Banghay Aralin Demo 7

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Petsa : Enero 7 , 2019 Araw: Lunes

LAYUNIN:

 Nabibigyang –kahulugan ang mga piling salita.


 Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa maikling kuwento.
 Napahahalagahan ang pagkakapantay – pantay ng bawat isa.

PAKSANG ARALIN:

 Impeng Negro ni Rogelio Sikat

SANGGUNIAN:

 KANLUNGAN Batayan at Sanayang Aklat sa Pag-aaral ng Wika at Panitikang Filipino batay sa


bagong K-12 Kurikulum LM , pahina 279-285

KAGAMITAN:

 kopya ng akda , pentel pen , cartolina, led tv , stick on note

TUKOY-ALAM:

 Pagbabalik aral sa nakaraang aralin

PAGGANYAK:

 Pagpapakita ng larawan ( Ipasusuri ang pisikal na katangian ng dalawang larawan )

PAGLALAHAD:

A. Paglinang ng Talasalitaan

 Ang guro ay may hinandang mga piling salita at sasagutin ng mga estudyante ang mga piling
salita. Mag uunahan sa pagsagot ang bawat grupo para sa pagkuha ng karampatang puntos.
Gamit ang LED tv.

B. Pagbasa sa Teksto

 Pagkilala sa may –akda ( Rogelio Sikat ) ( Integrasyon sa kasaysayan )


 Pagpapaliwanag sa konsepto ng rasismo ( Integrasyon sa Asignaturang Edukasyon sa
Pagpapakatao /ESP )
 Ipapabasa ang kuwento na pinamagatang “ Impeng Negro “ LM , pahina 279 – 285
magbibigay ng kopya ang guro sa mga mag-aaral at habang pinapanood ang akda gamit ang
Led Tv.

PAGTALAKAY:

1. Tungkol saan ang tekstong inyong binasa?


2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Ilarawan ang tagpuan ng pangyayari. Ano ang mababakas o makikta natin sa kapaligiran nito?
4. Kung ikaw si Impeng Negro , gagawin mo rin ba ang ginawa niyang paglaban kay Ogor?

PAGPAPAHALAGA:

 Bilang mag-aaral paano mo maipapakita ang ang pagkakapantay-pantay sa iyong kapwa ?


GAWAING PAGPAPAYAMAN:

Pangkatang Gawain

 Ang guro ay magbibigay ng pangkatang Gawain


 Gamit ang rubriks bibigyan ng karampatang puntos ang kanilang gawain o presentasyon

Hahatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral

1. Unang grupo – bubuo ng story frame tungkol sa mahahalagang pangyayari sa akda


2. Ikalawang grupo – pagguhit ng tagpuan ng akda at maikling paliwanag o paglalarawan tungkol
dito
3. Ikatlong grupo – paghahambing kay Ogor at Impeng Negro gamit ang Venn Diagram

PAGPAPALAWIG:

 Ipapakita ng bawat grupo ang kanilang ginawa at tatalakayin ang kanilang sagot.

SINTESIS:

 Bibigyan ang mga mag-aaral ng piraso ng papel at pasusulatin sila ng ideya at saloobin nila
tungkol sa rasismo. Ididikit nila ito sa freedom wall sa loob ng klase.

PAGTATAYA:

Gamit ang Led Tv pasasagutan sa mga mag-aaral ang mga katanungan at isusulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong test booklet.

TAKDANG-ARALIN:

1. Ano ang maikling kuwento?


2. Ibigay ang sangkap ng maikling kuwento?
3. Isa-isahin ang mga elemento ng maikling kuwento.

INIHANDA NI:

CHERRY MAY B. CARALDE


Tagapakitang-turo

You might also like