2nd PT Filipino 9
2nd PT Filipino 9
2nd PT Filipino 9
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG MUZON
Sarmiento Homes, Muzon, City of San Jose del Monte Bulacan
I. PAGLINANG NG TALASALITAAN
Piliin ang wastong kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Naghintay ako, oo
Nanabik ako sa’yo.
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas
a. napuwing b. umiyak c. hindi tumingin d. sapilitang ginawa
2. Matandang sapa
Ang palaka’y tumatalon
Lumalagaslas
a. umaagos b. nagmamadali c. nagsasaya d. natatangay
3. Ito ang laging hiling
Ito ang laging sambit
Lahat na’y nahumaling
Ito naman ay
Dapat ibigay
a. naakit b. lumigaya c. nabaliw d. nahulog
4. Ang kaibigan,
Iyong maaasahan
Sa kagipitan
a. kahirapan b. kakulangan c. katuwaan d. biruan
5. Hila mo’y tabak
Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo
a. itak b. kutsilyo c. espada d. latigo
II.PAGSUSURING PANGNILALAMAN
Piliin ang pinakawastong sagot sa bawat tanong. Titik lamang ang isulat.
6. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.
a. parabula b. kuwentong bayan c. pabula d. maikling kuwento
7. “Mga taon ang binibilang namin upang lumaki pagkatapos puputulin lang ng mga tao!” Anong damdamin ang
isinasaad ng pahayag?
a. panghihinayang b. pagsisisi c. pagkapoot d. pagkabigla
8. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na“Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.”
a. sinusuri ng tigre kung masamang tao ang lalaki b. gustong kainin ng tigre ang lalaki
c. humihingi ng pagkain ang tigre d. wala sa nabanggit
9. Maikling kuwento: Edgar Allan Poe; Pabula : _________________
a. Li Hiquan b. Luo Ching c. Aesop d. Ki no Tomonori
10. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?
a. matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula
b. maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang kuwento
c. mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa hayop
d. may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula
11. Ang pahayag na “Nais sanang tulungan ng lalaki ang tigre subalit nangibabaw ang kaniyang pangamba.” Ang
pahayag ay may damdaming
a. pagkatakot b. pagkabalisa c. pagkalito d. pagtataka
Para sa Bilang 12-15
Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga pinag-
uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot
ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.
Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat
ng panahon.
12. Ang binasa ay tumatalakay sa mahahalagang isyu ng kapaligiran kaya’t ito ay mauuri bilang
a. sanaysay b. editoryal c. lathalain d. balita
13. Ang tono ng nagsasalita sa sanaysay ay
a. nagdaramdam b. nagtatampo d. nanghihikayat d. nagpapaunawa
14. Sa pangungusap na “Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng
bayan sa lahat ng panahon” Ang “kundi” ay ginamit bilang _______.
a. pang-angkop b. pantukoy c. pang-ukol d. pangatnig
15. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na “Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga pinag-uutos ng ilang
nag-aastang “Panginoon”?
a. hindi alipin ang mga babae b. sa tunay na Panginoon lamang susunod ang babae
c. maraming nananamantala sa mga babae d. ang mga babae ang dapat ang nag-uutos
16. “Ang mga babae sa Taiwan noon ay katulad sa kasambahay o housekeeper. Ngayon, sila pa rin ang may
pananagutan sa gawaing bahay.” Ipinapahiwatig ng mga pahayag na ito na ___________.
a. Higit na masisipag ang mga babaeng Taiwanese kaysa sa mga lalaki.
b. Hindi pa rin nagbabago ang mga papel ng kababaihan sa tahanan sa Taiwan.
c. Mas mapagkakatiwalaan ang mga babae sa mga gawaing bahay kaysa sa mga lalaki.
d. Ang mga babae sa Taiwan ay mga nasa bahay lamang.
17. Pinapahiwatig ng pahayag na “Ginawa nang isang taon ang maternity leave sa Taiwan sa halip na tatlong buwan
lamang. “ na _____________.
a. Pinapaboran ng batas ang mga ina kaysa sa ama.
b. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa nang batas upang higit nilang mapangalagaan ang mga kababaihan.
c. Maluwag ang pamahalaan sa mga batas na may kinalaman sa mga ina.
d. Mas pinahahaba ang panahon ng pamamahinga ng mga ina
18. “Marami na ring samahan ang itinatag ___________ mangalaga at magbigay-proteksyon sa mga kababaihan. Ang
angkop na pangatnig para sa pangungusap ay ___________.
a. dahil sa b. upang c. kaya d. sapagkat
III.PAGSUSURING PANGGRAMATIKA
A. Punan ang bawat patlang ng wastong PANG-UGNAY, piliin ang wastong sagot sa kahon.
31. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi __________ nakaalis na pala siya.
32. Naglilinis siya ng silid __________ nakikinig siya sa radyo.
33. Magbabasa ako ng aklat _______ manonood ako ng telebisyon?
34. Hindi kumikibo si Mario ________ malapit si Ana sa kanya.
35. Huwag mo siyang tularan __________ masama ang ginagawa niya.
36. Sobrang buhay ang mga estudyante noong prinoklama ang mga nanalo sa paligsahan.
a. BU:hay b. buhay c. bu:HAY d. Bu:Hay
37. Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay.
a. tu:BO b. Tu:Bo c. tubo d. TU;bo
38. Malaki ang kita ni Jacob dahil maayos ang kanyang performance sa kanyang pinagtatrabauhan.
a. kita b. KI:ta c. Ki:Ta d. KI:TA
39. Ang aking matalik na kaibigan ay nagyayang mamasyal.
a. ya:YA b. YA:ya c. Yaya d. YA:YA
40. Bumili si Ana ng paso para sa kanyang halaman.
a. pa:SO b. paso c. Pa:So d. PA:so
SUSI SA PAGWAWASTO
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 9
T.P. 2018-2019
1. D 26. D
2. A 27. D
3. A 28. B
4. B 29. B
5. C 30. C
6. C 31. C
7. C 32. E
8. B 33. D
9. C 34. B
10. D 35. A
11. A 36. C
12. A 37. D
13. A 38. B
14. D 39. A
15. A 40. A
16. B 41. GUSTO
17. B 42. A
18. B 43. MAAARI
19. A 44. D
20. D 45. IBIG
21. A 46. A
22. C 47. DAPAT
23. A 48. B
24. C 49. KAILANGAN
25. A 50. C