Ano Ang Teksto
Ano Ang Teksto
Ano Ang Teksto
Matutukoy ding teksto ang orihinal na mga salita o pahayag ng isang awtor sa isang
dokumento kabilang ang kaniyang mga paliwanag, puna, pagsasalaysay ng karanasan,
paglalarawan ng mga bagay, pagbibigay ng pagtataya o paglalahad ng impormasyon o
pag-aanalisa.
Sa akademikong uri ng pag-aaral, ang teksto ay maaari ding sumaklaw sa ilan pang
isinusulat na akda katulad ng mga pelikula, programa sa telebisyon, awitin, patalastas,
at iba pang nakalimbag na paalala.
Tekstong Impormatibo
Layunin nitong magbigay ng konkretong impormasyon tungkol sa isang tao, bagay,
lugar, hayop, o pangyayari. Sinasabing ‘objective’ ang mga tekstong impormatib dahil
walang halong anumang opinyon ang pagsasalaysay sa uri ng tekstong ito. Kabilang sa
mga ito ay ang mga kuwentong nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mga
babasahing mayroon tayo sa paaralan tulad ng mga teksbuk o batayang aklat.
Kadalasang sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at paano.
Tekstong Deskriptibo
Isa namang uri ng naglalarawang babasahin ang tekstong deskriptiv o deskriptibo. Ito
ay nagtataglay ng mga impormasyong may kauganyan sa katangian ng mga tao, hayos,
bagay, lugar, at mga pangyayari. Dahil naglalarawan ang mga tekstong deskriptib,
mayaman ang mga ito sa mga pang-uri at pang-abay. Maaari din itong maging tekstong
nagpapahayag ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga bagay. Ito rin ay isang paraan ng
masining na pagpapahayag ng paghanga sa ilang bagay.
5 Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tekstong deskriptiv.
Tekstong Naratibo
Isang uri naman ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng mga pangyayari ay ang
tekstong narativ o naratibo. Katulad ng tekstong impormatib, ang layunin ng tekstong
naratibo ay magbigay ng impormasyon. Ang kinaibahan lamang, ito ay nakatuon sa
kung paano nangyari ang mga tagpo, kompleto sa panahon, tagpuan, at mga tauhan.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga talambuhay, anekdota, o epiko. Maaari din
itong piksyon at di piskyon.
Tekstong Prosidyural
May uri naman ng teksto na nakatuon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o
mga hakbang sa paggawa ng mga bagay. Ito ay tinatawag na tekstong prosidyural.
Kilala rin bilang teksto ng pagkakasunod-sunod, sumasagot ito sa mga tanong na
paano—paano nabubuo ang isang bagay, paano iluto, paano isinasagawa ang isang
proseso, o paano naganap ang isang pangyayari.
Tekstong Persweysib
Ang tekstong persweysiv ang isang uri ng tekstong naglalayong manghikayat ng mga
mambabasa. Ginagamit ito sa mga pahayagan, telebisyon, at radyo. Karaniwang
ginagawa ang tekstong persuweysib upang mapukaw ang interes ng mga tao at
maniwala sa sinasabi nito. Nagagamit ito sa mga advertisements o mga patalastas sa
TV o radyo. Maaari din itong gamitin sa mga kampanya o pag-aalok ng mga serbisyo.
Tekstong Argumentatibo
Ito naman ay uri ng teksto na nakatuon sa paglalahad ng mga opinyon, paniniwala o
kuro-kuro sa mga mahahalagang isyu o iba pang bagay. Katulad ng tekstong
Persweysib, layunin din nito na manghikayat ng mga mambabasa. Gayunman,
gumagamit ito ng mga argumento at mga pangangatuwiran. Karaniwang sinasagot ng
mga tekstong argumentativ ang tanong na ‘bakit?’ Bagaman nais nitong makapaglahad
ng damdamin, kailangan pa ring suportado ito ng katotohanan o facts.
Tekstong Humanidades
Kapag sinabing humanidades, tumatalakay ito sa disiplina sa pag-aaral na tumutukoy sa
mga sining na biswal kabilang ang mga pinta, awitin, arkitektura, dula, sayaw, o
anumang akdang pampanitikan. Sa madaling sabi, ang tekstong humanidades ay isang
uri ng teksto na tumatalakay sa opinyon, nadarama, adhikain, o pangamba ng isang tao
sa mga akdang nabanggit.
Tekstong Propesyonal
Ang uri naman ng tekstong ito ay isang komprehensibo at organisadong pagkakalahad
ng mga impormasyong isinulat ng isang may-akadang mayroong mahusay at sapat na
kaalaman tungkol sa isang paksa. Kumbaga, isang pagsasaliksik itong ginawa ng isang
tao mula sa isang larangan at inilimbag sa isang uri ng babasahin o dokumento. Hindi
maligoy at direkta ang paglalahad ng mga impormasyon sa tekstong propesyonal.
Layon lamang nitong magbigay ng isang konkretong pag-aaral at kaalaman tungkol sa
isang paksa at hindi ang bigyan ng aliw ang mga mababasa. Kilala rin ito bilang
tekstong akademiko.
Dechant (1991)
May dalawang uri ang kahulugan ng pagbasa:
1) Ito ay interpretasyon ng mga karanasan
2) Interpretasyon ng grapikong simbolo
Komprehensiyon
Kung ito ay narating, masasabing kompleto ang pagbasa
Weaver, C. (1980)
Ang matagumpay na pagbasa ay nakasalalay sa mismong /pagunawa sa proseso/ ng
pagbasa at nagpapahintulot na matuto ng /mahusay na istratehiya/ sa pagbasa.
Adams (1990)
Ang mahusay na pagbasa ay nakadepende sa /masusing pagkilala ng mga letra, salita
at kung paano binabaybay/ ang mga ito. Kapag ito'y nangyari, magiging pamilyar na
ang mga mambabasa sa pagkilala ng mga salita at magtutuloy-tuloy na ang /daloy/
mula sa pagkakasulat, pagkakalimbag hanggang sa pagbuo ng kahulugan.
Barr, Sadow, Blachowicz (1990)
Ang pagbasa ay isang /aktibong proseso/ kung saan ang mga mambabasa ay
nagkakaroon ng /interaksyon sa teksto/ upang magbuong muli ng mensahe ng awtor.
Maraming mga pananaliksik ang nagpapatunay na ang pagbasa ay nakadepende sa
dating alam ng tagabasa. Ang mga nakalimbag na simbolo ay nagpapahintulot sa utak
na magreflek sa mga alternatibo habang nakokonstrak ng mga natutunan.
Flesch (1955)
Ang pagbasa ay nangangahulugang pagkuha ng kahulugan mula sa /kombinasyon ng
mga letra/. Kung naituro sa bata kung ano ang tawag sa letra a paano it sinusulat at
binabasa, siya'y makakabasa.
Hank (1983)
Ang pagbasa bilang pag-unawa sa /kahulugan ng nakalimbag o nakasulat/ at
pagbibigay ng /interpretasyon/ dito. Pinaunlad ito nina Bond at Tinker (1967) at sinabing
ang pagbasa ay rekognisyon ng anumang nakasulat o nakalimbag na mga simbolo na
nagiging /stimuli/ upang maalala ang kahulugan ng mga nakalimbag na
kaalaman/karunungan mula sa karanasan ng mambabasa
Goodman (1973)
Ang pagbasa ay isang /psycholinguistic guessing game/ kung saan ang nagbabasa ay
muling bumubuo ng isang mensahe o kaisipan na hinahango sa tekstong binasa. Sa
ganito'y nagbibigay ang mambabasa ng sariling paghahaka, pagtataya, pagpapatunay,
pagrerevisa, o kaya'y ibayo pang pagpapakahulugan.
Coady (1979)
Para sa kanya, upang lubusang maunawaan ang teksto, kailangang maiugnay ng
tagabasa ang /dating alam/sa kanyang kakayahang bumuo ng mga
konsepto/kasanayan/kaisipan mula sa mga naiprosesong informasyon sa binasa.
James Lee Valentine (2000)
Ang pagbasa ang /pinakapagkain ng ating utak/ sapagkat ang anumang binasa o
kaalamang inilagak sa uak ang pinakapagkain nito.
Peterson, Simington (2000)
Ang pagbasa ay isang proseso; ito ay isang /istrategic/; ang pagbasa ay interaktibo; at
ang pagtuturo ng pagbasa ay nangangailangan ng orkestrasyon.
Villafuerte (2005)
Ang pagbasa ay /gintong susi/ na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at
kasiyahan. Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba't ibang
larangan ng buhay.
Villafuerte (2011)
Ang pagbasa ay isa sa mga /pangunahing kakayahan at disiplina/ na dapat na taglayin
ng kabataan hindi lamang para sa pag-aaral kundi maging sa pagpapaunlad ng
kanyang kakayahang pagsulat--akademik, pampamamahayag man o malikhain.
Bernales (2001)
Ang pagbasa ay /mahalagang papel/ na ginagampanan sa paghahasa ng talino at
isipan. Kailangan ang masidhi at malawakang pagbasa na siyang magbubukas ng daan
[sa] lahat ng karunungan at disiplina tulad ng agham panlipunan, siyensiya,
matematika, pilosopiya, sining, at iba pa.