Pagbasa at Pagsusuri Sa Iba't-Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik
Pagbasa at Pagsusuri Sa Iba't-Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik
Pagbasa at Pagsusuri Sa Iba't-Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik
Pagbasa at Pagsusuri sa
Iba’t-ibang Teksto tungo
sa Pananaliksik
LEARNER'S ACTIVITY SHEET
Quarter 3 – Week 2:
Naibabahagi ang katangian at
kalikasan ng iba’t ibang tekstong
binasa
Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t-ibang Teksto tungo sa Pananaliksik – Grade 11
Learner's Activity Sheet
Quarter 3 – Week 2: Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang
tekstong binasa
First Edition, 2021
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other
things, impose as a condition the payment of royalties.
Marilyn B. Siao
Roberto N. Mangaliman
Ma. Luz I. Orbe
Cecilia A. Arga
Ma. John Ray Rosales
LAYUNIN
1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
F11PB-IIIa-91
2. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto F11PU-IIIb-89
I. Simulan mo!
Mga Pagpipilian
A. Primarya C. Analitikal
B. Mapagsiyasat D. Sintopikal
_____ 1. Nakita ni Mauenna Espanyol ang teksto kung kaya hindi na niya ipinagpatuloy
ang pagbabasa.
_____ 2 Ang kwentong nabasa ni Doria ay may malalim na kaugnayan sa kanyang
nakaraan.
_____ 3. Inunawa niya ang pinabasa ng guro upang masagutan ang pagsusulit
_____ 4. Sumulat si Marie sa editor ng diyaryo matapos mabasa ang maling nilalaman
nito.
_____ 5. Iniugnay ni David ang naunawaan sa akda sa sarili niyang karanasan.
II. Suriin
Deskriptibo. Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan,
sitwasyon, at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral
na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan.
Sa isang tekstong deskriptibo, pinatitingkad ng mahusay na paglalarawan ang kulay ng
isang lugar kung saan nangyayari ang kuwento. Ipinakikilala nito ang hitsura, ugali, at
disposisyon ng mga tauhan.
Pinatatatag ng paglalarawan ang ano mang porma ng sulatin kung mahusay at
angkop ang pagkagamit nito. Samakatuwid, mahalagang gamit ng deskripsyon ang
pagkuha sa atensyon ng mambabasa upang maipaliwanag ang oryentasyon ng isang
malikhaing akda.
Ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa
pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang
tao o pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.
Ito rin ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na
katangiang taglay ng isangtao, bagay, lugar, at pangyayari.
KATANGIAN LAYUNIN
Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at Ang tekstong deskriptibo ay may
pangunahing impresyon na nililikha sa mga layuning maglarawan ng isang
mambabasa. bagay, tao, lugar, karanasan,
sitwasyon, at iba pa
Mahalagang gamit ng deskripsyon ang pagkuha sa Ipinakikilala nito ang hitsura,
atensyon ng mambabasa upang maipaliwanag ang ugali, at dispo-sisyon ng mga
oryentasyon ng isang malikhaing akda tauhan.
III. Pagyamanin
Palawakin Natin!
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang.
_____ 1. Ang tekstong impormatibo ay tinatawag ding tekstong
A. nagsasalaysay C. Nagbibigay impormasyon
B. nagbabalita D. nagtatanong
_____ 2. Ito ay tinatawag ding tekstong naglalahad
A. Impormatibo C. Naratibo
B. Deskriptibo D. Ekspositori
_____ 3. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong impormatibo maliban sa
A. Almanac C. Balita
B. Journal D. Diary
______ 4. Ang tawag sa literal na kahulugan na nagmula sa diksyunaryo
A. Denotatibo C. Konotatibo
B. Kasalungat D. Kasingkahulugan
_____ 5. Ang tawag sa paglalarawan na naglalaman ng matatalinghagang
persepsyon.
A. Obhektibo C. Perpektibo
B. Subhetibo D. Imperpektibo
_____ 6. Ito ang layunin ng tekstong deskriptibo sa mga mambabasa.
A. Mapukaw ang damdamin C. Magkaroon ng kamalayan
B. Magkaroon ng alalahanin D. Makuha ang atensyon
_____ 7. Ang tawag sa esktraktura ng impormatibo kung saan ay ipinaliliwanag ang
relasyon ng dalawang bagay.
A. Paghahambing C. PagbibigayDepinisyon
B. Pagpapakahulugan D. Sanhiat Bunga
_____ 8. Ang tawag sa paglalarawan ng totoo at hindi mapapasubalian.
A. Obhetibo C. Kontemplatibo
B. Subhetibo D. Perspektibo
_____ 9. Ang tekstong nakabatay sa tunay na pangyayari.
A. Naratibo C. Deskriptibo
B. Argumentatibo D. Impormatibo
_____ 10. Tawag sa paghahati – hati ng malalaking paksa sa kategorya.
A. Sanhi at Bunga C. Pagbibigay-kahulugan
B. Paghahambing D. Pagbibigay-klasipikasyon
Magagawa ko!