Just Read It!!!

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Senior High School

Baitang 12

Filipino

MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG


(Akademik)
Unang Kwarter-Ikalawang Linggo-Aralin 3

Anyo, Gamit, Layunin,


at Katangian ng Akademikong Sulatin

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi:
Baitang Nakikilala
12 - Filipino ang
sa Piling iba’t(Akademik)
Larang ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) layunin,
Kompetensi: Nakikilala
(b) gamit, (c) ang
anyo, at iba’t
(d) ibang akademikong
katangian
1
sulatin ayon sa at nakapagsasagawa
CS_FA11/12PN-0a-c-90
layunin, gamit, anyo
ng panimulang at katangiankaugnay
pananaliksik CS_FA11/12PN-0a-c-90;
sa kahulugan,atkalikasan, at katangian ng
nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan,
iba’t ibang anyo ng sulating akademiko CS_FA11/12EP-0a-c-39.
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.
Filipino - Baitang 12
Modyul sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Anyo, Gamit, Layunin, at Katangian ng Akademikong Sulatin
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng


mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Filipino


Writers: Jane Bryl H. Montialbucio, Joeven A. Baludio, Lalaine D. Somosierra
Shannon Khey A. Amoyan, Mary Cris B. Puertas

Illustrators: Roel S. Palmaira, Neil Anthony A. Alonday

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor


Jane Bryl H. Montialbucio

Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan


Armand Glenn S. Lapor, Rene B. Cordon
JV O. Magbanua

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) layunin,
Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa 2
(b) gamit, (c) anyo, at (d) katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90 at nakapagsasagawa
layunin, gamit, anyo at katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90; at
ngnakapagsasagawa
panimulang pananaliksik
ng panimulangkaugnay sa kahulugan,
pananaliksik kaugnay kalikasan, at katangian ng
sa kahulugan,
iba’t ibangat
kalikasan, anyo ng sulating
katangian ng iba’takademiko
ibang anyo CS_FA11/12EP-0a-c-39.
ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang
(Akademik), Baitang 12.

Ang Modyul sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri


ng mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to 12.

Layunin ng Modyul sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang Modyul sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-
aralan ang nakaaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at
unawain upang masundan ang mga panuto.

Hiniling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulay sa hiwalay na


papel.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) layunin,
Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa 3
(b)layunin,
gamit,gamit,
(c) anyo at (d) katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90 at nakapagsasagawa
anyo at katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90; at
ngnakapagsasagawa
panimulang pananaliksik
ng panimulangkaugnay sa kahulugan,
pananaliksik kaugnay kalikasan, at katangian ng
sa kahulugan,
iba’t ibang at
kalikasan, anyo ng sulating
katangian ng iba’takademiko
ibang anyoCS_FA11/12EP-0a-c-39.
ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.
Anyo, Gamit, Layunin, at Katangian ng
Akademikong Sulatin

Kumusta?
Napakahalagang malinang ang mga makrong kasanayan – ang pagkikinig,
pagbabasa, pagsasalita, at pagsulat. Subalit kinakailangang mas mapagtibay ang
kasanayan sa pagsulat sapagkat hindi tayo makapagpapanggap sa kasanayang ito.
Sa pamamagitan ng pagsulat, malalaman ang laman ng iyong isip, mga nilulunggati
gayundin ang mga nararamdaman. Wala kang maililihim…walang maitatago!
Palawakin pa natin ang iyong nalalaman hinggil sa akademikong sulatin.
Ngayon ay matututuhan mo ang iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin. Nilalayong
matamo ng araling ito ang mga layuning:
 nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa layunin,
gamit, anyo, at katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90; at
 nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.

TUKLASIN NATIN!
Ang akademikong sulatin ay iba-ibang sulatin na ginagawa gamit ang
intelektwal na isip na may kanya-kanya ring gamit. Ito ay may layuning mapalawak
ang kaalaman hinggil sa iba-ibang larangan at paksa. Bilang panimula mong gawain,
mag-ugnay ng mga salita sa mga salitang nakapaloob sa kahon

TALUMPATI

BIONOTE

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa 4
layunin, gamit, anyo at katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90; at
nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.
ABSTRAK

KATITIKAN
NG PULONG

Ngayong natapos mo na ang panimulang gawain ay sagutin muna ang mga


katanungan sa panimulang pagtataya batay sa dati mong kaalaman. Tukuyin kung
ang mga pahayag ay nagsasaad ng katotohanan o maling ideya. Isulat ang tsek (√)
kung tama ang pahayag at (x) kung mali.

_____1. Ang abstrak ay kailangang makatotohanan at organisado ayon sa


pagkakasunod-sunod.

_____2. Ginagamit ang sintesis upang maghatid ng mensahe o impormasyon ukol


sa gaganaping pulong o pangyayari.

_____3. Ang listahan ng mga magiging paksa sa isang pagpupulong ay tinatawag


memorandum.

_____4. Ang isang agenda nararapat na organisado para sa maayos na daloy ng


pagpupulong.
_____5. Ang posisyong papel ay ang tala o rekord pagdodokumento ng mga
mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
_____6. Isang sulatin na nakatutok sa isang tema kung saan mas maraming
larawan kaysa sa salita ang replektibong sanaysay.

Panuto: Suriin nang mabuti ang teksto at sagutin ang mga katanungan hinggil dito.

Ipinapataw ng gobyerno ng Pilipinas ang General Education Curriculum


(GEC) alinsunod sa programang K to 12, at sa pamamagitan ng kontrobersyal na
Commission on Higher Education /CHED Memorandum Order (CMO) No. 2,
Series of 2013. Bunsod ng nasabing CMO, burado na ang espasyo ng wika at
panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, ngunit dahil sa kolektibong protesta
ng mga grupong makabayan sa bansa, nagsagawa ng konsultasyon ang CHED
hinggil sa posibilidad na magkakaroon pa rin ng asignaturang Filipino sa kolehiyo
at puspusang gamitin bilang wikang Filipino. Layunin ng papel na ito na ilahad

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa 5
layunin, gamit, anyo at katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90; at
nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.
ang pagsulong at pagbura sa mga tagumpay ng wika ng panitikang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo mula 1996 hanggang 2014. Saklaw nito ang pagbabalik–
tanaw sa mga polisiya noong panahong kolonyal bilang batayan ng malalim na
pagsusuri sa mga kaugnay na kontemporaryong polisiya sa panahong
neokolonyal. Sa pangkalahatan, ang papel na ito’y manipesto rin sa paggigiit ng
espasyo para sa wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, lagpas pa
sa kapit sa patalim na pag-iral nito sa panahong neokolonyal na walang ipinag-
iba-iba sa karimlang tinatanglawan ng sulong aandap-andap man ay hindi naman
namamatay.

Kagawaran ng Edukasyon.(2016). Filipino sa Piling Larang-Akademik, Patnubay ng Guro.

1. Ano ang paksa ng teksto?

2. Ano ang layunin ng akademikong sulatin na iyong binasa?

3. Ano-anong katangian ng akademikong sulatin ang nangibabaw sa teksto?

Matutulungan kang maintindihan ang mahahalagang konsepto na maaari


mong magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung pag-aaralan mong mabuti
ang modyul na ito, malalaman mo ang mga sagot sa lahat ng pagsusuri,
pagsasanay at marami pang iba. Handa ka na ba?
Maaari ka nang magsimula sa Aralin 3.

LINANGIN NATIN!
Naging mahirap ba ang pagsubok? Huwag kang mag-alala at tutugunan natin
sa pamamagitan ng mga konsepto ng aralin na kinakailangan mo pang matutuhan.
Bago iyon ay basahin muna natin ang teksto at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Akademikong Sulatin
 Iba-ibang sulatin na ginagawa gamit ang intelektwal na isip.
 Layuning mapalawak ang kaalaman hinggil sa iba-ibang larangan at paksa.
 Mahalaga ito sapagkat ito ay magagamit sa trabahong papasukin sa hinaharap.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa 6
layunin, gamit, anyo at katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90; at
nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.
Basahin at Suriin Natin!

Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Pagsulat

Akademikong Layunin at Gamit Katangian


Sulatin
Ito ay ginagamit sa Ito ay kailangang
pagbubuod ng mga makatotohanan at
Abstrak akademikong papel tulad organisado ayon sa
ng tesis, papel siyentiko, pagkakasunod-sunod.
teknikal, lektyur at report.
Ito ay ginagamit sa Ito ay nararapat na
pagbubuod ng tekstong maliwanag at organisado
Sintesis naratibo tulad ng maikling ayon sa pagkakasunod-
kwento. sunod ng pangyayari sa
kwento.
Ito ay ginagamit sa
pagbubuod ng personal Makatotohanan ang
Bionote profile partikular na ang impormasyon.
academic career.
Ito ay ginagamit upang
maghatid ng mensahe o Ito ay dapat organisado at
Memorandum impormasyon ukol sa makatotohanan.
gaganaping pulong o
pangyayari.
Ito ay listahan ng mga Ito ay nararapat na
Agenda magiging paksa sa isang organisado para sa maayos
pagpupulong na daloy ng pagpupulong.
Ito ay proposal na
naglalayong Ito ay dapat na simple klaro
Panukalang makapagmungkahi ng ang datos at
Proyekto proyektong maaaring nakapanghihikayat.
makaresolba ng suliranin o
problema.
Ito ay isang sulating
nagpapaliwanag ng isang
Talumpati paksang naglalayong Ito ay obhetibo at maayos
manghikayat, tumugod, ang daloy ng ideya.
mangatwiran at magbigay
ng kabatiran o kaalaman.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa 7
layunin, gamit, anyo at katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90; at
nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.
Ito ay ang tala o rekord o Ito ay dapat na organisado
pagdodokumento ng mga ayon sa pagkakasunod-
Katitikan ng Pulong mahahalagang puntong sunod ng mga puntong
nailahad sa isang napag-usapan at
pagpupulong. makatotohanan.
Ito ay naglalayong Ito ay nararapat na maging
maipaglaban kung ano ang pormal at organisado ang
Posisyong Papel tama. Ito ay nagtatakwil ng pagkakasunod-sunod ng
kamalian na hindi tanggap ideya.
ng karamihan.
Ito ay uri ng sanaysay kung
saan nagbabalik tanaw ang Ito ay kalimitang personal at
Replektibong manunulat at nagrereplek. nasa anyong tuluyan.
Sanaysay Nangangailangan ito ng
reaksiyon at opinyon ng
manunulat.
Ito ay isang sulatin na
Pictorial Essay nakatutok sa isang tema Ito ay kadalasang personal,
kung saan mas maraming simple, at epektibo.
larawan kaysa sa salita.
Ito ay isang sanysay na
hindi lamang tungkol sa Ito ay personal at kalimitang
paglalakbay kundi ito ay nakapang-aakit ng
Lakbay Sanaysay maaari ring tungkol sa mambabasa.
natuklasan o nalaman ng
manunulat ukol sa lugar na
napuntahan.

Nalaman mo na ba ang mga importanteng konsepto hinggil sa akademikong


pagsulat?
Mahalagang matiyak natin ang iyong mga natutunan mula sa binasa sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain sa ibaba.

1. Para sa iyo, ano ang akademikong pagsulat?

2. Alin sa mga anyo ng sulatin ang nasubukan mo nang gawin noong ikaw ay nasa
ikalabing-isang baitang?

3. Sa iyong palagay, mawiwili ka ba sa pagsulat ng iba’t ibang anyo ng akademikong


sulatin?

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa 8
layunin, gamit, anyo at katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90; at
nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.
PAGYAMANIN NATIN!

Ngayong alam mo na ang mga konseptong kinakailangan hinggil sa


akademikong pagsulat, panahon na upang mapagyaman at mapalawak ang iyong
nalalaman sa pamamagitan ng mga gawain sa ibaba. Handa ka na ba?

Gawain 1
Panuto: Magsagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at
katangian ng napiling tatlong uri ng akademikong sulatin sa tulong ng
inihandang graphic organizer.

Uri ng Akademikong Sulatin

Nasaliksik

Katangian:

Katangian:

Sanggunian:

Uri ng Akademikong Sulatin

Nasaliksik

Katangian:

Katangian:

Sanggunian:

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa 9
layunin, gamit, anyo at katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90; at
nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.
Uri ng Akademikong Sulatin

Nasaliksik

Katangian:

Katangian:

Sanggunian:

Gawain 2
Sa gawaing ito ay magsasagawa ka ng pagsusuri sa kahulugan at kalikasan
ng iba’t ibang uri ng sulating iyong nasaliksik para sa araling ito. Ang gagawin mong
pagsusuri ay isang paghahanda para sa sulating iyong bubuuin na nakabatay sa
pananaliksik para sa kabuuang pangangailangan ng asignaturang ito.
Isulat sa ibaba ang mga pagsusuring gagawin kasama ang mga
impormasyong nasaliksik sa Gawain 1.
Sundin ang balangkas at pamantayan para sa gagawing pananaliksik.

Iba’t Ibang Uri ng Sulatin

A. Mga kahulugan ng pagsulat


B. Mga uring sulatin
C. Kahulugan ng bawat uri ng sulatin
D. Kalikasan ng bawat uri ng sulatin
E. Sanggunian

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa 10
layunin, gamit, anyo at katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90; at
nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.
Rubrik sa Pagmamarka

16-20 11-15 6-10 1-5

Siksik ang Kompleto ang Taglay ang ilang Ang pagsusuri ay


pagsusuring pagsusuring bahagi ng maraming
isinagawa batay batay sa pagsusuring kakulangan at hindi
sa balangkas na balangkas na isinasagawa nakasunod sa
sinundan sinundan batay sa pinagbatayang
balangkas na balangkas
sinundan

TAYAHIN NATIN!
Binabati kita sapagkat natapos mo ang mga gawain! Upang tayahin ang
iyong nalalaman hinggil sa araling natalakay, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na akademikong sulatin. Isulat ang sagot
bago ang bilang.

____________1. Naglalayong mabigyan ng resolba ang problema o suliranin.


____________2. Layunin nitong mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
____________3. Mas marami ang teksto kaysa sa larawan sa uring ito.

____________4. Isang replektib na karanasang personal sa buhay o sa mga


binabasa

____________5. Organisado at makabuluhang pagpapahayag sa litrato na may 3-5


pangungusap.

____________6. Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan.

____________7. Ito ay tala ng mga mahalagang puntong nailahad sa isang


pagpupulong.

____________8. Isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong


manghikayat, at magbigay ng kabatiran o kaalaman.

____________9. Ginagamit para sa personal na profile ng isang tao, tulad ng


kanyang academic career at iba pang impormasyong ukol sa kanya.

____________10.Ito’y isang sulatin na nakatutok sa isang tema kung saan mas


maraming larawan kaysa sa salita.
Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa 11
layunin, gamit, anyo at katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90; at
nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.
Panuto: Basahin at suriin ang teksto batay sa layunin, gamit, katangian, anyo, at
maging ang epekto nito sa iyo. Isulat ang sagot sa graphic organizer sa
ibaba.

Ang Kagandahang Taglay ng Agua Colonia

Nakahimlay sa gitna ng kabundukan ng Alimodian ay isang nakatagong


hiyas. Mapayapa ang paligid. Luntian at mayayabong ang mga puno. Ang
bawat pagdampi ng hangin ay isang malamig na halik sa aking pisngi.
Tila isang musikang nakahahalina ang mga huni ng ibon.
Dito ko naramdaman ang kapayapaang tunay. Isa itong kanlungan na
biyayang dulot ng kalikasan. Kaya dapat natin itong pangalagaan at ingatan.

Layunin Gamit
Sulatin

Mambabasa Anyo Katangian

Panuto: Magsaliksik ka patungkol sa kasalukuyang isyung panlipunan at gagawa ka


ng isang balita o ulat patungkol sa isyong napili.

Pamagat:

Ngayong lubusan mo nang maunawaan ang aralin tungkol sa mga anyo,


gamit, layunin at katangian ng akademikong sulatin, natitiyak kong magiging
mahusay ka sa mga susunod pang mga aralin.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa 12
layunin, gamit, anyo at katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90; at
nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.
Sanggunian
Ariola, M.E M. (2016). Filipino sa Piling Larangan-Akademik. Malabon City:
Jimczyville Publications.
Bernales, RA. et.al. (2017). Filipino sa Piling Larang Akademiko. Malabon City:
Mutya Publishing House,Inc.
Kagawaran ng Edukasyon.(2016). Filipino sa Piling Larang-Akademik, Patnubay
ng Guro. Kinuha mula sa
https://siborjejetra.wordpress.com/2016/10/16/layunin-gamit-at-katangian-ng-
akademikong-sulatin
Julian, A. & Lontoc, N. S.(2017) Pinagyamang Pluma Filipino Sa Piling Larang-
Akademik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa 13
layunin, gamit, anyo at katangian CS_FA11/12PN-0a-c-90; at
nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
CS_FA11/12EP-0a-c-39.

You might also like