Pagsasalin

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

10 Deskriptibong Panumbasan (Descriptive Equivalent), pagbibigay ng katumbas na kahulugan sa

pamamagitan ng depinisyong naglalarawan, gaya ng paggamit ng pariralang pangngalan o sugnay na


pang-uri;

11 Kinikilalang Salin (Recognized Translation), ang paraan sa pagsasalin sa opisyal at tinatanggap ng


nakararami na salin ng anumang terminong pang-institusyon;

12 Pagdaragdag/Pagpapalawak (Addition/Expansion), pagdaragdag ng salita sa istrukturang gramatikal


upang maging malinaw ang kahulugan;

13 Pagpapaikli/Pagpapaliit (Reduction/Contraction), paraan sa pagsasalin na pinaikli o pinaliit ang mga


salita ng kabuuang gramatikal na hindi nababago o nag-iiba ang kahulugan mula sa orihinal;

14 Pagsusuri ng mga Bahagi (Componential Analysis), paraan sa pagsasalin na naghahati-hati batay sa


leksikal na yunit sa mga makabuluhang sangkap o hanap;

15 Hawig (Paraphrase), paraan sa pagsasalin na nagpapaliwanag sa kahulugan ng isang hanay,


pangungusap o talata.;

16 Kompensasyon (Compensation), pagsasalin na ginagamit kapag ang pagkawala ng kahulugan ng isang


bahagi ng parirala, pangungusap o talata ay natutumbasan o napupunan sa ibang bahagi;

17 Pagpapabuti (Improvements), pagwawasto sa mga gramatikal o tipograpikal na kamalian sa OT, kaya't


walang mali sa ST; at

18 Kuplets (Couplets), paraan sa pagsasalin na pinagsasama ang paggamit ng dalawa, tatlo, o higit pa sa
mga pamamaraang nabanggit.

Dalawang Paraan ng Ebalwasyon ng Salin:

1 Pagsubok ng Salin

2 Kritisismo ng Salin

Mga Paalala sa Pagsasalin nina Atanacio et.al (2013)

1 Alamin ang kahulugan ng bahaging nais isalin. Maaari kasi na ang kahulugan ng isang teksto ay
nakadepende sa pagkakagamit nito sa pahayag (contextual clues).

Halimbawa:

He was given a blank blanket by the old man.

Binigyan siya ng kumot ng matandang lalaki.

He was given blanket authority by the heirs of the old man.

Binigyan siya nang buong awtoridad ng mga tagapagmana ng matandang lalaki.


2 Tukuyin at tiyakin ang kahulugan ng mga pahayag lalo na kapag ito ay matalinhaga o isang idyoma.

Halimbawa:

I'll do it with my head.

Gagawin ko ang sa tingin ko ay nararapat.

I have butterflies in my stomach.

Hindi maintindihan ang nararamdaman.

3 Iwasang maging literal

Halimbawa:

You are the apple of my eye.

Ikaw lang ang mahalaga sa akin.

Ikaw ang mansanas sa mata ko.

4 Maaaring hindi na isalin ang mga salitang teknikal at siyentipik sapagkat ito ay unibersal na
tinatanggap.

Halimbawa:

Internet

Trigonometry

Hard disk

You might also like