2nd Summative Exam Filipno

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

II. Identipikasyon. Isulat ang tamang sagot sa hiwalay na papel.

( 1 puntos bawat isa)


__________1. Ito ang pinakatesis o pokus ng pag – aaral o paksa. Sa bahaging ito nililinaw ang nais patunayan
sa pamamagitan ng paksang pangungusap o tesis na pangungusap.
__________2. ito ang huling bahagi ng teksto na isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod, pagrebyu ng mga
tinalakay, paghahawig (paraphrase), o kaya’y paghamon, pagmungkahi o resolusyon.
__________3. sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga talata. Mahalaga rito ang tuloy – tuloy,
organisado, maayos, at makinis na daloy ng ideya
__________4. Ito galing sa salitang Griyego na ethos na may kahulugang “karakter”.
__________5. Ito ay mula sa salitang ugat na ethicos, na nangangahulugang “moral
__________6. Ito ay karaniwang pagpapaunlad o paghamon ito sa konsepto o katuwiran
__________7. Impersonal ito, hindi parang nakikipag – usap lang. Hindi rin ito emosyonal.
__________8. Pananaliksik at kaalamang masusing sinuri upang patunayan ang batayan ng katuwiran dito.
__________9. ito ang piniling ideya o kaisipan na gustong patunayan ng sumulat
__________10. nagbibigay ng bagong perpektiba o solusyon sa umiiral na problema
__________11. Kritikal, mapanuri, at may kaalaman din sa paksa kaya naman mga akademiko o propesyunal
ang target nito.
__________12. Ito ay tumutugon sa mahahalagang tanong ng moralidad, konsepto ng tama at mali, mabuti at
masama, pagpapahalaga at pagbabalewala, pagtanggap at di pagtanggap ng lipunan na siyang nagtatakda ng
mga batayan sa mga ito.
__________13. Ito ay mga istandard o batayan - mga ideyal ay gawi at institusyon gaya simbahan, pamilya,
paaralan at negosyo.
__________14. Republic act No. 8293ang mga karapatan at obligasyon ng mga may akda.
__________15. Ito ay maling paggamit “ pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lenggwahe at pahayag” ng
ibang tao sa layuning angkinin ito o magmukhang sa kanya.

II. Pag – iisa – isa

a. Estruktura ng Mapanuring Pagsulat (3)


b. Pagpapahalagang Pilipino (5)

Ang Kuwago at ang Tariktik

Noong sinaunang panahon, may isang tariktik na naninirahan sa liblib na gubat.


Nakahapon ang tariktik sa puno at dito siya natutulog buong gabi. Dito rin siya
gumagawa buong araw.

Nakatira naman sa kalapit na puno ang isang kuwago na nakamihasnan na ang


gumawa buong gabi at matulog naman buong araw.

Napakasipag ng tariktik at napakaingay din kaya’t laging nagigising ang kuwago.


Palibhasa, ang tariktik ay tumutuka sa kahoy at gumagawa ng tuluy-tuloy na ingay.

“Hoy! Oo, ikaw nga!” singhal ng kuwago. “Aber, sabihin mo nga sa akin
kung paano ako makatutulog sa ingay mo?”

“Pag-aari ko ang punong ito,” pagmamalaki ng tariktik, “at gagawin ko kung


ano ang gusto kong gawin sa punong ito.”

Nangatal sa galit ang kuwago. Umalingawngaw sa buong kagubatan ang kanyang huni
at tili kaya’t nagsidatingan ang iba pang hayop upang tingnan kung ano ang nangyari.

“Sige, ituloy mo ang ginagawa mo, Bunying Tariktik,” ik-ik ng daga.


“Lagi kaming tinatakot at hinahabol ng kuwagong ‘yan.”

1
“Tumigil ka,” saway ng Oso sa daga. “Tariktik, puwede mo naman
sigurong pagbigyan ang kuwago. Ayaw namin ng gulo rito.”

Sa galit ng kuwago, pinaghahabol niya ang iba pang maliliit na hayop na


nagsipagkaripas ng takbo. “Hambog!” sigaw nila sa kuwago nang nakalayo na sila.

Tinanong ngayon ng kuwago ang malalaking hayop kung ano ang kanyang
gagawin ngunit umiling silang lahat. Anila, “Hindi talaga namin alam. Ikaw itong
matalino. Siguro, maghanap ka na lang ng malilipatang ibang puno.”

“Bakit ko gagawin ‘yun?” pagtataray ng kuwago. “Gusto ko rito.


Ang tariktik na ‘yan ang dapat umalis.”
Ngunit hindi matinag ang tariktik. Sa bawat araw naman na dumaan, ang ingay
ng kanyang pagtuka ang dahilan ng pananatiling gising ng kuwago. At sa bawat araw
na dumaan lalong naging mainitin ang ulo ng kuwago. Naging masyado siyang
masungit at bastos kaya’t napagpasyahan ng ibang mga hayop na umaksyon na.
Kaya’t nagmiting sila.
“Dapat ay mayroon tayong gawin,” sabi ni Badger. “Nauna si Tariktik
dito, kaya’t kailangan umalis si Kuwago.
“Ngunit sinabi niyang hindi niya iiwan ang punong ito,” tugon ng usa.
“Kung ganoon, kinakailangang itulak natin pababa ang puno nang sa gayon
ay kailangan niyang umalis,” sabi ng matalinong fox.
Nang gabing iyon, habang nangangalap ng pagkain ang kuwago, pinilit
nilang itulak pababa ang puno. Ngunit gaano man kalakas ang tulak at ihip at
hingal nila, hindi nila matinag ang puno kahit gaano kaunti. Kaya’t pinabayaan na
lang nila ang puno at sila ay umuwi na.
Pagkaraan ng ilang oras, dalawang estranghero ang pumunta sa gubat. Sila ay
isang pares ng beaver, at nakatuwaan nila ang puno ni kuwago. Sinimulan nilang
ngatngatin ang ilalim ng puno.
Araw-araw nilang nginangatngat ang puno hanggang sa parang tatagos na
hanggang sa kabila ang butas na ginawa nila.
Tapos, isang araw, may isang malakas na bagyong yumanig sa gubat.
Umugong ang hangin sa pagitan ng mga puno. Dahil sa lakas ng hangin, itinigil ng
tariktik ang pagtuka, at minsan sa matagal na panahon, nakatulog nang maluwalhati
ang kuwago. Nagsimulang umingit at mabali at dumaing ang puno ng kuwago
habang lalong lumalakas at nangangalit ang hangin, ngunit ang pagod na kuwago ay
patuloy na nahimbing.
Walang anu-ano ay nakita ng Tariktik ang puno ni Kuwago na umugoy at
nahulog. Agad-agad siyang lumipad sa gitna ng bagyo at tumuka malapit sa tainga ni
Kuwago upang gisingin ito. Galit na nagising ang kuwago dahil narinig niya ang
tariktik na tumutuka sa kanyang puno, ngunit nang mapaghulo niyang ang kanyang
puno ay bumabagsak na kaagad na nawala ang galit niya. Magkasama nilang tinahak
ang papunta sa ligtas na lugar habang bumabagsak sa lupa ang puno.

2
Unti-unting nawala ang bagyo. Pinasalamatan ng kuwago ang tariktik dahil sa pagliligtas
nito sa kanya. Ngayon ay masaya siya’t kapitbahay niya ang tariktik.

Ngayon ay balikan mo ang iyong modyul at sagutin ang katanungan doon.

Balangkas ng Kwento

Pamagat: _______________________________________________________
Tagpuan:
Kailan? _____________________________________________________
Saan? _______________________________________________________
Mahahalagang Tauhan: ______________________________________________
Banghay:
Pambungad na Tagpo: ___________________________________________

Panloob na Tugon: _____________________________________________

Mga Pagtatangka: ______________________________________________

Resulta: _____________________________________________________

Reaksyon: ___________________________________________________

Isulat ang buod ng kwento sa sarili mong mga salita:


Nangyari ang kwento sa __________________________________________

You might also like