbing

respondyente. Ang distribusyon ng respondyente ay makikita sa

talahanayan 1.

Talahanayan 1. Distribusyon ng Respondyente

7-NU BAHAGDAN (%)

BABAE 20 44

LALAKI 25 56

KABUUAN 45 100

Sa talahanayan 1, ipinapakita na ang mga mag-aaral ng seksyon 7-

NU ay binubuo ng 20 o 44% na babae at 25 o 56% na lalaki. Sa kabuuan

ang respondyente ay binubuo ng 45 o 100%.


Instrumento sa Pananaliksik

Ang mga instrumentong gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang post-

test upang matukoy ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino gamit ang kasanayang panonood at talatanungan

naman para sa pagtukoy sa mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang

pagkatuto ng mga mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood ayon

sa: atityud sa asignatura, interes sa talakayan, at lawak ng

komprehensyon ng mga mag-aaral.

Ang post-test ang magsisilbing batayan upang mabatid ang antas

ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino gamit ang

kasanayang panonood. Ang talatanungan naman ay gagamitin upang

matukoy ang mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng

mga mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood ayon sa: atityud sa

asignatura, interes sa talakayan, at lawak ng komprehensyon. Gagamit

din ng banghay-aralin ang mga mananaliksik para sa pagpapakitang turo

at TOS (Table of Specification) para sa paghahanda ng katanungan sa

post-test.

Validasyon at Kahusayan

Para matiyak ang validasyon at kahusayan ng talatanungan,

gagamit ng Content Validity kung saan isasangguni ang talatanungan sa

tatlong taong may lubos na kabatiran sa wika at paghahanda ng

talatanungan.
Paraan ng Pananaliksik

Gagawa ang mga mananaliksik ng liham ng pagpapatibay upang

pahintulutan ng Campus Administrator ng CBSUA-Sipocot at ng dekano

ng Kolehiyo ng Edukasyon na magsasagawa ng isang pag-aaral sa

Sipocot National High School. Matapos mapagtibay ng dekano, hihingi

naman ng pahintulot ang mga mananaliksik sa punong guro ng Sipocot

National High School na magamit sa pag-aaral ang isang seksyon ng

Grado 7 bilang respondyente ng pag-aaral. Hihingi din ng pahintulot ang

mga mananaliksik sa tagapayo ng seksyon na mabigyan ng permisong

gawing respondyente ang mga mag-aaral. Kabilang pa rito ang

preparasyon ng TOS (Table of Specification) para sa paghahanda ng

post-test upang matukoy ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino gamit ang kasanayang panonood. Paghahanda ng

banghay-aralin para sa pagpapakitang turo gamit ang teknolohiya sa

kasanayang panonood. Maghahanda, mamumudmod at mangongolekta

rin ng mga talatanungan sa pagdetermina sa mga salik na nagpapaunlad

sa kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang

panonood ayon sa: atityud sa asignatura, interes sa talakayan, at lawak

ng komprehensyon. Sa pagbibigay naman ng interpretasyon, sasailalim

sa kagamitang istadistika ang mga datos.


Kagamitang Istadistika

Gagamit ang mga mananaliksik ng Frequency Count at Percentage

Technique upang mabatid ang antas ng kasanayang panonood ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino batay sa banghay ng kwento at

paksang diwa at antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa post-test.

Ang Weighted Mean at Ranking ay para sa pagdedetermina ng mga salik

na nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa

kasanayang panonood. Annova naman upang madetermina ang

makabuluhang pagkakaiba ng kasanayang panonood ng mga mag-aaral

sa asignaturang Filipino batay sa resulta ng pagsusulit sa banghay at

paksang diwa ng tatlong maikling kwento. Sa pagdetermina naman ng

makabuluhang kaugnayan ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral

batay sa resulta ng post-test at ng mga salik na nagpapaunlad sa

kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood

ayon sa: Atityud sa asignatura, Interes sa talakayan, at lawak ng

komprehensyon ng mga mag-aaral, gagamit ang mga mananaliksik ng

Pearson Product Moment Correlation o PPMC.


KABANATA IV

RESULTA AT PAGTALAKAY

Tinatalakay sa kabanatang ito ang mga sagot sa mga suliranin ng

pananaliksik. Kalakip nito ang mga talahanayan na nakatutulong upang

buong-linaw na maunawaan ang kinalabasan ng kasalukuyang pag-aaral.

Nakaayos ang pagtalakay ayon sa pagkasunod-sunod ng mga sagot sa

limang suliranin.

Antas ng Kasanayang Panonood ng mga Mag-aaral sa Asignaturang


Filipino

Ang sumusunod ay ang antas ng kasanayang panonood ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino batay sa banghay at paksang diwa ng

mga maikling kwentong “Espirito sa Bote”, “Ang mga Duwende at

Sapatero”, at “Ang Tamad na Maharlika”.

Espirito sa Bote

Ipinapakita ng mga datos sa talahanayan 2a ang antas ng

kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay

sa banghay at paksang diwa ng maikling kwentong “Espirito sa Bote”.


Talahanayan 2a. Antas ng Kasanayang Panonood ng mga Mag-aaral sa
Asignaturang Filipino Batay sa Banghay at Paksang Diwa ng Maikling
Kwentong “Espirito sa Bote”

Scale Bilang Bahagdan (%) Kuwalitatibong Paglalarawan

8-10 19 42.22 Mataas


4-7 22 48.89 Katamtaman
0-3 4 8.89 Mababa
Kabuuan 45 100

Leyenda:
Scale Kuwalitatibong Paglalarawan
8-10 Mataas
4-7 Katamtaman
0-3 Mababa

Sa talahanayan 2a, makikita na batay sa scale na 8-10, mayroong

labinsiyam (19) na mag-aaral ang nakakuha o 42.22 na bahagdan at sila’y

may mataas na antas ng kasanayang panonood. Sa scale na 4-7

mayroong dalawampu’t dalawang (22) mag-aaral ang nakakuha o 48.89

na bahagdan at may katamtamang antas ng kasanayang panonood.

Samantala, sa scale na 0-3 naman ay mayroong apat (4) na mag-aaral

ang nakakuha o 8.89 na bahagdan na may mababang antas ng

kasanayang panonood. Mapapansin sa datos na marami ang bilang ng

mga mag-aaral na nakakuha ng katamtaman at mataas na antas ng

kasanayang panonood.
Ang mga Duwende at Sapatero

Ipinapakita ng mga datos sa talahanayan 2b ang antas ng

kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay

sa banghay at paksang diwa ng maikling kwentong “Ang mga Duwende at

Sapatero”.

Talahanayan 2b. Antas ng Kasanayang Panonood ng mga Mag-aaral sa


Asignaturang Filipino Batay sa Banghay at Paksang Diwa ng Maikling
Kwentong “Ang mga Duwende at Sapatero”

Scale Bilang Bahagdan (%) Kuwalitatibong Paglalarawan

8-10 22 48.89 Mataas


4-7 19 42.22 Katamtaman
0-3 4 8.89 Mababa
Kabuuan 45 100

Leyenda:
Scale Kuwalitatibong Paglalarawan
8-10 Mataas
4-7 Katamtaman
0-3 Mababa

Sa talahanayan 2b, makikita na batay sa scale na 8-10 mayroong

dalawampu’t dalawang (22) mag-aaral ang nakakuha o 48.89 na

bahagdan at sila’y may mataas na antas ng kasanayang panonood. Sa

scale na 4-7 naman ay mayroong labinsiyam (19) na mag-aaral ang

nakakuha o 42.22 na bahagdan at may katamtamang antas ng

kasanayang panonood. Habang sa scale na 0-3 mayroon namang apat

(4) na mag-aaral ang nakakuha o 8.89 na bahagdan na may mababang


antas ng kasanayang panonood. Lumalabas na karamihan sa mga mag-

aaral ay nakakuha ng mataas na antas ng kasanayang panonood.

Ang Tamad na Maharlika

Ipinapakita ng mga datos sa talahanayan 2c ang antas ng

kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay

sa banghay at paksang diwa ng maikling kwentong “Ang Tamad na

Maharlika”.

Talahanayan 2c. Antas ng Kasanayang Panonood ng mga Mag-aaral sa


Asignaturang Filipino Batay sa Banghay at Paksang Diwa ng Maikling
Kwentong “Ang Tamad na Maharlika”

Scale Bilang Bahagdan (%) Kuwalitatibong Paglalarawan


8-10 25 55.56 Mataas
4-7 20 44.44 Katamtaman
0-3 0.00 Mababa
Kabuuan 45 100

Leyenda:
Scale Kuwalitatibong Paglalarawan
8-10 Mataas
4-7 Katamtaman
0-3 Mababa

Makikita sa talahanayan 2c, batay sa scale na 8-10 mayroong

dalawampu’t limang (25) mag-aaral ang nakakuha o 55.56 na bahagdan

at may mataas na antas ng kasanayang panonood. Sa scale na 4-7 ay

may dalawampung (20) mag-aaral ang nakakuha o 44.44 na bahagdan.

Sa scale na 0-3 ay walang (0) mag-aaral na nakakuha. Bilang resulta,

lumabas na karamihan sa mga mag-aaral ay nakakuha ng mataas at

katamtamang antas ng kasanayang panonood.


Sa kabuuan mapapansin na ang antas ng kasanayang panonood

ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay sa banghay at paksang

diwa ng mga maikling kwentong tinalakay ay may mataas na resulta.

Mapupuna na sa bawat talahanayan ay nagkaroon ng pagbabago o

pagtaas ng mga iskor sa ginawang maikling pagsusulit. Matutuklasan sa

pag-aaral na gamit ang kasanayang panonood sa talakayan mapapataas

ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Pinatunayan ito ni Barrientos

(2016) na ang kasanayang panonood ay mahalaga dahil ito ay paraan

upang maging mabilis at mabisa ang pagtuturo. Nagiging batayan sa

pagkilala at pagtukoy sa kapaligiran. Sa pamamagitan nito naaangkop

ang mga ugaling ipapakita. Magkakaroon ng pagkakataon bilang

indibidwal na pumili, palawakin at palalimin. Ito ay isang pinakamabisang

stimulus upang ang mag-aaral ay magbago at matuto batay sa hinihingi

ng pagkakataon.

Nagpapahiwatig ito ng implikasyong epektibo ang pagbibigay tuon

sa kasanayang panonood ng mga mag-aaral dahil sa pamamagitan nito

mas nagkakaroon ng interes na lumahok at mas maging aktibo sa

pagtatalakay ng mga aralin ang mga mag-aaral.

Antas ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral Batay sa Post-Test

Ang sumusunod ay ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral

batay sa resulta ng post-test.


Talahanayan 3. Antas ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral Batay sa Post-
Test

Scale Bilang Bahagdan (%) Kuwalitatibong Paglalarawan

21-30 38 84.44 Mataas


11-20 7 15.56 Katamtaman
0-10 0 0.00 Mababa
Kabuuan 45 100

Leyenda:
Scale Kuwalitatibong Paglalarawan
21-30 Mataas
11-20 Katamtaman
0-10 Mababa

Sa talahanayan 3, makikita na batay sa scale na 21-30 mayroong

tatlumpu’t walong (38) mag-aaral na nakakuha o 84.44 na bahagdan at

sila’y may mataas na antas ng pagkatuto. Sa scale na 11-20 naman ay

may pitong (7) mag-aaral na nakakuha o 15.56 na bahagdan at may

katamtamang antas ng pagkatuto. Samantala, sa scale na 0-10 naman ay

walang (0) mag-aaral na nakakuha. Lumalabas na walang mag-aaral ang

may mababang antas ng pagkatuto pagkatapos bigyang tuon ang

kasanayang panonood sa pagtuturo ng mga aralin sa paaralan.

Ang resultang ito ay may implikasyong nararapat na bigyang tuon

ang kasanayang panonood sa pagtuturo ng mga aralin sa asignaturang

Filipino. Pinatutunayan ng talahanayan 3 ang pahayag ni Lacorte (2013)

na mataas ang bahagdan na mas matututo ang mga mag-aaral kung ang

isang impormasyon o gawain ay nakikita sa tulong ng mga makabagong

teknolohiya bilang gamit sa pagkatuto sa loob at labas ng paaralan.


Mga Salik na Nagpapaunlad sa Kasanayang Pagkatuto ng mga
Mag-aaral Batay sa Kasanayang Panonood Ayon sa: Atityud sa
Asignatura, Interes sa Talakayan, at Lawak ng Komprehensyon

Ipinapakita ng mga datos sa talahanayan 4a ang mga salik na

nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa

kasanayang panonood ayon sa atityud sa asignatura.

Talahanayan 4a. Mga Salik na Nagpapaunlad sa Kasanayang Pagkatuto


ng mga Mag-aaral Batay sa Kasanayang Panonood Ayon sa Atityud sa
Asignatura

Indicators Mean Rank Kuwalitatibong


Paglalarawan
1. Nahihikayat ang mga mag-aaral na
mag-aral sa asignaturang Filipino. 2.98 1 Mabisa
2. Nawawalan ng gana na mag-aral
sa asignaturang Filipino. 1.27 9 Hindi Mabisa
3. Naging masigla ang mga mag-aaral
sa asignaturang Filipino. 2.93 2 Mabisa
4. Naging matamlay ang mga mag-
aaral sa asignaturang Filipino. 1.49 6 Hindi Mabisa
5. Masigasig na naghahanda ang
mga mag-aaral ng kanilang takdang-
aralin. 2.87 3 Mabisa
6. Hindi nakapaghahanda ng takdang-
aralin. 1.36 8 Hindi Mabisa
7. Lahat ng mga mag-aaral ay
nagkaroon ng hilig na gamitin ang
teknolohiya sa pag-aaral. 2.82 5 Mabisa
8. Hindi gumagamit ng teknolohiya sa
pag-aaral ang mga mag-aaral. 1.44 7 Hindi Mabisa
9. Nagkakaroon ng pokus ang mga
mag-aaral sa paksang tinatalakay sa
asignaturang Filipino. 2.84 4 Mabisa
10. Hindi nakikinig ang mga mag-
aaral sa paksang tinatalakay. 1.24 10 Hindi Mabisa
Kabuuang Katampatan 2.12 Hindi Gaanong
Mabisa
Leyenda:
Scale Kuwalitatibong Paglalarawan
2.34-3.0 Mabisa
1.67-2.33 Hindi Gaanong Mabisa
1.0-1.66 Hindi Mabisa
Makikita sa talahanayan 4a ang tatlong pangunahing salik na

nagpapaunlad sa kasananayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa

kasanayang panonood ayon sa atityud sa asignatura: una, nahihikayat

ang mga mag-aaral na mag-aral sa asignaturang Filipino na may 2.98 na

mean; pangalawa, naging masigla ang mga mag-aaral sa asignaturang

Filipino na taglay ang 2.93 mean, at pangatlo, masigasig na naghahanda

ang mga mag-aaral ng kanilang takdang-aralin na may 2.87 na mean.

Samantala, ang tatlong may pinakamababang ranggo ay ang

sumusunod: Hindi nakapaghahanda ng takdang-aralin, 1.36; nawawalan

ng gana na mag-aral sa asignaturang Filipino, 1.27; at hindi nakikinig ang

mga mag-aaral sa paksang tinatalakay, 1.24.

Makikita na ang tatlong may pinakamababang ranggo ay may

negatibong pahayag tungkol sa kasanayang panonood. Kung gayon,

mapapansin sa resulta ng isinagawang talatanungan na nangingibabaw

ang mga positibong pahayag patungkol sa atityud sa asignatura ng mga

mag-aaral gamit ang kasanayang panonood.

Naging mabisa ang kasanayang panonood sa pagpapaunlad sa

kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa mga nangungunang

salik na ayon sa atityud sa asignatura dahil mas natututo sila kapag

nakikita nila ang mga pangyayari sa kwento. Malaking tulong ang

paggamit ng mga makabagong teknolohiya tulad ng laptop, projector, mga

audio-visual at iba pa. Pinatunayan ito ni Lacorte (2013) sa kanyang

pahayag na nakatutulong ang paggamit nito sa mga mag-aaral upang

malinang ang kakayahang panteknolohiya at maging mas kapaki-


pakinabang sa lipunan. Mataas ang bahagdan na mas natututo ang mga

mag-aaral kung ang isang impormasyon ng gawain ay nakikita ng mga

mag-aaral sa tulong ng mga makabagong teknolohiya bilang gamit sa

pagkatuto sa loob at labas ng paaralan.

Ipinapakita ng mga datos sa talahanayan 4b ang mga salik na

nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa

kasanayang panonood ayon sa interes sa talakayan.

Talahanayan 4b. Mga Salik na Nagpapaunlad sa Kasanayang Pagkatuto


ng mga Mag-aaral Batay sa Kasanayang Panonood Ayon sa Interes sa
Talakayan

Indicators Mean Rank Kuwalitatibong


Paglalarawan
1. Naging aktibo ang mga mag-aaral sa
talakayan matapos mapanood ang
2.91 2.5 Mabisa
ipinakitang video patungkol sa paksang
tinalakay.
2. Hindi nakilahok sa talakayan matapos
1.67 6 Hindi Mabisa
mapanood ang ipinakitang video.
3. Naging mapanuri ang isipan ng mga
2.91 2.5 Mabisa
mag-aaral.
4. Walang naging reaksyon ang mga
1.53 8 Hindi Mabisa
mag-aaral sa pinanood na video.
5. Lahat ng mga mag-aaral ay naging
aktibo sa paggawa ng output batay sa 2.82 4.5 Mabisa
kuwentong napanood.
6. Hindi gumawa ng output batay sa
1.62 7 Hindi Mabisa
kwentong napanood.
7. Halos lahat ng mag-aaral ay natutong
2.96 1 Mabisa
magbigay ng sariling opinyon.
8. Karamihan ng mag-aaral ay hindi
1.44 10 Hindi Mabisa
nagbigay ng sariling opinyon.
9. Nawiwili ang mga mag-aaral na
makibahagi sa talakayan dahil sa 2.82 4.5 Mabisa
ginamit na kagamitang pampagtuturo.
10. Hindi nagkaroon ng interaksyon sa
talakayan ang mga mag-aaral matapos 1.49 9 Hindi Mabisa
gamitin ang kagamitang pampagtuturo.
Kabuuang Katampatan 2.22 Hindi Gaanong
Mabisa
Leyenda:
Scale Kuwalitatibong Paglalarawan
2.34-3.0 Mabisa
1.67-2.33 Hindi Gaanong Mabisa
1.0-1.66 Hindi Mabisa

Sa talahanayan 4b ang tatlong pangunahing salik na nagpapaunlad

sa kasananayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang

panonood ayon sa interes sa talakayan: una, halos lahat ng mag-aaral ay

natutong magbigay ng sariling opinyon na may 2.96 na mean; pangalawa,

naging aktibo ang mga mag-aaral sa talakayan matapos mapanood ang

ipinakitang video patungkol sa paksang tinalakay na taglay ang 2.91

mean, at pangatlo, naging mapanuri ang isipan ng mga mag-aaral na may

2.91 na mean.

Samantala, ang tatlong may pinakamababang ranggo ay ang

sumusunod: walang naging reaksyon ang mga mag-aaral sa pinanood na

video na may 1.53 na mean; hindi nagkaroon ng interaksyon sa talakayan

ang mga mag-aaral matapos gamitin ang kagamitang pampagtuturo na

may 1.49; at karamihan ng mag-aaral ay hindi nagbigay ng sariling

opinyon na may 1.44 na mean.

Makikita na ang tatlong may pinakamababang ranggo ay mga

negatibong pahayag tungkol sa kasanayang panonood. Kung kaya’t,

mapapansin sa resulta ng isinagawang talatanungan na nangunguna ang

mga positibong pahayag patungkol sa interes sa talakayan ng mga mag-

aaral nang pinagtuuan ng pansin ang kasanayan panonood.


Naging mabisa ang kasanayang panonood sa pagpapaunlad sa

kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa mga nangungunang

salik na ayon sa interes sa talakayan dahil mas mapupukaw ang kanilang

atensyon na makilahok sa klase. Wika ni Abadia (2010) sa kanyang pag-

aaral ang epekto ng audio-video sa pagtuturo ng wikang Filipino, ang

paggamit ng audio- visual na materyales ay pumapawi sa pagkabagot at

pagod ng isipan sa pamamagitan ng pagbibigay focal point o tuwina ng

pansin o atensyon. Malaking tulong ang paggamit ng mga makabagong

teknolohiya tulad ng laptop, projector, mga audio-visual at iba pa.

Pinatunayan ito ni Lardizaba (2007) at Dowdeswell (2009) sa kanilang

pahayag na napakahalaga sa isang guro na magkaroon ng kaalaman sa

mabisang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo dahil

epektibong paraan ito sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ipinapakita ng mga datos sa talahanayan 4c ang mga salik na

nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa

kasanayang panonood ayon sa lawak ng komprehensyon.


Talahanayan 4c. Mga Salik na Nagpapaunlad sa Kasanayang Pagkatuto
ng mga Mag-aaral Batay sa Kasanayang Panonood Ayon sa Lawak ng
Komprehensyon

Indicators Mean Rank Kuwalitatibong


Paglalarawan
1. Madaling maunawaan ng mga
mag-aaral ang mga kuwentong
2.89 1 Mabisa
napanood dahil gumagalaw at
nagsasalita ang mga tauhan.
2. Naging mahirap para sa mga
mag-aaral na unawain ang kwento 1.42 9 Hindi Mabisa
na napanood.
3. Kaagad natutukoy ng mga mag-
aaral ang mensahe ng kwentong 2.76 5 Mabisa
napanood.
4. Hindi kaagad natutukoy ng mga
mag-aaral ang mensahe ng 1.67 6 Hindi Mabisa
kwentong napanood.
5. Napupuna ng mga mag-aaral ang
tama at maling pag-uugali ng
2.84 2.5 Mabisa
pangunahing tauhan sa kwentong
napanood.
6. Hindi napuna ng mga mag-aaral
ang tama at maling pag-uugali ng
1.27 10 Hindi Mabisa
pangunahing tauhan sa kwentong
napanood.
7. Naging malinaw ang mga
2.84 2.5 Mabisa
kaganapan sa kwentong napanood.
8. Naguguluhan sa mga kaganapan
1.64 7.5 Hindi Mabisa
sa pinanood.
9. Madaling bumuo ng mga kaisipan
2.82 4 Mabisa
batay sa kuwentong napanood.
10. Nahirapan sa pagbuo ng
kaisipan batay sa kwentong 1.64 7.5 Hindi Mabisa
pinanood.
Kabuuang Katampatan 2.18 Hindi Gaanong
Mabisa

Leyenda:
Scale Kuwalitatibong Paglalarawan
2.34-3.0 Mabisa
1.67-2.33 Hindi Gaanong Mabisa
1.0-1.66 Hindi Mabisa
Makikita sa talahanayan 4c ang tatlong pangunahing salik na

nagpapaunlad sa kasananayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa

kasanayang panonood ayon sa lawak ng komprehensyon: una, madaling

maunawaan ng mga mag-aaral ang mga kuwentong napanood dahil

gumagalaw at nagsasalita ang mga tauhan na may 2.89 na mean;

pangalawa, napupuna ng mga mag-aaral ang tama at maling pag-uugali

ng pangunahing tauhan sa kwentong napanood na taglay ang 2.84 mean,

at pangatlo, naging malinaw ang mga kaganapan sa kwentong napanood

na may 2.84 na mean.

Samantala, ang tatlong may pinakamababang ranggo ay ang

sumusunod: naguguluhan sa mga kaganapan sa pinanood at nahirapan

sa pagbuo ng kaisipan batay sa kwentong pinanood na parehong may

1.64 na mean; naging mahirap para sa mga mag-aaral na unawain ang

kwento na napanood na may 1.42; at hindi napuna ng mga mag-aaral ang

tama at maling pag-uugali ng pangunahing tauhan sa kwentong napanood

na may 1.27 na mean.

Makikita na ang tatlong may pinakamababang ranggo ay mga

negatibong pahayag tungkol sa kasanayang panonood. Kaya naman

mapapansin sa resulta ng isinagawang talatanungan na nangingibabaw

ang mga positibong pahayag patungkol sa lawak ng komprehensyon ng

mga mag-aaral.

Naging mabisa ang kasanayang panonood sa pagpapaunlad sa

kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa mga nangungunang

salik na ayon sa lawak ng komprehensyon dahil mas madali nilang


nauunawaan ang mga aralin na tinalakay kapag nararanasan nila ang

mga pangyayari na dapat nilang matutuhan sa pamamagitan ng

panonood. Pinagtibay ito ni Lopez (2015) na ang multimedia ay dinisenyo

upang mapagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto, sa

pamamagitan ng multimedia nagiging kapanapanabik at natutulungan ang

mga mag-aaral na matuto sa makabagong paraan lalo na sa pagtuturo ng

Filipino sa kasanayang panonood gamit ang teknolohiya. Makikita na

gumagamit ng multimedia ang totoong mundo sa pamamagitan ng mga

tunog, mga larawan, at video na maaaring hindi nararanasan ng mga

mag-aaral sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo ng guro.

Sa kabuuan at batay sa resulta ng mga datos nagkaroon ng

mababang resulta ang mga negatibong salik at kung susuriin ang mga

datos kapansin-pansin na mas mataas ang nakuhang resulta ng mga

positibong mga pahayag o salik na nagpapakita na naging mabisa ang

kasanayang panonood.

Makabuluhang Pagkakaiba ng Kasanayang Panonood ng mga Mag-


aaral sa Asignaturang Filipino Batay sa Resulta ng Pagsusulit sa
Banghay at Paksang Diwa ng Tatlong Maikling Kwento

Ipinapakita ng mga datos sa talahanayan 5 ang pagkakaiba sa

pagitan ng kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa asignaturang

Filipino batay sa resulta ng pagsusulit sa banghay at paksang diwa ng

tatlong maikling kwento.


Talahanayan 5. Makabuluhang Pagkakaiba ng Kasanayang Panonood ng
mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino Batay sa Resulta ng Pagsusulit
sa Banghay at Paksang Diwa ng Tatlong Maikling Kwento

Sources of Degrees Sum of Mean Computed Critical Decision Interpretation


Variation of Freedom Squares Squares F F (0.05)

Between
2 24.548 12.274
Groups
2.82 2.99 Accept Ho Not Significant
Within
132 573.778 4.347
Groups
Total 134

Ho : v₁ = v₂ = v₃

Makikita sa talahanayan 5 ang pagkakaroon ng walang

makabuluhang pagkakaiba ng kasanayang panonood ng mga mag-aaral

sa asignaturang Filipino batay sa resulta ng pagsusulit sa banghay at

paksang diwa ng tatlong maikling kwento. Lumabas sa resulta na ang

computed F value na 2.82 ay mababa kaysa critical F value na 2.99 sa

5% level of significance, ang “null hypothesis” ay tinanggap.

Ayon sa interpretasyon sa resulta, walang makabuluhang

pagkakaiba ang kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino batay sa resulta ng pagsusulit sa banghay at

paksang diwa ng tatlong maikling kwento. Nangangahulugan na sa

ginawang tatlong pagsusulit nanatiling mataas ang nakukuhang iskor ng

mga mag-aaral.

Ang resultang ito ay may implikasyong naging epektibo ang

paggamit ng mga mananaliksik sa kasanayang panonood sa loob ng

tatlong araw na pagpapakitang turo. Ito’y umaayon sa pag-aaral ni Orseo


(2010) tungkol sa epekto ng audio visual na materyal sa pagtuturo ng

grammar sa Sta. Clara College. Dalawang pagsubok ang kanyang ginawa

sa dalawang pangkat ng mag-aaral sa English kanyang natuklasan na

naging magkapareho ang naging masteri performans ng mga mag-aaral

sa nabanggit na paaralan na kapwa ginamitan ng audio visual na materyal

sa pagtuturo.

Makabuluhang Kaugnayan ng Antas ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral


Batay sa Resulta ng Post-Test at ng mga Salik na Nagpapaunlad sa
Kasanayang Pagkatuto ng mga Mag-aaral Batay sa Kasanayang
Panonood ayon sa: Atityud sa Asignatura, Interes sa Talakayan at
Lawak ng Komprehensyon

Ipinapakita ng mga datos sa talahanayan 6 ang ugnayan sa

pagitan ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa resulta ng

post-test at ng mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng

mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood ayon sa: atityud sa

asignatura, interes sa talakayan at lawak ng komprehensyon.


Talahanayan 6. Makabuluhang Ugnayan sa Pagitan ng Antas ng
Pagkatuto ng mga Mag-aaral Batay sa Resulta ng Post-Test at ng mga
Salik na Nagpapaunlad sa Kasanayang Pagkatuto ng mga Mag-aaral
Batay sa Kasanayang Panonood Ayon sa: Atityud sa Asignatura, Interes
sa Talakayan at Lawak ng Komprehensyon

Indicators of Coefficient of Interpretation Computed Critical Decision Interpretation


Relationship correlation r t t

Post-test at Moderate Low accepted not


Atityud sa -0.266 Negative 1.808 HO Significant
Asignatura Correlation

Post-test at Moderate Low Reject Significant


Interes sa -0.318 Negative 2.202 2.016 HO
Talakayan Correlation

Post-test at Moderate Low Reject Significant


Lawak ng -0.361 Negative 2.538 HO
Komprehensyon Correlation

Makikita sa talahanayan 6 na ang computed t value sa pagitan ng

post-test at interes sa talakayan ay mas mataas kaysa critical t value na

2.016 sa 5% level of significance gayundin ang computed t value sa

pagitan ng post-test at lawak ng komprehensyon, ang “null hypothesis” ay

hindi tinanggap o rejected. Samantalang tinanggap naman sa pagitan ng

post-test at atityud sa asignatura dahil sa resulta na ang computed value

ay mababa sa critical value.

Ayon sa interpretasyon sa resulta ay may makabuluhang

kaugnayan ang post-test sa interes sa talakayan at lawak ng

komprehensyon, samantalang walang makabuluhang kaugnayan ang

post-test sa atityud sa asignatura.


Ang resultang ito ay may implikasyon na ang kasanayang

panonood ay mabisang gamitin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino

upang makuha ang interes ng mga mag-aaral sa talakayan at mapataas

ang kanilang lawak ng komprehensyon. Patunay ang resulta ng

talahanayan 6 na ang kasanayang panonood ay nakatutulong upang

mapataas o mapaunlad ang kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino. Ang kasanayang panonood ay mahalaga dahil ito

ay paraan upang maging mabilis at mabisa ang pagtuturo. Lubos na

mapapalalim ang pagka-unawa at mapalalawak ang kaalaman kung ito ay

bibigyang pagsusuri at pagsasanay sa pamamagitan ng panonood dahil

sa ganap na nasisilayan ng mga mag-aaral ang mga pangyayaring

nagaganap sa napanood (Barrientos, 2016).


KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Naglalaman ang kabanatang ito ng lagom, konklusyon at

rekomendasyon ng isinagawang pag-aaral. Nakapaloob dito ang antas ng

kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay

sa banghay ng kwento at paksang diwa, antas ng pagkatuto ng mga mag-

aaral batay sa post-test, mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang

pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood ayon sa:

Atityud sa asignatura, Interes sa talakayan at Lawak ng komprehensyon,

ang makabuluhang pagkakaiba ng kasanayang panonood ng mga mag-

aaral sa asignaturang Filipino batay sa resulta ng pagsusulit sa banghay

at paksang diwa ng tatlong maikling kwento, at ang makabuluhang

kaugnayan ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa resulta ng

post-test at ng mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng

mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood ayon sa: Atityud sa

asignatura, Interes sa talakayan, at Lawak ng komprehensyon ng mga

mag-aaral ng 7-NU sa Sipocot National High School.

Lagom

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang kasanayang

panonood at antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang

Filipino sa mga mag-aaral ng 7-NU sa Sipocot National High School.

Binibigyang kasagutan sa pananaliksik ang mga sumusunod na


katanungan: (1) Ano ang antas ng kasanayang panonood ng mga mag-

aaral sa asignaturang Filipino batay sa banghay ng kwento at paksang

diwa? (2) Ano ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa post-

test? (3) Ano ang mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto

ng mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood ayon sa: Atityud sa

asignatura, Interes sa talakayan, at Lawak ng komprehensyon (4) Ano

ang makabuluhang pagkakaiba ng kasanayang panonood ng mga mag-

aaral sa asignaturang Filipino batay sa resulta ng pagsusulit sa banghay

at paksang diwa ng tatlong maikling kwento? (5) Ano ang makabuluhang

kaugnayan ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa resulta ng

post-test at ng mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng

mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood ayon sa: Atityud sa

asignatura, Interes sa talakayan, at Lawak ng komprehensyon.

Ginamit ng mga mananaliksik ang Frequency Count at Percentage

Technique upang mabatid ang antas ng kasanayang panonood ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino batay sa banghay ng kwento at

paksang diwa at antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa post-test.

Ang Weighted Mean at Ranking ay para sa pagdedetermina ng mga salik

na nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa

kasanayang panonood. Annova naman upang madetermina ang

makabuluhang pagkakaiba ng kasanayang panonood ng mga mag-aaral

sa asignaturang Filipino batay sa resulta ng pagsusulit sa banghay at

paksang diwa ng tatlong maikling kwento. Sa pagdetermina naman ng

makabuluhang kaugnayan ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral


batay sa resulta ng post-test at ng mga salik na nagpapaunlad sa

kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood

ayon sa: Atityud sa asignatura, Interes sa talakayan, at lawak ng

komprehensyon ng mga mag-aaral, gagamit ang mga mananaliksik ng

Pearson Product Moment Correlation o PPMC.

Suliranin blg. 1

Ano ang antas ng kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino batay sa banghay ng kwento at paksang diwa?

Kinalabasan

1. Sa antas ng kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa asignaturang

Filipino batay sa banghay at paksang diwa ng maikling kwentong

“Espirito sa Bote” makikita na batay sa scale na 8-10, mayroong

labinsiyam (19) mag-aaral ang nakakuha o 42.22 na bahagdan at sila’y

may mataas na antas ng kasanayang panonood. Sa scale na 4-7

mayroong dalawampu’t dalawang (22) mag-aaral ang nakakuha o

48.89 na bahagdan at may katamtamang antas ng kasanayang

panonood. Samantala, sa scale na 0-3 naman ay mayroong apat (3) na

mag-aaral ang nakakuha o 8.89 na bahagdan na may mababang antas

ng kasanayang panonood. Mapapansin sa datos na mas madami ang

bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng katamtamang antas ng

kasanayang panonood.

2. Para sa antas ng kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino batay sa banghay at paksang diwa ng maikling


kwentong “Ang mga Duwende at Sapatero” makikita na batay sa scale na

8-10 mayroong dalawampu’t dalawang (22) mag-aaral ang nakakuha o

48.89 na bahagdan at sila’y may mataas na antas ng kasanayang

panonood. Sa scale na 4-7 naman ay mayroong labinsiyam (19) na mag-

aaral ang nakakuha o 42.22 na bahagdan at may katamtamang antas ng

kasanayang panonood. Habang sa scale na 0-3 mayroon namang apat

(4) na mag-aaral ang nakakuha o 8.89 na bahagdan na may mababang

antas ng kasanayang panonood. Lumalabas na karamihan sa mga mag-

aaral ay nakakuha ng mataas na antas ng kasanayang panonood.

3. Para sa antas ng kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino batay sa banghay at paksang diwa ng maikling

kwentong “Ang Tamad na Maharlika” makikita sa scale na 8-10 mayroong

dalawampu’t limang (25) mag-aaral ang nakakuha o 55.56 na bahagdan

at may mataas na antas ng kasanayang panonood. Sa scale na 4-7 ay

may dalawampung (20) mag-aaral ang nakakuha o 44.44 na bahagdan.

Sa scale na 0-3 ay walang (0) mag-aaral na nakakuha. Bilang resulta,

lumabas na karamihan sa mga mag-aaral ay nakakuha ng mataas at

katamtamang antas ng kasanayang panonood.

Konklusyon

1. Ang resulta ay nagpapakita na epektibo ang pagbibigay tuon sa

kasanayang panonood ng mga mag-aaral dahil sa pamamagitan nito mas


nagkakaroon ng interes na lumahok at mas maging aktibo sa pagtatalakay

ng mga aralin ang mga mag-aaral.

2. Natuklasan sa pag-aaral na gamit ang kasanayang panonood sa

talakayan mapapataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Rekomendasyon

1. Gamitin ang kasanayang panonood sa pagtuturo sa asignaturang Filipino

dahil ito ay paraan upang maging mabilis at mabisa ang pagtuturo.

Nagiging batayan sa pagkilala at pagtukoy sa kapaligiran. Sa

pamamagitan nito naaangkop ang mga ugaling ipapakita..Magkakaroon

ng pagkakataon ang mga mag-aaral na pumili, palawakin at palalimin ang

kanilang komprehensyon. Ito ay isang pinakamabisang stimulus upang

ang mag-aaral ay magbago at matuto batay sa hinihingi ng pagkakataon

(Barrientos, 2016). Ang paggamit ng kasayang panonood ay mabisa

upang mapataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino dahil sa hindi lamang napupukaw ang interes ng

mga mag-aaral na makilahok sa talakayan nabubuksan rin ang kanilang

kaisipan sa mga pangyayaring pangkapaligiran.

Suliranin blg. 2

Ano ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa post-test?

Kinalabasan

1. Para sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa post-test makikita

na batay sa scale na 21-30 mayroong tatlumpu’t walong (38) mag-aaral

na nakakuha o 84.44 na bahagdan at sila’y may mataas na antas ng


pagkatuto. Sa scale na 11-20 naman ay may pitong (7) mag-aaral na

nakakuha o 15.56 na bahagdan at may katamtamang antas ng pagkatuto.

Samantala, sa scale na 0-10 naman ay walang (0) mag-aaral na

nakakuha. Lumalabas na walang mag-aaral ang may mababang antas ng

pagkatuto pagkatapos bigyang tuon ang kasanayang panonood sa

pagtuturo ng mga aralin sa paaralan.

Konklusyon

1. Ang resultang ito ay nagpapakita na mataas ang bahagdan na mas

natututo ang mga mag-aaral kung ang isang impormasyon o gawain ay

nakikita sa tulong ng mga makabagong teknolohiya bilang gamit sa

pagkatuto sa loob at labas ng paaralan.

Rekomendasyon

1. Ang mga guro lalo na sa kaslukuyan ay marapat lamang na magkaroon

ng sapat na panahon at pagpaplano ng mga gagamiting kagamitang

pampagtuturo na angkop sa panahon at interes ng mga mag-aaral tulad

ng paggamit ng kasanayang panonood sa pagtuturo.

Suliranin blg. 3

Ano ang mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng

mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood ayon sa: Atityud sa

Asignatura, Interes sa Talakayan, at Lawak ng Komprehensyon

Kinalabasan
1. Sa mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang pagkatuto ng mga mag-

aaral batay sa kasanayang panonood ayon sa atityud sa asignatura

makikita na ang tatlong pangunahing salik na nagpapaunlad sa

kasananayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang

panonood ayon sa atityud sa asignatura: una, nahihikayat ang mga mag-

aaral na mag-aral sa asignaturang Filipino na may 2.98 na mean;

pangalawa, naging masigla ang mga mag-aaral sa asignaturang Filipino

na taglay ang 2.93 mean, at pangatlo, masigasig na naghahanda ang mga

mag-aaral ng kanilang takdang-aralin na may 2.87 na mean. Samantala,

ang tatlong may pinakamababang ranggo ay ang sumusunod: Hindi

nakapaghahanda ng takdang-aralin, 1.36; nawawalan ng gana na mag-

aral sa asignaturang Filipino, 1.27; at hindi nakikinig ang mga mag-aaral

sa paksang tinatalakay, 1.24.

2. Ipinapakita ng mga datos sa mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang

pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood ayon sa

interes sa talakayan ang tatlong pangunahing salik na nagpapaunlad sa

kasananayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang

panonood ayon sa interes sa talakayan: una, halos lahat ng mag-aaral ay

natutong magbigay ng sariling opinyon na may 2.96 na mean; pangalawa,

naging aktibo ang mga mag-aaral sa talakayan matapos mapanood ang

ipinakitang video patungkol sa paksang tinalakay na taglay ang 2.91

mean, at pangatlo, naging mapanuri ang isipan ng mga mag-aaral na may

2.91 na mean. Samantala, ang tatlong may pinakamababang ranggo ay

ang sumusunod: Walang naging reaksyon ang mga mag-aaral sa

pinanood na video na may 1.53 na mean; Hindi nagkaroon ng interaksyon


sa talakayan ang mga mag-aaral matapos gamitin ang kagamitang

pampagtuturo na may 1.49; at Karamihan ng mag-aaral ay hindi nagbigay

ng sariling opinyon na may 1.24 na mean.

3. Ipinapakita ng mga datos sa mga salik na nagpapaunlad sa kasanayang

pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang panonood ayon sa

lawak ng komprehensyon ang tatlong pangunahing salik na nagpapaunlad

sa kasananayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang

panonood ayon sa lawak ng komprehensyon: una, madaling maunawaan

ng mga mag-aaral ang mga kuwentong napanood dahil gumagalaw at

nagsasalita ang mga tauhan na may 2.89 na mean; pangalawa, napupuna

ng mga mag-aaral ang tama at maling pag-uugali ng pangunahing tauhan

sa kwentong napanood na taglay ang 2.84 mean, at pangatlo, naging

malinaw ang mga kaganapan sa kwentong napanood na may 2.84 na

mean. Samantala, ang tatlong may pinakamababang ranggo ay ang

sumusunod: naguguluhan sa mga kaganapan sa pinanood at nahirapan

sa pagbuo ng kaisipan batay sa kwentong pinanood na parehong may

1.64 na mean; naging mahirap para sa mga mag-aaral na unawain ang

kwento na napanood na may 1.42; at hindi napuna ng mga mag-aaral ang

tama at maling pag-uugali ng pangunahing tauhan sa kwentong napanood

na may 1.27 na mean.

Konklusyon

1. Sa kabuuan at batay sa resulta ng mga datos nagkaroon ng

mababang resulta ang mga negatibong salik sa atityud sa asignatura

at kung susuriin ang mga datos kapansin-pansin na mas mataas ang


nakuhang resulta ng mga positibong mga pahayag o salik na

nagpapakita na naging mabisa ang kasanayang panonood.

2. Batay sa resulta ng mga datos sa interes sa talakayan nagkaroon ng

mababang resulta ang mga negatibong salik. Kapansin-pansin din na

mas mataas ang nakuhang resulta ng mga positibong mga pahayag o

salik na nagpapakita na naging mabisa ang kasanayang panonood.

3. Sa kabuuan batay sa resulta ng mga datos sa lawak ng

komprehensyon nagkaroon ng mababang resulta ang mga negatibong

salik. Kapansin-pansin din na mas mataas ang nakuhang resulta ng

mga positibong mga pahayag o salik na nagpapakita na naging

mabisa ang kasanayang panonood.

Rekomendasyon

1. Ang paggamit ng audio- visual na materyales ay pumapawi sa

pagkabagot at pagod ng isipan sa pamamagitan ng pagbibigay focal point

o tuwina ng pansin o atensyon. Malaking tulong ang paggamit ng mga

makabagong teknolohiya tulad ng laptop, projector, mga audio-visual at

iba pa. Napakahalaga sa isang guro na magkaroon ng kaalaman sa

mabisang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo dahil

epektibong paraan ito sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral

Abadia (2010).

2. Upang mapaunlad ang kalidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral marapat

lamang na bigyang tuon ng mga guro ang mga salik na makakaapekto sa


kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga

makabagong kagamitang pampagtuturo.

Suliranin blg. 4

Ano ang makabuluhang pagkakaiba ng kasanayang panonood ng

mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay sa resulta ng pagsusulit sa

banghay at paksang diwa ng tatlong maikling kwento?

Kinalabasan

Ipinapakita ng mga datos sa ang pagkakaiba sa pagitan ng

kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay

sa resulta ng pagsusulit sa banghay at paksang diwa ng tatlong maikling

kwento makikita na walang makabuluhang pagkakaiba ng kasanayang

panonood ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay sa resulta ng

pagsusulit sa banghay at paksang diwa ng tatlong maikling kwento.

Lumabas sa resulta na ang computed F value na 2.82 ay mababa kaysa

critical F value na 2.99 sa 5% level of significance, ang “null hypothesis”

ay tinanggap.

Konklusyon

1. Batay sa naging resulta, walang makabuluhang pagkakaiba ang

kasanayang panonood ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino batay

sa resulta ng pagsusulit sa banghay at paksang diwa ng tatlong maikling


kwento. Nangangahulugan na sa ginawang tatlong pagsusulit nanatiling

mataas ang nakukuhang iskor ng mga mag-aaral.

Rekomendasyon

1. Sa paggamit ng kasanayang panonood mas madaling nauunawaan ng

mga mag-aaral ang mga pangyayari at mga aral sa mga aralin na

tinatalakay dahil nailalagay nila ang kanilang sarili sa kanilang napanood.

2. Sa paggamit ng mga visual na materyal nakatutulong ito upang mapataas

ang masteri level ng mga mag-aaral patungkol sa mga aralin na tinalakay

ng kanilang guro.

Suliranin blg. 5

Ano ang makabuluhang kaugnayan ng antas ng pagkatuto ng mga

mag-aaral batay sa resulta ng post-test at ng mga salik na nagpapaunlad

sa kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kasanayang

panonood ayon sa: Atityud sa asignatura, Interes sa talakayan, at Lawak

ng komprehensyon.

Kinalabasan

1. Ang computed t value sa pagitan ng post-test at interes sa talakayan ay

mas mataas kaysa critical t value na 2.016 sa 5% level of significance

gayundin ang computed t value sa pagitan ng post-test at lawak ng

komprehensyon, ang “null hypothesis” ay hindi tinanggap o rejected.

Samantalang tinanggap naman sa pagitan ng post-test at atityud sa

asignatura dahil sa resulta na ang computed value ay mababa sa critical

value.
Konklusyon

1. Ayon sa resulta ay may makabuluhang kaugnayan ang post-test sa

interes sa talakayan at lawak ng komprehensyon, walang makabuluhang

kaugnayan ang post-test sa atityud sa asignatura.

Rekomendasyon

1. Ang kasanayang panonood ay mabisang gamitin sa pagtuturo ng

asignaturang Filipino upang makuha ang interes ng mga mag-aaral sa

talakayan at mapataas ang kanilang lawak ng komprehensyon. Lubos na

mapapalalim ang pagka-unawa at mapalalawak ang kaalaman kung ito ay

bibigyang pagsusuri at pagsasanay sa pamamagitan ng panonood dahil

sa ganap na nasisilayan ng mga mag-aaral ang mga pangyayaring

nagaganap sa napanood.

2. Ang kasanayang panonood ay nakatutulong upang mapataas o

mapaunlad ang kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino.

You might also like