Learning: Edukasyon Sa Pagpapakatao

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

LEARNING

MODULE
Edukasyon sa Pagpapakatao
G10IQ2

Edukasyon sa Pagpapakatao
Sa mga Araling ito ay inaasahang matututuhan ang mga sumusunod:
 Natutukoy ang mga salik sa pamanagutang
pagkilos at pagpapasiya
 Nakapagsusuri ng mga pasiyang giginagawa
ARALIN sa araw-araw.
7  Nakakagawa ng angkop na kilos na di na-
iimpluwensiyahan ng kapaligiran.

INAASAHANG MGA KASANAYAN


Pagatapos talakayin at pag-aralan ang mga Araling ito inaasahang magagawa
ang mga sumusunod:

1. Nakakasagot sa mga Gawain ukol sa araling ito.


2. Natutukoy ang kahalagahan ng pagpapasiya ng naayon sa sitwasyon
3. Nakikilala ang masama at mabuting impluwensiya ng kapaligiran.

SIMULAN NATIN!
Ganito ang nangyari kay Ana: Dahil sa tindi ng pangangailangan niyang
maipagamot ang kaniyang ina, pumasok si Ana sa prostitution. Gumaling ang
kaniyang ina ngunit hindi na ito maari pang maghanapbuhay nang mabigat.
Nagpasiya si Ana na ipagpatuloy ang kaniyang Gawain ngunit pinagsikapan din
niyang tapusin ang kaniyang pag-aaral sa pag-asang baling araw ay mababago niya
ang takbo ng buhay niya at ng kaniyang pamilya.
1.)Ano-ano ang salik na nagging dahilan ng pasiya ni Ana? 2.) Sumasang-
ayon ka bas a nagging pasiya ni Ana? 3.) Ano- ano ang nagging batayan mo sa
pagsang-ayon m okay Ana?

1.____________________________________________________
______________________________________________________
2.
______________________________________________________
______________________________________________________
3.
______________________________________________________
______________________________________________________
Aralin SALIK SA PAMANAGUTANG
7 PAGKILOS AT PAGPAPASIYA

Ang tao ay likas na mabuti dahil siya ay nilikhang kawangis ng Diyos na


Pinakamataas na kabuthinan. Ngunit ang tao ay nabubuhya at gumagalaw sa
mundo na walang tigil ang pagbabago. Dahil dito, ang tao ay likas ang
kabutihan, may kakayahang magpatibay ng kalooban, at mapalawig ang
kaisipan. Patuloy ang tao na nahaharap sa pakikipagtunggali sa pagitan ng
kabutihan at kasamaan.

IBAHAGI ANG ISIP AT DAMDAMIN

PANUTO: A. lagyan ng X ang kolum na kumakatawan sa iyong kasagutan batay


sa sumusunod. Maging matapat sa iyong pagsagot. Sunda ang sumusunod na
mga bagay.
NKN- Nagawa ko na
MG- Maari kong gawin sa hinaharap
DK- Di ko gagawin sa hinaharap

Mga Pasiya at kilos NKN MG DK


1. Pagbili ng sobrang pagkain na hindi nauubos
2. Labis na pagnanasa sa pagkain
3. Pagyayabang sa bagay na hindi alam
4. Pagalalagay ng tattoo sa katawan dahil sa
impluwensiya ng napapanod sa telebisyon
5. Kawalan ng interes sa pag-aaral
6. Pagsisinungaling sa ibang tao dahil sa pagyayabang
sa isang bagay
7. Pagkakaroon ng higit pa sa isang kasintahan
8. Paglalakwatsa sa oras ng klase kasama ang barkada
9. Pag-shoplift o pandaraya sa pagkuha ng bagay na
kinaiingitan
10. Pagbabasa ng pornograpikong babasahin
11. Panonood ng malaswang video sa internet
12. Pananakit ng ibang tao dahil sa matinding selos
13. Pananakit dahil sa sobrang galit sa tao
14. Pagsama sa kasintahan sa maling lugar na
makapag-uudyok sa masamang nasa ng katawan
15. Pagpapalanong gawin ang pakikipagtalik sa
kasintahan

1. Ano ang napansin mo sa mga aytem na nkatala sa survey?


_____________________________________________________
_____________________________________________________

2. Nagging madali ba para sa iyo ang pagsagot sa mga aytem? Bakit


Oo? Bakit hindi?

3. Aling kolum ang lumabas na may pinakamaraming X? ano ang


pinapahayag nito tungkol sa iyong pagpapasiya at pagkilos?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

SURIIN

BUKSAN ANG SARILI SA PAGKATUTO

MGA SALIK SA PAMANAGUTANG PAGKILOS AT


PAGPAPASIYA

Ang kapaligiran ay mahalagang salik sa pagkahubog ng


pagpapasiya at pananagutan ng tao sa kaniyang kusang-loob na pagkilos.
Makabubuti na maging alerto dahil minsan may mga hindi inaasahang
pangyayari na nagdudulot ng masidhing damdamin at pagkakaroon ng
malay sa pangyayari sa ating paligid. Ito ay epekto sa ating ginagawang
pagpapasiya at pagkilos na nangyayari sa kabuun n gating buhay.

1. ANG EMOSYON
Ang emosyon ay reaksiyon ng sensitibong pakiramdam sa pagkilos
o hindi pagkilos kaugnay ng bagay na nararamdaman o naiisip na
mabuti o masama. Ito ay nanggagaling sa puso dahil ang puso ay
sentro ng emosyon. Marami ang klase ng emosyon at ang mga
sumunsunod ay mga halimbawa:
1. Pag-ibig, pagmamahal o love 6. Kalungkutan o sadness
2. Pagnanais o desire 7. Takot o fear
3. Pag-asa o hope 8. Galing o anger
4. Kaligayahan o joy
5. Pagkapoot o hatred

Ang positibong emosyon ay nagbibigay inspirasyon sa pagkilos.


Halimbawa, nararamdaman ng isang tao ang positibiong emosyon sa
hilig niya sa pagluluto o pagkanta o sa sining, sa pagsayaw o sa isport
tulad ng boxing at ito ay nagtutulak sa kaniya na paghusayan ang
ginagawa.

2. INGGIT
Ito ay nakaugat sa sarili. Dahil sa labis na pagtingin sa sarili, ang
taong may inggit ay nalulungkot sa mabuting kalagayan o magandang
kagamitan ng iba. Ang taong may masidhing pagnanais na itaas ang sarili
higit pa sa kaniyang kapwa ay nagnanais makamtan amng magandang
bagay na napansin sa iba kahit sa anumang pamamaraan.

3. GALIT
Ito ay nakaugat sa pagkawala ng respeto sa tao. Ang taong may
matinding galit ay hindi na tumitingin sa matino at maayos na paglutas ng
sanhi ng galit o problema. Nawawala ang tamang pangangatwiran at
maaring hiumantong sa pagkapoot. Katulad halimbawa ng pagseselos. Dahil
sa pagkawala ng tiwala, tutungo ito sa pag-aaway. Maaring Simpleng pag-
aaway sa umpisa ngunit kung hindi maaayos ay pweding lumala ang
sitwasyon kasabay ang pagkawala ng paggalang na matutunghayan sa
pananakit sa pisikal o sa pananalita at karahasan ang maaring idulot nito.

4. KAYABANGAN
Ang pagmamalaki ay nakasentro lamang sa sarili, ang hangad ng
taong mayabang ay masunod ang kaniyang gusto dahil taglay niya ang
talino. Hindi na marunong making sa pagpapaliwanang o kuro-kuro ng
iba o kaya’y hindi tumatanggap ng pagkakamali.
5. KASAKIMAN SA KAYAMANAN AT SA KAAKIBAT NG
KAPANGYARIHAN
Ito ay labis na paghahangad ng kayamanan at laalinsabay nito ang
kapangyarihan. Sinasabi na walang kasiyahan ang tao dahil sa labis na
pagnanasa ng mata at katawan. Hindi makontento sa kung ano ang
mayroon siya. Patuloy ang paghahangad sa karangalan na higit pa sa
pangangailangan.

6. KAHALAYAN
Ito ay nakatutok sa mga kasiyahang seksuwal. Labis ang pananais sa
kaligayahahan dulot ng mg bagay na seksuwal. Ang kapusukan ay hindi
pinipigilan kaya’t humahantong sa kahalayan. Ang pagnanasa ng mata sa
nakikita at pagnanasa ng katawan ang nag-uudyok ng kahalayan.
Napakababa ng pagtanaw sa buhay dahil nakatuon lamang sa katawan at
hindi sa kaisipan na nagpapalawak ng kaalaman at pananaw. Ang
kaligayahan ay hindi lamang matatagpuan sa paggamit ng katawan. Ang
kaligayahan ay maaring makamit sa iba’t ibang paraan.

7. KATAMARAN
Ito ay nakagawian na katamaran o pagkabatugan. Hindi umuusad ang
buhay ng taong tamad. Kulang sa motibasyon upang kusang kumilos kahit
man lang para sa kaniyang kapakanan. Lagi na lang umaasa sa ibibigay na
biyaya ng iba na para bang wala siyang pakinabang sa lipunan. Dahil taglay
ang katamaran, mabigat ang pagkilos ng katawan at nagiging pabaya sa mga
Gawain o responsibilidad. Ang kasamaan ay natutunghayan hind lamang sa
paggawa ng masama o commission kundi pati ang hindi paggawa ng
kabutihan at responsibilidad. O omission.

PAGYAMANIN
IBAHAGI ANG ISIP AT DAMDAMIN

ANG IMPLUWENSIYA NG KAPALIGIRAN


Sa pag-ikot ng mundo at paglipas ng panahon, tuloy-tuloy ang
pagtuklas ng siyensiya at teknolohiya na nakakaapekto sa pananaw at
pamumuhay ng tao. Ang sumusunod ay ilan sa mga produkto ng
teknolohiya na may tiyak na epekto sa ating buhay.

A. INTERNET
Sa modernonhg panahon ngayon, ang computer ay
malaking tulong sa pagpapalaganap ng impormasyon. Ito ay
mahalagang imbensyon ng siyensiya na nakapgapapadali ng
komunikasyon kahit sa iba’t ibang dako ng mundo at
paghanap ng mga ideya na nakapapalawak ng isipan.

Tanong: Anu-ano naman ang mga masamang epekto ng internet sa


mga kabataan ngayon? Maglista ng 4 na epekto.
1.
2.
3.
4.

B. MGA PROGMA SA TELEBISYON


Napakalaki ng impluwensiya ang dulot ng mga programa sa
telebisyon lalo na sa musmus na kabataan dahil napakadaling
mapanood ng kahit na sino ang anumang palabas sa telebisyon.
Madalas naririnig sa mga lumalabas na artista sa telebisyon na kung
saan ka maligaya, iyon ang dapat sundin o gawin. May batayan ang
kaligayahan; hindi lahat ng pag-asam ng kaligayahan ay tama.
Halimbawa, kung ang kaligayahan ay nagdudulot ng pagkasira ng
ugnayan ng mag-asawa at pamilya.
Tanong: Anu-ano naman ang mga masamang epekto ng internet sa
mga kabataan ngayon? Maglista ng 4 na epekto.
1.
2.
3.
4.

ISAGAWA

Gawain 7
PANUTO: Sa buong blanking espasyong ito sa ibaba, Gumuhit ng isang
CHAIN/ o ilustrasyon na nagpapakita ng pagkahubog ng MAPANAGUTANG
PAGPAPASIYA. Ipakita ang mga salik ng mapanagutang Pagpapasiya at
Impluwensiya ng kapagiliran.

b. Magtipon ng mga paalala at kasabihan ukol sa tamang batayan ng papasiya at


pagkilos. Pumili ng magagandang mensahe. Sikaping maging malikhain sa
presentasyon ng mga ito.

You might also like