Bandilaw

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO (Baitang 11)

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan nang may masusing
pagsasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na katangian at
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika
dito.
A. Pamantayan sa Pagganap: Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang
sitwasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa loob ng kultura at lipunang
Pilipino.
B. Kasanayang Pampagkatuto :
Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang
pangwika sa kulturang Pilipino.(F11PU-IIc-87)
II. PAKSANG-ARALIN:
ARALIN 5:
MGA SITWASYONG PANGWIKA SA LIPUNAN SA PILIPINAS

III. KAGAMITAN
A. Sanggunian: Pinagyamang Pluma. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. pp 142-143

B. Iba pang Kagamitang Panturo: Projector, laptop, mga kagamitang biswal.

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral
Sa patuloy na pagdaan ng panahon at sa kabila ng kontribusyonng
mga kilalang tao, ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit hindi pa
rin ganap na nagagamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan?
B. Paghahabi ng layunin

Ngayong araw, pagtutuunan natin ng pansin ang ang pagsulat ng mga


tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino.
Subalit bago iyan, Isagawa muna ninyo ang pangkatang gawain na kaugnay
ng ating aralin sa araw na ito.

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay sa paggamit mo ng


wika.

1. Kailan ka huling nagpadala ng text message o SMS ____________________


Maaari mo bang isulat sa linya ang huling mensaheng ipinadala mo?
_____________________________________________________________________

2. . Kailan ka huling nag-post ng huling status sa facebook o Instagram? _____


Maaari mo bang isulat ito sa linya?
_____________________________________________________________________
3. Ano ang pinakahuling palabas na pantelibisyon ang pinanood mo? ________
Anong Wika ang ginamit sa palabas na ito?
______________________________________________________________________
4. Kailan ka muling humugot sa iyong minamahal?
Maaari mo bang isulat ito sa
linya_________________________________________________________________
C. Pag-uugnay ng halimbawa sa bagong aralin
Paano mo mailalarawan ang sitwasyon ng wikang Filipino sa iba’t
ibang larangan sa kasalukuyang panahon?
Pagbibigay ng Input:
Sa paglaganap ng teknolohiya at mabilis na takbo ng panahon, pati ang
sitwasyong pangwika ay binago na ng modernisasyon.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


MGA SITWASYONG PANGWIKA
A. Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
- Ito ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
dahil sa dami ng mamayang naabot nito. Ang Wikang Filipino ang
nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. Ang halos lahat ng mga
palabas sa mga lokal na channel ay gumagamit ng wikang Filipino at ng iba’t
ibang barayti nito. May ilang news program na gumagamit ng wikang ingles
subalit ang mga ito’y hindi sa mga nangungunang estasyon kundi sa ilang lokal
na news TV at madalas ay nilalagay hindi sa prime time kundi sa gabi.
B. Sitwasyong Pangwika sa Diyaryo at Radro.
Filipino ang nangungunang wika sa radyo. May mga programa sa FM tulad ng
Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa pagbo - broadcast subalit
nakararami parin ang gumagamit ng wikang Filipino.
Sa mga diyaryo naman, ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet
at wikang Filipino naman sa mga tabloid.
C. Sitwasyong Pangwika sa Pelikula.
Higit na tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga pelikulang wikang Filipino
ang midyum na ginamit bagama’t marami rin ang pelikulang Ingles ang
midyum na ginamit. May mga pelikulang Pilipino na ang pamagat ay
nasusulat sa wikang Ingles.
D. Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon
Sa bagong kurikulum, itinatadhana ng Basic education Curikulum ang
paggamit ng Mother Tongue (MTB-MLE) mula K-3 bilang wikang panturo,
at bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang wikang Filipino at Ingles
ay itinuturo bilang magkahiwalay na asignaturag pangwika. Billingual naman
ang nanatiling panturo sa mas matataas na antas ng pag-aaral

Bigyan nang laya ang mga mag-aaral na magbahagi ng mga halimbawa ng


iba’t ibang gamit ng wika.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
PANGKATANG GAWAIN: ( minuto)
Paghahati sa klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng
nakatalagang gawain.

PANGKAT 1 Isa-isahin ang katangian ng sitwasyong pangwika sa


pakikipagtalastasan sa mga tao sa ibang bansa sa bawat aspekto noon at
ngayon..

PANGKAT 2
Sitwasyong pang radio at dyaryo

PANGKAT 3
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula

PANGKAT 4
Sitwasyong pangwika sa telebisyon

PAMANTAYAN

PANUKATAN PUNTOS
Orihinalidad na tungkulin/gamit ng 10
wika
Pagkamalikhain 20
Dating 10
Disiplinado/kooperatibong gawain 10
KABUUAN 50

F. Paglinang sa Kabihasaan
Pag-uulat ng bawat pangkat. Paglilinaw ng guro sa isinagawa at pagtukoy
sa kakayahan ng mag-aaral sa paksang tinalakay (Pagbibigay ng feedback)
Gabay na Tanong:
1. Ano ang naramdaman nyo habang isinasagawa ang mga gawain?
1.Nakita nyo ba ang malaking pagbabago sa sitwasyong pangwika?
2. Ano ang iyong damdamin sa malaking pagbabago ng sitwasyong pangwika dahil ikaw ay
kabilang sa sinasabing millennials?
3.Nakatulong ba ito sa madaling pakikipag-ugnayan sa bawat isa?

G. Paglalahat ng Aralin
Paano mailalarawan ang sitwasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan sa kasalukuyang panahon?

H. Paglalapat
Ano ang maiaambag mo o maitutulong mo upang higit na mapagyaman ang
wikang Filipino sa kasalukuyang panahon?

V. Pagtataya
Sumulat ng isang tekstong nagpapakita ng kalagayang pangwika sa kulturang
Pilipino.
GOAL : Makasulat ng isang tekstong nagpapakita ng kalagayang pangwika sa
kulturang Pilipino.
ROLE : Manunulat sa isang tampok na pahayagan.
AUDIENCE : Mag-aaral sa Baitang 11.
SITWASYON: Pag-aralan ang kalagayang pangwika ng Pilipinas.
PERFORMANCE: Pagsulat ng teksto.

PAMANTAYAN :

PAMANTAYAN 4 3 2 1
Maayos ang organisasyon ng pagkakasulat ng
teksto (may panimula, gitna, wakas)
Wastong gamit ng mga salita, pahayag, na
gamit sa pagsulat ng teksto.
Isinaalang-alang ang mekaniks sa pagsulat:
wastong bantas, wastong gamit ng malaki at
maliit na letra, at kalinisan ng gawain

PAGPAPAKAHULUGAN:
4 - Lubos na naisagawa
3 - naisagawa
2 - bahagyang naisagawa
1 - hindi naisagawa

VI. MGA TALA


______________________________________________________________

VII. PAGNINILAY
A. Bilang mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang Remedial Class? Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?

Inihanda ni Namasid ni

Lorinel D. Mendoza Myra M. Malaluan Ph, D.


Guro Head Teacher I

You might also like