Salawikain

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Salawikain

Ang mga salawikain o kasabihang Pilipino ay binubuo ng mga parirala na


karaniwan ay nasa anyong patula na kung saan ito ay nagbibigay ng gintong
aral. Ito ay mga tradisyunal na kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na
nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating henerasyon at naglalayong
magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.


Kung hindi tayo magdudulot ng mga bagay na ayaw nating gawin sa atin ng ibang
tao, pawang mga kabutihan lang mangyayari.

2. Kung ano ang puno, siya ang bunga.


Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay tumutukoy
sa pagkakaparehas ng anak sa kanyang mga magulang.

3. Kung walang tiyaga, walang nilaga.


Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.

4. Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.


Sa kabila ng maraming taon at pagsubok na dumating, mauuwi pa rin sa kasalan
ang relasyon.

5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


May awa ang Diyos sa tao at nais nitong tulungan sa mga problema niya sa buhay.
Subalit, nasa tao pa rin kung kikilos siya o hindi.

6. Ang kaginhawaan sa kasiyahan matatagpuan at ‘di sa kasaganaan.


Kahit gaano ka masagana ang buhay ay hindi ka makakaramdam ng kaginhawaan
kapag hindi ka masaya.

7. Ang buhay ay parang gulong – minsan nasa ibabaw, minsan rin nasa ilalim.
Pabago-bago ang takbo ng buhay. Minsan masaya ang mga pangyayari at madali,
minsan naman ay mahirap.

8. Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.


Kung ano ang ginagawa mo sa iba, mabuti man o masama, ay babalik rin sa iyo. Sa
buhay, kung nagsusumikap ka, tiyak na may aanihin ka.

9. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran.


Tayo ang gumagawa ng desisyon na makaka-apekto na ating buhay. May
kakayahan tayong magsumikap upang marating natin ang ating nais marating
kasama ng panalangin.
10. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
Minsan, masungit ang tao kapag bagong gising lalong-lalo na kung kulang ang
tulog o na-istorbo ang tulog niya. Ito ang dahilan kung bakit dapat nating iwasan
ang pagbibiro sa mga bagong gising.

11. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.


Mabilis mapasa-pasa ang balita mabuti man ito o masama kapag nakarating na sa
taenga ng tao at lumalabas na sa mga bibig.

12. Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.


Ang mga mabubuting aral o gawain ay isabuhay o ipagpatuloy samantalang ang
mga masama at hindi kaaya-aya ay huwag gawin.

13. Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtanda.


Ang mga ginagawa ng bata, mabuti man o masama, kadalasan ay nadadala nila sa
kanilang pagtanda kung kaya’t bata pa lamang, dapat ay iwasto na ang dapat
iwasto.

14. Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar rin pagdating ng panahon.


Ano mang gawing tago sa katotohanan, lilitaw at lilitaw pa rin ito.

15. Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi umaayaw.


Hindi nananalo ang mga umaayaw. Kung gusto mong manalo o magtagumpay,
dapat patuloy lang sa buhay hanggang sa makamit ang inaasam.

Ang matapat na kaibigan,


Tunay na maaasahan.
Ang tao kapag mayaman,
Marami ang kaibigan.
Ang tunay na anyaya,
Sinasamahan ng hila.
Ang tunay na kaibigan,
Karamay kailan man.
Ang tunay na kaibigan,
Nakikilala sa kagipitan.
Kaibigan kung meron,
Kung wala’y sitsaron.
Puri sa harap,
Sa likod paglibak.
Turan mo ang iyong kaibigan,
Sasabihin ko kung sino ikaw.
Walang paku-pakundangan,
Sa tunay na kaibigan.
Ang mga bugtong o riddles sa wikang Ingles ay mga pahulaan na pangungusap na may nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. Ito ay isang maikling tula na kalimitan ay patanong at
patungkol sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.

Mga Bugtong Tungkol sa Katawan

Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.


Sagot: Mga paa
Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mga mata
Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: Tenga
Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
Sagot: Ngipin
Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka
Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas
Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha
Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Sagot: Saging
Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
Sagot: Balimbing
Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
Sagot: Niyog
Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng saging
Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
Sagot: Mais
Bahay ni Gomez, punung-puno ng perdigones.
Sagot: Papaya
Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay.
Sagot: Puno ng Siniguelas
Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
Sagot: Duhat
Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis
Sagot: Sili
Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok
Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.
Sagot: Sili
Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: Kalabasa
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya
Munting tampipi, puno ng salapi.
Sagot: Sili
Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
Sagot: Dahon ng gabi
Puno ko sa probinsiya, puno’t dulo ay may bunga.
Sagot: Puno ng Kamyas
Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray.
Sagot: Talong
Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: Baril
Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok
Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
Sagot: Gunting
Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo
Sagot: Pako
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper
Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Kamiseta
Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: Kandila
Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos.
Sagot: Sapatos
Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw.
Sagot: Sobre
Dikin ng hari, palamuti sa daliri.
Sagot: Singsing
Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.
Sagot: Walis
Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos
Hiyas akong mabilog, sa daliri isinusuot:
Sagot: Singsing
Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
Sagot: Unan
Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon.
Sagot: Kalendaryo
Maraming paa, walang kamay, may pamigkis sa baywang ang ulo’y parang tagayan, alagad ng kalinisan.
Sagot: Walis
Alalay kong bilugan, puro tubig ang tiyan.
Sagot: Batya
Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan.
Sagot: Kalendaryo
Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan.
Sagot: Yoyo
Hindi hayop hindi tao, nagsusuot ng sumbrero.
Sagot: Sabitan ng sumbrero
Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: Bote
Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.
Sagot: Bumbilya

You might also like