DULA

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANO ANG DULA?

Ang dula o drama ay isang nakakaaliw na kategorya sa panitikan. Ito ay ginagawa ng iba’t
ibang aktor sa entablado sa harap ng madla o di kaya’y sa paraan ng pagiging isang pelikula.
Mayroon silang dialogue at kasuotan na nakatutulong para ilarawan ang kanilang karakter. Ang
mga pangunahing elemento ng dula na hindi maaaring mawala ay tema, setting, karakter,
balangkas o plot, at musika,

Maaari rin itong tawaging stage play o role play sa wikang Ingles.

MGA URI NG DULA


Komedya

Ang kuwento ay kadalasang nakabatay sa mga tunay na buhay na mga character, mga
nakakatawang karanasan sa buhay, o anumang uri ng sitwasyon na nakapagpapasigla. Ang
dramang komedya ay maaari ring sacrcastic. Ito ay karaniwang magaan sa kalooban at may
maligayang pagtatapos.

Trahedya

Ang trahedya ay isa sa pinakamatandang uri ng dula. Ang tema ng isang trahedya ay
karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang dinastiya, pagbagsak ng tao, pagtataksil, at
pagkamatay. Ang magandang dulang trahedya ay maaaring malalim ang epekto sa mga
manonood. Ang mga ito ay bihirang magkaroon ng masayang pagtatapos.

Melodrama

Ang melodrama o soap opera ay labis na nakakapaapekto sa emosyon ng manonood. Ito ay


isang pamamaraan upang mas maging nakakaakit ang mga kararkter. Karaniwan nitong
inilalarawan ang mabuti at masamang aspeto ng mga karakter.

Parsa

Ang parsa o farce ay isang kategorya ng komedya na gumagamit ng mga pinagrabe at


nakakatawang sitwasyon na ang layon lamang ay magpatawa ng madla. Kung minsan ay
tinatawag din itong saynete.

ELEMENTO NG DULA
Iskrip o nakasulat na dula

ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahatng bagay na isinasaalang-alang sa dula aynaaayon
sa isang iskrip; walang dula kapagwalang iskrip
Gumaganap o aktor

- ang mga aktor o gumaganap angnagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; silaang nagbibigkas
ng dayalogo; sila angnagpapakita ng iba’t ibang damdamin; silaan inanonood na tauhan sa dula

Tanghalan

- anumang pook na pinagpasyahangpagtanghalan ng isang dula ay tinatawagna


tanghalan;tanghalan ang tawag sakalsadang pinagtanghalan ng isang dula,tanghalan ang silid
na pinagtanghalan ngmga mag-aaral sa kanilang klase

Tagadirehe o direktor

- ang direktor ang nagpapakahulugan saisang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa
pagpasya sa itsura ngtagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende

Manonood

- hindi maituturing na dula ang isangbinansagang pagtanghal kung hindi itonapanood ng ibang
tao; hindi itomaituturing na dula sapagkat anglayunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing
maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood

You might also like