Flor Contemplacion

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Flor Contemplacion (1995)

Ang pelikula ay hango sa tunay na buhay ni Flor Contemplacion na dumaan sa maraming pagsubok higit lalo sa
hindi katanggap-tanggap na sanhi ng kanyang pagkamatay. Siya ay isang OFW sa Singapore.

Ano ang dahilan ng kanyang pag-alis?


Gaya ng rason ni Josie (Vilma Santos) sa pelikulang Anak at gaya rin ng marami nating kababayan na OFWs,
pamilya ang pangunahing dahilan ni Flor. Ang mabigyan sila ng maayos at magandang buhay ang nais makamit ni
Flor kung kaya’t masakit man sa kanya iwan ang kanilang mga mahal sa buhay, patuloy pa rin siya sa
pakikipagsapalaran.

Bakit nga ba kailangang umalis?


Isa sa mga problemang kinakaharap ng bansa natin ang kawalan ng trabaho ng marami. At marahil isa itong
pangunahing dahilan kung kaya’t marami sa atin ang pinipili na lamang makipagsapalaran sa ibayong-dagat kahit pa
wala silang kasiguraduhan sa magiging buhay nila doon.

Buhay sa Ibang Bansa


Aminin natin na insan iniisip natin na kapag nasa ibang bansa ang kamag-anak o kababayan natin, masarap
na ang buhay nila. Nakakakain na sila ng masasarap na pagkain. Maayos na ang buhay nila. Ngunit, hindi natin alam
na hindi pala ganon kadali ang buhay nila doon. Gaya nang nangyari kay Flor. Napagbintangan siya sa kasalanang
hindi naman niya ginawa. Sa kasalanang, hindi lang pamilya niya ang naapektuhan kundi maging ang mga
kababayan niya. Kasalanang, nagbigay isnpirasyon at aral sa lahat. At, kasalanang kailanman ay hindi niya
magagawa.
Isang pelikulang nagpapakita ng pagkakaisa ng bawat mamamayang Pilipino sa
pakikipaglaban sa karapatang pantao, sa mapang-aping lipunan at sa hindi
makatarungang paggamit ng hustisyang mayroon ang Pilipinas at Singapore. Ang
pelikulang ito ay isang hamon para sa gobyerno ng Pilipinas na magkaroon ng maunlad
na estado ang bansa upang mabigyan ng karampatang trabaho ang mga Pilipino nang
hindi na sila napipilitang makipagsapalaran at maghanap ng trabaho sa ibang bansa.
Magkakaiba ang kultura at pag-uugali ng ibang lahi sa mga Pilipino marahil ay hindi
aware ang mga nagtatrabahong Pilipino sa cultural shift na tinatawag.

Gobyerno ang dapat magtanggol sa mamamayan, kapwa Pilipino ang dapat


magtulungan ngunit bakit nagkaroon ng kaibahan ang depenisyon ng pagka-Pilipino sa
tagpong ang ibang Pilipino mismo ang lumulupig sa kapwa-Pilipino?

Ang gobyerno ay takot makipaglaban sa karapatang pantao.


Ang tagpong ito sa pelikula ang nagpapatunay na hindi pantay ang hustisya ng mga
Pilipino at ang masama pa nito ay hindi kayang ipagtanggol ng sangay ng gobyerno ang
mga nangangailangan ng tulong tulad ni Flor. Sila ba ay takot lumaban kaya umiiwas na
lamang sila sa problema? o pinapaburan nila ang maling gawi ang hindi makatarungang
paggamit ng hustisya sa tao? Kung pagtutuunan ng pansin ang bawat binitawang salita
sa pelikula, mapapansin ang hindi pagtatanggol ng ahensya sa makabagong bayani ng
republika ng Pilipinas.
Media men:
Bakit hindi kayo nagbigay ng lawyer para kay Flor?
Philippine Embasy (representative):
“Sasagutin mo ba ang gastos?…..the expenses could reach too million there is no such
amount for legal assistance in the embassy’s budget. Besides, binigyan na siya ng
Singapore court ng lawyer, so bakit pa tayo kukuha ng sarili nating lawyer?…”

Philippine Embassy (representative):


“Tumahimik ka na lang, ikaw rin baka hindi ka makauwi ng Pilipinas, ang balita pa
naman namin eh malakas daw yung amo nung Delia Maga dun sa Singaporean
government.”
“..bakit pati kami lahat madadamay? Bakit lahat ng aming mga pangarap kami’y
madadamay dahil lang sa ignoranteng katulong!..”
Hindi ko mawari ang transition ng tagpo sa pelikula na kung saan may kalituhan ang
paggamit ng flashback effects sapagkat walang pagbabago sa pagdidisenyo ng kulay o
pagpapalit nito. Kung ordinaryong pagtingin ng manunuod ay maaaring maguluhan sila
sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Sa pangkalahatan, simple lamang ang
musikang ginamit, camera angles o ano pa mang bagay na nakapaloob sa pelikula.
Marahil nagkaroon lamang ng sigla o thrill ang palabas sa mga kapana-panabik na mga
eksena na magpapagulat at magpapamulat sa kamalayan ng mga manunuod na hindi
lang ito basta kweto kundi ito ay hango sa totoong buhay siguro ay binigyan lamang ni
Ricky Lee ng bagong flavor ang mga piling tagpo na makapagpapaganda ng
sinematograpiya at kwento ng totoong buhay ni Flor Contemplacion.
"With A Smile"

Lift your head, baby, don't be scared


Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.

Baby, you don't have to worry


'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.

Girl I'll stay through the bad times


Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life.

In a world where everybody


Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

(Too doo doo...)


Let me hear you sing it
(Too doo doo...)

In a world where everybody


Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

Lift your head, baby, don't be scared


Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye

(Too doo doo...)


Let me hear you sing it
(Too doo doo...)

You might also like