Ang Hatol NG Ku
Ang Hatol NG Ku
Ang Hatol NG Ku
Narrator : Noong unang panahon, sa isang malapad na gubat, may isang tigreng naghahanp ng pagkain.
Tigre : Masarap na pagkain gusto ko ng karne, gusto ko ng karne......!!!(kanta) (jump, nahug sa guho)
Tigre : Uggghhh...
Narrator : Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanngang mapaos.
Narrator : Ilang sandali lamang ay nakarinig siya ng mga yabag ng paa. Nabuhayan siya ng loob at agad
tumayo at humingi ng tulong.
Tigre : Tao, pakiusap tulungan mo ako makalabas dito! Kung tutulungan mo ako hinding - hindi kita
makakalimutan.
Tao : Naaawa ako sayo, gusto sana kitang tulungan ngunit nangangamba ako, baka kainin mo ako,
patawad, ipapatuloy ko na ang aking paglalakbay.
Narrator : Nang makaahon ang tigre ay nakita niya ang taong tumulong sa kanya, tila naglaway siya ng
makita ang tao. At naglalakad paikot sa lalaki.
Tao : Sandli lamang! Diba nangako ka na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan ng pasasalamat at pag
tanaw mo ng utanv na loob?
Tigre : Wala na akong pakialam sa pangakong iyan, dahil gutom na gutom na ako! Hindi ako kumaon ng
ilang araw!
Tao : Sandali! Sandali! Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama ang kainin mo ako.
Tigre : Hmmm... Sige, pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.
Narrator : Sumang-ayon ang tigre at ipinaliwanag nila sa baka ang nagyari. Hiniling ng dalawa ang
opinyon ng baka.
Baka : Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin. Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo,
mula nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbuhat ng
mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa
nila kapag kami ay tumanda na....pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat
sa paggawa ng kung ano - anong bagay. Kaya huwag mo na akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang
na loob. Kainin mo na ang taong iyan!
Tigre : Tingnan mo, lahat sila ay sumang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong kamatayan!
Narrator : Habang bumubuwelo ang tigre upang sakmalin ang lalaki. Alam na ng lalaki na ito na ang
kanyang katapusan. Nang biglang dumating ang lumuluksong kuneho.
Tao : Ahhh..... Pakiusap bigyan mo ako ng huling pagkakataon. Tanungin natin ang kuneho para sa
kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.
Tigre : Ah! Walang kuwenta! Alam mo na ang sagot niya pareho lang sa sagot ng punong Pino at ng Baka.
Narrator : Isinalaysay ng tigre at lalaki ang nangyari. Maraming nakinig ang kuneho. Ipinikit ang mata at
pinagalaw ang mahahabang tainga. Ilang sandali muling idinilanat niya ang kaniyang mga mata.
Malumanay itong nagsalita.
Kuneho : Naintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay ng
mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro
ninyo sa akin ang daan patungo doon.
Narrator : Tinuro naman ng tigre at lalaki ang hukay.
Kuneho : Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas. Ngayon
pumunta kauo sa mga posisyon niyo noon, upang mapag - isipan ko pang mabuti ang aking hatol.
Narrator : Tumalon agad ang tigre nang hindi nag iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad ang
usapan nang makakain na niya ang lalaki.
Kuneho : Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi na makaahon.
Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari na
akong magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng
makalabas ng hukay.
Kuneho : Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, wala
sanang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy nalang sa paglalakbay ang tao at dapat na
manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa.