FILIPINO 10 - Q1 - Mod3
FILIPINO 10 - Q1 - Mod3
FILIPINO 10 - Q1 - Mod3
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com
Filipino 10
Parabula’y Suriin...
Kamtin Matuwid na
Pamumuhay
Unang Markahan
Ikatlong Linggo
Modyul 3
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nakapagsusuri ng bahagi, nilalaman, elemento at kakanyahan ng
parabula,
2. Nakagagamit ng pang-ugnay sa pagsasalaysay
1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.
BAHAGI NG MODYUL
2
Aralin
Pagsusuri ng Parabula
1
INAASAHAN
Likas sa atin ang magsalaysay at makinig ng isang kuwento. Alam kong
marami ka nang narinig na kuwento at naikuwento mo pa ito sa iyong mga kaibigan.
Alam mo bang may natatanging sangay ng kuwento na maaaring magpamulat
sa iyo sa katotohanan, kakitaan ng kabutihan at maging ehemplo sa kagandahang
asal? Narito at matutuklasan mo kung ano ito.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang seleksyong nasa itaas na kahon at sagutin ang sumusunod
na katanungan. Isulat sa kwaderno ang sagot.
Dito niya walang habas na nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama.
Sumunod ang pagkaubos ng lahat ng kaniyang salapi.
“Ama, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi ako karapat-dapat na maging
anak mo. Ituring mo na lang ako na isa sa iyong mga alila”, sabi ng anak sa ama.
Ngunit inutusan ng mga ama ang mga alila na linisan at bigyan ng magarang
kasuotan ang anak. Ipinasuot din niya rito ang isang mamahaling singsing at
binigyan ng sapatos para sa mga paa.
Sa pagtatapos, sumagot nang marahan ang ama. “Anak ko, ikaw ay lagi
kong kapiling. Ang lahat ng akin ay sa iyo. Tayo’y nagsasaya ngayon sapagka’t ang
kapatid mong namatay ay muling nabuhay. Siya ay nawala at muli nating nakita”.
3
3. Ang kagandahang-asal na maisasabuhay sa ikalawang talata ng parabula ay _____.
A. matutong humingi ng kapatawaran sa nagawang kasalanan
B. kalimutan ang kasalanan at magsimulang muli
C. pinapatawad ang humihingi ng kapatawaran
D. huwag mainggit sa kapatid
4. Ang kabutihang dapat isabuhay mula sa binasa ay _____.
A. magpatawad sa mga taong humihingi ng kapatawaran
B. maghanda ang mga kamag-anak na bumalik
C. maging bukas-palad sa mga kamag-anak na nangangailangan
D. magsaya tuwing may bumabalik na mahal sa buhay
5. Ang katotohanang masasalamin sa ikalawang talata ay _____.
A. hindi kaya tiisin ng magulang ang anak
B. nararapat na magsaya sa pagbabalikloob ng mahal sa buhay
C. hindi ipinagkakatiwala ang malaking yaman sa ibang tao
D. maging maingat sa pinagkakatiwalaan
6. Kung ikaw ay nagkasala nararapat lang na ikaw ay _____.
A. magmalaki sa nagawang kasalanan
B. aminin ang kasalanan at humingi ng kapatawaran
C. umiwas sa taong nagawan ng kasalanan
D. kalimutan ang nagawang kasalanan at magpatuloy
7. Taglay ng binasa nating akda ang _____.
A. aral at talinghaga C. supernatural na pangyayari
B. hiwaga D. paglalakbay
8. Ang binasang akda ay gumamit ng tauhan na _____.
A. bayani B. tao C. hayop D. bagay sa kalikasan
9. Ang mensahe ng parabula ay _____.
A. maging matapat sa lahat ng bagay maliit man o malaki, may
nakakakita man o wala
B. maging mabuting tao upang may tumulong kung nangangailangan
C. maging handa magpatawad at humingi ng kapatawaran
D. huwag gamitin sa kasamaan ang talino
10. Matatagpuan ang mensahe ng parabula sa bahagi ng _____.
A. simula B. gitna C. kasukdulan D. wakas
BALIK-TANAW
Panuto: Magbalik-tanaw sa napakinggang salaysay mula sa mga magulang o
nakatatandang kapatid at isulat sa kwaderno ang nakuhang katotohanan,
kabutihan at kagandang-asal mula rito.
4
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Naranasan mo na ba ang humingi at magbigay ng kapatawaran? Ang
sumusunod na akda ay isang parabula, isang panitikan na maghatid sa ating ng gabay
sa matuwid na pamumuhay. Narito ang isang parabula na magtuturo sa atin ng
kahalagahan ng pagpapatawad.
5
GAWAIN
Gawain 1 - 3K KATOTOHANAN, KABUTIHAN, KAGANDAHANG ASAL
KATOTOHANAN
KABUTIHAN
KAGANDAHANG-ASAL
c. Sa pagtatapos, sumagot nang marahan ang ama. “Anak ko, ikaw ay laging
kong kapiling. Ang lahat ng akin ay sa iyo. Tayo’y nagsasaya ngayon
sapagka’t ang kapatid mong namatay ay muling nabuhay. Siya ay nawala at
muli nating nakita”.
6
2. Ano ang nais patunayan ng ama sa muling pagtanggap niya sa anak?
Ipaliwanag.
Gawain 4 – TSEKLIST
TANDAAN
Ang salitang parabula ay nagmula sa Latin na parabole na nangangahulugang
paghambingin at kadalasang hango sa Bibliya. Naglalaman ito ng mga talinghaga at nagtuturo
ng aral. Ang kuwentong ito ay kadalasang nagsasalaysay ng katotohanan, kabutihan at
kagandahang-asal.
Ang parabula ay isang halimbawa ng pagsasalaysay. Sa nilalaman nito kadalasang
masasalamin ang pamumuhay na dapat sundin at isabuhay. Gumagamit ng tao upang ipakita
maganda o hindi magandang pag-uugali at katangian na nararanasan natin sa tuwing tayo ay
nahaharap sa isang suliranin. Ang nagiging aksiyon o solusyon ng tauhan ay maaaring
kapulutan ng aral. Sa bahagi ng wakas madalas makikita ang mensahe ng isang parabula.
Narito pa ang ilang katangian ng isang parabula:
7
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Panuto: Lumikha sa kwaderno ng mapa ng parabulang iyong nabasa o narinig gamit ang
graphic organizer. Gumuhit ng angkop na ilustasyon. Humingi ng gabay sa
nakatatandang miyembro ng pamilya.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang seleksyong nasa itaas na kahon at sagutin ang sumusunod
na katanungan. Isulat sa kwaderno ang sagot.
“May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang
siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na. Nagkataong
dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay, lumihis
siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang
makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang paglakad.
Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nang makita niya
ang biktima, siya'y naawa. Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga
sugat at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala
ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus,
“Kung gayon, humayo ka at ganoon din ang gawin mo.”
Bahagi ng parabulang Ang Mabuting Samaritano
8
4. Ang kabutihang dapat isabuhay mula sa binasa ay _____
A. ibigay ang kapwa tulad ng pag-ibig sa Diyos
B. maghanda ang mga kamag-anak na bumalik
C. maging bukas-palad sa mga kamag-anak na nangangailangan
D. magsaya tuwing may bumabalik na mahal sa buhay
5. Ang katotohanang masasalamin sa ikalawang talata ay _____
A. marami ang dapat tulungan sa panahon ng pandemya
B. balewalin ang mga nangangailangan ng tulong
C. hindi ipinagkakatiwala ang malaking yaman sa ibang tao
D. maging maingat sa pinagkakatiwalaan
6. Kung may nangangailangang kapwa ikaw ay dapat na _____
A. magwalang-bahala sa kanila
B. tumulong o humanap ng ahensyang makakatulong
C. umiwas sa taong nagawan ng kasalanan
D. kalimutan ang nagawang kasalanan at magpatuloy
7. Taglay ng binasa nating akda ang _____
A. aral at talinghaga C. supernatural na pangyayari
B. hiwaga D. paglalakbay
8. Ang binasang akda ay gumamit ng karakter na _____
A. bayani B. tao C. hayop D. bagay sa kalikasan
9. Ang mensahe ng parabula ay _____
A. maging matapat sa lahat ng bagay maliit man o malaki, may
nakakakita man o wala
B. maging mabuting tao upang may tumulong kung nangangailangan
C. ibigin ang kapwa tulad ng pag-ibig sa Diyos
D. huwag gamitin sa kasamaan ang talino
10. Matatagpuan ang mensahe ng parabula sa bahagi ng _____
A. simula B. gitna C. kasukdulan D. wakas
9
Aralin
Estilo at Pang-ugnay sa
2 Pagsasalaysay
INAASAHAN
Halina at tuklasin mo ang sikreto sa isang maayos na pagkukuwento!
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat sa kwaderno ang
sagot.
1. “Ama, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi ako karapat-dapat na maging anak mo.
Ituring mo na lang ako na isa sa iyong mga alila”. Ang mahihinuhang damdamin sa
pahayag ay _____
A. pagkaawa B. pangamba C. pagsisisi D. pagkagalit
2. “Ano ba itong narinig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa
sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin. Ang mahihinuhang damdamin sa
pahayag ay _____
A. paghihinala B. pagkatakot C. pagkagalit D. pagkatuwa
3. “Ano ba itong narinig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa
sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin. Ang ginamit ng estilo ng may-akda sa
pagpapahayag ng damdamin ay _____
A. paggamit ng salitang direktang nagpapahayag ng damdamin
B. paggamit ng ekspresiyong nagpapahiwatig ng kasukdulan
C. paggamit ng bantas na pananong
D. paggamit ng padamdam ng pahayag
4. “Ama, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi ako karapat-dapat na maging anak mo.
Ituring mo na lang ako na isa sa iyong mga alila”. Ang ginamit na estilo ng may-akda
sa pagpapahayag ng damdamin ay _____
A. paggamit ng negatibong ekspresiyon
B. paggamit ng ekspresiyong nagpapahiwatig ng kasukdulan
C. paggamit ng bantas na pananong
D. paggamit ng padamdam ng pahayag
5. “Tayo’y nagsasaya ngayon sapagka’t ang kapatid mong namatay ay muling
nabuhay. Siya ay nawala at muli nating nakita”. Ang mapupunang
10
damdamin ng nagsasalita ay _____
A. pagkagalak B. pagkalungkot C. pagsisisi D. pagkalugmok
6. “Tayo’y nagsasaya ngayon sapagka’t ang kapatid mong namatay ay muling
nabuhay. Siya ay nawala at muli nating nakita”. Ang estilo ng pagpapahayag
ng damdamin ay _____
A. paggamit ng salitang direktang nagpapahayag ng damdamin
B. paggamit ng ekspresiyong nagpapahiwatig ng kasukdulan
C. paggamit ng bantas na pananong
D. paggamit ng padamdam ng pahayag
Para sa Aytem 7-10 Gumamit ng pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng salaysay.
Nasa ibaba ang mga pagpipilian. Isulat ang sagot sa kwaderno.
May isang mayamang anak na may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng
bunsong anak na ang manang kanya sa kayamanan ng ama ay ibigay na sa kaniya. 7.
__________ makuha na ng bunso ang kaniyang mana ay ipinagbili niya agad ito makalipas
ang ilang araw. 8. __________ nito ay umalis siya at nagtungo sa malayong bayan. Dito
niya walang habas na nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama. 9. __________ ang
pagkaubos ng lahat ng kaniyang salapi. Nang dumating ang taggutom sa bansang iyon ay
isa na siyang pulubi 10. __________namasukan siya bilang tagapag-alaga ng mga baboy.
A. nang B. pagkatapos C. sumunod D. kung kaya’t E. at
BALIK-TANAW
Panuto: Isa-isahin ang mga elementong kailangang taglayin ng isang parabula
bilang isang salaysay. Gawing gabay ang isinasaad sa bawat pangungusap.
1) Nagsalita muli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may
isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2) Kaya’t
11
ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo
ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng
katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa
pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4)
Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman
sa akin sa kanilang tahanan
5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang
una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’
‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong
limampu,’ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’
Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi
niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang
ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan
kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito. 9) At nagpatuloy si
Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong
ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin
naman kayo sa tahanang walang hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay
ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay
mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga
kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At
kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng
talagang para sa inyo?
13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon
sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa
at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa
kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila
sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga
tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na
mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
GAWAIN
Gawain 1 – PAGGAMIT NG EMOTICON
Panuto: Bigyan ng puna ang estilo ng may-akda na nakatuon sa mga salita at
ekspresiyong ginamit sa akda. Lumikha ng angkop na emoticon. Isulat
ang napunang emosyong katumbas ng iginuhit. Isagawa ito sa kwaderno.
1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay
nito ang kaniyang ari-arian.”
2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa
sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.”
3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.
12
Gawain 2 – IHANAY MO!
Panuto: Igrupo ang mga salitang nakasalungguhit sa binasang parabula batay sa
nakasaad na gamit nito. Isulat sa kwaderno ang sagot sa tsart sa ibaba.
Noong unang panahon, may isang katiwala na gusto nang paalisin ng kanyang amo1.
__________ diumano ay hindi maganda ang pamamalakad nito sa mga ari-arian. 2.
__________ bago siya paalisin ay hiningan muna siya ng ulat ng pangangasiwa. Nag-alala
ang katiwala 3. __________ wala naman siyang ibang alam gawin maliban sa pangangasiwa
4. __________ tinipon niya lahat ng nagkautang sa kanyang amo 5. _________ ginawan ng
kasulatan ang mga utang nito ngunit sinigurado niyang mas maliit ang utang na nakatala sa
kasulatan kaysa sa tunay na utang nito para mahalata ang kaniyang kasalanan. Natuwa
naman ang kanyang amo sa mga natanggap na ulat mula sa kanya. Ang ipinahihiwatig ng
parabulang ito ay ang pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa iyo. Mas higit kang
pagkakatiwalaan sa malalaking mga bagay kung naipakita mong mahusay ka kahit sa maliliit
lamang.
TANDAAN
Maraming paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa wikang Filipino,
kabilang ang sumusunod:
1. paggamit ng padamdam na pangungusap sa pagpapahayag ng matinding damdamin.
Ginagamit sa pangungusap na ito ang bantas na padamdam (!), at kung minsa’y ang
bantas na patanong (?)
2. paggamit ng mga salita o pahayag na tiyakang nagsasaad ng damdamin
3. Maihahayag din ang iba pang emosyon sa tulong ng konstruksiyong gramatikal
(paggamit ng mga pang-uri)
4. paggamit ng mga ekspresiyong karaniwang nagpapahiwatig ng antas ng kasukdulan
o kasobrahan.
5. paggamit ng negatibong ekspresiyon na binibigyang-diin kapag binibigkas, kasama
ang ano man, sino man, saan man at iba pa.
6. paggamit ng mga tanong na retorikal (makahulugan)
Ginagamit naman sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o
panandang pandiskurso. Narito ang mahahalagang gamit nito:
13
b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal. Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito
ng paglalahad ng sanhi at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa
pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang
dahil sa, sapagkat, at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang
pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy, bunga, nang.
amo
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat sa kwaderno ang
sagot.
1. Sinabi nila, ‘Silang huling dumating ay isang oras lamang nagtrabaho, ngunit ang
ibinayad mo sa kanila ay pareho lang ng sa amin na maghapong nagtiis ng hirap at
matinding init.’ Ang mahihinuhang damdamin sa pahayag ay _____
A. pagkaawa B. pangamba C. pagtataka D. pagkagalit
2. ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!’. Ang
mahihinuhang damdamin sa pahayag ay _____
A. pagkasabik B. pagkatakot C. pagkagalit D. pagkatuwa
3. Sinabi nila, ‘Silang huling dumating ay isang oras lamang nagtrabaho, ngunit ang
ibinayad mo sa kanila ay pareho lang ng sa amin na maghapong nagtiis ng hirap at
matinding init.’ Ang ginamit ng estilo ng may-akda sa pagpapahayag ng damdamin ay
_____
A. paggamit ng salitang direktang nagpapahayag ng damdamin
B. paggamit ng bantas na pananong
C. paggamit ng ekspresiyong nagpapahiwatig ng kasukdulan
D. paggamit ng padamdam ng pahayag
14
4. Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!’. Ang ginamit
na estilo ng may-akda sa pagpapahayag ng damdamin ay _____
A. paggamit ng bantas padamdam
B. paggamit ng ekspresiyong nagpapahiwatig ng kasukdulan
C. paggamit ng bantas na pananong
D. paggamit ng negatibong ekspresiyon
5. Sinuman sa inyo ang mawala, hahanapin ko din. Kung papaano kong hinanap ang
isang ito. Dahil lahat kayo ay mahalaga sa akin.”. Ang mapupunang
damdamin ng nagsasalita ay _____
A. pagmamahal B. pagkalungkot C. pagsisisi D. pagkalugmok
6. Sinuman sa inyo ang mawala, hahanapin ko din. Kung papaano kong hinanap ang
isang ito. Dahil lahat kayo ay mahalaga sa akin”. Ang estilo ng pagpapahayag
ng damdamin ay _____
A. paggamit ng salitang direktang nagpapahayag ng damdamin
B. paggamit ng ekspresiyong nagpapahiwatig ng kasukdulan
C. paggamit ng bantas na pananong
D. paggamit ng padamdam ng pahayag
Para sa Aytem 7-10 Gumamit ng pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng salaysay.
Nasa ibaba ang mga pagpipilian. Isulat ang sagot sa kwaderno.
REPLEKTIBONG PAGKATUTO
Panuto: Sumulat sa kwaderno ng dalawang slogan tungkol sa kahalagahan ng
katapatan sa maliit man o malaking donasyon. Magsalaysay ng isang
karanasang narinig o nabasa ngayong panahon ng pandemya na
maiuugnay sa binuong islogan.
15
SANGGUNIAN
https://www.pinoyedition.com/parabula/ang-alibughang-anak/
http://aralingpinoy.blogspot.com/2009/05/ang-mabuting-samaritano.html
https://brainly.ph/question/140314
Filipino Modyul para sa mga Mag-aaral Baitang 10
Mga Icon at Graphic Organizer sa Microsoft Office
https://www.google.com/search?q=story+map&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKE
wj6j5S1h9PpAhUTw4sBHatbAFwQ_AUoAXoECBEQAw#imgrc=IBLpxWu9v24cBM
https://www.pinoyedition.com/parabula/ang-alibughang-anak/
https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mateo+20&version=FSV
https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mateo+25%3A1-13&version=MBBTAG
16
SUSI SA PAGWAWASTO
FILIPINO 10 – UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO – MODYUL 1
ARALIN 1
ARALIN 2
Gawain 3
1. dahil
2. kaya
3. dahil
4. una
5. sumunod
17