Filipino PT
Filipino PT
Filipino PT
PAGBABALIK
ni Genoveva Edroza-Matute
INI
I. UNANG BAHAGI
Genoveva Edroza-Matute
Isinilang siya sa Maynila noong 3 Enero 1915 kina Anastacio Edroza at Maria
Magdalena Dizon. Naging asa- wa si Epifanio Gar. Matute, ang lumikha ng sikat
na programa sa radyo at serye sa telebisyon na Kuwentong Kutsero noong dekada
50. Nag-aral siyá sa Manila North High School (ngayon ay Arellano High
School), Philippine Normal School (PNS), Philippine Normal College (PNC na
Philippine Normal University ngayon), at University of Santo Tomas. Nagturo
siyá nang 46 taon sa mga eskuwelahang Cecilio Apostol Elementary School at
Arellano High School, at naging tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino sa PNC.
Ang ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay “Leave-taking” at “Land
of the Bitter” na nailathala sa Manila Post Sunday Magazine at sa Manila
Post Monthly. Ngunit higit siyáng kinagiliwan sa kaniyang mga kuwen- tong
nagsusuri sa sikolohiya ng batà at hinggil sa karanasan ng guro, gaya ng
“Walong Taong Gulang,” “Noche Buena,” “Kuwento ni Mabuti,” at “Paglalayag sa
Puso ng Isang Bata.” Nailathala ang kaniyang antolohiya ng maiikling kuwento
at sanaysay sa Ako’y Isang Tinig noong 1952; ang ilan pang sumunod na
koleksiyon ay nasa Piling Mga Maiikling Kuwento 1939–1992, Sa Anino ng EDSA
at Iba Pang Mga Kuwento, at Tinig ng Damdamin. Nakapaglathala din siyá kasama
ng kaniyang asawa sa Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Mga Akda: Mga Kuwento,
Mga Sanaysay, Mga Dula noong 1992.
Kinilala ang husay ng kaniyang pagsusulat at dedikasyon sa pagtuturo ng mga
timpalak ng Don Carlos Palanca Memorial Awards 1950s–1960s; Outstanding PNS-
PNC Alumna Award noong 1966; Patnubay ng Sining at Kalinangan Award ng
Maynila noong 1967; Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga
Manunulat sa Pilipinas noong 1988; at Gawad CCP Para sa Sining noong
1992.Namatay siyá sa edad na 94 noong 21 Marso 2009 habang natutulog.
Inilibing siyá sa Manila North Cemetery.
https://philippineculturaleducation.com.ph/edroza-matute-genoveva/
Mga tauhan
Roman- ang pangunahing tauhan sa kwento na mabuting asawa at anak ngunit
may matinding problemang kinakaharap.
Basilio Laforte- kababata at matalik na kaibigan ni Roman. Siya ay isa
sa mga pinaghahanap na may pabuya na may malaking halaga.
Pedro Reanzaso- isang pinuno ng dumukot sa pinuno ng pangkat ng kabilang
bundok.
Banghay
Teyorya
Humanismo
-ang istorya ay nagpapakita ng humanismo dahil ito tumutukoy sa
karanasan ni Roman sa pagkamatay ng kanyang kaibigan at hanggang sa
kanyang pagkamatay.
Romantisismo
-kung mababasa mo sa istorya ito ay nagpapakita ng romantisimo dahil
laging nasa punong kahoy tumatabay si Roman at umuupo san aka usling
ugat nito.
Eksistensyalismo
-makikita mo ang eksistensyalismo sa istorya dahil si Roman ay nagpasya
na tulungan ang pamahalaan para hanapin si Basilio kapalit ng isang
gatimpala. Ang nagyari sa istorya ay maaring mangyari sa totoong buhay.
Realismo
-ang istorya ay nagpapakita ng realism dahil sa karanasan ni Roman at
may kauganayan din ang pamahalaan sa kuwento na may makatotohanang
pamaraan at posibleng mangyari sa totoong buhay.
Marxismo
-ang istorya ay nagpapakita ng marxismo dahil makikita mo dito ang
tunggalian ng tauhan sa sarili niya dahil ang konsensya ni Roman ang
katunggali niya sa istorya.
Pananaw Sosyolohikal
-makikita moa ng pananaw sosyolohikal sa istorya dahil may kinalaman
ang lipunan sa kuwento.
Tema
Ang kuwento ay tungkol sa isang lalaki sa isang nayon na
nakonsensya sa kanyang ginawa sa kanyang matalik at kababatang kaibigan. Ang
ginawa niya ay tama lamang at iyon ang nararapat. Ngunit sa huli ay hindi na
niya nakayanan ang kanyan ginawa kaya humantong siya sa isang bagay na
gumimbal sa buong nayon.
II. PANGALAWANG BAHAGI
BISANG PAMPANITIKAN
A. BISA SA ISIP AT DAMDAMIN