0% found this document useful (0 votes)
480 views6 pages

Maikling Kuwento - Handout

Ang dokumento ay tungkol sa maikling kwento bilang isang anyo ng panitikan. Binigyang-diin nito ang mga katangian, sangkap, bahagi, at iba pang kaalaman tungkol sa maikling kwento.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
480 views6 pages

Maikling Kuwento - Handout

Ang dokumento ay tungkol sa maikling kwento bilang isang anyo ng panitikan. Binigyang-diin nito ang mga katangian, sangkap, bahagi, at iba pang kaalaman tungkol sa maikling kwento.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 6

ANG MAIKLING KWENTO

(Karagdagan kaalaman)
Katuturan:

- isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na


pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa.

- maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. Hindi ito


pinaikling nobela o buod ng isang nobela.

- Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay


napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang
paraang mabilis ang galaw.

Pangkat ng mga Manunulat ng Maikling Kwento

1. sumusunod sa dating pamamaraan ng pagsulat – nanininwalang mahalagang magkaroon


ng isang balangkas ang maikling kwento.

2. sumusunod sa makabagong pamamaraan – naniniwalang hindi na kailangan pa ng balangkas


sa pagkatha ng kwento kundi ang higit na mahalaga ay maikintal sa isipan ng mga
mambabasa ang isang larawang hindi kaagad-agad maaalis sa kanilang gunita o madama
nila ang masidhing damdaming pilit na titinag sa kanilang kalooban.

Mga Katangian ng Maikling Kwento:

1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.


2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilang ibang mga
tauhan.
3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.

4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na sinusundan


kaagad ng wakas.

5. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan.

Mga Sangkap ng Maikling Kwento:


1. Banghay – tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari.

2. Tauhan – tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at


pantulong na tauhan.

ONLINE NOTES – FILIPINO 9


Bb. VHINE CELORICO
Dalawang Uri ng Paglalarawan ng May-akda sa Tauhan:

a. tuwirang pagpapahayag - kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa


kwento ang mga katangian ng tauhan

b. madulang pagpapahayag - kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, na


nangangahulugang mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng
pagkilos at pagsasalita niya.

3. Tagpuan – tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento.

Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon


upang makatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito.

4. Paningin – pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento.

Nakikilala rito ang mga sumusunod:


a. paglikha ng nagsasalaysay
b. ang lugar at panahong sumasaklaw sa pagsasalaysay

c. ang taong pinagsasalaysayan nito.


d. ang relasyon ng pagsasalyasay at ang pangyayaring isinasalaysay
e. kung gaano ang nalalaman ng nagsasalaysay.

ONLINE NOTES – FILIPINO 9


Bb. VHINE CELORICO
5. Paksang-diwa o tema – tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentral na ideya ng kwento
na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat ihayag sa isang salita o parirala lamang
kundi sabihin ito sa isang buong pangungusap.

Halimbawa:
“ ang pagsama ng isang tao”

- kundi ihayag ang buong pangungusap nang ganito:

“kung minsan, ang pagsama ng isang tao ay dala ng mapapait niyang karanasan sa
buhay ”

6. Katimpian – masining na paglalarawan sa damdamin. Ang maingay at nagpapalahaw na pag-


iyak ay di tanda ng kalaliman ng kalungkutan; di gaya ng tahimik, pigil at di mailuhang pighati.

7. Pahiwatig – tinatalakay ang pangyayaring nagaganap sa isang akda. Ipinahihiwatig ang


pangyayaring inaakalang mahalaga sa kwento. Dahil dito, nagiging malikhain ang mga
mambabasa sapagkat naiiwan ang kanyang guniguni o imahinasyon sa mga pangyayaring
nagaganap o maaaring maganap sa maikling katha. Sa pamamagitan din nito‟y nagiging
matimpi ang pagsasalaysay, hindi nagiging kabagu‟t bagot sa sinumang bumabasa ang
paglalantad ng mga sunud-sunod na pangyayaring inaakalang napakahalaga bilang isa sa
pangunahing sangkap ng maikling kwento.

8. Simbolo – ito ang mga salita na kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng
iba‟t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.

Halimbawa:

Ang puti ay kumakatawan sa kalinisan o kawagasan samantalang ang pula ay


kumakatawan sa katapangan o kaguluhan.

9. Suliranin – mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay daan upang
magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento. Dito makikita kung paano
kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa suliraning kinakaharap.

10. Tunggalian – ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at
kapana-panabik ang mga panggyayari kaya‟t sinasabing ito angsanligan ng akda. Nagsisimula ito
sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa katuparan.
Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng layunin ; at dapat
na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.

Mga uri ng Tunggalian:

a. tao laban sa tao


b. tao laban sa sarili
c. tao laban sa kalikasan

11. Kasukdulan – dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang madarama ng
mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing
tauhan o bayani sa kwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang

ONLINE NOTES – FILIPINO 9


Bb. VHINE CELORICO
magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang
tinurang pananabik sa kahihinatnan ng pangunahing tauhan.

12. Himig – ito‟y tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo, mapagtawa at iba pang
magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin.

13. Salitaan – ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural at hindi artipisyal ang
dayalogo.

14. Kapananabikan – nalilikha ito sa paglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhan laban sa mga
kasalungat niya. Ito ang pagkabahalang nararamdaman ng mga mambabasa bunga ng hindi
matiyak ang magiging kalagayan ng pangunahing tauhan sa kanyang pakikipagtunggali.

15. Kakalasan – ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.

16. Galaw – tumutukoy ito sa pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng


suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.

ONLINE NOTES – FILIPINO 9


Bb. VHINE CELORICO
17. Wakas – bagama‟t ang kwento‟y maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong
kailangan pa rin ng katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan.
Maaari itong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip
na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.

Mga Bahagi ng Maikling Kwento

1. Pamagat – tumutukoy sa pangunahing paksa ng kwento. Dito umiinog ang buong diwa at
daloy ng mga pangyayari.

2. May-akda – tumutukoy sa sumulat o lumikha ng kwento. Sa pagtalakay sa bahaging ito ay dapat


makilala kahit na pahapyaw lamang ang katangian ng sumulat upang maikumpara ang
kanyang talino at pagkatao sa paglikha ng mga kwento at ang kaugnayan nito sa sariling
karanasan, pananaw sa buhay at sa paligid na kanyang kinabibilangan.

3. Panimula – ito ang simulain ng kwento. May iba‟t ibang paraan ng pagpapakilala
rito:

a. Pagpapakilala sa mga tauhan – ipinababatid ang kanilang pagkatao lalo na ang


pangunahing tauhan, mapangibabaw ang katangian ng pangunahing tauhan upang
magkagiliw agad sa kanya ang mga mambabasa.

b. Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan – kailangang pagitawin


ang suliranin ng pangunahing tauhan upang matiim sa isipan ng mga mambabasa na
sa kanya iinog ang mga sumusunod pang pangyayari.

c. Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming pagigitawin sa kwento – ang


lahat ng mga pangyayari sa tauhan sa akda ay kailangang isang damdamin lamang ang
antigin sa mga mambabasa.

d. Paglalarawan ng tauhan – sa „di tuwirang pamamaraan, magagawa ng may-akdang


madama ng mga mambabasa ang kapaligirang gagalawan ng mga tauhan lalo na ng
mga bayani sa akda; mahalaga ito upang madaling matiyak ng mga mambabasa ang
suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan at ang damdaming nais maantig sa
mambabasa.

4. Tunggalian – ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat na


maaaring isa ring kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya.

5. Kasukdulan – ito ang pinakamataas na uri ng pananabik; sa bahaging ito ng akda humigit-
kumulang at malalaman na kung nagtagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa
paglutas niya sa kanyang suliranin.

6. Wakas – ito ang kinalabasan at naging resulta ng pakikipagtunggali ng mga tauhan sa mga
suliraning kinaharap. Ito rin ang pinakadulong pangyayari ng daloy ng kwento.

ONLINE NOTES – FILIPINO 9


Bb. VHINE CELORICO
ONLINE NOTES – FILIPINO 9
Bb. VHINE CELORICO

You might also like