KPWPK
KPWPK
KPWPK
BALANGKAS:
1. INTRODUKSYON: Pagbabahagi sa mga inaasahang kasanayang pampagkatuto.
2. PAGGANYAK: Word of the Lord. Panonood ng bidyu kaugnay sa mga konseptong pangwika
3. INSTRUKSYON: Gallery Walk. Pagtatalakay sa iba’t ibang mga Barayti ng Wika.
4. PAGSASANAY: KPK Tsart. Pagsusulat ng sariling kaalaman, pananaw at karanasan sa mga Barayti ng Wika.
5. PAGPAPAYAMAN: Pagbuo ng burador sa isasagawang mapanuring sanaysay
6. EBALWASYON: Pagsulat ng isang mapanuring sanaysay gamit ang pakikipanayam tungkol sa aspektong kultura o lingguwistiko ng napiling komunidad
1. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagbati sa Klase
- Pagtsek ng liban
- Pagpapaayos ng upuan
2. Ilalahad sa mga mag-aaral ang mga kasanayang pampagkatuto, layunin at pamantayang pagganap sa araling ito.
B. PAGGANYAK
1. Word of the Lourd. Magpapakita ng bidyung may kaugnayan sa mga sitwasyong pangwika.
- Ano-ano ang mga ipinakitang pangyayari o kaganapan sa bidyu?
- Narinig o naranasan mo na rin baa ang mga nakita sa bidyu? (Magbahagi sa klase)
- Ano kaya ang mahalagang mensahe na ipinaparating sa bidyu tungkol sa wika?
C. INSTRUKSYON
A C E
B D F
5. Pagkatapos ng itinakdang oras, kapag nakabalik na ang mga miyembro sa orihinal nilang pangkat ay ibabahagi nila ang kanilang mga natutuhan.
6. Sa isang malayang talakayan, magpapakita ang guro ng iba’t ibang bidyu na magpapakita ng iba’t ibang barayti ng wika. Tutukuyin ng mga mag-aaral kung anong barayti ito.
D. PAGSASANAY
Panuto: Magtatala ng tig- lilimang kaisipan kaugnay sa mga barayti ng wika ayon sa hinihingi ng tsart.
E. PAGPAPAYAMAN
Bumuo ng isang burador na magpapakita ng iyong kaalaman batay sa nalamang konseptong pangwika: Barayti ng Wika. Ang bubuuing balangkas ay kailangang magpakita ng kaangkupan sa
Nilalaman at pagsusuri upang maging gabay sa daloy ng isusulat na mapanuring sanaysay.
MARKA PAMANTAYAN
Nakagawa ng isang malinaw na sanaysay na may kaisahan. Batay ito sa isinisagawang panayam. Masusing
4 tinalakay ng sanaysay ang aspektong kultural at lungguwistiko ng napiling komunidad. Nagbigay rin ng mga
halimbawang nakapagpatunay at nagbigay-linaw sa inilahad
Nakagawa ng isang malinaw na sanaysay batay sa isinagawang panayam. Tinalakay ng sanaysay ang
3 aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad. Nagbigay rin ng halimbawang nakapagpatunay sa
inilahad.
Nakagawa ng isang sanaysay batay sa isinasagawang panayam. Hindi gaanong nakatalakay ng sanaysay ang
2 aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad. Nagbigay ng mga halimbawa ngunit hinfi
nakapagpatunay sa inilahad
Nakagawa ng isang sanaysay ngunit hindi ibinabatay sa isinasagawang panayam. Hindi gaanong natalakay ang
1
aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad.
F. EBALWASYON
Bilang isang manunulat sa isang kilalang pahayagan, sumulat ng isang sanaysay upang mahasa o madebelop ang kakayahan sa mapanuring pagsulat sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga
piling opisyal ng barangay sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad. Ilalathala ang nagawang sanaysay sa isang pahayagan, school paper, at sa mga blog.
*Gagabayan ng guro ang buong proseso ng pagsulat ng sanaysay tungkol sa mga barayti ng wika hanggang sa maisagawa ng mga mag-aaral ang isang mapanuring sanaysay sa pamamagitan ng
pakikipanayam sa mga piling opisyal ng barangay at magpapakita ng mahahalagang kaisipan ng wika ayon sa aspektong kultural o lingguwistiko batay sa napiling komunidad. Ibabahagi ito sa
pamamagitan ng E-post mo yan! Na Gawain.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
BALANGKAS:
1. INTRODUKSYON: Pagbabahagi sa mga inaasahang kasanayang pampagkatuto.
2. PAGGANYAK: Video Clip . Panonood ng isang Video Clip kaugnay sa mga iba’t ibang uri wika
3. PAGLALAHAD: Pagtatalakay
4. PAGSASANAY: Pagsagot sa mga tanong kaugnay sa iba’t ibang uri ng wika
5. PAGPAPAYAMAN: Pagpapaliwanag sa iba’t ibang uri ng wika at pagbibigay ng sariling halimbawa nito
6. EBALWASYON: Wika ni Pangulong Aquino III. Pagbibigay ng sariling pangunawa kaugnay sa pahayag ng Pangulo.
B. PAGGANYAK
C. PAGLALAHAD
1. Katuloy ng pagganyak – hayaang ibahagi ng mga magaaral ang kanilang mga sagot gawain kanilang katabi.
2. Tumawag ng ilang magaaral upang magbahagi sa buong klase ng kanilang sagot para sa bawat pahayag.
3. Bilang pagpapalalim ng diskusyon, tanungin ang mga sumusunod:
a. Nakakatulong ba sa iyo ang pagkakaroon ng maraming linguwahe? Oo o hindi? Ipaliwanag.
b. Bakit mahalaga sa bawat tao na payabungin ang wikang kinagisnan?
c. Kung sakasakaling mabibigyan ka ng pagkakataon na matuto ng ibang wika? ano ang mga ito? At ipaliwanag ang dahilan.
4. Pormal na pagpapakilala ng Monolingguwalismo , biligguwalismo, at Multilingguwalismo.
Monolingguwalismo : ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinagawang sa mga bansang England , Pransya, South Korea , Hapon at iba pa
kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon , sa sistemang monolingguwalismo ay may iisang wika
ring umiiral bilang wika ng komersyo , wika ng negosyo , at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay. Mahirap umiral sa Pilipinas ang
Monolingguwalismo dahil multingguwal ang gamit ng bansa.
Unang wika - Ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao . Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue , arterial na
wika , at kinakatawan din ng LI. Sa wikang ito pinakamataas o pinakamahusay na naipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya , kaisipan , at damdamin.
Pangalawang wika - Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon ng exposure sa wika halimbawa na lamang ay sa impluwensya ng magulang , kaibigan ,telebisyon ,
guro , kaklase at sa iba pang kanyang naririnig o nakikita ay maaring maka impluwensya sa kanya. Kadalasan ang mga magulang ay ma impluwensya ng ibang
diyalekto kagaya ng Ingles atbp.
Ikatlong wika - Sa pag-daan ng panahon ay marami na ang nakasalamuha ng mga bata sa pangkasalukuyang panahon . Dito ay hindi maiiwasan na makarinig ng iba’t
ibang uri ng wika at diyalekto. Ang wikang gamit ay Filipino kung saan nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong ating
ginagalawan. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3. Sa Pilipinas , kung saan may mahigit 150 wika at wikaing ang ginagamit sa boung bansa at
pangkaraniwan ang pagkakaroon ng ikatlong wika.
Billinguwalismo :
Ayon kay Leonard Bloomfield ( 1935) , isang amerikanong lingguwista ang Billingguwalismo , bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang
dalawang ito ay kanyang katutubong wika.ito ay maaaring matawag na Perpektong Billinguwal ay kinontra ng pagpapakahulugan ni John Macnamara. 1967, isa sa
Lingguwistang nagsabi na ang tao ay may sapat na kakyahan sa isa sa apatna makrong kasanayan.
Uriel Weinreich 1935 , linguesta sa Polish-American, na nagsasabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitanay matatawag na billinguwalismo at ang
taong gagamit ng mga wikang ito ay billinguwal.
May mga tanong sa ganitong pagpapakahulugan ni Weinrich dahil hindi nabanggit kung gaano ba dapat kadalas o kung gaano ba dapat kahusay ang isang tao sa
ikalawang wika upang maituring siyang billinguwal ( Cook at Singleton: 2014).
Matatawag na Billinguwal kung halos sa dalawang wika ang gamit ng isang tao. Balanced bilingual ang tawag ditto.
Sa pagkakaroon ng interaksyon ay nabubuo ang pagkatoto sa bagong wika.
Billingual sa wikang Panturo:
Artikulo 15 sek. 2 at 3 ng saligang batas 1937 na nagpapatunay na ang dalawang wika ay maaring gamiting panturo at wikang opisyal kahit saan man, sa pamahalaan
man ito o sa paaralan.
“ Ang batasang pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga’t hindi binabago
ang batas , ang Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng pilipinas.” Artikulo 15 sek. 2 at 3 ng saligang batas ng 1937.
Ayon kay Ponciano B. Pineda 2004, ang probisyon nito ng saligang batas ang naging basehan ng Surian ng wikang pambansa sa pagharap sa kalihim ng edukasyon at
kultura na ang kahilingan na ipatupad ang patakarang billinguwal instruction na pinagtibay ng board of national education bago pa umiral ang martial law.
Ang patakarang iyon ay ayon sa executive order no. 202 na bubuo ng presidential commission to survey Philippine education. Tungkol sa dapat maging katayuan ng
Pilipino at ang ingles bilang wikang panturo sa paaralan.
Niliagdaan ng SWP ay makasaysayang paglagda tungkol sa Billinguwal education sa bias ng resolusyon bilang 73-7 nagsasaad na ang medium of instruction ay ang
wikang Filipino at Ingles mula grade 1 hanggang makapasok sa kolehiyo.
Noong Hunyo 19, 1974 ay naglabas ng isang panuntunan o guidelines ng pagpapatupad ng wikang pambansa sa bias ng department order no. 25, s, 1974.
- Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag ng wikang Filipino at Inlges.
- Ang paghihiwalay sa dalawang wika bilang panturo sa iba’t ibang asignatura.
Multilinguwalismo :
Ang Pilipinas ay Multilinguwal dahil mayroon tayong 150 na wika at bihira lang ang monolinguwal sa bansa.
Karamihan sa mga nakatira sa labas ng katagalugan ay nakakapagsalita ng iba’t ibang lingguwahe, dahil ditto ay ipinatupad ang kt12 na naglalayong mapag-aralan ang
mother tongue na itinuturo sa grade 1 hanggang 3.
Pamantayan sa pagpapatupad nito ay ang DO 16, s. 2012 na kilala rin bilang guidelines of the implementation of the mother tongue. 2013 at 2014.
Napatunayan ni Ducher at tucker ( 1997) napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng pag-aaral dahil itoy bilang isang
matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika.
Nagtalaga ang DepEd ng pangunahing lingua franca at apat na iba pang wikain sa bansa nagagamitin sa pagtuturo sa magkahiwalay na asignatura.
May walong wika at mayroon ding pitong wika ang nagamit sa MLE kaya’t naging labinsiyam ang wikang ginagamit sa pagtuturo.
Magandang hakbang ang pagkakaroon nito sa asignatura kung saan mayroon positibong dala sa lipunan dahil ang pilipinas ay Heograpiyang pinaghiwalay-hiwalay ng
mga pulo sapagkat mapapalakas nito ang mga mag-aaral sa pagkatuto ng kanilang unang wika.
Ito ang tulay upang mapatibay ng ating wikang pambansa.
Wika ni Pangulong Aquino III , “ We ahould become tri-lingual as country . learn English well and connect to the world . Learn Filipino well and connect to our
country . retain your dialect and connect to your heritage.
D. PAGSASANAY
Pag-usapan natin!
Panuto : sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang monolingguwalismo? Ang billinguwalismo?ang multilingguwalismo? Sa paanong paraan nagkakaiba ang mga ito?
2. Bakit kaya sinasabing mahirap maging monolingual ang isang bansang katulad ng Pilipinas? Anong katangian mayroon an gating bansa na hindi magiging
angkp para sa sistemang monolingguwal?
E. PAGPAPAYAMAN
F. EBALWASYON
Panuto : Ipaliwanag ang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III batay sa iyong naunawaan. 15 puntos.
Wika ni Pangulong Aquino III , “ We ahould become tri-lingual as country . learn English well and connect to the world . Learn Filipino well and connect to our country
. retain your dialect and connect to your heritage.”
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
BALANGKAS:
1. INTRODUKSYON: Isang araw, isang salita (5 minuto)
2. PAGGANYAK: Pagbasa ng mga pahayag (10 minuto)
3. INSTRUKSYON: Pagpapakilala ng 6 na Gamit ng Wika (25 minuto)
4. PAGSASANAY: Panunuod ng mga piling palitan sa isang pelikula ( 10 minuto)
5. PAGPAPAYAMAN: Pagkilatis sa gamit ng Wika A) Social Media B) Balitang Pantelebisyon (sa labas ng klase)
6. EBALWASYON: Pagbibigay ng sariling halimbawa ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan (10 minuto)
B. PAGGANYAK
1. Ipabasa ang mga sumusunod na pahayag sa mga magaaral.
a. “Uuuy pare! Longtimenosee. Maligayang kaarawan!”
b. “Bumangon ka na at mamalengke. Bumili ka ng buhay na manok para sa salusalo mamaya.”
c. Paano magparehistro bilang botante para sa mga 1st time voters?
Siguraduhing mayroon kang sapat na kwalipikasyon bago magparehistro (Pilipino, 18 taon gulang o higit pa, kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas ng isang taon o
higit pa bago ang araw ng eleksyon at naninirahan ng hindi bababa ng anim na buwan sa bayan o siyudad kung saan siya boboto sa araw ng halalan)
Pumunta sa Lokal na COMELEC na malapit sa inyong lugar. Magdala ng 2 valid ID. Sagutan at ipasa ang application form (CEF1A) Pagdaanan ang proseso ng validation
o
ang pagkuha ng biometrics data (litrato, pirma, at finger prints. Itago ang ibibigay ng registration stub.
d. “Ang sa akin lang, hindi ako komportable na nagpopost ng litrato sa internet gamit ang aking social media accounts tulad ng facebook at Instagram.”
e. “Anu anong element ang matatagpuan sa planetang Mars? Sapat ba ito para suportahan ang buhay ng halaman?”
f. “Kamakailan, inilunsad ng pamahalaan ang P2P Bus System o Point to Point System na may ruta mula sa SM North Edsa Quezon City- Glorietta, Makati City sa
Kamaynilaan. Naglalayon itong maibsan ang matinding trapiko sa EDSA. Ang P2P bus system ay nagsasakay at nagbaba lamang sa isang napiling bus stop.”
2. Ibigay at pasagutan ang sumusunod na palaisipan tungkol sa mga nabasang pahayag. Ipasulat ang kanilang kuwaderno:
a. Saang lugar maaring marinig ang mga pahayag na inyong binasa?
b. Sinu sino ang maaaring nagsasalita at maaaring kinakausap sa mga pahayag na inyong binasa?
c. Sa anong sitwasyon maaaring maganap ang mga pahayag na inyong binasa?
3. Banggitin na ang talakayan ngayon ay tungkol sa iba’t ibang gamit ng wika sa Lipunan.
C. INSTRUKSYON
Rehistro ng Wika
Natalakay na ito sa nakaraang klase.
Pakikilahok ng mga mag aaral
Hikiyating makilahok ang bawat mag aaral. Kung sakaling nagkakahiyaan pa ang mga mag aaral, gamitin ang stratehiyang “ThinkPairShare” bago tumawag ng magbabahagi ng
sagot sa buong klase.
1. Katuloy ng pagganyak – hayaang ibahagi ng mga mag aaral ang kanilang mga sagot sa gawaing kanilang katabi.
2. Tumawag ng ilang mag aaral upang magbahagi sa buong klase ng kanilang sagot para sa bawat pahayag.
3. Bilang pagpapalalim ng diskusyon, tanungin ang mga sumusunod:
a. Anu ano ang inyong napansin tungkol sa Wika sa mga iba’t ibang pahayag? Tuwing kalian natin ginagamit ang wika? Sinu-sino ang gumagamit ng wika?
Mga puntong nais bigyang diin:
- Ang wika ay lagi nating ginagamit, sa lahat ng aspeto ng ating buhay.
- May iba’t ibang rehistro ang wika depende sa sitwasyon at gamit.
4. Balikan muli ang mga pahayag na ginamit sa pagganyak. Tanungin sa mga mag aaral kung ano sa tingin nila ang layunin ng tagapagsalita sa bawat pahayag? Ano ang nais
mangyari ng tagapagsalita?
6. Ipaliwanag kung ano ang gamit ng wika sa bawat pahayag na ginamit sa pagganyak.
b. Ikalawang Pahayag: “Bumangon ka na at mamalengke. Bumili ka ng buhay na manok para sa salusalo mamaya.”
Tamang sagot (Layunin): instrumental, ginagamit ang wika para may mangyari o maganap ang bagay bagay
Paliwanag: Ang pahayag ay isang utos … “bumangon ka na.. bumili ka ng..” Ang wika ay ginamit para utusan ang kausap na bumili ng manok para sa salusalo
mamaya.
c. Ikatlong Pahayag: Paano magparehistro bilang botante para sa mga 1 st Time Voters? Siguraduhing mayroon kang sapat na kwalipikasyon bago magparehistro (Pilipino,
18 taon gulang o higit pa, kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas ng isang taon o higit pa bago ang araw ng eleksyon at naninirahan ng hindi bababa ng anim na buwan
sa bayan o siyudad kung saan siya boboto sa araw ng halalan)
d. Ikaapat na Pahayag: “Ang sa akin lang, hindi ako komportable na nagpopost ng litrato sa internet gamit ang aking social media accounts tulad ng facebook at
Instagram.”
e. Ikaanim na Pahayag: “Anu anong element ang matatagpuan sa planetang Mars? Sapat ba ito para suportahan ang buhay ng halaman?”
Tamang sagot (Layunin): heuristiko, naghahanap ng mga impormasyon o datos na magpapayaman ng kaalaman
Paliwanag: Ang pahayag ay isang tanong. Ito ay maaaring magsimula ng isang pananaliksik upang mapalago pa ang kaalaman tungkol sa planetang Mars.
f. Ikapitong Pahayag: “Kamakailan, inilunsad ng pamahalaan ang P2P Bus System o Point to Point System na may ruta mula sa SM North Edsa Quezon City- Glorietta,
Makati City sa Kamaynilaan. Naglalayon itong maibsan ang matinding trapiko sa EDSA. Ang P2P bus system ay nagsasakay at nagbaba lamang sa isang napiling bus
stop.”
Tamang sagot (Layunin): Representasyunal, nagpaparating ng mga kaalaman sa daigdig, paguulat ng mga pangyayari
Paliwanag: Ang pahayag ay isang patungkol sa bagong bus sytem na inilunsad sa Kamaynilaan. Ginamit ang wika upang magbigay ng impormasyon.
D. PAGSASANAY
E. PAGPAPAYAMAN
Papiliin ang mga mag-aaral sa mga sumusunod na pagpapayaman:
F. EBALWASYON
1. Sa loob ng 10 minuto, magisip at magbigay ng tigigisang halimbawa para sa 6 na gamit ng wika sa lipunan. Isulat ang mga sagot sa papel.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
BALANGKAS:
1. INTRODUKSYON: Pagbabahagi sa mga inaasahang kasanayang pampagkatuto.
2. PAGGANYAK: Sumangguni sa mga sumusunod na link hinggil sa kasaysayan at kasalukuyang kalagayan ng Wikang Pambansa
3. PAGLALAHAD: Pagtatalakay sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa at ang pag unlad nito
4. PAGSASANAY: Pagbuo ng isang timeline kaugnay sa kasaysayan ng wikang Pambansa
5. PAGPAPAYAMAN: Pagbuo o pagsulat ng sariling posisyong papel
6. EBALWASYON: Paggawa ng isang pananaliksik pangkultura hinggil sa anumang makabuluhang paksa na nais saliksikin
B. PAGGANYAK
Ang mga mag- aaral ay aasahang sasagot sa mga katanungan hinggil sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa pagkatapos nilang Makita ang video na ipapakita ng
GAWAIN 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong hinggil sa kasaysayan ng Wikang Pambansa.
_______1. Ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.
_______2. Ang tawag sa komisyong nararapat itatag ng kongreso na magsasagawa ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad ng Filipino at iba pang mga rehiyunal na wika sa
bansa.
_______3. Ang wikang batayan ng wikang pambansa.
_______4. Probisyon sa Konstitusyong 1987 na nagtatakda sa wikang Filipino bilang wikang pambansa.
_______5. Ito ang ginamit na wika noong Panahon ng Propaganda.
_______6. Ilang letra ang mayroon sa alpabetong Romano na ipinalit ng mga Espanyol sa Baybayin?
_______7. Ang kautusang militar na nagtatakda sa Tagalog at wikang Hapon bilang mga opisyal na wika ng Pilipinas.
_______8. Petsa kung kailan ipinroklama ang Tagalog bilang wikang pambansa.
_______9. Petsa kung naging Pilipino ang pangalan ang ating wikang pambansa.
______10. Ang kalihim ng Edukasyon, Kultura, at Palakasan na nagpalabas ng kautusang pangkagawaran na tumutukoy sa sa paggamit ng katagang “Filipino” sa pagtukoy sa
wikang pambansa.
C. INSTRUKSYON
Tatalakayin ng guro ang kasaysayan ng wikang pambansa gamit ang mga sumusunod bilang gabay:
1. Ano ang naging batayang wika ng ating wikang pambansa?
2. Isa-isahin ang mga argumento ng mga eksperto kung bakit natukoy na ito ang nakatutugon sa pangangailangan ng isang wikang pambansa.
3. Ano-anong batas simula noong 1935 hanggang sa kasalukuyan ang nagtataguyod sa wikang pambansa?
4. Tukuyin ang mahahalagang yugto ng kasaysayan na may kinalaman sa wikang pambansa.
5. Ipaliwanag ang kasalukuyang kalagayan ng wikang pambansa.
D. PAGSASANAY
GAWAIN 2.
Bumuo ng isang grupong may 3 miyembro, at sa isang manila paper/cartolina, itala ang kasaysayan ng wikang pambansa sa anyo ng isang timeline.
E. PAGPAPAYAMAN
GAWAIN 3.
Bumuo ng grupo na may 2-3 miyembro. Gamit ang natutuhan mula sa pagtalakay ng kasaysayan ng wikang pambansa, sumulat ng isang posisyong papel bilang
pagsuporta
sa adhikain ng Komisyon ng Wikang Filipino o KWF na itaguyod ang wikang Filipino.
Sumangguni sa sumusunod na link sa pagsulat nito. (http://www.studygs.net/wrtstr9.htm)
F. EBALWASYON
Bumuo ng pangkat at tiyakin na ang bawat pangkat ay binubuo ng 5-7 na mag-aaral. Gámit ang mga natutuhan sa buong semestre, magsagawa ng isang pananaliksik-
pangkultura hinggil sa anumang makabuluhang paksa na inyong nais saliksikin. Ang inyong pananaliksik ay dapat na naglalaman ng makabuluhang datos at pagsusuri
kaugnay ng mga mahahalagang elemento ng kulturang Pilipino (tradisyonal man o kontemporaryo), at mula 20 – 50 pahina, doble-espasyo sa short bond paper, Arial
font. Bukod sa awtput ng pangkat, ang bawat mag-aaral ay inaasahang magsusumite rin ng isang kritikal na sanaysay na nagbubuod sa pananaliksik na isinagawa ng
kanilang pangkat.