Literature
Literature
Literature
SOMBE BEED-3
Ang soneto ay hindi basta tula lamang na binubuo na labing-apat na taludturan. Ito’y kailangang may
malinaw na kabatiran sa kalikasan ng tao at sa kabuuan. Ito ay naghahatid ng aral sa mga mambabasa. Sa
unang walong taludtod ay inilalahad ang diwa, paghanga man o talinghaga, at sa huli naman ang karagdagan o
anumang kapupunan sa ikabubuo ng tula.
b. ODA – Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao
o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.
c. DALIT – isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng
papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang diyos o sa isang kilalang pigura o
maliwanag na halimbawa. At may kahalong pilosopiya sa buhay.
Pasasalamat
Ni: kiko manalo
Hinding-hindi ko malilimutan.
1. Tulang Pasalaysay- sang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang
mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay
karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays.
a. EPIKO – ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng
mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa.
Isang araw sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang sa mag-asawang Amtalao at
Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng iba’t ibang bagay.
Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang
ama ay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, at paano umawit ng
mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya
bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.
Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway ng kanyang ama,
sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon ay hindi si Pangaiwan. Ang
humarap sa kanya ay ang mabangis na anak nito, si Dinoyagan na bihasa rin sa bakbakan tulad ni
Aliguyon.
Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Dinoyagan. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si Dinoyagan
upang iwasan ang sibat. Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Dinoyagan ang sibat at
hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang
humahagibis na sibat. Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Dinoyagan.
Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Dinoyagan at sa wakas ay natigil ang bakbakan. Nag-usap at
nagkasundo sila ng payapa. Buong lugod na sumang-ayon ang lahat ng tao sa nayon ng Hannanga
at Daligdigan, at ipinagdiwang nila ang pagkakaibigan ng dalawa.
Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang dalawang nayon. Naging matalik na magkaibigan sina
Aliguyon at Dinoyagan. Naging asawa ni Aliguyon si Bugan samantalang napangasawa naman ni
Dinoyagan ang kapatid na babae ni Aliguyon, si Aginaya.
b. KORIDO ay mula sa salitang kastila na Correr(dumadaloy). Ito ay isang panitikang pilipino na anyong
patula na mabilis ang pagbigakas tulad sa martsa. Ito ay kuwento na naglalaman ng mga pangyayaring
kagilagilas o mga pakikipagsapalaran. Ito ay may sukat na walong pantig sa bawat linya at apat na linya
sa bawat saknong.
Kamandag ng Mahika
(Korido)
8 pantig/taludtod
Sa malayong kaharian
Kung tawagin ay Tabagwan
Lahat ng mga mamamayan
May kapangyarihang taglay.
Nababalot yaoung pook
Ng mahika sanmang sulok
Katataga’y nasusubok
Ng mga tangkang pag- aamok.
Sa gitna ng engkantanda
Ang prinsesa’y nakatira
Solong anak ng monarka
Na nangangalang Aryana.
Simula sa pagkabata
Mahika’y di nabiyaya
Kung kaya’t siya’y napasama
Kapangyarihan ang nasa.
Minsang prinsesa’y iniwan
Ng kanyang mga magulang
Siya itong naatasan
na kaharia’y bantayan.
Prinsesa’y walang ginawa
Kundi ang magpakasasa
Kaharia’y kinawawa
At mga alipi’y nagdusa.
Pagkat nasa kanyang kamay
Sentro ng kapangyarihan
Anuman ang magustuhan
Kailangang maibigay.
Kundi man agad nasunod
Parusa’y agad nabuod
Isang daang palo sa lulod
Hanggang sila’y maglumuhod.
Isang araw ng kalupitan
Utusa’y napagbalingan
Sukdulang pinarusahan
Sa kaunting kamalian.
Matapos pagsalitaan
Hinamak nama’t sinaktan
Suntok na kaliwa’t kanan
Ang kanyang pinakawalan.
Hindi pa s’ya nakontento
Utusa’y pinagbabayo
Pinahirapa’t pinalo
Saka pinugot ang ulo.
Mga tao’y walang nagawa
Kundi takpan mga mata
Ano nga bang laban nila
Sa prinsesang walang awa.
Ngunit may isang matanda
Ang lumitaw at nagwika
prinsesa’y magiging daga
kung maulit ang ginawa.
Si Aryana ay natawa
Sa sinmbit ng matanda
Lola’y ipinahuli pa
At pinaharap sa kanya.
Dahil lapastangan ito
Matanda’y kanyang binato.
Ipinabugbog sa hukbo
Hanggang dugo ay tumulo.
Ngunit lahat ay nagitla
Ng kaanyua’y nag-iba
Matanda’y naging maganda
Diwata ang kapara.
Nagliwanag ang paligid
Pangyayari’y di na batid
Pagkatakot ang sumigid
Sa puso ma’y di mapatid.
Baston nito’y itinaas
Habang mata’y nagniningas
Umusal ng di matatas
Ukol sa sumpang binagtas.
Pagka galit na dinuro
Prinsesang tila napako
Na halos di makakibo
Sa kanyang pagkakatayo.
Doon parusa’y pinataw
Sa prinsesang kasukaban
Ang maging di pangkaraniwang
Hayop na kasusuklaman.
Sa makamandag na sumpa
At sa tulong ng mahika
Si Aryana’y nagging daga
Tulad ng itinadhana.
c. AWIT ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang
bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.
PAG-IBIG NA WAGAS
May isang dalaga na ubod ng yaman,
Umibig sa abang binatang utusan;
Langit at lupa ang kanilang pagitan
Kaya’t pagmamahala’y maraming hadlang.
Pamilya ni Lira’y ayaw sa binata
Pagkat mangyari’y isa s’yang hampaslupa
Mababang tingin pilit pinamumukha
Kay Simsong mabait, masipag mat’yaga.
Minsang umakyat ‘tong si Simson ng ligaw
Dala’y gitara at bulaklak na dilaw
At kahit na sa kanya ay sadyang ayaw
Ng ama ni Lira’y pilit siyang dumalaw.
Ngunit hindi pa man sa may tarangkahan,
Naroroon ang Don, tila nag- aabang
Kasama’y mga lalaking naglalakihan
Habang mga mata’y puno ng kasamaan.
Pilit tinatagan pusong nagmamahal
Sa Don ay lumapit at nagbigay galang
Ngunit anong sakit nang siya’ duraan
Matapos hamakin ay sinaktan naman.
Mga tauhan nito’y bigla siyang sinuntok
Binugbog, sinipa at sa lupa’y nalugmok
Di pa nasiyaha’y pinalo sa batok
Saka pinatakbo sa hudyat ng putok.
Dahil sa takot ‘di siya nag-alinlangan
Tumakbong matulin tungo sa kung saan
‘Di inalintana sakit ng katawan
Ang makalayo ang tanging nais lamang.
Si Simso’y humayo ng araw ding yaon
Batid na pangarap tangi lamang baon,
Sa kanyang minamahal ‘di maglalaon
Ang maging marapat sa tamang panahon.
Doo’y hinarap samu’t saring hamon
Lahat tiniis para lang maka-ahon
Pilit pinanindigan kanyang desisyon
Na ang kanyang paglayo’y magkakatugon.
Dahil sa nangyari, si Lira’y tumamlay
Masisiglang mata’y nawalan ng kulay;
Nagmukmok sa silid, kalungkuta’y taglay
Pagbabalik ng irog ang hinihintay.
Nagmamahal na ama’y di nakatiis
Para sa anak ay naglaho ang bangis,
Sinaliksik si Simon sa buong libis
Kasiyahan ng anak ang tanging nais.
Ngunit isang taon na ang dumaraan,
‘ni anino ni Simso’y di nasilayan;
Naratay si lira sa kapighatian,
Nagistulang patay ang pusong sugatan.
Lumipas ang araw si Simso’y lumitaw
Matikas na binata ang s’yang bumuglaw
Pansin ang karangyaan sa bawat galaw,
Kaya’t mga kanayo’y tila ba natuklaw.
Tahanan ni Lira ang agad tinungo,
Tiwala sa sarili’t loob ay buo;
Sa pangalawang beses, handang sumuyo,
At muling balikan kabiyak na puso.
Si Don Damyan ang una niyang hinarap
Na nagka-ayos rin matapos mag-usap,
Habang si Lira’y malugod s’yang tinanggap
At muling nabuo, pag-ibig na wagas.
2. Tulang Patnigan
a. BALAGTASAN – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang
paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
LAKAN-DIWA:
Yamang ako’y siyang Haring inihalal
Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makata’y inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.
PARU-PARO:
Magandang gabi sa kanilang lahat
Mga nalilimping kawal ni Balagtas,
Ako’y paru-parong may itim na pakpak
At nagbabalita ng masamang oras.
LAKAN-DIWA
Sa kapangyarihan na taglay ko na rin
Ikinagagalak na kayo’y tanggapin,
Magtuloy po kayo at ditto sa hardin,
Tingnan sa kanila kung sino at alin.
PARU-PARO:
Sa aking paglanghap ay laon nang patay
Ang bango ng mga bulaklak sa parang,
Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.
BUBUYOG:
Hindi mangyayari at ang puso niya’y
Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga.
PARUPARO:
Di ko pinipigil ang pagsasalaysay
Lalo’t magniningning ang isang katwiran,
Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan
Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan.
LAKAN-DIWA:
Magsalita kayo at ipaliwanang
Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,
Paano at saan ninyo napagmalas
Na ito ang siya ninyong hinhanap?
BUBUYOG:
Sa isang malungkot at ulilang hardin
Ang binhi ng isang halama’y sumupling,
Sa butas ng bakod na tahanan naming
Ay kasabay akong isinisilang din.
PARUPARO:
Hindi mangyayaring sa isang bulaklak
Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.
BUBUYOG:
Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig
Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig
Malayo ma’t ibig, daig ang malapit.
PARUPARO:
Akong malapit na’y napipintasan mo,
Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no?
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.
PARUPARO:
Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib,
Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,
Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig
Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.
BUBUYOG:
Dadayain ka nga’t taksil kang talaga
At sa mga daho’y nagtatago ka pa.
PARUPARO:
Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa
Sa taglay kong bulo nilason na kita.
BUBUYOG:
Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot.
BUBUYOG:
Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod.
PARUPARO:
Bulaklak nga siy’t ako’y kanyang uod.
LAKAN-DIWA:
Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,
Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;
Yamang di-malan ang may-ari nito,
Kampupot na iya’y paghatian ninyo.
BUBUYOG:
Kapag hahatiin ang aking bulaklak
Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;
Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap
Kaya ang talulot niya ang malagas.
PARUPARO:
Kung hahatiin po’y ayoko rin naman
Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan
O buo wala nguni’t akin lamang.
LAKAN-DIWA:
Maging si Solomong kilabot sa dunong
Dito’y masisira sa gawang paghatol;
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.
KAMPUPOT:
Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,
Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
At si Bubuyog po’t paruparong bukid,
Ay kapwa hindi ko sila iniibig.
PARUPARO:
Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,
Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong magdamag
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
KAMPUPOT:
Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong
Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy
At di inakala na sinuman yaon.
BUBUYOG:
At ako ba, Mutya, hindi mo na batid
Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,
Ang akin bang samo at mga paghibik
Na bulong sa iyo’y di mo ba narinig?
KAMPUPOT:
Tila nga, tila nga ako’y may napansing
Daing at panaghoy na kung saan galing,
Nguni’t akala ko’y paspas lang ng hangin
At di inakala na sinuma’t alin.
BUBUYOG:
Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,
Makapitong lumbay o hanggang matapos.
PARUPARO:
Dito natunayan yaong kawikaan
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.
LAKAN-DIWA:
Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang
Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay inyong sinayang
Kaya’t nararapat na maparusahan.
LAKAN-DIWA:
Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,
Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.
ANG KARAGATAN
ni Tomas C. Ongoco
May isang tindahan na nakalagay ang mga paninda, mga garapon ng pagkain at mga de-bote.
May dalawang dalaga at apat na binata na nasa pondahang ito at nasa paligid ng mesa.
Maraming tao sa paligid. Isang matandang lalaki ang lalapit sa ponda.
Tandang Terong: Hmmm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay di pa ginagatungan.
Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y makakain.
Maring: Ang kahoy na panggatong kaya di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan kaysa
kailangan.
Isa pang Manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya naghahanap; dalawaha’y
angkop at siyang anong sarap; ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan Kung di matiyak ni
Neneng kung sino sa kanila ang kakausapin, mga kanayon, ano ang kailangan?
Neneng: Tumanggi man po ako’y walang mangyayari… kagustuhan din ninyo ang siyang
masusunod.
MATINING
LINSO
TALISUYO
PASARING
MAPAROOL KUMATI
LIGWAK
PAHAT
Itong karagata’y simula ng kuwento.
Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik
At doon ihibik, ang iyong pag-ibig.
Hari: Tribulasyon!
Lahat: Tribulasyon!
Hari: Nagpapahintulot!
3. Tulang Pandulaan
a. SENAKULO- ay isang tradisyon ng mga pinoy kung saan dinudula ang buhay ni Hesukristo at
madalas ito ay ginagawa sa mahal na araw.
Minsan sa Holy Week, o kahit na sa maraming gabi, isang Senakulo - isang yugto o
dula sa kalye tungkol sa buhay at Passion ni Jesus - naganap sa maraming mga komunidad,
lalo na sa mga lalawigan ng Bulacan, Rizal at Pampanga.1 Ang isang panlabas na Senakulo ay
madalas na nagpaparada ng isang pigura ni Jesus na nagdadala ng Krus sa mga lansangan, at
binibigyang diin ang karahasan at kalupitan ng mga mang-uusig kay Jesus. Ang madugong
reenactment sa San Pedro Cutud, San Fernando, Pampanga ay ang pinaka graphic at
kasiraan ng mga larong ito, ngunit nag-iiba ang estilo at interpretasyong mensahe ng
Senakulo.
Mula noong 1974, ang grupong ito ay nagsagawa ng 300 Senakulo, hindi lamang sa
Bulacan kundi pati na rin sa Maynila at sa mga kalapit na lalawigan. Inilarawan nila ito bilang
higit pa sa isang pagganap, ngunit bilang katuparan ng isang panata, o panata, isang paraan
ng pagpapasalamat sa mga pabor na hinihiling at mga natanggap na pabor.
WALANG SUGAT
Unang Yugto
Ikalawang Yugto
Ikatlong Yugto
11. Sinabi ni Lucas kay Julia kung bakit hindi natugunan ni Teñong ang kaniyang liham. Nagbilin
lamang ito na uuwi sa araw ng kasal.
12. Habang nanliligaw si Miguel kay Julia, si Teñong pa rin ang nasa isip ng dalaga. Ayaw niyang
makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan siya ng ina.
13. Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanligaw naman kay Juana.
14. Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lucas na tumakas
upang pumunta kay Teñong. Ngunit di alam ni Lucas kung nasaan na sina Teñong kaya walang
nalalabi kay Julia kundi ang magpakasal o magpatiwakal.
15. Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay buong
lakas nitong isigaw ang “Hindi po!” Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama
ng loob ang kanyang ina.
16. Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Teñong na sugatan,
nasa punto ng kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari
para makapangumpisal si Teñong.
17. Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Teñong. May huling kahilingan ang binata--- na sila ni
Julia ay makasal bago siya mamatay. Galit man si Juana ay pumayag ito. Pumayag din si Tadeo
dahil sandali na lamang at puwede na uling ikasal si Julia at ang kaniyang anak. Gayundin si
Miguel.
18. Ikinasal sina Julia at Teñon. Babangon si Teñong mula sa pagkakahiga at … “Walang sugat!”
sigaw ni Miguel. At gayundin ang isisigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Teñong
ang buong eksena.
WAKAS
Nagsimula sa Europa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Setyembre1939. Taong 1942
,isang kasunduan ang pinangunahan ng Estados Unidos ang Tehran Conference na nagsasaad
na kapwa lilisanin ng Rusya at Britanya ang bansang Iran upang makapagsarili at maging
malaya. Mayo 1946 nang sinimulang alisin ng Rusya ang kaniyang mga tropa sa Iran na hindi
naman tuluyang naisakatuparan bagkus ay nagdulot pa ito ng Azerbaijan Crisis .Itinuturing ito
na unang di- pagkakaunawaan na dininig ng Security Council ng United Nations. Ito ang
nagbigay- daan sa Cold War na kinasangkutan ng Estados Unidos at kaniyang mga kaalyado,
kontra naman sa Rusya kasama rin ang kaniyang kaalyadong bansa.
Isa rin ang bansang India na kolonya noon ng Inglatera ang naapektuhan matapos ang digmaan
dahil minsan na rin niyang binigyan ng suporta ang Inglatera sa pakikidigmang ginawa nito. Si
Gandhi at ang kaniyang mga kasamahan ay nagprotesta tungkol dito dahil ayaw nila ng
digmaan. Sa pagtatapos ng digmaan lalong sumidhi ang laban ng mga taga- India para sa
kalayaan ngunit naging daan ito upang muling hindi magkaisa ang mga Indian. Sa paglaya ng
India noong 1947, ito ay nahati sa dalawang pangkat ang Hindu at Muslim. Ang India para sa
mga Hindu at Pakistan para sa mga Muslim.
Sa panig naman ng bansang Israel nangako ng kalayaan ang Britanya sa mandatong lupain ng
mga Hudyo at Arabo. Kapwa umasa ang dalawang pangkat na magkaroon ng teritoryo.
Maraming Hudyo na nagmula sa ibat ibang bahagi ng Europa matapos ang digmaan ang
nagpunta sa Palestina na itinuturing nilang lupang kanilang pinagmulan.Hinangad ng mga
Hudyo na magkaroon ng sariling lupa sa Palestina na maaari nilang matawag na bansa.
Tinutulan ito ng mga Arabong nag- aangkin ng kabuuang Palestina sa dahilang napakaraming
taon na itong naging tahanan ng kapwa nila Arabo. Simula nang suportahan ng Britanya ang
Israel para sa pagtatatag ng sariling estado hindi na ito napayapa dahil para sa mga Muslim ang
pagsuportang ito ay nangangahulugang hadlang sa pagtatatag naman ng isang malayang lupain
ng mga Arabo.