Mga Mahahalagang Pangyayari Sa Pananakop NG Mga Hapones

Mga Layunin
LABANAN SA CORREGIDOR
Simula noong Abril 29, 1942, isang linggong walang tigil na pagbobomba ang
ginawa ng mga Hapones sa Corregidor.
Ito ang kaarawan ng kanilang pinuno na si Emperor Hirohito.
Noong Mayo 4, 1942 ang pinakamahirap na araw na naranasan ng mga
sundalo dahil sa walang tigil na pag-ulan ng bala at kanyon.
Noong Mayo 5, ibinuhos ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang lahat ng
kanilang makakaya sa pagtatanggol ng Corregidor subalit nagapi pa rin sila ng
mga Hapones.
Noong Mayo 6, 1942 Ganap ng bumagsak ang buong bansa sa kamay ng mga
Hapones sa pagsuko ng Corregidor.
May halos 12,000 sundalong Pilipino at Amerikano ang sumuko kay Heneral
Masaharu Homma.
Ngunit hindi pa rin nagwakas ang digmaan.
Matibay ang hangarin ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan.
Marami sa mga sundalong Pilipino ang hindi sumunod sa utos ni Heneral
Wainwright sapagkat para sa kanila ay hindi pa tapos ang laban.
Tumakas sila at namundok, nagtatag ng mga pangkat gerilya, at patuloy na
nakipaglaban sa mga Hapones.
Ang Corregidor ang huling tanggulan laban sa Hapon.
Nang bumagsak ang Corregidor, bumagsak na rin sa kamay ng mga Hapon
ang Pilipinas.
Ipinamalas ng mga kawal Pilipino ang kagitingan at pagmamahal sa bayan sa
pagtatanggol sa Corregidor.
Hindi tuluyang sumuko ang mga opisyal na Pilipino at nanindigang
ipagpapatuloy ang pakikidigma sa mga kabundukan
Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga pangyayaring naganap sa pananakop ng mga Hapones. Isulat
sa patlang ang LB kung ang pangyayari ay tumutukoy sa Labanan sa Bataan, DM
kung Death March, at LC kung ang pangyayari ay tumutukoy sa Labanan sa
Corregidor.
_____3.May halos 12,000 sundalong Pilipino at Amerikano ang sumuko kay Heneral
Masaharu Homma.
_____8.Simula noong Abril 29, 1942, isang linggong walang tigil na pagbobomba ang
ginawa ng mga Hapones sa Corregidor.
Gawain 2
Labanan sa Bataan
____________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________
Labanan sa Corregidor
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Gawain 3
Repleksiyon
Sanggunian
Rama, M., Domingo, F., Rama, J. and Cruz, J., 2006. Pilipinas: Isang Sulyap At
Pagyakap. 1st ed. Makati City: EdCrisch International, Inc., pp.214-216.
file:///C:/Users/User/Downloads/EASE-Modyul-14-Ang-Pilipinas-sa-Panahon- ng-
Ikalawang-Digmaang-Pandaigdig.pdf
https://www.slideshare.net/PanimbangNasrifa/labanansabataandeathmarchla
banansacorregidor1
https://www.history.com/topics/world-war-ii/bataan-death-march
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. DM 6. LB
2. LB 7. DM
3. LC 8. LC
4. LB 9. DM
5. LB 10. LC
Gawain 2
Labanan sa Bataan
Naubusan ng mga armas at bala, gamot at pagkain ang puwersang USAFFE. .
Ang hinihintay na suportang pandagat at panghimpapawid at mga kagamitan,
gamot at pagkain ay hindi na nakarating. May panganib nang bumagsak sa
kamay ng Hapon ang bansa kaya inilikas si Pangulong Quezon at ang kanyang
pamilya patungong Amerika noong Pebrero 20, 1942. Noong Marso 11, 1942
naman, inatasan si Hen. MacArthur na magtungo sa Australia upang pamunuan
ang puwersa doon.Binitiwan ni MacArthur ang katagang “I shall return.”
Itinalagang kapalit ni MacArthur si Tinyente Heneral Wainwright bilang pinuno
ng USAFFE. Pinalitan ang designasyon ni Wainwright bilang pinuno USIP o
United States Forces in the Philippines. Sa gitna ng mga pangyayaring iyon,
ibinuhos ni Hen. Homma ang lahat ng tropa nito sa Bataan. Noong Abril 9,
1942, bumagsak ang Bataan sa kamay ng mga Hapon matapos ang magiting at
madugong pakikipaglaban ng mga Pilipino. Lumipat si Hen. Wainwright sa
Labanan sa Corregidor
Simula noong Abril 29, 1942, isang linggong walang tigil na pagbobomba ang
ginawa ng mga Hapones sa Corregidor. Ito ang kaarawan ng kanilang pinuno na
si Emperor Hirohito. Noong Mayo 4, 1942 ang pinakamahirap na araw na
naranasan ng mga sundalo dahil sa walang tigil na pag-ulan ng bala at kanyon.
Noong Mayo 5, ibinuhos ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang lahat ng
kanilang makakaya sa pagtatanggol ng Corregidor subalit nagapi pa rin sila ng
mga Hapones. Noong Mayo 6, 1942 Ganap ng bumagsak ang buong bansa sa
kamay ng mga Hapones sa pagsuko ng Corregidor. Nang bumagsak ang
Corregidor, bumagsak na rin sa kamay ng mga Hapon ang Pilipinas. Ipinamalas
ng mga kawal Pilipino ang kagitingan at pagmamahal sa bayan sa pagtatanggol
sa Corregidor. Hindi tuluyang sumuko ang mga opisyal na Pilipino at
nanindigang ipagpapatuloy ang pakikidigma sa mga kabundukan
Gawain 3
May iba’t ibang sagot ang mga mag-aaral.