0% found this document useful (0 votes)
141 views7 pages

4 Syav3s) (01sogt15

Ang dokumento ay tungkol sa kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas. Binabahagi nito ang iba't ibang uri ng panitikan tulad ng tuluyan at patula. Tinalakay din nito ang mga paraan ng pagpapahayag sa panitikan gaya ng pagsasalaysay, paglalahad, paglalarawan at pangangatwiran. Binigyang diin din nito ang mga uri ng mga akdang tuluyan tulad ng nobela, maikling kuwento at dula.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
141 views7 pages

4 Syav3s) (01sogt15

Ang dokumento ay tungkol sa kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas. Binabahagi nito ang iba't ibang uri ng panitikan tulad ng tuluyan at patula. Tinalakay din nito ang mga paraan ng pagpapahayag sa panitikan gaya ng pagsasalaysay, paglalahad, paglalarawan at pangangatwiran. Binigyang diin din nito ang mga uri ng mga akdang tuluyan tulad ng nobela, maikling kuwento at dula.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 7

Tuguegarao Archdiocesan Schools System

Saint Joseph’s College of Baggao, Inc.


Baggao, Cagayan, Philippines
Transforming Lives, Shaping the Future
MODYUL 1
ANG KASAYSAYAN NG PANITIKAN NG PILIPINAS
Course Title: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA Course Code: FIL 302
(PANITIKAN NG PILIPINAS)
Instructor: Mary Joy L. Lattao, LPT Term & AY: 2ND Sem, AY 2020-2021
Email: maryjoy.lattao14@gmail.com Contact no.: 09754111540

I. Pangkalahatang Ideya

Maraming pakahulugan ang iba't ibang manunulat tungkol sa panitikan. May nagsasabing "ang tunay na
kahulugan daw ng panitikan ay yaong pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat
sa maganda, makahulugan, at masining na mga pahayag". Sa aklat nina Atienza, Ramos, Zalazar, at Nazal na
pinamagatang Panitikang Pilipino, ipinahahayag na "ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong
nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kaniyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang
mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kaniyang pagsusumikap na makita ang Maykapal".

II. Nilalayon ng mga Resulta ng Pagkatuto

Sa kursong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. nalalaman ang kasaysayan ng ating lahi, ang idealismong Pilipino, ang pananampalataya at ang ating mga
paniniwala, kultura at kaisipang panlipunan;
B. naipapamalas ang sariling kaugalian, pananaw at kalinangan ng ating lahi; at
C. nasusuri ang sariling panitik ayon sa magandang katangiang taglay nito.

III. Mga Mapagkukunan ng Pag-aaral at Sanggunian

Erlinda M. Santiago et al. (2008) PANITIKANG FILIPINO Kasaysayan at Pag-unlad (Pangkolehiyo)

IV. Nilalaman/Buod ng Aralin

ANG PANITIKAN

ANG PANITIKAN AT KASAYSAYAN


Matalik na magkaugnay ang Panitikan at Kasaysayan. Sa pag- talakay ng kasaysayan ng isang lahi, tiyak na kasama rito
ang damdamin, saloobin, kaugalian, o tradisyon ng lahing ito. At ang lahat ng ito kapag naisatitik ay tinatawag na
panitikan. kasaysayan ay naisatitik kaya't itoy makatotohanang panitikan. Ang lahat ng mga bagay na naisatitik at tunay
na mga nangyari ay makatotohanang panitikan. Samakatwid, bahagi ng panitikan ang kasaysayan.

Ang panitikan at kasaysayan ay mayroon ding pagkakaiba. Ang panitikan ay maaaring mga likhang-isip o bungang-isip
lamang o mga pangyayaring hubad sa katotohanan na naisatala, samantalang ang kasaysayan ay pawang mga
pangyayaring tunay na naganap may pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari at may panahon.

MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

Pasulat man o pasalita, tuluyan man o patula, ang anumang sining ng panitikan ay maaaring talakayin sa apat na paraan
ng pagpapahayag.

1. Pagsasalaysay-Ito'y isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang karanasan. Halimbawa: "Isang Karanasang
Hindi Ko Malilimutan."

2. Paglalahad Ito'y isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto. Nagmumungkahi rin ito ng paraan ng
paggawa ng isang bagay. Tumatalakay rin ito sa suliranin, nagbibigay dahilan, at nagpapayo ng mga kalutasan.
Halimbawa: "Ano Ang Panitikan?"

3. Paglalarawan-Ito'y isang paraangnaglalarawan ngisang bagay, tao, o lunan. Ang mga detalye ngmga katangian, o
kapintasan' ng tao, o bagay na namamalas ay nababanggit dito. Halimbawa: "Maynila... Kulay Anyo ng Lahi."

4. Pangangatwiran-Naglalayong humikayat sa bumabasaao samga nakikinig na pumanig sa opinyon ng nagsasalita o sa


sumulat ang paraang ito. Malinaw na mga katwiran at sinasamahan ng mga pagpapatunay upang lalong mapaniwala sa
kaniyang mga kuru- kuro ang mga bumabasa o nakikinig. Halimbawa: "Kailangan Ang Tapat Na Pagtawag at Pananalig
Sa Diyos Sa Anumang Oras.

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)- FIL302 Pahina 1 | 8


MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN
Bawat salita ng iyong diskurso, dahil nga agumentatibo, ay sinusuri ng kabilang panig o ng iyong mambabasa.
Makatwiran, samakatuwid, na alalahanin ang mga Uri ng Maling Pangangatwiran (Fallacies of Reasoning) na madalas
gamitin kahit hindi sinasadya ng isang nakikipag-argumento upang “makagulat” sa kanyang katalo o kaya naman ay
“makalusot” sa isang isyung mahirap niyang pasinungalingan. Pansinin ang mga ito na mula sa Bernales et.al.,(2002):

1. Argumentum ad hominem. Isang nakahihiyang pag-atake sa personal na katangian/katayuan ng katalo at hindi


sa tinatalakay na o pinatatalunan.
Halimbawa: Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali gayong ni hindi siya naging pinuno ng kanyang
klase o ng kanayang barangay kaya? Balita ko’y under de saya pa yata!

2. Argumentum ad buculum. Pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at ituloy maipanalo ang
argumentuo.
Halimbawa: Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang magsalita sa akin nang ganyan!
Baka samapalin kita at nang Makita mo ang hinahanap mo!

3. Argumentum ad misericordiam. Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga nakikinig/bumabasa, ginaganit
ito sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan.
Halimbawa: Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba natin nakikita ang marurumi
nilang damit, payat na pangangatawan at nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang
sentimos bilang pantawid gutom?

4. Non sequitur. Sa Ingles, ang ibig sabihin nito ay It doesn't follow Pagbibigay ito ng kongklusyon sa kabila ng
mga walang kaugnayang batayan.
Halimbawa: Ang santol ay hindi magbubunga ng mangga. Masamang pamilya ang pinagmulan niya. Magulong
paligid ang kanyang nilakhan. Ano pa ang inaasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi kawalang-hiyaan!

5. Ignoratio elenci. Gamitin ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya, wika nga. Ito ang kilala sa Ingles
na circular reasoning o paligoy-ligoy
Halimbawa: Anomang bagay na magpapatunaysa aking pagkatao ay maipaliliwanag ng aking butihing maybahay.
Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo Siya pagkat naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa
ninyo siya ngayon.

6. Maling Paglalahat. Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na agad ng isang konklusyong
sumasaklaw sa pangkalahatan.
Halimbawa: Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang panunungkulan. Ang artista namang iyon ay maraming asawa,
samantalang bobo naman ang isang ito na tumatakbo bilang konsehal. Huwag na nating iboto ung miga artista!

7. Maling Paghahambing. Karaniwan nang tinatawag na usapang lasing ang ganitong uri pagkat mayroon ngang
hambingan ngunit sumasala naman sa matinong kongklusyon
Halimbawa: (Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad? Kung kayo nga ay gising pa!

8. Maling Saligan. Nagsisimula ito sa maling akala na siya namang naging batayan. Ipinagpapatuloy ang gayon
hanggang magkaroon ng konklusyong wala sa katwiran.
Halimbawa: Lanat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniusip. Sa pag-asawa, Kalangan ang katapatan at kasipagan upang
magtagumpay. Dahil ulto, dapat lamang na maging tapat at masipag ang mga kabataan

9. Maling Awtoridad. Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isyung kasangkot.


Halimbawa: Ang Kristiyanismo ay pananampalataya ng mga mahihina. lyan ang ipinahayag ni Karl Marx.

10. Dilemma. Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para bang iyon lamang at wala nang iba
pang alternatibo.
Halimbawa: Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang ang gawin mo: huwag ka nang pumunta o kaya
ay magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng iyong pag-urong.

ANG ANYO NG PANITIKAN

PANGKALAHATANG URI/ ANYO NG PANITIKAN


Ang pangkalahatang uri ng panitikan ay ang tuluyan at patula. Ang mga akdang tuluyan ay yaong mga nasusulat sa
karaniwang takbo ng pangungusap, samantalang ang patula ay yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig,
tugma, taludtod, at saknong.

ANG MGA AKDANG TULUYAN


Ang mga akdang tuluyan ay marami. Kinabibilangan ito ng nobela o kathambuhay, maikling kuwento, mga dula sa kasa-
lukuyang panahon, mga alamat, pabula, sanaysay, talambuhay, balita, talumpati, at iba pa.
Ang anyong tuluyan ay ay may iba't ibang uri tulad ng maikling kuwento o maikling katha, kathambuhay o nobela, dula,
sanaysay, talambuhay, pangulong tudling, salaysay, atbp.
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)- FIL302 Pahina 2 | 8
(Nicasio at Sebastian, 1965).
Maraming mga akda ang nasa ilalim ng akdang tuluyan. lan sa mga halimbawa nito ay ang nobela o kathambuhay,
maikling katha o maikling kuwento, dula, alamat, pabula, parabula, anekdota, sanaysay, talambuhay, balita at talumpati.
(Villafuerte at Bernales, 2009)

Nobela- itoy isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari
at sumasakop sa mahabang panahon. Ginagalawan ito ng maraming tauhan.
Tinatawag ding kathambuhay, ang nobela ay isang mahabang salaysay ng mga kawing-kawing at masasalimuot na
pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga
kabanata.
Halimbawa: "Banaag at Sikat" ni Lope K Santos.

Maikling Kuwento- ito'y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa kakintalan.
Ang maikling kuwento ay isang salaysay ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing
tauhang may suliranin. Ito'y nagtatapos sa isang takdang panahon at nag-iwan ng isang kakintalano impresyon.
Halimbawa: "Pag-babalik ni Genoveva E. Matute.

Dula-ito'y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tang- halan. Nahahati ito sa ilang yugto, at sa bawat yugto ay maraming
tagpo.
Hindi matatawag na dula ang isang akda kung hindi ang dula isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.
Karaniwang nahahati ang isang dula sa tatlo o higit pang yugto bagamat marami rin ang mga dulang ilsahing yugto.
Halimbawa: "Kahapon, Ngayon, at Bukas" ni Aurelio Tolentino.

Alamat -ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa rito. Ang
alamat ay isang salaysaying nauukol sa pinagmulan ng bagay, pook o pangyayari. Ang Alamat ng Bundok Mayon, Kung
Bakit Mas Mataas ang Araw kaysa sa Buwan ay ilan lamang sa mga alamat na kinalulugdang basahin ng mga mag-aaral.
Halimbawa: "Ang Alamat ng Pinya".

Ang Pabula- mga salaysayin din itong hubad sa katoto- hanan ngunit ang layuniy gingin ang isipan ng mga bata sa mga
pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at pagkilos. Natu- tungkol sa mga hayop ang kuwentong ito. Kung ang
kuwento'y may mga tauhang hayop ang nagsisiganap, nagsasalita at kumikilos, ito'y matatawag na pabula, Ito ang
kuwentong nag-iwan ng aral. Ang isa sa pinakatanyag na pabula ay ang si Matsing at si Pagong ni Jose Rizal at "Ang
Pagong at Ang Unggoy".

Talambuhay-ito'y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito'y pang-iba o pansarili. Naglalahad ng
mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao. Kapag ang talambuhay ay nauukol sa taong siyang sumulat, ito ay
tinatawag na pansariling talambuhay.

Parabula--ito'y mga salaysaying hango sa Bibliyana tulad ng anekdota. Ang layunin nito'y makapagbigay-aral sa mga
mam- babasa o nakikinig. Ang mga kuwentong Ang Alibughang Anakat Ang Mabuting Samaritano ay dalawa lamang sa
mga kuwentong kapupulutan ng magandang kaisipan at mabuting asal.
Halimbawa: "Ang Matandang Mayaman at si Lazaro".

Anekdota - mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay
makapagbigay-aral sa mga mambabasa. Ito ay maikling kuwento ng isang nakakawiling insidente sa buhay ng isang
tao. Maikling salaysay ng natatangi at kawili-wiling pangyayari, karaniwan sa búhay ng kilalá o dakilang tao, at maaaring
tunay na nangyari o hindi Isang magandang halimbawa nito ay:

ANG TSINELAS NI PEPE


(Anekdota ni Jose Rizal)

Isang araw, sumama si Pepe sa kanyang ama sa pamamangka sa ilog. Gustung-gusto ni Pepe ang
pamamangka dahil bukod sa nalilibang siya ay nagugustuhan niyang pagmasdan ang mga nagtataasang mga puno at
naggagandahang mga halaman at bulaklak. Nagugustuhan din niyang pagmasdan ang napakalinis at napakalinaw
na ilog. Kaya’t habang nagsasagwan ang kanyang ama ay abala naman siya sa katitingin sa ilog. Ginagawa niya
itong salamin upang makita ang kanyang mukha. Iba’t ibang ayos ang ginagawa niya sa kanyang mukha. Minsa’y
idinidilat niya ang kanyang mga mata o di kaya naman kaya ay pinalalaki niya ang kanyang bibig. Gustung-gusto rin
niyang nakikita ang iba’t ibang ibon na nagpapahinga sa kanilang mga pugad. Napapalakpak siya sa tuwing siya’y
makakakita ng mga ibong sabay-sabay na lumilipad.

Sa bandang likuran ng bangka laging umuupo si Pepe. Nakataas ang kanyang mga paa sa malapad na kahoy na
inuupan ng kanyang ama.

Ang paghanga ni Pepe sa sama-samang paglipad ng mga ibon ay kanyang pinapalakpakan.

“Yehey! Ang ganda! Sabay-sabay sila sa paglipad!” sabi ni Pepe habang siya’y walang tigil sa pagpalakpak.
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)- FIL302 Pahina 3 | 8
“Pepe, huwag kang malikot. Baka lumubog ang bangka,” paalala ng kanyang ama.

“Dinaramdam ko po, Ama. Labis po kasi akong nagandahan sa nakita ko,” sabi ni Pepe.

Muli na namang nakakita si Pepe ng mga ibong sabay-sabay na limilipad. Hindi niya napigilan ang
pagpalakpak. Kasabay ng kanyang pagpalakpak ay napakislot ang kanyang kanang paa. Hindi niya inaasahang
mahuhulog ang isa niyang tsinelas.

“Ama, nahulog po ang aking isang tsinelas,” sabi ni Pepe.

“Huwag kang mag-alala. Ibabalik ko ang bangka para kunin ang tsinelas mo,” sabi ng kanyang ama.

Sa halip na sumang-ayon ay itinapon ni Pepe ang kabyak ng tsinelas.

“O, bakit mo itinapon ang kabyak ng tsinelas?” tanong ng kanyang ama.

“Para po pakinabangan ng makakakuha. Hindi po kasi niya magagamit ang isang tsinelas lamang,” sagot ni Pepe.

Natawa ang ama ni Pepe. Ipinagpatuloy niya ang pagsagwan habang tuwang-tuwang pinapanood ni Pepe ang
nagliliparang mga ibon.

Sanaysay-ito'y pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. at


pansariling kaisipan ng isang manunulat.

Balita-ito'y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham,
mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.

Talumpati- itoy isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang layunin nito ay humikayat,
magbigay ng impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinyon o paniniwala.

Pangulong Tudling- Ito ay tinatawag ding TINIG NG PAHAYAGAN. Pangunahing tudling ng kuru-kuro ng isang
pahayagan. Isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay-
kaalaman, makapagpaniwala, o makapaglibang sa mga mambabasa. Isang pitak kung saan ang kuru-kuro, opinyon, at
paninindigan ng manunudling ay inilalabas.
Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng
publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid, magpakahulugan, magbigay- puna, magbigay-
puri, manlibang at magpahalaga sa natatanging araw. Itinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o paniniwala at
pagkalito ng tao sa isang isyu.

MGA AKDANG PATULA


ANG TULA Ang pagsulat ng tula ay nanba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat dito ay nangangailangan ng masusing
pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, at paghahanap ng magkakatugmang mga salita upang maipadama ang
isang damdamin o kaisipang nais ipahayagngisang manunulat. Bagama't sa kasalukuyan ay unti-unti nang nawawala ang
sukat at tugma ng isang tula, lalo't ang makabagong manunulat ay naniniwala sa kaisipang malayang taludturan.

Sa isang tula ay maaaring may tatlong interpretasyon o pakahulugan: yaong sa manunulat, sa guro at mag-aaral, bagama't
ang pinakadiwa nito ay isa lamang.

Marami nang katuturang nabuo ang tula at ang ilan ay babanggitin dito. Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, "ang tula ay
isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan na nati- tipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatang
matawag na tula.

Ayon kay Iñigo Ed. Regalado, "ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan, at kabuuang tonong kariktang makikita sa
silong ng alinmang langit."

Ayon naman sa katuturan ni Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay, "ang pagtula'y panggagagad at ito'y lubhang
kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok, at pagtatanghal. Ang kasaklawan ng pagtula ay higit na malawak kaysa
alinman sa ibang gagad na mga sining, pagsama-samahin man ang mga iyon."
Ang mga akdang patula ay may apat na uri: tulang pasalaysay, tulang paawit o liriko, tulang padula o pantanghalan, at
tulang patnigan.

1. TULANG PASALAYSAY:
Ang uring ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay; halimbawa'y ang kabiguan sa pag-
ibig, ang mga suliranin at panganib sa pakikidigma, o kagitingan ng mga bayani.

MGA URI NG TULANG PASALAYSAY

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)- FIL302 Pahina 4 | 8


a) Epiko-ang mga epiko ay nagsasalaysay ng mga kabaya- nihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga
kababalaghan. Itoy nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga panganib at kagipitan.
Halimbawa: INDARAPATRA AT SULAYMAN (Epiko ng mga Muslim) Isinatula ni Bartolome del Valle

b) Awit at Kurido - pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga harit reyna,
prinsipe't prinsesa. Ang dalawang ito'y nagkakaisa sa kaharian. Ang awit ay may sukat na labindalawang (12) pantig at
inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara o bandurya, samantalang ang kurido'y may sukat na walong (8) pantig at
binibigkas sa kumpas ng martsa.
Halimbawa ng Awit"Doce Pares sa Kaharian ng Francia" at "Florante at Laura" ni Francisco Balagtas

k) Balad-Ito ay may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang panahon.
Sa kasalukuyan ay napapasama na ito sa tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.

2. TULA NG DAMDAMIN O TULANG LIRIKO:


Ang uring ito ay nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng suTaulat o ngibang tao, o kaya'y likha ng maharaya o
mapangaraping guni-guni ng makata na batay sa isang karanasan. Karaniwang maikli, likas, at madaling maunawaan ang
mga ito.

MGA URING TULANG LIRIKO:


a) Awiting Bayan -ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba,
kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan.
b) Soneto-ito'y tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na
pagkatao, at sa kabuuan, itoy naghahatid ng aral sa mambabasa.
Halimbawa: "SONETO NG BUHAY (Fernando B. Monleon)
k) Elehiya-nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya'y tula ng pananangis lalo na sa
paggunita ng isang yumao. Halimbawa: "AWIT SA ISANG BANGKAY (Bienvenido A. Ramos)
d) Dalit-awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.
e) Pastoral-ito'y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid. Halimbawa: Bayani ng Bukid" (Al Perez)
g) Oda- Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o
tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.

3. TULANG DULA O PANTANGHALAN:


Saklaw ng uring ito ang mga sumusunod:

a. Komedya-Isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihang
manonood. Nagwawakas ito nang masaya. Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na
siyang nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood.
b. Melodrama- Ito ay karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera. Ngunit ngayon ito ay
may kaugnayan sa trahedya tulad din ng parssa sa komedya. Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit
nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula.
k. Trahedya-Angkop ang uring ito ng dula sa mga tungga- liang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ngE
pangunahing tauhan.
d. Parsa-Isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayanng
nakatatawa.
e. Saynete- Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng Lao o pook.

4. TULANG PATNIGAN:
Kabilang sa mga uring ito ang mga sumusunod:
a. Karagatan- Ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa nanaihulogniya sa dagat sa hangarin nitong
mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa
dagat at ang makakukuha'y pakakasalan niya. Sa larong ito, isang kunwa'y matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng laro;
pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabo na may tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito paghinto
ay siyang tatanungin ng dalaga ng mga talinghaga.
b. Duplo-Ito ang humalili sa karagatan. Ito'y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Ang mga
pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga
namatayan.
k. Balagtasan- Ito ang pumalit sa duplo at ito'y sa kara- ngalan ng Siesne Ng Panginay na si Francisco "Balagtas"
Baltazar. Ito'y tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.

ANG KAHALAGAHAN NG PANITIKAN

BAKIT DAPAT MAG-ARAL NG PANITIKAN?

May limang mahahalagang bagay kung bakit dapat tayong mag-aral ng Panitikang Pilipino.

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)- FIL302 Pahina 5 | 8


UNA: Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos ang ating minanang yaman ng isip at angking
talino ng ating pinanggalingang lahi.

IKALAWA: Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal na tradisyong siya
nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.

IKATLO: Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulatng panitikan at makapagsanay na ito'y matuwid at
mabago.

IKAAPAT: Upang makiłala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito'y malinang at
mapaunlad.

IKALIMA: Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang
pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN

May mga mahahalagang bagay na nakapangyay ari sa panitikan. ltoy ang mga sumusunod:

1. Ang klima-ang init o lamig ng panahon, ang bagyo, unos, baha, at ulan ay malaki ang nagagawa sa kaisipan at
damdamin ng manunulat.
2. Ang hanapbuhay o gawaing pang-arau-araw ng tao- Nagpapasok ng mga salita o kuru-kuro sa wika at panitikan ng
isang lahi angtungkulin, hanapbuhay, o gawaing pang-araw-araW ng mga tao.
3. Ang pook o tinitirahan- Malaki ang nagagaga wa nito sa isipan at damdamin ng tao. Kung ang pook na kinatitirahan
ng mga tao ay may magagandang tanawin, mahalaman, maaliwalas, sagana sakabukiran, madagat, at mabundok, ang mga
itoy siyang magiging paksa ng panitikan ng mga taong nagnanasang sumulat.
4. Lipunan at pulitika-Nasasalamin sa panitikan ng isang lahi ang sistema ng pamahalaan, ang ideolohiya at ugaling
panli- punan, at gayun din ang kultura ng mga tao.
5. Edukasyon at pananampalataya-Kung busog ang isipan dala ng malawak na edukasyong natutunan, ang mga itoy
mababakas sa panitikan ng lahi. Ang pananampalataya ay pina paksa rin ng mga makata at manunulat.

V. Aktibidad
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang panitikan? Magbigay ng kahulugan ng panitikan ayon sa paborito mong manunulat at
ipaliwanag ang kanyang pakahulugan.
2. Ano ang kasaysayan? Paano ito nauugnay sa panitikan?
3. Ano ang pagkakaiba ng awit sa korido? Magbigay ng halimbawa.

VI. Pandagdag sa Nilalaman

ANG IMPLUWENSTYA NG PANITIKAN


Kung ang limang kalagayang nabanggit na nakapangyayari sa panitikan ay may impluwensiya sa anyo, hangarin, at
laman ng panitikan, ang panitikan naman ay may dalang mahalagang mpluwensiya sa buhay, kaisipan, at ugali ng tao.

1. Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng akda.


2. Dahil sa panitikan nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman sila ng ugali at palakad at
nag- kakatulungan.

Maramiring mga akdang pampanitikan ang nagdala ng impluwensiya sa buong daigdig. Ilan lamang sa mga ito
ang mga sumusunod:

1. Banal na Kasulatan o Bibliya- Ito ang naging batayan ng Kakristiyanuhan. Mula sa Palestino at Gresya.
2. Koran- Ang pinakabibliya ng mga Muslim. Galing ito sa Arabia.
3. Ang lliad at Odyssey- Ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda ito ni Homer.
4. Ang Mahabharata- Ito ay ipinalalagay na pinakama habang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito ng kasaysayan ng
pananampalataya ng Indiya.
5. Canterbury Tales-Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Galing
ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer.
6. Uncle Tom's Cabin-Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Kababasahan ito ng naging karumal-dumal
na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng demokrasya.
7. Ang Divine Comedia- Akda ni Dante ng Italya. Nagpa- pahayag ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga
ltalyano nang panahong yaon.
8. Ang El Cid Compeador -Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang kasaysayang
pambansa.
9. Ang Awit ni Rolando- Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay ng gintong
panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya.
10. Ang Aklat ng mga Patay- Naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)- FIL302 Pahina 6 | 8
11. Ang Aklat ng mga Araw -Akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang
pananampalataya.
12. Isang Libot Isang Gabi - Mula ito sa Arabia at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan
at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.

VII. Pagtatasa/Ebalwasyon
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Paano makatutulong ang dalit at duplo sa pananampalataya ng isang tao?
2. Turan ang mga uri ng tulang liruko. Ipaliwanag ang bawat isa at magbigay ng halimbawa.
3. Ibigay ang pagkakaiba ng duplo sa balagtasan.

VIII. Takdang Aralin


Magsaliksik tungkol sa Panahon Bago Dumating ang mga Kastila.

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)- FIL302 Pahina 7 | 8

You might also like