The Girl Who Loves Pajama
The Girl Who Loves Pajama
The Girl Who Loves Pajama
by pajama_addict
=================
I get a lot of questions from my readers and I really am not sure kung curious lang
kayo sa akin o tsismosa lang talaga kayo tulad ko.I get a lot of letters too --
funny, demanding ... sometimes creepy. Hindi ako mysterious, walang kahiwagaang
bumabalot sa pagkatao ko at lalong hindi po ako sehrli (wish ko lang). Sa dinadami
ng natatanggap kong tanong mula sa mga bago kong friends na araw-araw na nagnanais
makilala ako (Chos!) ay minabuti kong i-post na lang ang kasagutan sa mga tanong
ninyo dito sa Wattpad tutal dito na lang din tayo nagka-kilala. Sa mga kaibigan ko
sa FB, malamang nabasa nyo na ang iba dito kaya wag nyo na tong basahin.
Hahahahaha!
1. I am addicted to fresh milk. I usually drink around three liters when I'm
writing an update.
2. I love pajamas that I even wish I can go to work wearing them hence my Wattpad
username.
3. I'm a denim jeans, plain white shirt and comfy boots kind of person. I'm NOT
girly. Sorry to burst your bubble, mga kapatid.
4. I drive a Honda Civic named Snoopy and I have a motorcycle named Woodstock.
5. I'm snappy. I'm maldita. But I'm not rude. I walk that fine line.
8. The only guy who broke my heart was an anime character. The next guy who'll try
to break my heart will find his nose, legs and arms broken.
9. I throw shurikens when I'm angry. Hindi ako mabait, pag ako binato mo ng bato,
babalik sayo granada.
10. I don't know how to cook and I worship whoever invented the no-cook pancit
canton.
11. Yes, I have a boyfriend and he knows he's one lucky man since I remind him
every single day. He knows how to cook too so that makes me one lucky girl indeed.
13. I love dogs, in fact I have two Shih Tzus and two Labradors at home. and I'm
sure my fur kids find me weird because I often talk to them when I'm bored.
16. I love watching anime at nag-aabang ako bawat Friday sa paglabas ng episode ng
Fairy Tail.
19. When I was in College, nag-skip ako minsan sa class ko para lang mag-sit in sa
Kas I class ng friend ko kasi gwapo yung prof nya. #inosenteng kalandian101
20. Madaldal ako at siguro pansin na yan ng mga nagmi-message sa akin. Wala akong
pakialam kung sino ang kadaldalan ko basta masaya syang kausap.
=================
Love Guru-Guruhan
I get a lot of questions about LOVE. Dahil siguro feeling nila eh ang dami kong
alam dahil nagsusulat ako. I've compiled some of the questions that I got from my
readers and posted the answers here. Sa mga nagpadala nito, hindi ko sasabihin kung
sinu-sino kayo unless pilitin ako. Joke lang.
• Q: I have a boyfriend pero hindi nya ako pinapakilala sa family nya kasi bawal
daw syang magka-girlfriend. Ang poblem ko, meron syang parating kasa-kasama na
pumupunta sa bahay nila na girl. Pinag-aawayan namin parati kasi nagseselos ako,
any advice?
• A: Hindi ko alam. Walang halong stir. Hindi ko talaga alam. Iba't-iba ang
definition ng tao ng pagmamahal, iba't-iba ang paraan ng bawat isa ng pagpapakita
ng pagmamahal at iba't iba ang sukatan ng pagmamahal. Wala naman talagang ibang
nakakaalam kung in-love ka na dun sa tao kundi ikaw lang and it follows kung paano
mo dini-define ang love. Para sa akin, masasabi kong in-love na ako if I want to be
a better person for him, kapag dumating na yung oras that I want to be a better
version of myself because his actions encourage such thoughts eh hindi na lang
kahibangan yan, may kasama nang puso.
Madrama at nakakawindang ang usapin ng love, pero ito lang ang masasabi ko, you'll
know when it's the right time to fall. Pray. Wait. Good luck.
• Q: Ate, I've always been curious about you and your bf kasi parang parati kang
inspired. How did you meet him?
• A: Ay, may ganun? Hahahaha! I met him somewhere down the road. Maygahd, I don't
want to discuss my lovelife because I find it so corny. Ito lang masasabi ko,
dinaan nya ako sa sayaw at kanta at ako naman malandi, nagpadaan din. Chos!
• A: No, I can't. I may be able to write romantic poems and stories about it but
I'm not so smart to know its full meaning and I'm not so experienced to realize its
depth. Ang lalim. Grabe. Pero seryosong usapan, hindi ako ganun katalino, neng para
malaman kung ano ang totoong definition ng pag-ibig at alam kong past my teens na
ako pero hindi pa naman ako ganun katanda grabe ka naman. I think love doesn't have
an exact definiton kaya nya hanggang ngayon eh paboritong topic yan ng mga nilalang
of all ages kasi wala pang nakatumbok kung ano ba talaga ang kahulugan ng
pagmamahal. At tsaka bakit kailangan mong i-define? Hindi lahat nai-explain at
hindi lahat kailangang i-explain. All you need to do is feel.
Okay lang matakot magmahal, noong una tayong natutong maglakad takot din naman tayo
pero tingnan mo naman tayo ngayon, di na lang lakad, takbo na may kasama pang
split. Wag kang matakot na takot kang magmahal, normal yan pero sana kahit takot ka
ay hayaan mo pa rin ang sarili mong maranasan yun. Gumora ka na rin sa samahan ng
mga takot magmahal pero sumugal sa pagmamahal kaya nasaktan pero handang sumugal
ulit. Life is meant to be lived that way. Live life.
• A: Ay neng baka feeling ka lang. Paano mo nasabing mutual? Sorry ha pero ang
harsh ko pagdating sa usaping ito triple whammy kasi ang combong ito sa akin kaya
ang lakas ng arrive. Mahigit tatlong bilyon ang lalaki sa mundo, neng kaya wag ka
nang mang-agaw. sabihin na nating may gusto yung boyfriend nya sayo, aba eh umiwas
ka na, hindi ka pa nadidiri? Tutuhugin nya kayo ng best friend mo?! Ano kayo
saging? Banana Q ang peg!
Pangalawa, nasa isang relasyon sila so no matter how you look at it, ikaw ang mang-
aagaw. Buti sana kung nakaukit sa Bundok ng Tralala na kayong dalawa ng lalaking
yun ang dapat magkatuluyan or else magugunaw ang sanlibutan. Pero walang ganun, sa
movies lang yun nangyayari kaya wag nang magpakashunga.
Pangatlo, he's your best friend's bf. Gahd! Dapat nga ikaw ang nagsasabi sa kanyang
balahura yung jowa nya hindi yung ikaw ang magpapaka-promodizer sa pagdedemo sa
kaibigan mo kung gaano kabalahura ang jowa nya. Susme, na highblood aketch. Anong
gagawin mo? Ano ba dapat ang ginagawa ng matinong kaibigan? Seryoso, tinatanong pa
ba yan? Pero kung confused kang talaga, remember this, you will not be truly happy
if your happiness is the reason for someone else's tears.
• Q: Ate! May crush po ako tapos nalaman ko po na crush nya din po ako kaya lang
torpe sya para syang si Dyepoy. Paano po yun?
=================
1. Bakit mo naisipang magsulat? I love creating a world where I have control over
everything -- yung panahon, desisyon, pangyayari pati panloob ng mga tao at height
nila kontrolado ko. I'm weird.
2. Hobby nyo lang ba ang pagsusulat? Bakit di nyo na lang po gawing profession? Oo,
hobby lang. Ayoko syang gawing trabaho kasi mas gusto kong yumaman sa ibang paraan;
I don't mix business with pleasure at gusto kong anytime na maumay na ako sa
kakabasa ng ud please eh pwede akong huminto sa pagsusulat without second thoughts
kasi hindi dito nakasalalay ang buhay ko.
3. Sino ang favorite author ninyo? Marami. JRR Tolkien, Victor Hugo, JK Rowling,
Gabriel Garcia Marquez, Mario Puzo, Neil Gaiman and Pablo Neruda to name a few.
5. Describe yourself. I'm a heinous bitch but I can be sweet when I'm in the mood.
8. If there’s something that you’re proud of, ano yun? Mabuti akong anak at loyal
akong jowa. Bow.
9. Ano ang maipapayo sa mga taong walang bf/gf? Hindi mo kailangan ng ibang tao
para sumaya. If you're unhappy single, most probably you'll still be unhappy even
if you have someone who loves you so work on finding happiness by yourself first.
10. Kung papipiliin ka between fame and fortune, anong pipiliin mo? Fortune, aanhin
ko yung fame? Hindi ko ikakaganda ang maging famous kaya hindi ko pinangarap. As
long as my family and the person I love are proud of me ay okay na ako. Besides,
kung mayaman na ako, kahit famous ka ay kaya kitang bilhin. Bwahahaha!
11. What’s the best advice na natanggap mo at kanino yun galing? Know your worth
and never be afraid to kick someone's face if they treat you less than you deserve.
Galing kay inay. Ngayon alam nyo na kung anong klaseng nanay meron ako. She's a
ninja too.
12. Anong tawagan nyo ng boyfriend mo? Syet ang corny. Nyahahaha! Hindi ko alam
kung bakit natatawa ako sa tanong na ito pero kung anong tawagan ni Ryan at Raya at
ni Alex and Alexa.
13. What is your greatest asset and why? My brain because with it, I can make or
break you.
14. Kapag may pinagdadaanan ka, sino ang una mong tinatawagan at bakit? Kahit wala
akong pinagdadaanan ay araw-araw kong kinakausap si mother dearest dahil
nagkakaintindihan kami sa maraming bagay at kahit di ko pa itanong, tono pa lang ng
boses ko ay alam na nya agad ang sagot. That's how great a mother she is.
17. How does it feel to be famous? Why am I being asked this question? I'm not and
I do not harbor any illusion that I am. As I stated in #10 I don't care about the
fame, perahin nyo na lang.
18. What advice can you give other writers? I don't think I'm in the position to be
giving out advices on writing, I am an amateur at hindi rin ako nag-aral magsulat.
Tanging si Diary lamang ang naging saksi sa mga una kong attempts to write. But
this I'll have to say: in everything that you do, writing included, be real, do not
pretend to know something that you don't and do everything with heart.
19. In college, ano ang pinaka-gusto mong subject/s? Communications I, II and III,
Obligations and Contracts, Econ 11, History II and Scrabble (P.E.)
20. How do you write BS so well? Humaygulay, I do? Hahahahaha! Hindi ko alam kung
bakit and I still can't believe that I'm getting this compliment. Wait, this is a
compliment, right?
=================
Jenny In A Bottle
1. If you were to choose another name for yourself what would it be and why?
Silhouette. Bet ko yung pagiging mysterious ng dating ng pangalang yan. It's a
contradiction, it connotes darkness but it needs light to be seen.
2. What does your voice sound like? Habang nagsasalita? Para daw mataray na bata
sabi ni Inay. Kapag kumakanta, parang lasing na palaka sabi ni Itay. I have such
loving parents. Hahahaha!
3. What's the thing that you don't leave home without? My wallet. Ayoko na wala
akong dalang pera, feeling ko ang poor, poor ko.
4. What is your earliest memory? Nanunuod ako ng sine and asked my mother to turn
the lights on. Ignorante to the highest level. Mula noon, three times a week na
kaming nanunuod ng sine kaya hanggang ngayon ang pinakapaborito kong gawain maliban
sa matulog, kumain at maligo ay ang manuod ng sine.
5. Do you have any role models? No. I don't know why. Maybe it's because I love to
explore life by myself at wala akong balak sundan ang yapak ng iba. Why choose to
be someone else's copy when you can be your awesome self?
6. Describe your first kiss: Violent. I was in grade 3 and he was my classmate. He
did it to spite me, ang maldita ko kasi. Dumanak ang dugo... nya. At na-Principal's
office ako. Bow.
7. If you were to become a supernatural being, what would you be and why? I'd be a
sehrli. I love how they have the best of the mythical and human world. I love
sehrli men's possessiveness and I would probably fangirl over Mikael and Viktor
like an idiot.
8. What do you consider as your greatest achievement? Maygadh, may ganito? Anetch
itey? Greatest achievement? Hm... Siguro ang makapagsulat at ma-publish. Kasi hindi
ko sya pinag-aralan, hilig ko lang. Ewan ko ba kung bakit hindi Creative Writing
ang course ko nung college. Sabi kasi ni Itay wala daw pera sa pagsusulat. Oh well,
tama sya (hahahaha!) pero kakaiba yung feeling kapag nahawakan mo na ang libro mo.
9. Who has the most influence on you? My parents. They are such huge factors in my
life and I would probably go crazy if I don't get to talk to them in a day. Kahit
ang tanda ko na, I would make it a point to ask for their advice if I have
decisions to make, mapa-lovelife man yan, career or something as mundane as anong
kulay ng kurtina ang bibilhin ko para sa bahay ko. Ang weird ko lang.
10. Do you believe in the existence of soulmates? Yes. Because I'm a romantic
weirdo like that. I believe in love at first sight and all that bull. I believe in
destiny but I don't believe in second chances. Hindi ko rin sinasabing normal ako.
Hahahaha!
11. Describe your best friend: My best friend loves to cook, looks after me like
he's my surrogate mother, scolds me like he's my adoptive father, takes care of me
like I paid him millions to do so and loves me like I'm the only girl in the world
*insert Rihanna's song here*
12. What is your most important material possession? Why? My treadmill. Because I
have yet to find a logical explanation why I bought it when I know I'm allergic to
exercising.
13. What are the three words that best describe yourself? Someone you're not.
14. What is your greatest regret? Nothing major, major. Chos! I seriously thought
about this pero wala akong maisip, not because ang perpekto ng buhay ko o feeling
ko ang perpekto kong tao, it's just that I have learned to accept everything with
grace. You try, you don't always succeed but life goes on.
15. Describe your first crush. He's smart and he's a fictional character on TV.
Sad.
Isangdaan to, would you believe? Pero sa nagpadala nito, awat na at rinding-rindi
na ako sa kakasagot. Babush!
=================
Ang pinakapaborito kong topic mula noon hanggang ngayon ay love at lahat ng
kaechosang nakakapit dito. Sa sobrang pagkahumaling ko sa topic na ito ay nag-aral
ako ng Tarot card reading noong college para mahulaan ko ang makukulay na love life
ng aking dormmates. Hindi ko alam kung bakit interesadong-interesado ako sa pag-
ibig. Ewan ko ba. At siguro sense yan ng mga kachikahan ko sa FB, Wattpad at
Twitter kasi wala na silang ginawa kundi tanungin ako tungkol sa maipapayo ko sa
buhay pag-ibig nila.
A: Iba-iba ang definition ng enough at iba-iba rin ang tolerance ng mga tao sa
kabadtripan. Hindi mo dapat tinatanong yan kasi dapat alam mo sa sarili mo kung
hanggang kelan ka lang ba dapat masaktan.
Sabi ng propesor ko noon, the higher a human being values himself/herself, the
lower his/her tolerance is for bull. Kung mataas ang pagpapahalaga mo sa sarili mo
ay medyo hindi mo keri ang mga kapakshetan ng ibang tao pero kung mababa naman ay
you have this tendency to settle and be satisfied with okay lang at buti nga meron.
Ako, I do not take crap. You shouldn’t too. But before you can do that, you have to
realize your worth and before you can realize your worth, you have to love yourself
first. Paano mo mamahalin ang sarili mo? Be forgiving of your shortcomings, tao ka
hindi ka robot – nagkakamali ka, natatalisod ka, you make wrong choices pero okay
lang yan, parte yan lahat ng growing up. Wag mo nga lang gawing hobby, kasi medyo
katangahan na tawag dun pag ganun.
Q: Sweet ang boyfriend ko pero pag nagalit nananakit (suntok, sampal, etc). Paano
ko mapapahinto yung pananakit nya sa akin?
A: Ay pucha, as in physical? Okay ka lang, Teh? Kung ako yan nakaburol na yan
kinabukasan, hayop sya. Bakit mo hahayaang saktan ka ng ibang tao? Yung nanay mo
nga na halos mapatid na ang hininga nung ipinanganak ka ay ingat na ingat sayo
tapos yung boyfriend mo na ilang araw/linggo/buwan o taon mo pa lang nakikilala ay
nagpi-feeling na sya ang nag-ire sayo? Eh gago pala yan eh.
Sorry ha, pero maygahd hindi ka pinanganak para sapakin, batukan, suntukin at
gawing exercise apparatus ng kung sino. Kung gusto nyang magpaka-macho eh mag-enrol
sya sa isang gym at wag ka nyang pagdiskitahan. Para sa akin, walang excuse ang
pananakit. That’s where you should draw the line. Bakit ka magtitiis? Iigsi ba ang
isa mong paa kapag hiniwalayan mo sya at kailangang pikit-mata mong tatanggapin ang
mga kahayupan nya sayo? Maghanap kang iba, ano! Utang na loob naman.
Let me tell you this, he’s not going to stop and it’s not going to get better.
Patuloy ka nyang sasaktan at hindi yun magbabago. Do you know why he’s physically
abusing you? Because you’re letting him. Do not let him gain and maintain total
control over you. Neng, tao ka, hindi ka tae. Ilagay mo yan sa kokote mo. Leave
him. Ask for help. And it would be better kung bago mo sya hiwalayan ay bayagan mo
muna para naman maalala nya kung gaano kasakit magmahal. Good luck.
A: Kailangan nyong mag-usap. Tanungin mo sya kung anong kadramahan nila sa buhay at
nag-uusap pa sila. Kung wala namang malisya eh di ko maintindihan kung bakit
kailangan nyang itago sayo. Pangalawa, kahit masakit tanungin mo sya kung gusto pa
ba nyang bumalik sa ex nya, mas mabuti na yung klaro kesa naka In A Relationship
nga yung status mo sa FB pero It’s Complicated pala ang totoong estado nyo.
Pangatlo, be prepared kung ano man ang sagot nya. Nagtanong ka eh. Pwedeng
ikakasaya ng puso mo o ikakawasak nito ang malalaman mo. Pero choice mo pa rin yun.
Pwede ka namang magbulag-bulagan, kunyari wala kang alam pero mas masakit yan and
that usually ends in a break-up so ganun pa rin. Ang pagkakaiba nga lang mas humaba
ang panahong nagmukha kang tanga.
A: Ay, Neng pauso ka. Gusto mong maging friend kaya ayaw mong ibasted? Bago yan at
may karmang kapalit yan. Bakit mo naman sya paaasahin kung wala naman pala? Tsaka
friend talaga pero inuuto mo lang? Tell him na wala syang pag-asa. Sabi nga sa
isang kanta, you sometimes have to be cruel to be kind.
Maawa ka naman, may puso naman yung tao. At tsaka may dignidad sya, wag mo naman
yung kunin sa kanya. Kung wala talaga syang pag-asa tell him why. Hindi yung ayaw
kita kasi ayaw ko lang. Mag-explain ka rin kahit papano. Bakit mo sya ayaw? Or
bakit hindi pa pwede? Dahil ba strict ang parents mo? Gusto mo munang magtapos? May
iba kang napupusuan? Be honest and be sincere. Malay mo ngayon di mo sya bet pero
after ilang years ay magtransform si Kuya at naging kasing-pogi nya si Daniel
Matsunaga eh di bigti ka na kasi abs na sana frinend zone mo pa? Maliban dyan sa
kalandiang nabanggit ko, he deserves to know why, extend that kind of courtesy to
him.
Ngayon, kung gusto mo syang maging kaibigan, tanungin mo pa rin sya kung bet ka
nyang maging friend samantalang inapak-apakan mo ang puso nya. Kung sinabi nyang he
needs space eh ibigay mo, let him lick his wounds. Kung keri lang naman sa kanya
dahil matalino sya eh good luck sayo kasi ayon nga sa kasabihan, the easiest way to
win a girl is to be her friend. Malamang madedevelop ka at sana pagdating ng
panahong yun, may nararamdaman pa rin sya para sayo.
Author’s Note:
Teka lang ha, yung mga liham nyo ay hindi ko pa nababasa lahat. Sa mga magmi-
message at magpapahula eh matagal ko nang itinago ang aking bolang kristal kaya
wala na akong talent sa ganun. Sa mga hindi ko pa nasasagot, wag mainip, pasasaan
ba’t mababasa ko rin yang messages nyo.
I would prefer na sa FB kayo mag-message. Kahit hindi nyo naman ako i-friend dun eh
pwede kayong mag-PM sa akin. Itong Wattpad ko kasi nasa 500++ na ang laman ng INBOX
ko kaya naloloka na akong buksan. Thanks!
♥ jennicka
=================
Writing in Pajamas
I wasn't sure kung meron akong matatawag na writing habit. Pero ang daming nagta-
tag kaya tuloy napaisip ako. I used to think na nagsusulat ako nang walang
seremonyas pero na-realize kong hindi pala, may mga quirkiness pala ako.
Quirkiness. Kabaliwan. Basta, alam kong ilan dito ay hindi normal.
3. Hindi ako nakakapagsulat kapag madumi ang bahay. Actually, wala akong nagagawa
kapag madumi ang bahay ko. Oo, may pagka-OC (obsessive compulsive) ako at dahil
dyan ay kahit anong pagod ko mega-linis ako bago matulog or else kinaumagahan ay
badtrip ako. Sabi ni Inay, may saltik daw ako sa utak at siguro tama sya pero keri
lang at least naglilinis ako ng bahay, may kilala akong di nakakapagsulat kapag
hindi nagmi-make-up.
4. Hindi ako mahilig gumawa ng draft. Derecho ako sa Wattpad nagta-type at ilang
beses na rin akong muntikang maghurumentado kasi biglang nawalan ng kuryente at di
ko na-save yung tina-type ko. After kong mai-publish sa Wattpad ang update ko,
tsaka ko lang sya kinokopya sa Microsoft Word. Mukhang baliktad.
5. Kapag bagong story ang sinusulat ko at pinakanagtatagal ako sa pag-iisip ng
names ng mga bida. Siguro tatlong araw akong nagri-research kung anong ipapangalan
sa kanila. Gusto ko kasing cute at tunog destined. Oo na, weird ako, aminado naman.
6. Hindi ako gaanong nakakapagsulat kapag tag-ulan. Kapag maulan kasi yung antok ko
nagpaparamdam nang bongga at yung kama ko ay nang-aakit. At kung meron mang
dalawang bagay ang hindi ko kayang tanggihan ay requests ng magulang ko at tawag ng
kama ang mga yun.
7. May katabing mirror ang computer ko kasi kapag kailangan kong mag-break ay
nagsusuklay ako. May professor kasi ako sa U.P. na nagsabing ang pagsusuklay daw ay
nakaka-stimulate ng creativity ng utak. Di ko alam kung tokis or fact pero gumagana
naman sa akin. Oo, ang gullible ko lang. Kalungkot.
8. I love reading what I wrote aloud. Ganun ako magpalabas ng emosyon, kailangan
kong naririnig yung mga linya. Sanay na sanay na sa akin ang mga aso ko at kapag
ako nagta-type, agad-agad pumipila na sila sa harap ko kasi sila ang ginagawa kong
audience. So kapag wala akong boses, milya-milya ang badtrip ko sa buhay.
10. I play online scrabble when I write. A fact about me, I represented U.P. in the
National Scrabble Tournament. Sa SM North ang venue at naloka ako kasi hindi ko
alam na three days yung event. At mas lalong naloka ako nung nakita ko yung ibang
contestants, ako lang ang nene, lahat sila batikan--may mga champions na galing sa
iba't ibang bansa at karamihan sa kanila ay OFW.
It was an experience that I will never forget kasi wala akong dalang baon at di ako
nagdala ng pera, pamasahe lang at yung ATMs ko. Ayoko kasing nagwi-withdraw in
advance kasi pag may hawak ako ng pera dati ay feeling ko obligado akong ubusin.
Noong nagtatrabaho na lang ako naging uber kuripot kasi naramdaman ko kung gaano
kahirap maghanap ng salapi.
Sa tournament na yun, ilang minutes lang ang pagitan ng mga rounds at kapag na-late
ka ng ilang minutes, disqualified ka kaagad. Kaya ayun nalipasan ako nang gutom,
ang akala ko kasi isang round lang, pito pala. Sakit sa bangs.
Did I win? Hindi ako nag-champion, kasama lang ako sa ranks. Yung representative ng
OFW community sa Bahrain ang nanalo kaya ang sakit sa dibdib. Hindi dahil bitter
ako pero dahil feeling ko napakalaking injustice sa mga bulate ko ang nangyari.
=================
On Friendship
Marami ang nagsasabi na gusto daw nila akong maging kaibigan and I welcome you all
with open arms. But I am not an easy person to be friends with. Here are the
reasons why:
1. I can keep secrets and I expect you to do the same. Pag magkaibigan tayo,
lahat ng kaechosan nating dalawa ay sa atin lang yun. Every time minumura mo o
nilalait yung swanget na pinalit sayo ng ex-boyfriend mo, makakaasa kang kahit mag-
away tayo, walang makakaalam nun kundi ikaw at ako lang. Just in case lumabas man
yung sikreto mong yun, hindi sa akin yun galing. Pero ganun din kasi ang hinihingi
ko sa mga kaibigan ko, na yung mga usapang sa kanya/kanila ko lang ipinagkatiwala
ay dapat manatiling ganun.
3. Ako ang tipo ng kaibigang hindi lumalapit kahit may kailangan. Ewan ko kung
bakit. Matindi kasi ang support system na binibigay ng nanay at tatay ko, isama nyo
pa si Josh na nag-aakalang sya ang aking guardian angel. Dahil dito, yung mga
kaibigan ko ay naiilang na lumapit sa akin para magkwento. Feeling kasi nila hindi
nila ako pwedeng hainan ng problema kasi feeling yata nila wala akong problema.
Actually, meron. Sino bang tao ang walang problema pero kadalasan kasi dun sa
tatlong taong nabanggit ko pa lang ay lutas na.
4. I don’t keep tabs kung anong naibigay ko sayo pero lahat ng binigay mo ay
natatandaan ko. Kapag may nagbigay ng regalo, halos ayaw ko nang gamitin kasi
ayokong madumihan o lumuma. Kahit note lang, tinatago ko yan. Kahit na matatawag na
walang kwentang bagay tulad ng lastiko o kaya tansan ng softdrink ay itinatago ko
yan. Kaya tuloy parang ang sikip ng closet ko, paano yung mga kaibigan ko inaabuso
ang aking kahinaan—merong nagbigay sa akin ng malaking tarpaulin, tabo, pinggan,
balde at ang pinakamatindi ay isang lumang-luma at black and white na TV. Oo,
ganyan sila kabalahura.
Sa awa ng Diyos ay nag-aaral na yung inaanak kong yun. May girlfriend na kahit nasa
elementary pa lang. Ang landi nya lang, ewan ko kung kanino nagmana.
6. Hindi ako pa-demure. Kung demure ka at hindi ka nakakatawa nang walang
takip na panyo sa bibig at para ka lang kinikiliti kahit tawang-tawa ka na ay baka
maloka ka sa akin. Ako yung tipo ng kaibigang nanghahampas kapag tuwang-tuwa, with
matching action and demo kapag nagkukwento at mas nauuna pang umiiyak sayo kapag
malungkot ang buhay mo. Kapag inaway ka ng iba ay ako yung unang susugod at kapag
niloko ka ng boyfriend mo at kailangan mo ng resbak ay hindi ako nakakatulog
hangga’t hindi ako nakakaisip ng paraan. Yun nga lang pag nagkabalikan kayo ay
hindi na kita kakausapin. Ayoko kasing sinasayang ang puyat ko. Kaya kapag may
kaibigan akong nagngangangawa dahil sawi sa pag-ibig ay ito ang una kong
tinatanong: balak mo pa bang balikan? Kasi kung oo, hindi na ako mag-aaksaya ng
brain cells at hahayaan na lang kitang magkwento.
7. Hindi ako marunog magluto kaya kung balak mong bumisita sa bahay ay mapurga
ka sa gatas, tubig at pansit canton kasi yun lang ang laman ng ref ko. Oo,
nakalagay sa ref ang pancit canton ko, sa baba, sa crisper, yung lagayan sana ng
mga gulay.
8. Mahilig ako sa hayop. Hindi yung taong asal hayop kundi mga hayop. Pero di
ko keri ang ahas talaga—mapa-tao o hayop man.
9. Naaasar ako kapag hingi nang hingi ng payo tapos hindi naman sinusunod.
Dapat simula pa lang ng drama mo ay may nakakabit na notice ka na kung balak mo
lang mag-inarte o talagang gusto mong humingi ng advice. Nakakabwisit kaya yung
todo buhos ka ng puso’t damdamin at lahat ng pwede mong hugutan ay huhugutan mo na
makapagbigay lang ng malupit na words of wisdom pero ang ending pala ay waley lang.
10. Harsh ako. Sasabihin ko sayong malandi ka kung malandi ka. Sasabihin ko
sayong tanga ka kung nagpakatanga ka. Sasabihin ko rin sayong pangit ang boyfriend
mo kung pangit ang boyfriend mo. I am cruel like that. Pero hindi rin ako madamot
sa pagbibigay ng papuri. Kapag sinabi kong ang ganda mo, totoo yun. Kapag sinabi
kong ang bait mo, totoo rin yun at kapag sinabi kong nakakainis ka na eh lumayo-
layo ka.
=================
May nagreklamo. Bakit daw walang Question and Answer portion yung Pajama Party kaya
tuloy wala daw syang nalaman about me. Sorry naman, kulang tayo sa time kasi bus
lang ang nirentahan natin at hindi eroplano kaya tuloy ang tagal nating dumating sa
venue. Dito na lang ako magkukwento, para di naman lugi ang mga ganda ninyo.
1. Mahaba dapat ang pangalan ko. Actually, magkaiba ang nasa baptismal at birth
certificates ko kasi stylish si Inay pero si Itay naman practical. Ang ending
kailangan kong magdala ng kasulatan na si churva at si churva ay iisang tao lamang.
2. Mangga ang paborito kong prutas mapa-hilaw o hinog man yan. At masasabi kong
specialty ko ang pagluluto ng bagoong. Actually, specialty ni Josh yun pero since
malayo sya ay nagkaroon kami ng tutorial via Skype kung paano yun gawin para
mabawasan naman ang sama ng loob ko. Yun lang ang alam kong dish na iluto, kung
considered man na dish yun, at super proud ako sa achievement na yan.
3. Close ako sa mga magulang ko at kapag ako nagkasakit, napapanaginipan ng tatay
ko. Kahit hindi ko sabihin alam nya. Hindi ko alam kung anong klaseng connection
yun. Matindi kasi talaga ang pananalig nya na ako ang ultimate birthday gift nya
since I was born a week before his birthday.
4. When I'm very angry, I speak calmly. Iniisip ko na kasi kung paano ka pinapatay
sa utak ko kaya dahan-dahan akong magsalita kasi baka mamaya ma-blurt out ko ang
mga balak ko. Chos lang. Pero mabagal at kalmado akong magsalita because I want to
be careful with my words. Sobrang sakit kasi akong magsalita at alam kong kapag
galit ako kung nakakamatay lang ang mga pangungusap ay siguro madami nang nilibing.
Kapag nagtataray ako, di pa ako galit nyan, inis lang.
5. Malakas at mahilig akong tumawa. Sobrang babaw kong tao. Kapag kwentuhan, puro
tawa ko yata ang naririnig. Pero kapag seryoso din naman, masyado din akong
seryoso. I give advice but I am oftentimes harsh. I bitchslap with words. Gusto ko
kasing magising ka sa katotohanan pero ayokong manabunot.
6. Kada-buwan, nawawasak ang alkansya ko sa kakapa-dry clean ng mga teddy bears ko.
Naasar yung nanay ko kasi ang impractical ko daw, sana bumili na lang daw ako ng
bago. Pero kamaramihan kasi ng mga teddy bears ko ay bigay kaya may sentimental
value. Nakipag-deal na ako sa isang dry-cleaning service dati para may discount at
binigyan naman nya ako. Kaso binenta nya sa iba yung laundry business nya, nalugi
yata sya sa discount na binigay nya kaya ayun, balik wasak yung alkansya.
7. I'm more mental than sentimental. I use my heart but I know how and when to let
go. Kapag nasasaktan ako, which is very rare, sinusunod ko na ang utak ko. Matindi
kasi akong magmahal, mapa-gamit o tao man yan. Pero matindi rin akong magalit lalo
kung ramdam kong nanggagamit ka na.
8. Hindi ako mahilig sa kape pero ang daming nagbibigay ng mugs sa akin. Yung gatas
ko kasi sa isang trasparent tall glass ko nilalagay kasi feel na feel kong tingnan
habang inuubos ko. Oo, weird ako talaga.
9. Mahilig ako sa pizza at uso sa amin ng pinsan ko ang pizza party. They say that
pizza goes well with beer but I drink milk with mine.
10. Kapag nagsuot na ng dress, ibig sabihin nyan ay di ako nakapaglaba at wala na
akong ibang maisuot. Hahahahaha! Mas bet ko kasi talaga ang pantalon at t-shirt.
11. Malumanay daw ang boses ko sabi ng karamihan na sobra akong nagdi-disagree kasi
alam kong mataray akong magsalita.
12. Ayokong nagta-taxi kasi nahihilo ako sa amoy nila. Ewan ko kung anong meron sa
taxi kasi di ko talaga feel yung kanilang scent. Ayoko ring mag-bus kasi akala ng
mga driver ng bus ay eroplano sila at kulang na lang ay lumapag silang NAIA. Feel
na feel kong mag-jeep...sa probinsya. Pero kung sa Manila di ko rin bet kasi
sardinas ang peg ng mga driver na kahit wala nang space ay magtatawag pa ng lima.
13. Never pa akong nagpakulay ng buhok. Feeling ko kasi hindi bagay. At tsaka
sobrang kuripot ko kaya nanghihinayang ako kapag gumagastos ako ng malaki tapos
ilang buwan ko lang namang gagamitin.
14. Generous akong kaibigan pero ayokong inaabuso. Kapag nararamdman ko nang
binabalahura mo ang generosity ko ay natu-turn off ako kaagad.
15. Mahilig ako sa alahas. Yun siguro ang isa sa matatawag kong bisyo ko. Namana ko
sa nanay ko. Ang weird lang ay hindi ko sinusuot ang alahas na gusto ko, meron
akong pang everyday wear at yun parati ang ginagamit ko. Gusto kong tinitignan lang
at nililinis yung mga alahas ko. Parang may saltik lang.
16. Wala akong standards pagdating sa lalaki, ang gusto ko lang may sense kausap at
mabait sa magulang. Pero nung nagka-jowa ako dumagdag na ang characteristics nya —
gusto ko na yung may dimples sa magkabilang pisngi, matangos ang ilong, magaling
magluto at mahaba ang pasensya. Naks!
17. Hindi ako marunong magtampo pero marunong akong magalit.
18. Tumataas ang kilay ko kahit hindi ko sadya. Lalo na kung puro kaechosan ang
sinasabi ng kausap ko. Para syang alarm, kumbaga pakshet alert.
19. Color coded ang mga pinggan ko sa bahay. Korni kasi ako. Iba-ibang kulay bawat
araw. Di ba sabi ko nga, I'm weird?
20. I have low tolerance for bull. Sobra. Hindi ako mahilig mamuna, di rin ako
mahilig manlait. Pero magaling ako dyan kapag pinili kong gawin. Ika nga, I don't
do things half-baked. All out ako kahit saan.
=================
Ano pong gagawin ko? Nagka-boyfriend po ako pero patago. Tumagal kami ng 1 year 3
months pero naghiwalay din. Ngayon, nililigawan nya ang kapatid ko at mukha pong
gusto sya ng kapatid ko.
Unang-una, hindi dapat pinapauso yang secret secret relationship na yan . Ano bang
napapala nyo sa ganyan? A relationship is something that you should be proud of.
Kapag tinatago mo, isa lang ibig sabihin nyan, hindi dapat.
Pangalawa, di rin kasi natin alam ang motibo ng ex mo, Neng. Hindi natin alam kung
nagpapapampam lang ba sya sayo o talagang kampon sya ng demonyo at balak nya kayong
tuhuging magkapatid. Dapat kinumpleto mo yung kwento para di nalusaw ang aking utak
sa kakaisip. Ano ang rason bakit kayo naghiwalay? Sinong nakipaghiwalay? Kelan kayo
naghiwalay? Agad ba nyang niligawan ang kapatid mo? Wait, babae ba ang kapatid mo?
Chos lang.
Pangatlo, at gagawin ko nang general ito, masakit na nakikita mong yung dati mong
minahal (ang masaklap dyan ay kung mahal mo pa rin hanggang ngayon) ay magmamahal
ng iba pero double kill yung ang mamahalin nya at kaibigan mo o kapatid mo. May
karapatan silang magmahalan and I want you to push aside your personal biases for
your sister's sake. Tell her na naging kayo ng lalaking iyon, tell her kung anong
rason kung bakit kayo naghiwalay, tell her how you feel about your ex courting her.
Be truthful and sincere. The decision to accept the guy's advances is your sister's
to make. Pakihanda ang puso, ang make-up kit at ang curling iron mo kasi kapag
sinagot nya ang ex mo eh wag kang magpaka-depressed at rumampa ka, uso mag-move on.
Kaibigan ko ang ex ko ngayon. As in super close kami. Naging kami for a few months
then we agreed that it wasn't working the way we wanted it to kaya naghiwalay kami.
Ang problema ko we still kiss and make-out at kapag may iba syang nilalapitang
babae ay nasasaktan ako kasi may feelings pa rin ako sa kanya.
Ay, ang taray. Naghiwalay kayo but you still kiss and make-out? Wait lang, ano ka,
basahan? Bakit ka nagpapagamit? Kung may feelings ka pa pala dun sa damuhong yun,
bakit ka nakipaghiwalay? At talagang mutual pa ang agreement ninyong maghiwalay for
the reason na it wasn't working out the way we planned it to. Anong kaechosan ito?
May relasyon bang nagwo-work according to our plans? Wala, Neng. Ang relasyon ay
isang journey at hindi maiiwasang may kapalpakan kayo along the way. Tulad ng pag-
aalaga ng anak, wala itong kasamang manual kaya nga bago ka mag-anak o pumasok sa
relasyon ay dapat handang-handa ka.
Ginagamit ka nyan. But the thing is, nagpapagamit ka naman. Ang swerte naman nya,
wala syang pananagutan sayo, wala syang responsibilidad sayo at wala kang claim sa
kanya pero nalalamutak ka nya. Nasaan ang hustisya? Why are you letting him treat
you that way? Bakit ka nagpapaka-cheap? It's either kayo o hindi, wag mo nang
gawing kumplikado. Kung hindi kayo dapat walang kaeklatang halikan at ano pa man.
Unless yan ang gusto mo, I will respect your choice. Pero kung nasasaktan ka sa
set-up, aba ano pang ginagawa mo dyan? Layuan mo na ang hayop na yan!
Usually, nababastos ka kasi hinahayaan mo; nasasaktan ka kasi hinahayaan mo;
ginagawa kang basura kasi hinahayaan mo. Ang tanong bakit? Walang taong gustong
inaalipusta. Mahalin mo ang sarili mo, bigyan mo namang halaga ang pagkatao mo. Tao
ka, hindi tae.
Well, natuwa ako kasi at least nagpapadalaw ka sa bahay. Ayoko sa mga ka-cheap-ang
magkikita kayo sa kung saan-saan. Pero 2 months na di nagparamdam si Koya, ano pang
hinihintay mo? Ang maglabas ng puting usok ang chimney ng ng Vatican para malaman
mong kailangan mo nang maghanap ng bagong Papa? Maryusep, neng klaro naman pero
hindi mo lang matanggap. Two months na walang effort galing sa kanya? Hala. Isa
lang ang ibig sabihin nyan, nag-move on na sya bago pa man kayo naghiwalay. Kasi
kung mahal ka nyan talaga, gagawa at gagawa yan ng paraan para kausapin at suyuin
ka pero kung wala na talaga eh kahit anong pagpapacute mo ay wa epek na sa kanya.
Hanap na ng iba o kung hindi pa handa ang puso mo, i-enjoy mo muna ang pagiging
single. You deserve someone who won't get tired wooing you and when you find that
person, be the girl who's worthy of his efforts. Good luck.
Walang mathematical equation ito eh, kung meron lang sana ay iso-solve ko para
sayo. Paano ba mag-move-on? The truth is wala kang choice kundi mag-move on. It is
not an option but a must. Hindi naman pwedeng habambuhay kang iiyak kapag
nakakarinig ka ng love song na pinapakinggan ninyo dati ni labidabs habang nkasakay
ng jeep. Hindi pwedeng forever kang walang ganang kumain at mukha kang nasunugan
dahil hindi mo matanggap na di ka nya mahal. Pero hindi ko pa rin nasagot ang
paano. Para sa akin, opinyon ko lang ito, ha, take note, even when you're in a
relationship, you should nurture your other relationships too specially your
relationship with your family and friends. Kapag kasi yung jowabels mo lang ang
iniikutan ng mundo mo ay mahirap kapag nawala sya, feeling mo lost in space ka.
Tsaka, wag nyong ugaliing naalala nyo lang ang pamilya at kaibigan ninyo kapag
brokenhearted kayo, ano, nakakabwisit kaya sa parte ng pamilya at kaibigan yun.
Maintain a balance in your life even before your heart gets broken, that way it
won't be difficult to close a chapter when it ends.
=================
1. I say things as they are. Ang mga kaibigan ko kapag nangangailangan sila ng ego-
boost ay hindi sila sa akin lumalapit because I might be a good listener but I am
brutally frank. I do not believe in babying people. I do not believe in lying for
you self-esteem's sake. Hindi kasi ako naniniwala na dapat tinatakpan ang
katotohanan para sumaya ka tungkol sa isang bagay. Eventually, no matter how hard
people sugarcoat things for you to feel better, someone will tell you the painful
truth and it will be ten times more hurtful because, by then, you probably have
started believing the lies you were fed.
3. HIndi ako mahilig magpahiram ng mga libro ko. Lahat ng books ko ay may pangalan
ko at number sa gilid para alam ko kung merong nawawala. Gabi-gabi binibilang ko
sila bago ako matulog. Naranasan ko na kasing magpahiram dati ng Harry Potter and
the Sorcerer's Stone na libro at naiwala ng kaibigan ko. Ang malala ay patay-
malisya sya na hiniram nya at pinanindigan nya yun hanggang sa nag-end ang aming
friendship. Isa ang libro sa mga bagay na kapag hiniram mo sa akin at naiwala mo ay
susunugin ko ang tulay na nag-uugnay sa ating dalawa.
4. Hindi ako mahilig mag-boy-watching at may kilig moments na medyo hindi ako
relate kaya hindi ako masayang assistant kung naghahanap ka ng lovelife. Hindi
naman sa unromantic ako pero hindi ko makita ang sense sa pag-aabang. Hindi kasi
rin talaga ako mahilig sa romantic prospecting.
5. I do not settle. It's either the one I want or nothing at all. I was never fond
of pwede na o kaya nang pagtiisan. Karamihan sa mga kaibigan ko ay hindi ito gets
at usually ay nagiging sanhi ng aming endless debates.
6. Maingay ako. Sobra. Ako yung tipo ng taong sobrang hilig tumawa. Ilang beses na
ba akong nakalembangan ng bell sa Main Library ng U.P. Diliman kasi ang ingay ko.
Kahit nagbabasa lang ako, kapag may nabasa akong nakakatawa ay humahalakhak ako
nang wagas regardless of where I am.
7. Hindi ako mahilig sa uso. Wapakels ako sa trends at lost ako kapag fashion
trends ang pinag-uusapan o kung anu-ano pa mang trends dyan. Kapag nagustuhan ko
ang isang bagay ay dahil may gamit sya sa akin o kaya ay komportable ako sa bagay
na yun. Kibirness kung in yun o hindi.
9. I am not fond of texting. Maygahd. Dito iritado sa akin ang mga kaibigan ko kasi
kahit subukan ko talagang makisabay ay hindi ako nakakatagal. Mas gugustuhin ko
pang mag-usap tayo sa telepono kaysa mag-chikahan tayo sa text.
10. I am a homebody. Some find this boring pero hindi talaga ako mahilig gumala at
gusto kong parating nasa bahay lang. Kapag yung mag kaibigan ko nagyayang lumabas,
ang una kong tinatanong ay bakit at hindi saan gaya ng mga normal na nilalang.
I am not a recluse but I am no social butterfly either. Baka yung iba nga snob ang
first impression sa akin. Nabubuhay kasi ako kahit na walang kausap at kapag
kinakausap mo rin ako, di ko kering mambola para lang maging friends tayo. Hindi
naman ako isnabera but I am not the type who'll go above and beyond to impress you.
Wala rin akong pake kung impressed ka sa akin o hindi. Ipapakita ko kung ano ako at
sasabihin ko ang gusto kong sabihin, kung hindi mo nagustuhan ay hindi ko na
problema yun. It's not that I do not respect opinions, it's just that I am
confident that I know who I am to even bother knowing what you think about me.
Ganun ako. Take it or leave it.
=================
My Favorites
Someone sent me a message, through FB, asking for my favorites. Actually, natawa
ako (sorry naman) kasi parang highschool lang ang peg. But I was bored and you must
think that I am interesting if you spend time to send me messages like these. So
here it is:
1. Favorite Movie: Mahilig akong manuod ng sine kaya marami akong favorites pero
amazed na amazed ako sa Inception. I love the plot, the twists and the way the sci-
fi/thriller was delivered. At tsaka ang gwapo lang ni Leonardo DiCaprio at ang
galing nyang umarte, sya na talaga!
2. Favorite Book: Isa pa to,ang sakit sa bangs dahil sobrang dami kong librong
gusto but if I were to name one, I'd say Hope For The Flowers by Trina Paulus.
Classified sya as a children's book but I love how it tackles about life, its
struggles, what you have to give up for success and how reaching the top isn't
everything.
3. Favorite Author: Marami. Pero kung isa lang, Neil Gaiman. I love how creative,
philosophical and deep he is. Although I regard his works as contemporaries pero
parang classic ang dating sa akin ng mga gawa nya. I love how he dabbles between
reality and illusion. Kung dalawang favorite authors naman, kasama si Pablo Neruda.
Simpe words but profound effect.
4. Favorite Song: I Am The Best by 2NE1. Kinakanta ko ito kapag naliligo ako,
naglilinis o kapag badtrip ako sa mundo. I like how positive it sounds, kumbaga
nakaka-good vibes. At tsaka kung titingnan mo ang lyrics, parang ang yabang pero
since ang ganda ng tempo, aakalain mong pang-mabait sya. Hahahaha!
5. Favorite Part of Your Body: My brow. It conveys so much with so little effort.
It is my pakshet detector.
7. Favorite Pastime: Reading. Even when I'm busy, my day isn't complete if I'm not
able to read a new book. At sa kakabasa ko, kung anu-anong ideas at ka-weirdohan na
ang sumasagi sa isip ko. Kaloka.
8. Favorite Color: Blue. Kasi malamig sa mata, it sort of makes up for my volatile
(nyahahaha!) personality.
9. Favorite Clothing Brand: None. I'm not into brands. Kibir kung nakita ko lang sa
bangketa yung isang bagay, kung gusto kong bilhin ay bibilhin ko. Pero
pinapahalagahan ko yung quality, I would rather buy a pair of shoes worth seven
thousand pesos at alam kong magtatagal kaysa sampung piraso ng iba't ibang style ng
sapatos na alam ko namang isang taon lang ang itatagal sa akin.
10. Favorite Drink: Milk. Hindi ko alam bakit hindi ako maka-move on sa pag-inom ng
gatas.
11. Favorite Restaurant/Fastfood: Sbarro. I love their Chicago Deep Dish pizza,
Baked Ziti and Blueberry Cheesecake.
12. Favorite Expression: Nakakalurks. Ewan ko kung saan ko nahugot yan. Marami kasi
akong kaibigang bakla kaya nahawa na yata yung language ko sa kanila. Hahahaha!
14. Favorite Book Quote: "Frankly, my dear, I don't give a damn" — Gone With The
Wind
15. Favorite Movie Line: "I solemnly swear that I am up to no good" — Harry Potter
and the Prisoner of Azkaban
Tsaka na ako magbibigay ng love advices kasi nai-stress ako sa mga problema nyo sa
pag-ibig. Ano ba yun, pang-Wattpad lang ang peg, masyadong complicated at dinaig pa
ang Rubik's Cube sa pagiging puzzling.
=================
Christmas Message Churva
I was writing an update for Bedroom Negotiations kaya lang ay hindi ko kinaya yung
French Toast ni Dustin (please, note na pagkain ito at baka mamaya ay kung anu-ano
ang isipin ninyo) at nag-crave naman daw ako ng French Toast kaya bukas ko na lang
tatapusin para nakapag-grocery na ako at nakagawa na rin ako ng sarili kong French
Toasts (salamat, Google sa recipe!).
So ito na, ang daming nagtatanong ng something inpirational daw para sa Pasko at
ang nakakaloka hindi ko talaga feel na inspiring ako. Maygahd, maghanap kayo ng
ibang inspiration dahil magaling lang ako sa pagmamaldita. Hahahaha!
Pero, anyway, here are some messages for you from a French Toast-deprived me.
1. Be forgiving - Chos. Okay, fine. I'm not really forgiving pero hindi
nangangahulugang wala naman akong pinapatawad. Meron. Madami. Pero hindi naman ibig
sabihin na pinatawad mo na sila ay babalik sa dati kung paano kayo o kung hindi man
kayo dumating sa puntong nang ganoong closeness, at hindi mo rin kailangan pilitin
mo ang sarili mong makipag-close sa kanila. I am the type of person who burns
bridges. Hindi ko masasabing vindictive ako kasi once I have spoken what I wanted
to say ay keri na, okay na ako at quits na tayo. Mabilis akong mag-move on, isang
paligo lang. Mabilis rin akong matuto at di ako mabilis makalimot.
Pero higit sa lahat, bago mo pa man patawarin ang mga nasa paligid mo ay patawarin
mo muna ang sarili mo sa mga imperfections mo. Karamihan ng mga nakakausap ko dito,
mabait at punung-puno nang pag-iintindi sa iba pero hindi naman yun magawa sa
sarili nila. It is okay not to be perfect. Walang perpekto, uy. Get over that
notion. Nagkamali ka man, nadapa ka man, nagpakatanga ka man, hindi
nangangahulugang failure ka na. Forgive yourself. If there is someone who deserves
your forgiveness, sarili mo yun.
2. Give Love - alam kong overflowing kayo nito. Susme, sa isang truck na
natatanggap kong messages bawat araw, kadalasan ay pag-ibig ang hinaing. Oo,
magmahal ka—maganda yan, mabuti yan at nagpo-promote yan ng world peace kaya gora.
Pero hindi naman nangangahulugang buong taon ay yun na ang gagawin mo. Hala,
dadating yan, wag mainip. At some point, maghahanap ka kasi talaga ng taong
magpapahalaga at magmamahal sayo, keri lang yan, lahat ng may puso pinagdaanan yan
pero wag mo namang gawing career. Jusme.
Si Destiny ay busy, ilan ba naman kasi kayong naghahabol sa kanya kaya give him a
break at habang hinihintay mo sya ay tingnan mo ang nasa paligid mo—si Inay na nag-
aalaga sa inyo buong araw, si Itay na ginagawang araw ang gabi mapakain at mapaaral
lang kayo, ang mga kaptid na kahit kulang na lang ay magsabunutan kayo sa inis sa
isa't isa pero alam mong kapag may umaway sayo ay reresbak sya at ang mga friends
na may love life ka man o wala ay tanggap ka. Pati ang pets ninyong maligo ka man o
hindi, magsuklay ka man o mag-toothbrush ay maha ka pa rin, ay mahalin mo rin.
Noong kabataan ko (humaygahd, kabataan talaga, Nyahahaha!), nagkaroon rin ako ng
crush (syet ito, dumi-Diliman Files!) pero hindi naman ako nagpatiwakal noong
nalaman kong mahilig din pala sya sa lalaki. In fact, naging magkaibigan kami.
Nagalit ba ako sa kanya? Hindi. Nandiri? Noong una (aminado) pero naisip kong tulad
ko, sya ay nagmamahal lang din, hindi nga lang conventional ang klase ng pairing na
gusto nya, kaya walang dapat ikadiri sa kanya.
At sa totoo lang, mahirap maghanap ng magmamahal sayo kung hindi mo mahal ang
sarili mo. People find confident persons attractive. Alam nyo kung bakit? Ramdam mo
kasing fulfilled na sya sa sarili nya kaya hindi na nya hahanapin pa sayo kung ano
mang kakulangan na meron sya. Bagkus, yayakapin ka nya nang bong-buo at tatanggapin
ka nya bilang ikaw. And who doesn't want someone who'll accept you for who you are?
Kaya bago ka mag-novena na sana ay may magpakita na nang pagkahumaling sayo,
mahalin mo muna sarili mo.
3. Be grateful - It is not a bad life. Hindi ka rin inaapi at lalong hindi mo pasan
ang mundo. Kung tutuusin ay marami kang dapat ipagpasalamat, una na dun ang buhay
ka at may pag-asa. Kung ano man yang pinagdadaanan mo that, too, shall pass at
habang buhay ka ay hindi nauubos ang chance mong baguhin kung ano man ang gusto
mong baguhin.
Ito ang kadalasang nakakalimutan ng mga tao, may isang kapalpakan lang sa buhay
nila ay akala nila impyerno na ang kinalalagyan nila. Hindi yan totoo. Maganda o
masama man ang nangyayari, may lesson at learnings na dala yan, sapat na rason para
ipagpasalamat mo. Sapat ding rason para may i-look forward ka. Be thankful.
Mapa-Pasko man o hindi, you should always strive to find the good in everything and
you should always try harder to be a better human being. This isn't a perfect
universe and we aren't perfect human beings but let's look beyond our imperfections
and enjoy the beauty that is laid out in front of us. Life is meant to be fun.
Enjoy it. Live it. Love it.
=================
I’m no role model. This you have to know before you start calling me IDOL. I am too
flawed to be called a good example. I am alarmed when I read messages from young
people telling me that I inspire them and they want to be like me. Please, don’t. I
am not into telling people what they should do unless they ask for my advice but
you really shouldn’t try to be Jennicka. Let me tell you why:
1. I cuss, I rant and I’m generally not nice – Nice people smile at you even
when you insult them. When I hear an insult, I raise two things—my brow and my
middle finger. I do not believe in choking to death because I am forced to swallow
other people’s crap. Some say that being an author makes you a public figure, and
as a public figure there’s a set of decorum that you need to follow. That explains
why this world is so messed up—you smile and shake hands with your enemies in
public and plan the death of their families in private (Hello, politicians!) or be
cute and lovable during interviews and be a pain-in-the-ass diva when the camera is
not rolling (Hello, artistas!) or say good things about a friend and badmouth him
or her when they’re not looking (Hello, everyone!). Orocan at its finest. A vicious
cycle that no one dared to break because we are so into being nice that it is now a
norm to wear a mask. But I don’t wear masks; I respect myself too much to pretend
that I am someone I’m not. So, hello haters!
2. I’m not perfect — I’m not a perfect daughter, I’m not a perfect girlfriend,
I’m not a perfect friend and I am not a perfect writer. My grammar isn’t perfect,
my punctuation needs work, and I think my characters need polishing. I laugh too
loud, I hate exercising, I’d rather read than party and I can’t get jokes
sometimes, especially when they’re green and I forgot to channel my inner Lia
Carbonel. I am filled with sarcasm. I love hard but I dislike harder. I don’t like
pretentious people and I am harsh when you're being a jerk. But that’s who I am and
I find it embarrassing to be called an inspiration when I am too flawed for that
title. Please, find someone more befitting. Like the Pope. He’s one hell of a guy.
I am fangirling big time.
4. I don’t kiss ass — I will never care how famous, rich or influential you
are. I do not give an ef if you have gazillion followers or if people worship the
ground you walk on. When I am friends with you it's because I like you. Plain and
simple. I am not into exerting effort just to get into other people's good graces.
Because regardless of the car you drive, the kind of celebrity your friends are and
the price of the meals you eat, I’m sure your shit is as smelly as mine. And that
makes us equals.
So as you see, little ones, your Ate is not someone who deserves your reverence.
She’s human and she makes mistakes. She talks back, bitch-slaps and kicks face.
She’s no saint. I do not want you calling me your IDOL and I cringe at being
regarded as a role model. Aside from the reasons I have written above, I would
really prefer if you stop emulating others and start being yourselves. You have
something that everyone else doesn’t. Compared to others, you are a cut above the
rest and that’s more than enough reason to celebrate your uniqueness. Start being
you.