2ND Periodical Test in Fil 7

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of City Schools of Malolos
BULIHAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulihan, City of Malolos

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa FILIPINO 7


2019-2020
Pangalan Taon/Seksyon Iskor

Talasalitaan. Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat patlang ang titik ng
tamang
sagot.
1 Hindi niya maarok kung gaano kalalim ang kanyang pagmamahal.
A. Masukat B. malaman K. Makita D. maubos
2 Ang mga Pilipino ay inaglahi ng mga dayuhan noong panahon ng Kastila.
A. Pinuri B. inalipin K. pinahiya D. kinutya
3 Isang kabalintunaan ang hindi naniniwala sa Diyos.
A. Nananamapalataya B. salungat K. nananalig D. paninindigan
4 Binabata ng mga alipin ang pagmamaltrato ng kanilang amo.
A. Walang problema B. nanatili K. tinitiis D. nawala
5 Ang kanilangkuwarto ay hungkag sa gamit nang sila ay manakawan.
A. Walang laman B. maraming laman K. walang alam D. nagwalang bahala
6 Kinatigan ng hukom ang mga walang kasalanan.
A. Pinanigan B. pinarusahan K. pinahirapan D. pinasalamatan
7 Kinaurali ng mga magnanakaw ang kasambahay para sila ay makapasok sa bahay.
A. Pinaniwala B. kinasabwat K. kinaibigan D. pinasalamatan
8 Ang bansang Espanya ay naduhagi sa pananakop sa mga Pilipino.
A. Nanalo B. natuwa K. nabigo D. nagtagumpay
9 Ang Diyos ang muog natin at kasangga sa anumang kasamaan.
A. Sandigan B. pabaya K. tagapinsala D. tumutulong
10 Ang mga pari ay nakatalos sa problema ng mga tao.
A. nalantad B. natago K. nakubli D. nahango

Panuto: Pag-unawa sa binasa. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

Ang Pilipinas ay nasa yugto ng pagpapaunlad. Kaya’t kailangan nito di lamang mga
propesyonal kundi lalo na ang mga sanay na bisig na tutuklas sa likas na kayamanan ng bansa at
magpasigla sa mga industriya. Dahil dito, ang mga araling bokasyonal ay binibigyang-diin sa Binagong
Palatuntunan ng Pagtuturo sa mababa at mataas na paaralan.

____ 11. Ano ang higit na kailangan ng Pilipinas?


a. Propesyonal b. Likas na kayamanan c. Sanay sa bisig d. Industriya
____ 12. Ano ang binibigyang-diin sa mga paaralan?
a. Araling bokasyonal b. Mababang paaralan c. Mataas na paaralan d. Mga propesyon

Likas sa tao ang pagnanais na makabatid ng nagaganap sa kanyang paligid. Siya’y


nakiramdam, nagmatyag, nagtatanong at nag-uusisa. Sa madaling salita, siya’y nakikibalita.
Nagbabasa rin siya ng pahayagan, nakikinig sa radio at nanonood ng telebisyon upang makabalita. Ang
kabatiran sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran ay nagpapaunlad sa kanyang isipan at nagdaragdag
sa kanyang kaalaman.

____ 13. Ano ang likas na pagnanais ng tao?


a. Nakikiramdam b. Nagmamatyag c. Nag-uusisa d. Nakikibalita

____14. Ano ang nagaganap na kabatiran ng tao sa nagaganap sa kanyang kapaligiran?


a. Nakabubuti ng pakiramdam b. Nakapagpapaunlad ng isipan
c. Nakadaragdag sa katarungan d. Nakapagbigay ng kasiyahan
Ang mga kabataan ngayon ay nahaharap sa magkasalungat na kaisipan, mithiin at saloobing likha
ng matuling agos ng pagbabago. Dahil dito, kinakailangang masanay sila sa matalinong
pagpapasiya sapagkat donn nakasalalay ang kanilang kinabukasan.
____ 15 . Ano ang dahilan ng pagkaroon ng kasalungat na kasipan at kalooban ng mga
kabataan?
a. Pagtutulungan b. Pagkakaisa c. Pagbabago d. Pagpapatotoo

____ 16. Saan dapat masanay ang mga kabataan?


a. Makabagong teknolohiya b. Pagpapaunlad ng sarili
c. Pag-asa sa kinabukasan d. Matalinong pagpapasiya

Talagang nais ni Jose na makapagpatuloy ng pag-aaral. Ngunit tuwing maririnig niya ang
kanyang ina at ang ibang mga inang kasama niya na dumaraing dadil sa mabilis na pagtaas ng halaga ng
mga bilihin, nakadarama siyang ng pangamba. Baka nga naman sa simula lamang siya maipagmatrikula
at pagkatapos siya ay patigilin din.

____ 17. Ano ang mithiin ni Jose?


a. Makarating sa ibang bansa b. Yumaman c. Makapag-aral d. Makapagnegosyo
____ 18. Ano ang kanyang pangamba?
a. Baka mawala ang kanyang ina b. Baka tumaas ang matrikula
c. Baka siya magkasakit d. Baka siya mapatigil sa pag-aaral

May isang bagay na kaibig-ibig sa munti’t pangit na batang ito. Nagpapaiwan siya tuwing
hapon kahit na hindi siya hinilingan ng gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya
ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umalis. Naglilibot muna siya sa buong silid upang
pulutin ang mga naiwang panlinis. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon at nagsasabi ng “Goodbye,
Teacher!”

____ 19. Paano mo mailalarawan ang hitsura ng bata?


a. Munti at maganda b. Pandak at pangit c. Maganda at matangkad d. Matangkad at pangit
____ 20. Paano mo mailalarawan ang pag-ugali ng bata?
a. Malinis at matapang b. Masipag at magalang
c. Masipag at mapagbigay d. Magalang at mapagpaumanhin

Panuto: Kasanayang panglinggwistika at panitikan. Tukuyin at suriin ang bawat pangungusap at isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.

21. Sa teoryang ito ginagaya nila ang mga tunog ng hayop tulad ng aso, ibon at iba pa upang sila ay
makapag-usap at magkaunawaan.
a. Bow-wow b. ding-dong c. pooh-pooh d. yum-yum
22. Ito ay katulad ng teoryang ta-ta sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng kumpas
sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon.
a. Bow-wow b. ding-dong c. pooh-pooh d. yum-yum
23. Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad
ng sa pakikidigma,pag-aani at pagtatanim ayon sa teoryang ito.
a. Ta-ra-ra-boom-de-ey b. pooh-pooh c. ding-dong d. yum-yum
24. Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa pinakamadaling pantig ng pinakamahalagang bagay
na nabibigkas ng mga bata.
a. Mama b. ding-dong c. pooh-pooh d. yum-yum
25. Kahawig ito ng teoryang bow-wow, nagkakaroon daw ng wika ang tao sa pamamagitan ng tunog
na nalilikha ng mga bagay sa paligid.
a. Ding-dong b. yum-yum c. ta-ra-ra-boom-de-ey d. mama
26. Bumili ang si nanay ng ubas bukod pa sa mansanas. Alin sa pangungusap ang salitang pang-
ugnay?
a. Si nanay b. bukod c. Bumili D. ng
27. Ang ganda ng tahanan nila Jose sa kabilang banda higit na maganda ang bahay nila Pedro. Anong
uri ng pang-ugnay ang may salungguhit?
a. Paghahambing b. pagdaragdag c. pagpapatunay d. pagpapakita ng oras

28. Nadapa si Joselito kung saan ako nakatayo. Anong uri ng pang-ugnay ang salitang may
nakasalungguhit?
a. Pagpapatunay b. pagdaragdag c. pagpapakita ng oras d. pagdaragdag
29. Dalhin mo ang mga papeles na ito sa lalong madaling panahon. Ano ang pang-ugnay na ginamit
sa pangungusap?
a. Dalhin b. mga ito c. madaling panahon d. mo
30. Bumili ka ng gamot pagkatapos mong kumain nang makainom na ng gamot ang iyong kapatid.
Ano ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap?
a. Nang b. pagkatapos mong d. ng
31. Isang uri ng panitikan na kinagigilawang basahin ng mga kabataan na may paksa na pinagmulan
ng isang bagay.
a. Epiko b. talambuhay c. alamat maikling kuwento.
32. Bahagi ng maikling kuwentong kung saan pinakikilala ang mga tauhan at lugar na pinagganapan
ng kuwento.
a. Kasukdulan b. saglit na kasiglahan c. wakas d. tauhan
33. Sa bahagi ng maikling kuwento na ito makikita ang kinagigiliwan at pinakasasabikang pangyayari.
a. Papataas na aksyon b. tauhan c kasukdulan d. wakas
34. Bahagi ng Bisaya na may pinakamalaking supply ng asukal sa Pilipinas.
a. Negros occidental b. Antique c. Guimaras d. Capiz
35. Tinuturing na “Capital Mangoes of the Philippines” na kung saan kilala sa pinakamatamis na
manga na matatagpuan sa Visaya.
a. Ilo-ilo b. Capiz c. Antique d. Guimaras
36. Salitang karaniwang sinasalita ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
a. bal-bal b. kolokyal c. lalawiganin d. panitikan
37. “ arep wala si erpat at ermat kaya olats tayo ngayon” anong uri ito ng pakikitalastasan?
a. bal-bal b. kolokyal c. gaylinggual d. lalawiganin
38. Ito ay salitang nabubuo sa ng isang pangkat o grupo ng mga kabataan kilala bilang tambay.
a. kolokyal b. lalawiganin c. balbal d. jargon
39. “pare dalwa lang bilhin mong tinapay sa akin ahh, medyo busog pa kasi ako. Anong uri ng salita
ang may salungguhit?
a. kolokyal b. balbal c. lalawiganin d. panitikan
40. Sa Batangas ang isda ay sira, sa Malolos ay dinuguan at sa Bulakan bulakan ay tinumis. Anong
antas ng pormalidad na ginamit sa pangungusap.
a. kolokyal b. lalawiganin c. pormal d. kolokyal

Panuto: Pagkikiklino, ayusin ang mga salita ayon sa digri o antas ng tindi ng salita. Isulat sa papel ang
titik ng tamang sagot.

A. GALIT B. POOT C. INIS D. SUKLAM E. TAMPO


41
42
43
44
45

A GUSTO B. IBIG C. MAHAL D. SINTA E. IROG

46
47
48
49
50

Relax ka lang. EXAM lang to. Mas Malaki ang chance MO na pumasa ka rito kesa pumasa sa puso ng
CRUSH MO!

GOOD LUCK =)

You might also like